Pinoy 's posts with tag: big brother

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag big brother
Blog EntryWeekly Task: Three Bilnd MazeApr 14, '08 3:21 AM
for everyone

Sa pagsisimula ng week four sa loob ng bahay ni Kuya ang ibinigay na ang bagong weekly task sa mga teen housemates.  Sa Three Blind Maze, may hanggang Friday ang mga teens para pag-aralan ang isang mga malaking maze habang naka-blind fold.  Kailangan nilang kabisaduhin ang pasikot sikot sa maze at sa Friday ay pipili sila ng tatlong housemates na papasok sa maze na nakapiring ang mata.  Kapag isa sa tatlong representatives ang hindi makatapos ng maze sa nakatakdang oras ay talo sila sa weekly task.

Hindi kaya magkaligaw ligaw ang mga teens sa task na ito ni Kuya?


Blog EntryBili na sa Teen-dahan ni Kuya!Apr 11, '08 1:56 AM
for everyone

Mga Kuyanatics, sugod na sa harap ng PBB House para mabili ng mga limited edition PBB Notebooks.  Bukas ang Teen-dahan ni Kuya para sa Kapamilya from 4 PM to 10 PM daily kung saan mabibili ang mga notebooks na ginawa ang na-autograph ng mga teen housemates! Ang proceeds ay mapupunta sa mga piling indegenous public school children. 

Samantala, malapit na ring mabili ang mga tin-dyed shirts na kasalukuyang tinatapos ng mga teens.  Hindi mo lang mapapasaya ang mga housemates, makakatulong ka rin sa LOL - Libreng Operasyon sa Laoag kung saan maraming Kapamilyang may karamdaman ang mabibigyang lunas. Kaya ano pa ang hinihintay niyo, bili na sa Teen-dahan ni Kuya!


Blog EntryGabundok ng damitApr 11, '08 12:50 AM
for everyone

Puspusan na nga ang pagtatahi ng mga teens sa mga nagawa nilang tin-dyed shirts dahil palapit na rin ang deadline na ibinigay sa kanila ni Kuya.  Ito na ang third weekly task ng mga housemates, at so far, wala pa silang naipapanalo.  Mukhang madami nang damit ang natatapos ng mga housemates, pero syempre, si Big Brother pa rin ang magde-decide kung pasado ba o bagsak na naman ang mga teens sa kanilang task.  Tutukan ang magiging resulta ng third weekly task sa PBB Official Website.


Blog EntryHow to make Kuya's quilt?Apr 11, '08 12:42 AM
for everyone

Balak yata ni Big Brother na magtayo ng kanyang patahian dahil habang tinatahi ng mga teens ang kanilang mga nagawang tin-dyed shirts ay abala naman ang mga guardians sa paggawa ng isang malaking quilt.  Kasama nina Daddy Jerry at Daddy Erning sina Mommy Ningning, Mommy Sandy, at Tita Anna sa pagtahi ng iba't ibang kulay ng swatches sa isang malaking tela.  Pero mukhang pressured na ang mga guardians dahil palapit na yata ang deadline na ibinigay ni Kuya sa kanila?  E para kanino ba kasi ang tinatahi niyo?


Blog EntryTeens go Low, Low, LowApr 10, '08 3:50 AM
for everyone

Sa kalagitnaan ng pagiging busy sa pagtatahi ng kanilang mga nagawang tin-dyed shirts ay nagising ang mga teen housemates nang biglang magpatugtog si Big Brother ng Low.  Ang lahat ay agad na nag-party mode at itong sina Valerie at Jieriel ay biglang humataw na parang nasa Wowowee lang.  Ang iba naman ay mas ginanahan pa sa pagtahi ng shirts dahil nagising na rin sila sa upbeat music ni Kuya.


Blog EntryWendy Valdez: pinaka-markado sa Bahay ni Kuya! Mar 29, '08 6:50 AM
for everyone

Hindi pa rin matatawaran ang ingay na nilikha ng ex-housemate na si Wendy Valdez noong Season 2 kaya't siya ang hinirang ng Kapamilya Community Poll bilang most unforgettable housemate. 

Basahin sa ABS-CBN.com kung sino pa ang ibang unforgettable ex-housemates.


Blog EntryPBB Teens 2 and PDA Season 2 AuditionJan 8, '08 3:17 AM
for everyone

Sa lahat ng gustong maging teen housemate o scholar, magkakaroon ng audition para sa Pinoy Big Brother Teen Edition 2 at Pinoy Dream Academy Season 2!  Pumunta lang sa PBB Eviction Hall this Friday, January 11, from 10am to 3pm.  Dalhin ang mga sumusunod na requirements:

-  Original at photocopy ng birth certificate

-  1 close up at 1 full body pictures

-  valid ID

-  ballpen

Also, be aware of the age requirement for the audition:

-  18-25 years old by January 2008 to audition for Pinoy Dream Academy

-  16-19 years old by April-June 2008 to audition for Pinoy Big Brother Teens


Blog EntryMotivating ForceJan 5, '08 8:32 AM
for everyone
Bago isabak ni kuya ang Big Four sa nakakatensyon na event sa Big Dome ay pinalakas muna niya ang loob nila sa pamamagitan ng kanilang mga mahal sa buhay. First to arrive as a surprise guest was Riza's Daddy Roel. Tulad nalang ng kanyang reaksyon dati noong nareunite siya with her mom ay todo tili ang usually prim and proper na housemate sa sobrang kasiyahan. Pagkalabas nga ng kanyang ama ay hindi napigilan ni Ruben na biruin ang Desirable Diva. Next came a voice patch from Will's mom who's in the States. Medyo napaluha pa nga ang hunk na model at kitang-kita sa kanyang mga mata kung gaano niya kamahal ang ina.

Sino naman kaya ang darating para kina Ruben at Gaby? Let's just wait and see...

Blog EntryReady to goJan 5, '08 7:08 AM
for everyone

Siguradong inip na inip na ang multitude of fans ng Big Four sa Araneta pero heto at sitting pretty pa ang housemates sa loob ng bahay ni kuya. Matapos mag-dinner ay lumipat na sila sa living room upang hintayin ang hudyat ng kanilang pag-alis.

Ano pa kaya ang hinihintay ni Kuya?


Blog EntryGwardyado na ang towerJan 3, '08 8:44 AM
for everyone

Hindi nga mga ninja ang sumabotahe sa coin tower ng Big Four kundi mga invisible enemies na biglang nagbato ng mga basketballs sa may garden. Fortunately ay wala namang tumama pero kaagad namang gwinardyahan nila Riza at Bianca ang coin tower. Nangyari ang di inaasahan noong binabantayan ni Ruben ang coin tower habang busy ang iba sa pagpalit ng lapel batteries. Nakalusot naman ang mga bola nang tinawag siya sandali ni kuya sa confession room!


Blog EntryPBBCE2 New Year Updates (2nd repost)Jan 1, '08 7:58 AM
for everyone

Hello mga kuyanatics! Tuloy-tuloy lang ang pagboto para sa inyong Big Four bets dahil bukas ay live na live magaganap ang huling eviction night para sa PBB Celebrity Edition 2. Natunghayan nga natin sa sneak peek kanina sa Uber kung paanong umamin itong si Jon na siya ang nag-instigate na  inominate nila ang isa't-isa sa takot na baka siya ang mapaalis at hindi makasama sa Big Four. Hm... Mukhang malabo ang statements ng boarders ni kuya ah! Ang continuation ng istoryang iyan ay abangan niyo mamaya sa Primetime Bida.

Samantala, alamin ang saloobin ng forced evictee na si Baron na nagpahayag ng unang interview niya kanina sa Uber sa PBB Official Website. Sa loob naman ng bahay ni Kuya ay nag-break muna sina Gaby, Riza at Will sa pag-form ng coin insignia sa ilalim ng pool bilang activity nila ngayon, habang sina Jon at Ruben naman ay busy pa rin sa pagbibilang ng balde-baldeng barya na ibinigay ni Kuya kanina.

Tutok lang dito sa PBB Multiply Site para sa mas madami pang updates sa inyong favorite housemates! =)


Blog EntrySana may Countdown!Dec 30, '07 10:31 PM
for everyone

It's the last day of 2007, at maski sa loob ng bahay ni Kuya ay ramdam din ng natitirang limang celebrity housemates ang excitement para sa New Year.  Napagkwentuhan nina Gaby at Riza ang mga tradisyon sa Pilipinas sa pagsalubong sa bagong taon.  Dahil laki sa Canada, si Riza ay walang alam kung anong oras nagsisimula ang fireworks.  Kwento ni Gaby ay as soon as magdilim, nagsisimula na ang mga tao na magpaputok, at titindi ang ingay ng putukan pagdating ng midnight at magtatagal hanggang alas dos ng madaling araw.

Humuling nga si Riza na sana ay ipapanood sa kanila ni Big Brother ang countdown para kahit papaano ay makasabay nila ang buong bansa sa pagsalubong sa 2008.  Pero hindi pa nga sure kung paano magbabagong taon ang mga housemates dahil may tensyon pa rin sa pagitan nila at ni Kuya.


Blog EntryHongkong honeymoon para kina Ruben at Jeselle!Dec 29, '07 4:55 AM
for everyone

Matapos nga ang hilarious na speech ni Ethel para sa bagong kasal, tinawag niya sa harap si Ruben upang ibigay ang special na regalo. Iniabot ni Ethel ay round-trip ticket for two to Hongkong kay Ruben.  Nagulat nga ang komedyante at halos maluha sa pagka-touch sa regalo.  Niyakap ni Ruben si Ethel bilang pasasalamat dahil for the first time ay makakarating siya sa Hongkong kasama ang kanyang pinakamamahal na kabiyak.


Blog EntryRuben, lapitin ba ng tukso?Dec 29, '07 4:42 AM
for everyone

Inimbitahan nga ni Big Brother ang mga pamilya at kaibigan nina Ruben at Jesselle na magbigay ng kanilang mga messages sa bagong kasal.  Ang isa sa mga bilin ng ina ni Jeselle sa kanya ay maging pasensyosa at huwag maging selosa, lalo na ngayon at baka tuluyan nang pumasok sa showbiz ang kanyang komdeyanteng mister.  Ayon sa ina, kung mayroon mang ipareha kay Ruben at isipin na lang ni Jeselle na trabaho lang ito, at lahat naman ng pagsusumikap ni Ruben ay para rin sa kanilang pamilya.

E paano na nga kaya ang kwelang tambalan nina Ruben at Ethel?!


Blog EntryReception sa bahay ni Kuya!Dec 29, '07 3:30 AM
for everyone

After nga ng kasal sa simbahan ay nagbalik na ang ating celebrity housemates sa bahay.  Nagulat nga silang lahat na may naka set-up sa living room na mukhang sa loob nga ng bahay gaganapin ang reception.  Syempre, mapipigilan ba naman ang ilan sa kanilang silipin kung ano ang mga nakahandang pagkain.  Maya-maya pa ay sinabihan na sila ni Big Brother na salubungin ang mga kamag-anak nina Ruben at Jeselle na makakasama nila sa kainan.

Pero nasaan na nga ba ang bagong kasal?


Blog EntryOne step closer to the Big FourDec 29, '07 12:43 AM
for everyone

Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin.  Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals.  Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner?

To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers.  Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide.

Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw.

Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.


Blog EntryThe groom's prayerDec 28, '07 10:31 PM
for everyone

Bago tawagin ni Big Brother si Ruben para maghanda sa kanyang kasal ay nakasalo pa ng komedyante ang mga celebrity housemates sa isang simpleng lunch.  Si Ruben ang nag-lead ng prayer kung saan siya ay nagpasalamat sa mga biyayang ibinigay sa kanya ng Diyos at ni Kuya.  Pinasalamatan din ni Ruben ang mga housemates sa kanilang friendship at support.  Afterwards, all the housemates wished him all the best sa kaniyang bagong buhay bilang ganap na family man. Pagkatapos ay tinawag na nga ni Big Brother si Ruben at pinapunta sa secret room para siya ay makapagbihis na.

Antabayanan sa PBB Official Website ang mga mangyayari sa kasal ni Ruben.


Blog EntryAng bongga ng kilay ni Ruben!Dec 28, '07 2:51 AM
for everyone

Habang ay iba ay super busy sa pagpapaayos sa mga make-up artists at hairdressers, nagprisinta naman itong si Ethel na ayusin ang kilay ni Ruben. Gamit ang razor, inahit ng sexy-comedienne ang kilay ng groom to be.  Tamang tama nga ito para kapag hinarap ni Ruben ang kanyang bride na si Jeselle ay bongga pareho ang mga kilay nila.  Biro pa ni Ruben, sa lahat ng ikakasal, siya lang ang walang kaalam alam sa mga mangyayari sa sarili niyang kasal.

E Kuya, ano ba talaga kasi ang plano mo kay Ruben?!


Blog EntryMake up na naman!Dec 28, '07 1:54 AM
for everyone

Nagpahinga lang ang mga celebrity housemates sa kanilang pictorial weekly task ay heto na naman at nakasalang for a make up session sina Gaby at Riza,at si Mariel sa secret room!  Talagang nag-hire pa si Big Brother ng mga professional make-up artists at hairdressers para ayusan ang ating mga housemates.  Ang tanong ay kung para saan nga ba ang super prep na ito?

Abangan ang kwento sa PBB Official Website.


Blog EntryMariel, the cake slayer!Dec 26, '07 4:15 AM
for everyone

Hindi pa nga tapos ang mga celebrity housemates sa paggawa ng carrot walnut cake.  Si Mariel ang nag-volunteer na mag cut ng mga cake mula sa hulmahan.  Pero nang napansin ni Ms. Penk na nadudurog ang mga cake habang pinuputol ni Mariel ang tinuruan niya ang pretty houseguest ng tamang pagputol.  Itong si Mariel ay natawa na lang sa sarili dahil sa kanyang mga kapalpakan.  Pero super gulat siya nang i-announce ni Big Brother na may practical exam sila mamaya after ng lecture ni Ms. Penk.


Pages:12345678
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help