Finally ay finish na ang baking task ng mga housemates. At talaga namang uber cute and mouth-watering ang snow-white fondant cake with pink accents na dinecorate ng mga girls. Todo puri nga si Baron na naaliw kanina kahit pagkahaba-haba ng preparation nito. Sabi nga ni Gaby, "I'll look at cakes from a whole different perspective already." But still, nag-enjoy naman sila at natuto sa kanilang activity.
Happy namang nagpaalam sa kanila si Ms. Penk Ching na kinontrata pa nina Mariel para maging cake decorator niya sa kanyang wedding five to seven years from now! Natawa lang ang expert cakemaker at sinabi sa kanila to feel free na tawagan siya kung may questions pa sila about baking.