Sino nga ba si Tito Eddie?
Pinahanap ni Kuya sa mga housemates kung sino ang nagcecelebrate ng birthday today! Kailangan nilang batiin kung sino ang may birthday ngayon para malaman kung sino nga ba ang misteryosong taong ito. Nagbatian ang mga housemates at nagkagulo sila sa paghahanap. Isa-isa nila binati si Toni, Luis, Mariel at Bianca pero nice try housemates dahil hindi pa rin approve si Kuya! Desperate times call for desperate measure kaya pati ba naman yung mga gamit sa bahay at yung bahay mismo binati nila ng happy birthday! Sorry guys pero nakakalimutan ninyo ata na hindi sinisilang ang bagay. Vinolunteer ni Kevin at ni Jolas ang mga kaibigan nila pero hindi parin! Mapagbiro na sinabi ni Priscilla na baka father niya yun pero hindi siya sigurado dahil ilang years ago na nung namatay ang dad niya. Pero nung binati nila nang sabay-sabay si Tito Eddie, nireveal na nga ni Kuya na birthday ni Tito Eddie ngayon! Ano kaya ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Kuya? Para nga lang kaya maalala ni Priscilla or could there be something more?
Check out the full story on PBB's official website.