Problemado pa rin ang celebrity housemates sa ginagawa nilang tower. Matapos makapagpahinga ng konti ay back to work ulit sila dahil kailangang subukan pa nilang pataasin ito. Kung hindi ay hindi nila magugustuhan ang magiging consequence kapag sila ay nag-fail. Worse, hindi naman sila sure kung kailan talaga ang deadline. Eh si Gaby, nagsuggest na paspasan nalang nila ang pagkilos sa huling mga oras na ibibigay sa kanila para maiwasan ang kung ano mang aberya. Pero pinagsinabihan nga sila na huwag ipagpaliban ang pagtapos nito.
Sana nga ay umubra na ang mga strategies na naisip nila para worry-free na ang kanilang last night sa bahay ni kuya!