Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang special mission ni celebrity houseguest Ethel dahil muli ay tinanong niya ang bayan kung sino ba talaga kina Will, Riza, Ruben at Gaby ang karapat-dapat na maging Big Winner. Kaya lang, mukhang hindi masyadong napaghandaan ang kanyang super revealing na costume dahil bumababa ang kanyang tube gown habang ineentertain ang audience.
Kasama rin niya sa pagkilatis ng pagkatao ng bawat housemate ay ibang magagaling na showbiz stars tulad ni Tuesday na ginaya ang memorable lines ni Gaby. At para iemphasize ang pagmamahal ng huli sa mga alagang biik ay nagboluntaryo ang Ultimate Pasaway na maging si Porkchop at ginaya na rin ang boses ni Kuya!
Si RS Francisco naman ang nanggaya kay Will. Bukod sa nireenact niya ang pagkahulog ng True Lover sa pool na ikinabasa ng lapel mic ng huli, kwinento din niya kung paanong pumunta siya dito sa Pinas para sundan ang kanyang girlfriend of three years! Pero pahuhuli ba naman si Ethel pagdating sa pagiging sweet sa kanyang "baby"? Ang nakakatuwa nilang tambalan ay talaga namang naging tatak na ng PBB Celebrity Edition 2. In the end though, inamin ni "Will" na si Riza pa rin ang babaeng nasa puso niya.