Pinoy 's posts with tag: big four
Sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na Celebrity Big Four sa Araneta Coliseum! Ano na mga kuyanatics! Sino ang biggest bet niyo for the Big Win? Dahil cut-off na ang voting, Big Winner na nga si Housemate B, 2nd Big Placer si Housemate C, 3rd Big Placer si Housemate A at 4th Big Placer si Housemate A.
Ang tanong, sino naman kaya kina Gaby, Riza, Ruben at Will ang nagmamay-ari ng pinakamswerteng tally of votes ngayon gabi? Tutukan ang pinakahihintay nating moment of glory ng inyong paboritong celebrity housemate only on ABS-CBN!
Kung dati ay plinano ni Ruben na magkita-kita muli ang kanyang ina, tita at lola, ngayon naman ay binigyan siya ng pagkakataon na makapiling kahit isang saglit ang nagsilbing inspirasyon niya para makayanan ang lahat ng challenges sa bahay ni kuya--walang iba kundi ang kanyang Papa Locloc. Syempre, mapipigilan ba naman ni Mr. Family Man ang pag-iyak pagdating sa kanyang mahal sa buhay?
Sinundan naman ito ng pagdating ng kuya ni Gaby na si Jan dela Merced na mukhang very into sa extreme sports dahil nabanggit nito na napiliyan siya dahil sa ten back flips something! Kaagad pinakilala ng Racing Godess ang kanyang kapatid sa mga housemates at ipinakita pa ang pinaghirapan nilang coin tower! Kitangkita talaga ang saya sa mukha ng Big Four dahil sa mga sopresa na ito. Well, all set na ang Celebrity Big Four!
Bago pa man tumuloy sa Big Dome ang celebrity Big Four ay tinipon muna ni kuya ang kanyanag boarders para ipamagi ang huli niyang sorpresa sa kanila. Ito ay related sa ginawa nilang tower of coins na bagamat paulit-ulit itong bumagsak ay hindi sila nagsawang itayo muli ito--tulad nalang ng kanilang samahan na bagamat ilang beses na ring dumaan sa madaming pagsubok ay hindi pa rin natinag. At dahil dito, binigay ni kuya ang P20,000 worth of coins sa charitable institution na ninais ni Jon na matulungan, bunga na rin ng kagustuhan ng Big Four na gawin ito para sa kanilang beloved housemate. Ang cheque na nagkakahalaga ng the same amount ay ibingay sa Center Director ng Tahanang Sta Luisa na si Ms. Mercy Cabrillas.
Hm... Hating-hating talaga ang mga boto ng PBB supporters para sa kanilang bets. Dahil kung kahapon ay nangunnguna si Housemate A at kanina lang ay si Housemate C, ngayon naman ay si Housemate B na ang may pinakamataas na share of votes! Sino naman kaya kina Gaby, Riza, Ruben at Will ang nagmamay-ari ng mga boto na yan?
Kung bongga ang tanghalian na pinagsaluhan nila Ruben, Riza, Gaby at Will kanina, mas pinasarap pa ang pinakahuling meal nila sa loob ng bahay ni kuya dahil sa wakas ay readyng-ready na sila for the final event. Bawat isa sa kanila ay naghandog ng thanksgiving prayer para sa napakaraming oportunidad para mas maging matatag. Genuine talaga ang close bond nila dahil hindi mababakas sa kanilang anyo ang pakikipagkompetisyon. In fact, thankful pa sila sa friendships na nabuo dito at kanila ring hiniling na sana'y magpatuloy pa ito maging sa outside world.
Habang kumakain ang mga housemates ay inassure sila ni Bianca na hinding-hindi niya gagalawin ang coin tower dahil takot lang daw niyang harapin sa ulit for an interview paglabas nila ng bahay ni kuya. Ang awkward naman daw nun. Pero dahil nga naiwang walang nagbabantay sa kanilang project ay mabilis na lumabas sila nang marinig nilang tila gumagalaw ang giant door sa garden. Hm... Gusto kayang sirain ni kuya ang coin tower ng kanyang boarders? Paranoid lang ba ang housemates o tumama kaya ang kanilang instinct?
Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin. Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw. Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.
Plakda ngayon ang mga housemates matapos ng napaka-hectic na sched nila ngayong araw. Dahil bukod sa may photo shoot sila kanina para sa kanilang calendar project at ang kasal-kasalan sa pagitan nina Ethel-Will at Mariel-Jon, ay dumirecho sila sa isang professional pictorial dahil tutal ay bongga na rin lang ang kanilang mga ayos. Hindi nila alam kung para saan ito at ang hinala nila ay baka para daw sa isang magazine cover. Lingid sa kanilang kaalaman ay maaaring kinuhaan na sila ng shots in preparation for the upcoming Celebrity Big Four publicity tulad noong last season. Kaya mga kuyanatics, tuloy-tuloy lang sa pagvote para sa inyong favorite housemates!
Opisyal nang inanunsyo sa PBB Primetime kanina ang pagpataw ng Forced Eviction kay Baron dahil sa sunod-sunod na violations na kanyang nagawa kasama na ang paninigarilyo niya sa kitchen, storage room at confession room; ang pagbabanta niya kay Will at ang pagmumura niya kay Kuya. Hindi na nga ito pinalampas na muli matapos siya'y mabigyan ng pagkakataong patunayan ang kanyang sarili noong una siyang nalasing. Pero sa kanyang pag-alis, ibig sabihin ay isa na lang sa natitirang limang official celebrity housemates ang matatanggal bago tanghalin ang Celebrity Big Four. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa inyong list of winners this edition? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto sa PBB Official Website o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw.
| |