Pinoy 's posts with tag: beauty gonzales

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag beauty gonzales
Blog EntryTeens exerciseApr 23, '08 10:17 PM
for everyone

Ginising ang teens ng maaga ngayon at imbis na ituloy ang tulog sa sofa, aba'y nag-exercise sila! Si Priscilla at Rona ang mga naunang magexercise at inaya nila si Beauty para sumama na rin. Tamad na tamad talaga ang Rebellious Beauty at pumayag lang siya sa pagkumbinsi ng best girl bud na si Nicole. Nako Beauty hindi ka talaga papayat niyan kung hindi ka mag-exercise! Kinailangan pa siyang i-encourage ni Josef at Nicole para ipagpatuloy ang sit-ups. Sumunod rin ang boys na si Josef, Robi at Jolas na todo exercise rin sa mga machines. Tuloy-tuloy na kaya ang pagsisipag na ito?


Blog EntryKevin at Beauty, friends na ulit!Apr 23, '08 3:02 AM
for everyone

Kahit na mortal enemy number 2 ang parents ng dalawa, friends na ulit sila! Balik ulit si Kevin sa pagtawag niya kay Beauty ng "piggy" at nung napansin ng Spanish Stallion na malungkot ang friend, tinawag niya ito para tabihan siya sa kama. Para pasayahin si Beauty, nagoffer si Kevin na lulutuan niya ito. Tumanggi naman ang Rebellious Beauty dahil diet daw siya. Balik biruan ang Twin Towers kay Beauty at pinipilit siya na palabasin ang three chins. Kamusta naman iyon diba? Talagang bati na sila. Yung guardians kaya nila may pag-asa pa?


Blog EntryProblema ni BeautyApr 23, '08 12:47 AM
for everyone

Kaya pala hindi jolly at perky si Beauty ngayon ay dahil hindi siya maka-happy pupu. Tanong ni Robi kung ilang Dulcolax na daw ba ininom niya at baka raw kasi isang linggo na iniipon ng Rebellious Beauty ang mga pagkain. Asar talo tuloy si Beauty kay Robi at Nan na gumagawa ng mga theories kung bakit hindi siya maka-happy pupu. Kesyo acid na raw ang laman ng tiyan niya at kung ano-ano pa. Naaliw naman si Beauty sandali kaya pansamantalang nakalimutan ang problema. Gayahin dapat ng guardians ang teens, tamang biruan lang!


Blog EntryTeam Robi and the cooking challengeApr 22, '08 3:45 AM
for everyone

Kung may Team Josef, mayroon ring Team Robi! Iba-iba na nga lang ang teammates nila pero nasa magkabilang team pa rin ang dating mag-BBF. Habang si Robi ang nangunguna sa pagluluto, si Beauty naman ang counterpart ni Nicole sa pagtetext. Sino kaya sa dalawang teams ang nagwagi? Mapapatunayan kaya ng Team Robi na mas masarap ang luto nila kaysa Team Josef?


Blog EntryBeauty at Josef, nagkampihan!Apr 21, '08 11:10 PM
for everyone

Nag-usap si Josef at Beauty at nagdamayan sila sa common enemy. Paliwanag ni Josef na pinapaghugas siya ni Daddy John ng pinggan at nag-aalangan naman ang Lasallite dito dahil hindi naman daw niya father si Daddy John. Nagkasagutan tuloy ang dalawa at natawag siyang senyorito. Nakisabay si Tita Anna sa sigawan at ayon kay Josef pinagmumura daw ni Daddy John ang Tita Anna niya. Dinepensahan lang daw niya ito kaya sinagot sagot niya si Daddy John. Guardians vs. Teens. Guardians vs. Guardians. Saan hahantong ang away na ito?

 


Blog EntryAlex goes AbakadaApr 20, '08 2:45 AM
for everyone

Pursigido si Rona na turuan si Alex kaya naman back to basics ang dalawa. Tinuruan ni Rona ang Italian Valentino ng Abakada. Hindi kaya magselos nanaman nito si Beauty? In fairness, mukhang gusto ngang maging totoong Pinoy ni Alex kaya attentive siya sa pakikinig sa Tagalog enunciations ni Rona. Mapasa kaya ni Alex ang test ni Kuya na 2,000 Tagalog words? Good luck Alex!


Blog EntryJosef, nagiimpake na!Apr 19, '08 5:24 AM
for everyone

Pinag-impake na ni Kuya si Josef! Nagulat si Robi dahil akala niya bukas pa ang alis ni Josef. Iyon din ang akala ng Lethal Lasallite kaya naman nabigla rin siya nang sabihin ni Kuya na magbihis siya at mag-impake na. Very hopeful naman si Jolas na nagsabing "porket pinag-impake lang, aalis na ba yun?" Malungkot ang mga teens na nakapalibot sa Lethal Lasallite at si Rona napaiyak na lang. Si Beauty at Priscilla naman tameme na nakatingin sa nagaalsabalutan na si Josef. Tuluyan na nga bang aalis ng bahay si Josef?


Blog EntryTsismis ni BeautyApr 19, '08 1:40 AM
for everyone

Si Beauty na ang bagong tutor ni Alex sa Tagalog! Kaya naman more bonding moments para sa dalawa. Sa pag-uusap nila kanina nabanggit ni Beauty na mayroon daw na may masamang amoy sa teens. Naku naman dahil ba ito sa maikling shower time para sa kanila? Tanong ni Alex kung siya daw iyon at sagot naman ni Beauty na hindi. Basta meron daw pero secret lang niya iyon. Hmm kayo talaga housemates, dapat maximize niyo rin ang shower time!


Blog EntryPasabog sa bahay ni Kuya!Apr 18, '08 11:30 PM
for everyone

Habang naglalaro ng card game si Beauty, Ejay, Jolas at Josef, biglang may nagpasabog! Napatakip na lang ng unan si Beauty sa mukha at napatayo si Jolas. Wala naman silang tinuturong salarin pero si Josef mukhang guilty! Hindi daw siya iyon at hindi na daw siya umiinom ng C2 na sanhi ng pagbubuga niya ng lagim. Sige na nga Josef, sabi mo eh!


Blog EntryKevin cracks up the teens!Apr 16, '08 3:48 AM
for everyone

Dahil hindi makulit ni Kevin ang pagod at antok na si Beauty, nagpractice na lang siya ng kaniyang Tagalog lessons. Tawang-tawa si Jolas at Ejay nang hindi masabi ni Kevin ang salitang "NGAYON". Pano ba naman, tayo lang ata ang may "NG" sa alphabet diba? Paulit-ulit na parang sirang plaka si Kevin na sinasabi ang "ngayon" na naging "nangyon, nayon, nyayon"... you name it, except, "ngayon"! Naku Kevin isang Tagalog word pa lang yan ah out of 2000 na kailangan mong aralin. Kaya mo pa kayang sabihin ang "Kataka-taka"?


Blog EntryCooking with Daddy John and BeautyApr 15, '08 11:20 PM
for everyone

All gulay week ang housemates ngayon at tumutulong si Daddy John na lutuan sila! Waitress ang kaniyang lovely wife kaya talagang nanalaytay sa dugo ng mga Floods ang pagiging expert cooks. Si Beauty kanina pa rin naghihiwa ng gulay at nagpipiraso ng malunggay para sa hinahandang putahe ni Daddy John. 

Mapapansin na very close si Beauty kahit sa parents ng Twin Towers na si Alex at Kevin. Kaya hindi malayo na botong-boto si Daddy John sa Rebellious Beauty para sa kaniyang unico hijo!


Blog EntryCaptain Boom is in the house!Apr 15, '08 10:38 PM
for everyone

Wake-up call ng teens ngayon ay walang iba kundi si Jon Avila a.k.a. Captain Boom! Napasigaw sa tuwa si Beauty at napatakbo pa sa labas para magtoothbrush dahil gusto niyang halikan ang crush. Pagkaalis ni Captain Boom, si Beauty, may hangover pa! Sabi niya kay Robi na sana bumalik si Jon at sana ibang costume naman daw - Topless. Aba naman. Panalo talaga sa hirit ang Rebellious Beauty kaya shock at sabay tawa na lang ang Atenistang si Robi.


Blog EntryTeens Blind MiceApr 15, '08 4:14 AM
for everyone

Kamusta naman ang outfit ng teens ng Three Blind Mice? Ang unang batch na sumabak sa maze ay si Linda, Kevin at Beauty. Bawal hawakan ang mga lubid dito at kailangan lang nila gamitin ang mga baston na hawak nila. Senior citizens tuloy ang feeling ng teens sa mga black bastons nila at sa pangangapa sa buhol-buhol na maze! Mahanap nga kaya nila ang exit sa maze na ito? Abangan mamaya ang Uber para malaman kung wagi ang first batch of teens!


Blog EntryDaddy Hans is radical!Apr 8, '08 11:42 PM
for everyone

Impressed ang housemates nang makita ang mga tattoo ni Daddy Hans! Sa likod ni Daddy Hans may mga design na mga butterfly at kung anu-ano pa. Lahat pa ito ay may meaning. Napa-wow na lang ang mga housemates at napa "ang ganda" na lang si Beauty. Dagdag ni Linda na gusto niya ang shape at kuwento niya sa mga housemates na nakaka-isang case ng beer si Daddy Hans dati. Todo bonding talaga ang teens with Daddy Hans at unti-unti namang nag-oopen si Linda sa ama. Maayos kaya nila ang lahat bago pa man palabasin ni Kuya si Daddy Hans?


Blog EntryBonding ang girls at si Daddy HansApr 8, '08 11:02 PM
for everyone

Kagabi pumasok si Daddy Hans, dad ni Linda para magcelebrate ng birthday niya sa loob. Bonding to the max sila ng girls especially si Rona. Sinimulan ni Beauty na nagtanong kung ilan taon na si Daddy Hans. Napa "hay nako" na lang si Daddy dahil ayaw niya maisip na tumatanda na siya.

Si Rona naman ang nakipagbonding kay Daddy. At may rebelasyon pa si Rona dito: gusto niya maging lawyer! Sabi ni Daddy Hans - lawyer parang liar. Sagot naman ni Rona ay lahat naman nagsisinungaling, ang pinagkaiba lang sa lawyer, may dedepensahan kang cliente. Hmm..

Basahin ang PBB Website para sa buong kuwento.


Blog EntryMore, More, More!Apr 8, '08 10:19 PM
for everyone

Todo hakot ang mga housemates ng mga pagkain sa storage room nang pinayagan sila ni Kuya pumasok dito! Kaniya-kaniyang strategy ng pagkuha ng mga chichirya. Andiyan si Priscilla na pinuno ang jacket niya hanggang sa nag-uumapaw na ang pagkain. Si Nicole naman iilan lang ang kinuha. Marami ring nakuha si Beauty pero ang kumain ang close guy friends na si Kevin at Alex. Mukhang iyan ang tamang strategy!


Blog EntryThe story behind Priscilla's jerseyApr 8, '08 12:39 AM
for everyone

Pagpasok ng mga housemates sa kuwarto ng girls, napansin ni Josef na nakajersey si Priscilla. At ang numero pa nito ay five. Tanong tuloy ng imbestigador na si Josef kung ano ang kuwento ng numerong ito. Dahil hindi sinagot ni Priscilla, ang Lethal Lasallite na ang gumawa ng kuwento. Aba at hindi rin nakaligtas si Priscilla sa pang-aalaska ni Josef - Ang number five daw ay numero din ng basketball player na housemate na si Jolas! Kaya naman si Beauty at si Nikki panay YIHEEEE kay Priscilla! Sino nga ba talaga ang gusto ni Priscilla, si *INO ba na nakatattoo sa likod niya, si Ejay o si Jolas?


Blog EntryRebelasyon ni BeautyApr 6, '08 11:43 PM
for everyone

Aminado si Beauty na iba ang love sa dad niya kaysa mom niya. Ginagawan niya ito ng sandwich, ginugupitan ng kuko at minamasahe. Kaya nung nagkatampuhan ang parents, hindi itinuloy ng daddy ang pag-alis ng Pilipinas dahil sa anak.

Very busy ang dad ni Beauty at parating nasa farm. Paliwanag naman ni Robi na ganoon talaga ang businessmen - parating iniisip kung paano palalakihin ang business. Sagot naman ni Beauty na hindi lang daw pera ang gusto niya kundi attention.  Kung mabuti ang gawin niya, very good lang ang comment ni daddy. Kaya naman parati siyang pasaway para pansinin siya. Pero ngayon I'm sure pansin na pansin ka na ng sambayanang Pilipino!


Blog EntryAlex baby ng mga girls!Apr 6, '08 12:38 AM
for everyone

Nagseselos si Alex dahil nag special treatment ang girls kay Kevin kahapon! Si Linda at Beauty naman ay dali-daling binaby ang nagpapaawang si Alex. Hinihimas-himas siya ni Beauty sa buhok habang si Linda naman ay nagmasahe ng kamay niya.

Aba? Ang swerte mo naman Alex! Kung ganito pala ang treatment sa lahat ng nacircumcise, marami sigurong magvovolunteer. At hindi pa natapos doon, nagbaby talk pa ang Italian Valentino. Gusto niya ng 2 moms para ipungpong galapong siya. Hmm.. hindi kaya magselos niyan si Mommy Minda?


Blog EntryTake your pick!Apr 4, '08 1:26 AM
for everyone

Pinapili ni Kuya ang housemates ng mga hand made t-shirts! Hindi ito para idagdag sa wardrobe nila kundi para ipang show and tell. Pipili ang housemates ng pitong t-shirts out of 14, at ipapaliwanag kung bakit ito ang pinili at bakit ito ang maganda sa palagay nila. Exempted ang 4 na sina Beauty, Jieriel, Kevin at Josef sa task na ito dahil na rin may ginawa silang task kahapon. Gawa ito ng mga guardians nila at may ideya sila tungkol dito. Pasok kaya ang style ng guardians nila sa taste nila?


Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help