Pinoy 's posts with tag: confession room

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag confession room
Blog EntryEchoes of laughterDec 20, '07 12:14 PM
for everyone
Tuwang-tuwa ang mga housemates na binalikan ang mga unang araw ng kanilang Kris Kringle. Kaya pala walang natatanggap na regalo si Jon noon ay dahil walang kaalam-alam si Ethel na nagumpisa na pala ang bigayan ng good deed. Isang beses ay nagtaka pa daw siya kung bakit napaaga si Baron sa pagsabi kay Kuya ng balak niyang gawin sa kanyang baby. Yun pala ay late din ito.

Si Ruben naman, inasar si Will dahil ang hiningi niyang regalo ay compilation ng mga  memorable experiences niya as a housemate na balak niyang ibigay sa kanyang ina. Sigurado daw ay nakapaloob dun yung "kahindik-hindik na krimen" na iniwan niya sa banyo noong first day nila sa bahay ni kuya.

Blog EntryDear Gladys...Dec 9, '07 11:47 PM
for everyone

Pinatawag nga ni Big Sister si Gladys sa confession room, at paglabas ng Patawa Queen ay may dala na itong parang mga sulat.  Dumiretso si Gladys sa kwarto at doon niya binasa ang ilang pahina ng mga sulat.  Pero in the middle of reading, napaiyak na lang ang komedyana.  Hindi naman malinaw kung ano ang nakasaad sa sulat, kung ito ba ang part 2 ng letter kay Gladys ng kanyang boyfriend.

Maka-apekto kaya ang sulat na ito sa desisyon ni Gladys na mag-voluntary exit?  Tutukan ang mga huling pangyayari sa PBB Official Website.


Blog EntryRiza at Victor, pinaalis ng bahay ni Kuya!Nov 29, '07 1:05 AM
for everyone

Kanina ngang madaling araw ay namataan sina Riza at Victor na pumunta ng confession room.  Hanggang ngayon nga ay nagtataka ang ibang celebrity housemates dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila nakikita ni anino ng Desirable Diva at ng Lonely Dreamboy!  Saan naman kaya nagpunta ang dalawa?  Babalik pa kaya sa bahay ang dalawang nominado?

Abangan ang buong kwento sa PBB Official Website


Blog EntryKiss Sabay HugNov 10, '07 2:31 AM
for everyone

After a long talk with Big Brother, heto na nga at bumalik na si Ethel sa mga housemates at nakiki-pirma na ng mga PBB shirts.  Masaya nga ang mga housemates nang makitang okay na ang Ultimate Pasaway.  Niyakap si Ethel ng mga kasama, kabilang si Will, bilang suporta.  Ngunit after a while, nagsabi si Ethel kay Jon ng "You should kiss me because I'm staying.  Si Will kiniss na ko."  Nagulat nga ang English Outcast sa narinig, pero nang na-realize na okay na si Ethel sa wakas, niyakap ni Jon si Ethel sabay halik sa leeg.

Masaya lang siguro si Jon na magkakaroon pa siya ng panahon na ipagpatuloy ang unti-unting pagiging close nila ni Ethel.


Blog EntryMariel, Ang Bagong Diva!Nov 7, '07 3:22 AM
for everyone

Lumabas si Yayo ng confession room na may dalang instructions mula kay Big Brother.  May mga naka-linya na ngang numbers ang ating celebrity housemates sa kanilang concert, pero si Kuya, may gustong ipadagdag!  Sa Pappy Chulo, dapat daw ay song and dance, kaya't dapat kantahin ang lyrics nina Ruben, Baron, at Victor.  Sa Buttons, dapat kumanta nina Ethel, Megan, at Mariel.  Super objection si Mariel dahil ayaw nitong kumanta sa harap ng maraming tao!  Bukod sa pagkanta, magiging host din si Mariel ng programa.  Dapat si Riza ang sa Buttons, pero may "Bakit Ngayon Ka Lang" song number na nga ang Desirable Diva kasama si Will.

Heto na nga at humahagulgol na naman ang ating celebrity houseguest 


Blog EntryLet's Do The Rico Mambo!Nov 6, '07 12:32 AM
for everyone

Habang naghahanda ang mga celebrity housemates para sa kanilang turn na mag-newscast sa confession room, paulit-ulit na pinatutugtog ni Big Brother sa living room ang 80s dance classic na Rico Mambo ng Breakfast Club.  Napapaindak ang mga housemates sa kanta, pero ang mga laking 80s na sina Yayo at Mcoy ang super naka-appreciate sa dance tune.  Pero hindi naman nagpaawat si Will sa pagsayaw sabay sa Rico Mambo!  Mukhang may bago nang career ang True Lover paglabas niya ng bahay.


Blog EntryTagtuyot Sa Loob Ng Bahay!Oct 30, '07 11:31 PM
for everyone

Mukha na namang kawawa ang mga celebrity housemates dahil nawalan ng tubig!  Ang iba, super complain dahil hindi pa sila nakakaligo.  Afterwards, lumabas si Riza ng confession room at sinabi na hindi natutuwa si Big Brother sa mga reklamo.  Binuksan daw ni Kuya ang tubig ng dalawang oras, kaya dapat, sinamantala na ito ng mga housemates.  Dapat din ay ipinasok na nila ang drum sa storage room last night pa lang para malagyan, pero nakalimutan nga nila.

Nauwi ang usapan sa open forum (read the full story on the PBB Official Website) ng kanilang mga annoying habits, pagdating sa pagkain, pagligo, ang pagiging makalat sa gamit.  Nag-plano na tuloy sila ng sistema para masulit ang oras na bukas ang tubig at maging maayos ang hatian ng pagkain.


Sa Entertainment Live nga ay kinamusta ni Toni Gonzaga ang malapit na kaibigang si Mariel Rodriguez straight from the confession room of the Pinoy Big Brother house!  May issue kasi na nagseselos na ang "close friend" ni Mariel na si Zanjoe Marudo sa closeness ng dalaga sa hunk housemate na si Jon Avila.

Pero syempre, hindi pwedeng malaman ni Mariel ang mga nangyayari sa outside world.  Kaya kinamusta na lang ni Toni si Mariel on how the celebrity houseguest is holding up especially given tonight's first eviction.  Sabi ni Mariel, so far wala pa naman sa mga nominees na sina Megan, Jen, at Marylaine ang umiiyak.  But for sure, mamaya sa live broadcast, marami ang maiiyak, lalo na si Mariel na na-attach na sa mga housemates after more than a week inside the house. 


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help