Pinoy 's posts with tag: bianca gonzales

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag bianca gonzales
Blog EntryGraduation Party for the housemates!Mar 31, '08 1:53 AM
for everyone

Talaga namang napakabait ni Kuya dahil kahit hindi man natapos ang notebooks, binigyan parin niya ng graduation ang tatlo, complete with school officials plus parents pa ng 3 housemates! At dalawa pang PLUS sa event na ito ay ang PBB host na si Bianca, at ang dating border ni Kuya na si Mikee Lee na batchmate ni Robi. The quality of mercy isn't strained ika nga ni Shakespeare. Para kay Jieriel, dumating ang Principal nila na si Mrs. Elnora Raganit. Para kay Rona, ang Principal rin ang dumating na si Dr. Orlando Cadano. At para naman kay Robi, dumating ang class moderator na si Mr. Ronald Capinding at sinamahan pa ng Jesuit brother, Bro. Jomari Manzano. Silang tatlo ay nakakuha ng special awards at bidang bida pa sila sa mga schools nila ayon sa mga principal.

Bonggang bongga ang party para sa mga housemates! Pagbalik sa loob ng bahay, mala-fiesta ang handa para sa teens! Kaya naman ang three grads feel na feel na nilang graduate sila at handa nang sumabak sa college life. Very grateful ang tatlo kay Kuya dahil mas naging special ang graduation nila. Papabayaan ba naman sila ni Kuya na kaligtaan ang pinakaimportanteng pangyayari sa buhay nila?

Panoorin ang kauna-unahang graduation na ginanap sa bahay ni Kuya mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Tingnan ang official PBB Website para sa iba pang detalye.


ddd
dThumbnaild
ddd

Kuya's beautiful hosts are back with a plus!  Toni, Bianca, Mariel and new PBB host Luis Manzano together with Direk Jilmer Dy give us a taste of what to expect on the much anticipated PBB Teen Edition Plus.

read the full story on the PBB Official Website

 


Painit nang painit ang nalalapit na pagsisimula ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Sa isang press conference ay nagbigay ng patikim ang PBB management at ang mga hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, at Luis Manzano kung sino ang mga inaasahang mapapabilang sa panibagong edition ng mga Kabataang Pinoy.

Ang gwapong bad boy na beterano ng mga street rambol, ang dazzling doll na nahirapang mag-move on sa pagpanaw ng ama, ang anak ng DH na lumaki sa ibang bansa, ang bikini babe na suki na ng ilang swimsuit competition, ang trophy kid na makailang ulit nang nabasted, ang rebellious beauty, at ang horse whisperer.

Ngunit sa lahat ng mga mysterious possible teen housemates ay ang "dalagitang may kapansanan" ang naging sentro ng lahat ng atensyon at usapan.  Marami nga ang nabahala kung makakayanan ba ng isang disabled teenager ang mga matitinding hamon ni Kuya lalo na ang mga mabibigat na physical activities.  Hindi man nilinaw ng PBB management kung ano ang kapansanan ng nasabing dalagita ay siniguro naman nila na matututukan ang kalagayan ng housemate na ito, yun ay kung sakali ngang mapabilang siya sa final line up of official teen housemates. 

Ang malaking misteryo na lang ngayon ay kung sino sa mga nabanggit na hopefuls ang makakapasok sa loob ng pinakasikat na bahay sa bansa?  Anong kwento ang kanilang dala na dapat nating subaybayan araw araw?  Silipin kung sino sino ang mga bago at batang mukha na haharap sa mga pagsubok ni Big Brother sa isang special primer ngayong Linggo, March 16th, 9:45 PM sa ABS-CBN. Patuloy ring tumutok sa www.pinoybigbrother.com para sa mga pinakabagong PBB updates.


Blog EntryGwardyado na ang towerJan 3, '08 8:44 AM
for everyone

Hindi nga mga ninja ang sumabotahe sa coin tower ng Big Four kundi mga invisible enemies na biglang nagbato ng mga basketballs sa may garden. Fortunately ay wala namang tumama pero kaagad namang gwinardyahan nila Riza at Bianca ang coin tower. Nangyari ang di inaasahan noong binabantayan ni Ruben ang coin tower habang busy ang iba sa pagpalit ng lapel batteries. Nakalusot naman ang mga bola nang tinawag siya sandali ni kuya sa confession room!


Blog EntryBetter defend your tower guys!Jan 3, '08 8:21 AM
for everyone

Habang kumakain ang mga housemates ay inassure sila ni Bianca na hinding-hindi niya gagalawin ang coin tower dahil takot lang daw niyang harapin sa ulit for an interview paglabas nila ng bahay ni kuya. Ang awkward naman daw nun. Pero dahil nga naiwang walang nagbabantay sa kanilang project ay mabilis na lumabas sila nang marinig nilang tila gumagalaw ang giant door sa garden. Hm... Gusto kayang sirain ni kuya ang coin tower ng kanyang boarders? Paranoid lang ba ang housemates o tumama kaya ang kanilang instinct?


Blog EntryHelping instead of destroyingJan 3, '08 7:40 AM
for everyone

So far ay hindi pa naman gumuguho ang coin tower ng Big Four. In truth, tinulungan pa nga sila ni Bianca sa pagdagdag ng mga barya rito. Pero napanansin ni Gaby na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapatawag ang Uber host sa confession room. Ayaw rin naman daw ni Bianca na siya na mismo ang lumapit kay kuya dahil natatakot rin siya sa sasabihin sa kanya. Kaya ayan, nakikipagchikahan na muna siya sa mga girls. Di tulad ng classic reaction nila Toni at Mariel dati, kalmado si Bianca dahil sabi niya wala na siyang ikaka-overreact dahil patapos na rin ang show in two days time.  


Blog EntryBig Four's sabotage theoryJan 3, '08 5:44 AM
for everyone

Madali namang naaccept ni Bianca ang "itinadhana" sa kanya at nakipagkwentuhan na sa kanila. Nabanggit din niya kung paanong noong last week ng first celebrity edition eh sobrang poor nila at wala pang kuryente. Kabaliktaran nga talaga ngayon na uber rich ng mga housemates dahil lagi nga silang nananalo sa weekly tasks. Aside from that, starting today ay pwede na silang maligo anytime they want! Pero nanghiram nalang muna ng damit itong si Bianca saka siya grinill nila Gaby kung isa ba siyang houseguest with a special mission pero wala daw talaga siyang alam at wala siyang plano isabotage ang kanilang coin tower!  


Blog EntryBianca is locked in!Jan 3, '08 5:08 AM
for everyone

Just when Bianca thought that her days as a housemate are over, Big Brother lets her in for a suprise as he suddenly announces that she has to stay inside the famed yellow house for a while until he gives her the signal to leave! The pretty Uber host can't believe that the staff did this to her two nights before the Big Night! Her first concern is that she still needs to fit her gown for the much-awaited event this edition and now this! Oh well, what will be her special tasks this time?


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help