Pinoy 's posts with tag: baron geisler

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag baron geisler
Blog EntryPBBCE2 New Year Updates (2nd repost)Jan 1, '08 7:58 AM
for everyone

Hello mga kuyanatics! Tuloy-tuloy lang ang pagboto para sa inyong Big Four bets dahil bukas ay live na live magaganap ang huling eviction night para sa PBB Celebrity Edition 2. Natunghayan nga natin sa sneak peek kanina sa Uber kung paanong umamin itong si Jon na siya ang nag-instigate na  inominate nila ang isa't-isa sa takot na baka siya ang mapaalis at hindi makasama sa Big Four. Hm... Mukhang malabo ang statements ng boarders ni kuya ah! Ang continuation ng istoryang iyan ay abangan niyo mamaya sa Primetime Bida.

Samantala, alamin ang saloobin ng forced evictee na si Baron na nagpahayag ng unang interview niya kanina sa Uber sa PBB Official Website. Sa loob naman ng bahay ni Kuya ay nag-break muna sina Gaby, Riza at Will sa pag-form ng coin insignia sa ilalim ng pool bilang activity nila ngayon, habang sina Jon at Ruben naman ay busy pa rin sa pagbibilang ng balde-baldeng barya na ibinigay ni Kuya kanina.

Tutok lang dito sa PBB Multiply Site para sa mas madami pang updates sa inyong favorite housemates! =)


Blog EntryBaron Geisler, Forced EvictedDec 27, '07 10:55 AM
for everyone

Opisyal nang inanunsyo sa PBB Primetime kanina ang pagpataw ng Forced Eviction kay Baron dahil sa sunod-sunod na violations na kanyang nagawa kasama na ang paninigarilyo niya sa kitchen, storage room at confession room; ang pagbabanta niya kay Will at ang pagmumura niya kay Kuya. Hindi na nga ito pinalampas na muli matapos siya'y mabigyan ng pagkakataong patunayan ang kanyang sarili noong una siyang nalasing.

Pero sa kanyang pag-alis, ibig sabihin ay isa na lang sa natitirang limang official celebrity housemates ang matatanggal bago tanghalin ang Celebrity Big Four. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa inyong list of winners this edition?

To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto sa PBB Official Website o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide.

Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw.


Blog EntryOktoberfest in December?Dec 26, '07 11:11 PM
for everyone

Tuluy tuloy pa rin ang ating mga celebrity housemates sa pagtapos ng kanilang 2008 calendar weekly task.  This time ay ang October photo cover naman ang kanilang ginagawa.  Si Ethel ang kumuha ng litrato featuring the four boys in an Oktoberfest theme.  Multinational nga ang costumes nina Baron, Ruben, Will, at Jon at magkakasamang silang nag-pose na parang nagiinuman. Mayroon pa silang beer keg para makumpleto ang drinking spree pictorial.

Baron, baka naman sa pictorial na yan e malasing ka pa?!


Blog Entry"Nagpakatanga nanaman ako" - BaronDec 26, '07 11:50 AM
for everyone

Sa PBB Primetime kanina ay nasaksihan natin ang pagkalasing ni Baron sa pangalawang pagkakataon. Kahit na pinagbawalan kasi siya ni kuya na uminom ng alak mula noong nagwala siya sa kanilang beach clubbing party ay sinuway pa rin niya ito noong bisperas ng Pasko. Kanina nga ay ipinanood sa kanilang lahat ang kanyang pinaggagawa habang siya ay lango sa alak. May nabastos kaya siya sa mga girls? Anu-anong statements na nanaman kaya ang binitiwan niya? Abangan ang kabuuan ng kwentong ito sa PBB Primetime bukas pati na rin sa PBB Official Website.


Blog EntrySino ang dapat maging Celebrity Big Winner?Dec 24, '07 3:26 AM
for everyone

Two weeks na lang bago ang inaabangang Big Night.  Pero sa anim na natitirang celebrity housemates, isa lang ang tatanghaling Celebrity Big Winner.  Nasa iyong kamay ang magiging katapusan ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.  Maaari mo nang iboto kung sino kina Gaby, Jon, Riza, Will, Baron, at Ruben ang gusto mong mapabilang sa Big Four at maging Big Winner.  I-text lang ang BB Gaby, BB Jon, BB Riza, BB Will, BB Baron, o BB Ruben sa 2331 (Globe, TM and Sun Cellular) o 231 (Smart, Talk N Text). Maaari ring bumoto online sa PBB Official Voting Page o gamit ang mga PBB Vote Cards na mabibili sa lahat ng SM department stores.

Pwede ka ring bumoto at manalo ng one million pesos sa Globe PBB Celebrity Voting promo! I-text lang ang GBB (name of your chosen housemate) sa 2366 para makapag-download ng PBB picture messages (P15.00/download) at bigyang ng automatic 10 votes ang iyong paboritong housemate.  Bawat download ay makakakuha ka ng 1 raffle entry para mapanalunan ang isang milyong piso!


Blog EntryHoy! Gising!Dec 24, '07 12:49 AM
for everyone

Dahil nga pasado alas quatro kanina nang matulog ang mga celebrity housemates, pasado lunch time na rin nang tuluyan silang magbalik sa katinuan mula sa sobrang antok.  Kwento nga ni Jon na nang ipatawag siya sa confession room ay hindi siya makasagot ng maayos kay Big Brother dahil sa antok.  Nagpatugtog na lang si Kuya ng mga dance music para magising ang mga housemates.

Si Baron, naisip na bigyan man lang kahit Christmas cards ang lahat ng housemates at plano niyang magpatulong kay Kuya, kung may task man na dapat gawin bilang kapalit ng mga cards.


Blog EntrySmile! You're on TV!Dec 21, '07 3:57 AM
for everyone

Naaliw nga ang mga celebrity housemates sa video camera at TV monitor na naka-set up.  Dito ay muli nilang nakita ang kanilang mga sarili on TV.  Nagulat nga ang karamihan dahil sa pagiiba ng kanilang hitsura, lalo na itong si Baron na feeling niya ay triple ang laki niya sa TV.  Sina Ruben at Mariel naman ay hindi maawat sa pagpapa kwela habang pinapanood ang kanilang mga kalokohan sa TV. 


Blog EntryMagkayakap sa dilimDec 21, '07 3:33 AM
for everyone

Pinag-stay nga ni Big Brother ang mga celebrity housemates sa boys' bedroom, at habang sila ay naghihintay, partner partner na naman silang magkakatabi sa mga kama.  Sinasabayan ni Jon si Mariel sa pagbasa ng libro habang si Riza naman ang masayang nakikipagkwentuhan kay Will.  Wala namang magawa si Ethel kaya nakuntento na lang siyang makipagkulitan sa katabing si Baron.

Pero napansin yata ni Kuya na sina Jon at Mariel ay parang nagho-holding hands sa ilalim ng kumot kaya't biglang pinatugtog ang "Magkayakap sa Dilim" ng Orange and Lemons.


Blog EntryLooking forward to ChristmasDec 20, '07 3:24 AM
for everyone

After ng late lunch ay nagpahinga ang mga celebrity housemates sa garden.  Na-realize nga nila na in a few days ay magpa Pasko na silang magkakasama sa loob ng bahay ni Kuya!  Kanya kanya na tuloy sila ng isip kung anong klaseng celebration ang magaganap ngayong first time na magkakaroon ng PBB sa Pasko at Bagong Taon.  Si Gaby ay excited na sa mga pagkain na ihahanda, habang si Baron ay nangangarap na sana ay payagan man lang siyang tumikim ng kahit wine lang.  Ang laking Europe naman na si Jon ay humiling ng turkey, habang si Will naman ay nag-isip kung makakasama ba nila ng personal si Big Brother sa noche buena.


Blog EntrySpecial art class ni KuyaDec 20, '07 2:26 AM
for everyone
Matapos ngang magawa ang kanilang mga painting kasama ang mga piglets (read the full story on the PBB Official Website ) ay ipinatawag isa isa ang mga celebrity housemates sa confession room para ipakita ang kanilang mga gawa kay Big Brother.  Mukhang impressed naman si Kuya sa pagiging talented at malikhain ng mga housemates.  Pero si Mariel ay hindi pa rin mapigilan na tawanan ang kanyang sariling painting. Inamin niya na hindi talaga siya magaling mag-drawing.  Si Baron naman, super bilib sa napagandang gawa ni Gaby at niyaya pa niya ito na sabay silang mag-painting after ng PBB season.

Blog EntryEffort kung effort pagdating sa kris kringleDec 19, '07 9:05 AM
for everyone
Pabonggahan pa rin ang mga housemates sa kanilang little surprises for their Kris Kringle babies. Kinontsaba pa ni Baron sina Mariel at Gaby para maiprepare niya ang kanyang good deed for the day para kay Ethel. Pinakiusapan niyang idistract ng mga ito ang huli habang nagsusulat siya ng greeting sa white sand sa may garden! Sa mga susunod na araw ay balak naman niyang umukit ng bungo dahil paborito ito ng sexy commedienne. Dahil dito nagsuggest si Gaby na gumamit siya ng patatas para sa kanyang mini-sculpture. Ganun din kasi ang naisip niya para sa kanyang baby.

Blog EntryBasta hindi overkill!Dec 18, '07 6:26 AM
for everyone

Habang patuloy sa mahabang lakaran sina Will at Riza, biglang na-raise ni Baron ang pagiging ang different cultures na pinanggalingan nilang mga housemates. Pero kahit mga "half-half" sila ay proud siya sa fact na magkakasundo talaga silang lahat. Nagkatanungan din sina Jon at Will tungkol sa kanilang previous odd jobs at kung paanong minsan na silang nagresign without two weeks notice man lang. Si Riza naman biglang kwinestyon ang guys kung anong take nila tungkol sa mga taong nagpaparetoke. In general, turn off daw talaga yun dahil sabi nga ni Baron ay ayaw daw niyang magmukhang artificial ang isang babae. Pero naisip din nila na okay lang as long as it's "nothing too drastic...like a sex change"!


Blog EntryOatmeal DietDec 17, '07 7:30 AM
for everyone
Kinarir na nila Riza at Yayo ang pagda-diet kasabay ng kanilang nakakapayat na weekly task. Kumain lang daw ng tinapay si Yayo ngayong gabi habang si Riza naman ay piniling mag-oatmeal without sugar and little milk. Sinabayan din siya ni Baron na doble na nga ang efforts sa page-exercise dahil pwersado rin siyang tumakbo tuwing umuga as part of his overindulging punishment. Pero dahil nga dito ay medyo dadayain niya ang kanyang planong pagpapapayat dahil titikim pa rin siya ng nakakatakam na caldereta ni Ethel.

Blog EntryWeekly Task+Fitness Project=Happy XmasDec 17, '07 6:48 AM
for everyone
Turn na nila Baron at  Gaby na 'magwork out' sa treadmill as part of their Walk to Bethlehem weekly task. Kung matatandaan niyo ay pinagdaanan rin ito ni Bruce Quebral during the Big Brother Swap na nagkataong task ng Slovene housemates noong siya'y nandon. Ang kaibahan lang ay ang Christmas theme na ginawang mas challenging ang dapat pagtagumpayan ng celebrity housemates. Imagine-in niyo naman ang extra weight para sa girls na nagsusuot ng  prop belly habang nagjo-jog. Si Baron naman, nagsuggest na kwentuhan nalang siya ni Gaby para sa turn niya ay di siya masyadong mabored.

Blog EntrySi Will ang Big Prize ni EthelDec 14, '07 1:57 PM
for everyone
Pagkatapos  lumabas ni Ethel ng boys' bedroom ay siya ang naging usapan nila. Medyo hindi na kasi alam ni Will kung paano ititreat lang niya as a joke ang mga paglalandi sa kanya ng Ultimate Pasaway. Minsan na daw kasi siyang nasabihan ni Big Brother na mag-ingat kay Ethel. Tawa tuloy ng tawa sina Jon at Baron. Payo naman ng huli ay minsan gulatin daw niya at baka sakaling magback off ito. Pero paano kung totoong bumalik si Ethel para sa kanya? Nakakatakot daw talaga kung nagkataon.

Inamin naman ni Will na dati ay may pagka-wild din siya pero those were the days and wala na syang balak balikan pa yun. Sa totoo lang, nagpapaka-gentleman naman talaga siya kay Ethel kahit na minsan ay halatang gusto na niyang umiwas. Minsan ay ginagawa na nga niyang panangga si Riza para lang hindi ito makalapit sa kanya.

Blog EntryToo late for regretsDec 13, '07 11:18 AM
for everyone
Swerte ni Baron dahi hindi na-offend ang girl-housemates sa kanyang "kakulitan o kasweetan" kahapon dahil wala walang nagbago sa pakikitungo nila sa kanya (see PBB Official Website for the recap of the the primetime stretch). Ngayong gabi nga ipinataw ni Kuya ang punishments for the Wild Child which includes serious running during shower calls every morning. At the same time, hindi na rin siya pwedeng jumoin sa inuman kapag mabibigyan silang ng bottles of wine hanggang sa magtapos ang show next year.

Sa balitang ito, sana daw ay hindi nalang siya nag-overindulge kahapon.

Blog EntryConcentration & ControlDec 13, '07 5:37 AM
for everyone

Frustrating ang challenge ni Kuya para sa kanyang boarders sa araw na ito dahil hindi pa rin nila matawid ang pasikot-sikot na electric wire nang hindi nakukuryente. Binalaan naman sila na ingatang huwag mahawakan ang contact points dahil baka kung mapano pa ang mga kamay nila.

Most of them ay nag-give up na para makakain na. Kaya lang tinempt ang mga smokers na pagtagumpayan ang pagsubok na ito kapalit ng yosi. At ang mananalo ay hindi pwedeng ishare ang reward kahit kanino. As usual, nangunguna si Baron na malampasan ito para sa yosi. Pero jumoin din si Jon, Gaby at Ruben just for the fun of it.

Makuha naman kaya ng Wild Child ang kanyang inaasam-asam? Alamin ang full story ng task na ito sa PBB Official Website.

 


Blog EntryBaron's Totally Outrageous BehaviorDec 13, '07 1:17 AM
for everyone

Pinapanood na nga ni Big Brother kay Baron ang video ng Boracay cocktail party ng mga celebrity housemates kahapon.  Paglabas ng confession room, sorry to the max ang Wild Child sa mga housemates sa kung anumang nagawa niya, lalo na sa mga babae, dahil sa sobrang kalasingan.  Halatang super mortified si Baron sa kanyang mga napanood at mukhang on the verge of tears pa siya.  Niyakap naman siya ng ibang housemates, at siniguro siya ni Mariel na no one is mad at him.  Na-guilty nga ang pretty houseguest na dapat ay hindi na pinapanood kay Baron ang video, pero ang sabi ni Jon, mas maigi na rin yun na alam ni Baron ang kanyang nagawa dahil if otherwise, he'll keep doing it over and over again.


Blog EntryAbout last night...Dec 12, '07 10:35 PM
for everyone

Tuluyan na ngang nahimasmasan itong si Baron ngayong umaga.  Pero unfortunately, hindi na nga maalala ng Wild Child ang kanyang mga pinaggagagawa during the Bora cocktail party.  Tawa na lang itong si Mommy Yayo dahil super clueless si Baron sa mga nangyari kahapon.  Kabado na nga si Baron dahil hindi na alam what to expect dahil any time this day ay ipapapanood sa kanya ni Big Brother ang buong video ng kanyang kalasingan.

Ano kaya ang nilalaman ng video ni Kuya?

 


Blog EntryPa-retouch kay GabyDec 12, '07 2:15 AM
for everyone

Halos nabura na nga ang make up sa mukha ni Baron (read the full story on the PBB Official Website).  Heto nga at nire-retouch siya ni Gaby with a Long Island-inspired look.  Sa pagkakalapit ng dalawa, the Wild Child started hitting on the Racing Goddess, flattering her with a series of compliments.  Tawa na lang itong si Gaby sa mga sinasabi ni Baron. 

Mukhang malakas na nga ang tama ng ating mga celebrity housemates.


Pages:1234567
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help