Pinoy 's posts with tag: big night
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang special mission ni celebrity houseguest Ethel dahil muli ay tinanong niya ang bayan kung sino ba talaga kina Will, Riza, Ruben at Gaby ang karapat-dapat na maging Big Winner. Kaya lang, mukhang hindi masyadong napaghandaan ang kanyang super revealing na costume dahil bumababa ang kanyang tube gown habang ineentertain ang audience.
Kasama rin niya sa pagkilatis ng pagkatao ng bawat housemate ay ibang magagaling na showbiz stars tulad ni Tuesday na ginaya ang memorable lines ni Gaby. At para iemphasize ang pagmamahal ng huli sa mga alagang biik ay nagboluntaryo ang Ultimate Pasaway na maging si Porkchop at ginaya na rin ang boses ni Kuya!
Si RS Francisco naman ang nanggaya kay Will. Bukod sa nireenact niya ang pagkahulog ng True Lover sa pool na ikinabasa ng lapel mic ng huli, kwinento din niya kung paanong pumunta siya dito sa Pinas para sundan ang kanyang girlfriend of three years! Pero pahuhuli ba naman si Ethel pagdating sa pagiging sweet sa kanyang "baby"? Ang nakakatuwa nilang tambalan ay talaga namang naging tatak na ng PBB Celebrity Edition 2. In the end though, inamin ni "Will" na si Riza pa rin ang babaeng nasa puso niya.
Binalikan ni Toni ang mga di malilimutang pangyayari sa bahay ni kuya. Na habang mas pinatitibay ang samahan ng bawat housemate ay siya namang unti-unting pag-alis ng ilan sa kanila. Kakaibang concepts ang ating natunghayan tulad ng 2-in-1 set up, HOH challenges, PBB hosts na naging houseguests. Syempre di rin mawawala ang blossoming romanc, voluntary exits, forced evictions at lahat na ng malungkot, nakakakaba at magagandang ala-ala.
At matapos nga ang di-malilimutang mga aral at pagsubok na pinagdaanan nila sa pamosong bahay ni kuya, ang inyong paboritong ex-housemates ay muling nagsama-sama in one spectacular song number featuring their very own compositions! Kumpleto ang barkada kasama sina si Jen, Marylaine, Zara, Megan, Mcoy, Victor, Ethel, Yayo, Jon, Donnie at Baron.
Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin. Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw. Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.
Two weeks na lang bago ang inaabangang Big Night. Pero sa anim na natitirang celebrity housemates, isa lang ang tatanghaling Celebrity Big Winner. Nasa iyong kamay ang magiging katapusan ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Maaari mo nang iboto kung sino kina Gaby, Jon, Riza, Will, Baron, at Ruben ang gusto mong mapabilang sa Big Four at maging Big Winner. I-text lang ang BB Gaby, BB Jon, BB Riza, BB Will, BB Baron, o BB Ruben sa 2331 (Globe, TM and Sun Cellular) o 231 (Smart, Talk N Text). Maaari ring bumoto online sa PBB Official Voting Page o gamit ang mga PBB Vote Cards na mabibili sa lahat ng SM department stores. Pwede ka ring bumoto at manalo ng one million pesos sa Globe PBB Celebrity Voting promo! I-text lang ang GBB (name of your chosen housemate) sa 2366 para makapag-download ng PBB picture messages (P15.00/download) at bigyang ng automatic 10 votes ang iyong paboritong housemate. Bawat download ay makakakuha ka ng 1 raffle entry para mapanalunan ang isang milyong piso!
| |