Masaya ang naging umaga ng mga celebrity housemates nang magising silang kasama si Angel Locsin. (read the full story on the PBB Official Website). Akala ng mga housemates ay makaka-bonding nila ang bagong houseguest sa bahay ni Kuya, pero biglang kinailangan nilang magbihis into military camouflage uniform at dumiretso agad sa activity area. Naiwan sina Yayo at Baron sa bahay, at hindi nila malaman kung saan nga ba dinala ni Angel ang ibang mga housemates.
Hindi kaya pinadala ni Big Brother si Angel at ang mga housemates sa Mindanao o sa Iraq?