Pinoy 's posts with tag: alex anselmuccio

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag alex anselmuccio
Blog EntryKevin at Beauty, friends na ulit!Apr 23, '08 3:02 AM
for everyone

Kahit na mortal enemy number 2 ang parents ng dalawa, friends na ulit sila! Balik ulit si Kevin sa pagtawag niya kay Beauty ng "piggy" at nung napansin ng Spanish Stallion na malungkot ang friend, tinawag niya ito para tabihan siya sa kama. Para pasayahin si Beauty, nagoffer si Kevin na lulutuan niya ito. Tumanggi naman ang Rebellious Beauty dahil diet daw siya. Balik biruan ang Twin Towers kay Beauty at pinipilit siya na palabasin ang three chins. Kamusta naman iyon diba? Talagang bati na sila. Yung guardians kaya nila may pag-asa pa?


Blog EntryAlex goes AbakadaApr 20, '08 2:45 AM
for everyone

Pursigido si Rona na turuan si Alex kaya naman back to basics ang dalawa. Tinuruan ni Rona ang Italian Valentino ng Abakada. Hindi kaya magselos nanaman nito si Beauty? In fairness, mukhang gusto ngang maging totoong Pinoy ni Alex kaya attentive siya sa pakikinig sa Tagalog enunciations ni Rona. Mapasa kaya ni Alex ang test ni Kuya na 2,000 Tagalog words? Good luck Alex!


Blog EntryTsismis ni BeautyApr 19, '08 1:40 AM
for everyone

Si Beauty na ang bagong tutor ni Alex sa Tagalog! Kaya naman more bonding moments para sa dalawa. Sa pag-uusap nila kanina nabanggit ni Beauty na mayroon daw na may masamang amoy sa teens. Naku naman dahil ba ito sa maikling shower time para sa kanila? Tanong ni Alex kung siya daw iyon at sagot naman ni Beauty na hindi. Basta meron daw pero secret lang niya iyon. Hmm kayo talaga housemates, dapat maximize niyo rin ang shower time!


Blog EntryTeens groove to "Kabataang Pinoy"Apr 19, '08 1:09 AM
for everyone

Bagaman mabagal ang hapon at mukhang pagod ang mga teens, nagsitayuan pa rin ang lahat nung pinatugtog ang theme song nila. Tumigil si Priscilla at Rona sa pag-aayos ng buhok nila para lang maki-join sa iba. Lumabas rin lahat ng teens sa mga kuwarto para sama-samang isayaw ito sa dining area ng guardians. Mayroon pang comedy na step si Robi at Alex na talaga namang nagpatawa sa mga teen housemates. Panoorin ang sayaw na ito mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!


Blog EntryProblems on budgetingApr 18, '08 11:50 PM
for everyone

Inatasan si Nan, Alex at Nicole para asikasuhin ang pagbudget ng mga kakainin nila sa susunod na linggo. Bawal daw makialam ang ibang housemates kaya naman tiningnan lang nila ang tatlo. Hirap ang tatlo na isipin kung ano-anong mga ulam ang kakasya sa weekly budget na Php 3,000. Pero para kay Nan, basta may "in can" eh solve na siya. Yung iba naman nagpapahapyaw na maglagay ng sardinas. Maipanalo na kaya nila ang weekly task sa susunod na linggo para hindi na sila mamroblema sa budget?


Blog EntryTwin towers + Robi prepare for their weekly task!Apr 17, '08 11:44 PM
for everyone

Lumabas ng confession room si Alex, Kevin at Robi na suot-suot na ang kanilang costumes! Handang handa na sila sumabak sa weekly task nila ngunit si Robi may konting kaba. "Walang sisihan" daw kung hindi man niya mahanap ang dulo ng maze. Pero mukhang nawala rin ang kaba nito nung nagchoreograph sila ni Kevin sa nursery rhyme na "Three Blind Mice". Wagi kaya ang tandem ng tatlong ito sa weekly task nila?


Blog EntryHousemates prepare for the surpriseApr 17, '08 2:30 AM
for everyone

Kaniya-kaniyang handa na ang housemates para sa presentation nila kay Linda! Si Ejay nagmemorize na ng kaniyang kanta at si Rona naman inaasikaso na ang mga gagamitin nilang props. Tulong-tulong sila ni Nicole at ni Josef sa paggawa nito. At ang mga housemates, may nalalaman pang pag-aalay ng bulaklak kay Linda? Hmm.. para sa ibang occasion ata ito housemates? Ang kakantahin ni Alex ay Crazy Love ng dating PBB Teen Housemate na si Kim Chiu, at yung kay Josef naman ay I Love You, Goodbye. Sana lang hindi umiral ang kakulitan ni Josef habang kinakanta ang madamdaming song na ito!


Blog EntryCooking with Daddy John and BeautyApr 15, '08 11:20 PM
for everyone

All gulay week ang housemates ngayon at tumutulong si Daddy John na lutuan sila! Waitress ang kaniyang lovely wife kaya talagang nanalaytay sa dugo ng mga Floods ang pagiging expert cooks. Si Beauty kanina pa rin naghihiwa ng gulay at nagpipiraso ng malunggay para sa hinahandang putahe ni Daddy John. 

Mapapansin na very close si Beauty kahit sa parents ng Twin Towers na si Alex at Kevin. Kaya hindi malayo na botong-boto si Daddy John sa Rebellious Beauty para sa kaniyang unico hijo!


Blog EntryMore, More, More!Apr 8, '08 10:19 PM
for everyone

Todo hakot ang mga housemates ng mga pagkain sa storage room nang pinayagan sila ni Kuya pumasok dito! Kaniya-kaniyang strategy ng pagkuha ng mga chichirya. Andiyan si Priscilla na pinuno ang jacket niya hanggang sa nag-uumapaw na ang pagkain. Si Nicole naman iilan lang ang kinuha. Marami ring nakuha si Beauty pero ang kumain ang close guy friends na si Kevin at Alex. Mukhang iyan ang tamang strategy!


Blog EntryJosef the Spy!Apr 7, '08 10:46 PM
for everyone

Nahuli ni Josef na nagescapade si Robi at Alex kagabi! Kinuwento ng Lethal Lasallite kay Kevin at Jolas na puyat na puyat ang dalawa dahil may pinuntahan pa kagabi. Hindi nakasama si Nan dahil may injury siya. Hindi pa natigil dun ang pagka-sneaky ni Josef, nahuli rin niya ang mga naglagay ng mga new Jag outfits nila sa loob ng bahay ni Kuya. Papikit-pikit lang daw siya pero huling-huli niya. Mukhang may katapat na si Jieriel sa pagiging imbestigador sa bahay ni Kuya!


Blog EntryAlex baby ng mga girls!Apr 6, '08 12:38 AM
for everyone

Nagseselos si Alex dahil nag special treatment ang girls kay Kevin kahapon! Si Linda at Beauty naman ay dali-daling binaby ang nagpapaawang si Alex. Hinihimas-himas siya ni Beauty sa buhok habang si Linda naman ay nagmasahe ng kamay niya.

Aba? Ang swerte mo naman Alex! Kung ganito pala ang treatment sa lahat ng nacircumcise, marami sigurong magvovolunteer. At hindi pa natapos doon, nagbaby talk pa ang Italian Valentino. Gusto niya ng 2 moms para ipungpong galapong siya. Hmm.. hindi kaya magselos niyan si Mommy Minda?


Blog EntryThe calm before the stormApr 3, '08 10:44 PM
for everyone

Matapos magensayo ng housemates, naghiwa-hiwalay sila at nagkaniya-kaniyang gawa para magrelax. Si Alex, Linda at Nicole naglaro nanaman ng talaga namang favorite card game na UNO! Si Rona at si Robi naman patuloy pa rin ang pagpipirma ng notebooks. At si Kevin sabi ni Linda ay nagmomoment sa banyo. Trivia pa galing kay Linda: kapag kumakanta ang Spanish Stallion ng My Heart Will Go On, sure na na nag"happy pupu" ang binata. Wow. Kapansin-pansin rin ang mga shorts ng mga boys na may smiley face sa gitna. Ano naman kaya ang ibig sabihin ito? Ang pagrelax kaya na ito ay makatulong para ibigay ang best shot nila mamaya? Abangan...


Blog EntryAlex likes Beauty... in his dream!Apr 3, '08 12:29 AM
for everyone

Crush ni Alex si Beauty sa panaginip niya! Natawa ang trophy kid na si Robi nang marinig ang kuwento ni Alex. Kaya naman pagdating ng gentle giant na si Jolas, gusto rin niyang ibahagi dito. Ipinapakuwento ulit ni Robi kay Alex at sabi ng bagong binata ay napaginipan  niyang gusto niya si Beauty. Hindi mapigilang tumawa si Jolas! Bumanat tuloy si Robi kung gusto nga ba talaga ni Alex si Beauty? Kaya sabi naman ng Italian Valentino, oo sa dream gusto niya pero in real life, hindi! hindi talaga! at hindi pala dream iyon kundi nightmare daw ito. Pero sabi nga nila ang ang panaginip ay subconsciousness ng tao. Baka naman Alex gusto mo talaga si Beauty ah? Aminin!


Blog EntryClose call for the guardians!Apr 2, '08 10:25 PM
for everyone
Muntik nang mahuli ni Alex ang nagliliwaliw na guardians sa bahay ng teen housemates! Pinayagan ni Kuya na maglibot-libot ang mga guardians sa space ng teens. Si Daddy John at ang kakulitan niyang si Daddy Erning  nagswimming pa! Ang mga mommies naman hindi mapigilang magtsisimisan sa bahay ni Kuya. "May anak pa raw ito kay ano..." Ano daw? Yung iba namang mommies very proud na ipinakita ang mga pictures ng mga anak nila na nakadisplay sa sala. Dahil hindi mapakali si Alex sa sakit ng operasyon, maaga siyang gumising at muntikan nang lumabas sa kuwarto. Pero nahiga na lang ulit ang binata at natulog ulit. Buti na lang dahil siguradong magtataka na sila kung bakit madalas may guardians na bumibisita sa kanila! Tingnan ang buong kuwento sa PBB Official Website.

Blog EntryAlex hides the pain!Apr 2, '08 3:03 AM
for everyone

Kahit na itinatago ni Alex ang nararamdaman, halata na hindi mapakali ang binata. Ang ibang boys nakikipagkuwentuhan na sa girls samantala ang bago nating binata, hindi makapagsalita! Nakadikit halos kay Mommy Minda at may malalim na pinaguusapan. Nagaalala na ata siya kung paano na kapag nawala ang anesthesia? Ang mga girls naman panay ang kulit sa boys kung naka underwear ba sila. Si Jolas nagdemo pa at tumalikod para ipakita na wala nga siyang underwear. Para matakasan ang pagdidiskubre ng girls, nagtago ang boys sa kwarto. Mahalata nga kaya ng mga girls ito? Good luck sa pagtatago boys!


Blog EntryThe boy is now a man!Apr 2, '08 1:21 AM
for everyone

Tapos na ang masalimuot na proseso na pinakaaantay ni Alex! Ang Italian Valentino, binata na! Habang nagbibigay ng cooking lessons si Mommy Minda sa girls, lumabas ang boys na nakapila at nakapalda. Ang lakad pa nila ay parang sila lahat ay dumaan sa ilalim ng kutsilyo. Mukhang itinatago ng boys na si Alex ang totoong nagpatuli para hindi mapahiya ang bagong binata. Ang girls naman hindi mapigilang matawa at mag-usyoso. Si Jieriel nagkaroon ng ideya kung ano ito, kasi naman daw "tuli month" kaya baka sila lahat ay nagpatuli.

Tinanong nila si Mommy Minda kung si Alex daw ba ay tuli na. Pinagtakpan ang anak at ang sagot: hindi ko alam, bakit sa girls ba tinatanong kung may ano [period] na?

Napatahimik ang girls at nakalusot si Mommy Minda! Hinuhulaan nila kung sino ba sa nakapaldang lalaki ang nagpatuli. Hindi daw si Ejay kasi diretso maglakad. Si Robi naman nirereverse psychology ang mga housemates kaya nagpresentang ipakita. Baka ma MTRCB tayo niyan!

Abangan ang kakatwang episode na ito mamaya sa Uber at sa Primetime Bida!


Blog EntryMajor housecleaning for the housemates!Apr 1, '08 10:55 PM
for everyone

Si Mommy Minda hindi talaga tinantanan ang pagbubusisi sa mga gawaing-bahay! Napakaworkaholic ni Mommy at umaasa siya na magrub off ito sa mga teens. Naghanap ng tuturuan si Mommy at ang first batch of students: ang malapit nang maging binata na si Alex, at ang Junior Kengkoy na si Nan. Ang unang lilinisin nila ay ang banyo. Hala si Mommy todo mop sa sahig at binibigyan pa ng tips ang dalawa. Wala tuloy takas ang dalawa sa pursigidong pagtuturo ni Mommy. Kaya Beauty humanda ka na mamaya! Hindi ka tatantanan ni Mommy Minda hanggang sa matuto ka!


Blog EntryMommies visit the teens!Apr 1, '08 4:36 AM
for everyone

Nagulat ang mga teen housemates nang pumasok sa loob ng bahay si Mommy Minda ni Alex! Sabi niya ay siya daw ang tatayong ina para sa mga mommies ng teens. May bonus pa ito! (Beauty take note of this) Matuturuan ang mga housemates ng household chores. Maya-maya lang bumukas ulit ang pinto ng housemates and in comes Nicole's mom! Sinalubong ng In-Chick ng Cebu ang namimiss na niyang mommy. At home na agad ang mommies at komportableng nakipagkwentuhan sa mga teen housemates. Pero hindi ba April Fools' day ito? Ano kaya ang joke ni Kuya dito?


Blog EntryLibreng Tuliang Bayan on April 2!Mar 31, '08 2:36 AM
for everyone
Sama-sama nating samahan si Alex sa one time experience na magaganap sa bahay ni Kuya! Libreng Tuli ng Bayan sponsored by Kuya ang ibibigay namin para sa inyo. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga batang lalaki na may edad ng 10-18 para pumunta sa eviction hall sa Miyerkules, April 2. Ang unang 100 na kalalakihan lamang ang mapagbibigyan. Ipaalam ito sa mga kapamilya, kapitbahay at tumungo na sa PBB eviction hall!

Blog EntryAlex and Kevin appease KuyaMar 31, '08 2:19 AM
for everyone

Dahil sa violation ng housemates ng pag-aaksaya ng pagkain, desidido sila na gawin na ang tama. Matapos ang pagkain ng mala-fiestang handa, ang may lapel violation na si Kevin ay tumulong sa pagligpit ng leftovers. Kasama ang buddy na si Alex, tulong-tulong nilang ibinalot sa clingwrap ang handa. Aba naman boys, trying to please Kuya! Natututo na ang mga housemates matapos ang isang linggo sa bahay ni Kuya. At mukhang patungo sila sa magandang pagbabago ng mga nakagawian at nakasanayan nila. Ano-ano pa kayang mga pagbabago ang magaganap sa bahay ni Kuya? Patuloy na tutukan ang mga pangyayari sa teen housemates!


Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help