Pinoy 's posts with tag: alex
Ito ang reaction ng mga housemates sa bagong hairdo ni Alex. mukahng pareho ng hairstyle si Alex at si Daddy Ike at natuwa naman ito dahil mukhang marami pa rin ang kanyang hair. Balak pa siya lagyan ng blue color ni Beauty to match his punk look. Cute pa rin nga naman si Alex di ba?
Yan ang natanong ni Robi kay Alex habang inaayusan siya ni Josef ng buhok. Mukhang bagong gupit ang housemate kaya nagpatulong ito sa fashion/beauty guru ng mga boys na si Josef. Plinaplantsa ni Josef ang "bangs" ni Alex and Robi asked him kung siya rin ay nagplaplantsa araw araw. "Di no," sagot ni Josef, "pagumaalis lang. Sobrang tamad ko kasi eh." Aba natamad ka pa ng lagay na yan Josef ha!
Nagpresent si Alex, Kevin at si Beauty ng isang nakakatawang number to the tune of "Sofa" na gawa ng isang aspiring PDA scholar. Tawang tawa ang mga housemates sa girly na itsura nina Alex at Kevin samantalang si Beauty naman ay nagmukhang siga? Mukhang bagay na bagay sa 2 boys ang skirts nila ah...
 May Reyna na ang haring si Nan! at ang masuwerteng binata, tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng biyaya! Si Nicole ang idineklarang Queen ni Nan! Ipinagtabi sila sa living room habang pinapanuod ang activities ng housemate. Feeling hari na talaga si Nan pero mukhang kulang sa chemistry ang dalawa. Kaya naman si Priscilla lumapit sa kanila at nirecite ang famous line ni Juliet na "Romeo, romeo, wherefore art thou Romeo?" Aba naman Priscilla, hindi ka lang Rizal quoter, pati Shakespeare alam mo rin? Impressive. Tumango at nagsmile naman ang "couple". Ang dynamic duo namang si Kevin at Alex kinantahan pa ng love song na "Falling in Love with You" ang royal couple. Habang kumakain si Nan, sinusubuan pa siya ng food ni Valerie. Hindi kaya magselos ang Queen Nicole niyan, Val?
Nan, it's your time to shine! Mula sa pagpapaligo, pagttoothbrush at pagbibihis, haring-hari ang dating ni Nan dahil sineserbisyohan siya ng gentle giant na si Jolas. Curious na curious si Kevin na tinitingnan ang ginagawa ni Jolas kay Nan. At si Nan naman todo flash ang pearly whites sa VIP treatment ng housemate. Hindi pa nagtatapos doon! Sinuotan pa siya ng gold na outfit na panghari, at may matching crown pa! Si Rona ang nag-ayos ng final look ni Nan at satisfied ang junior kengkoy ng Davao. Pagkalabas sa kwarto, pabiro at may kasamang bungisngis na nag low bow pa sa kaniya si Kevin, Alex at Josef! Hmm.. Subaybayan natin ang mga detalye ng pagiging hari ni Nan!
Umagang-umaga at may violation na si Kevin! Mukhang naiwan pa niya ang sarili sa dreamland kaya naman patuloy ang pagkakausap sa ibang housemates na walang lapel! Agad na tinawag ni Kuya ang kaniyang attention sa pagring ng ding dong at pagflash sa screen. Dali-daling tinawag ni Alex si Kevin para ibalita ang pagpapaalala ni Kuya. Boys nangongolekta ba kayo ng violation? Kevin strike two na kaya ingat next time!
A happy-go-lucky guy, Nan steps out onto the stage in a Capt. Jack Sparrow outfit. Bagay na bagay sa kanyang nickname na Junior Kengkoy ng Davao. And komedtante daw ay sweet lover. Totoo kaya? Mommy Love sends him off, with the wish that he does good in the house. After all, he goes in hoping to make his mom proud. Alex, the Italian Valentino of Milan, plays soccer and was operated on because of being flat-footed. Truly Filipino, he wants to live i n the Philippines and help make his family's life better. This Italian boy watches Wowowee and Game Ka Na Ba?, but if all goes well, he has to miss out on the next two months of that. Bianca welcomes him onstage, commenting on his cute accent. His Mommy Minda sends him off, telling him "Kaya mong maging Pilipino". Though not seen onstage, he greets his Pinay girlfriend Melanie. Too bad, girls, this one's already taken! Trivia (care of Luis): Gulay lang ang pwedeng kainin ng housemates kapag natalo sa weekly tasks. Tsk, sana lang gusto nilang lahat ng gulay!
| |