Pinoy 's posts with tag: daddy erning

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag daddy erning
Blog EntryTita Anna's thoughtsApr 22, '08 12:42 AM
for everyone

Naglabas ng sama ng loob si Tita Anna sa fellow guardians! Gigil na gigil niyang ikinuwento ang kaniyang sama ng loob kay Daddy John. Pinapalaki ni Daddy John ang isyu at sinisigawan pa siya. Hindi naman daw kailangang magsigawan dahil educated naman sila lahat doon. At para kay Tita Anna, she "will not stoop down to his idiosyncrasies". Agree naman dito si Mommy Carina at ang dalawa naman ay nagkampihan. Si Mommy Minda at Daddy Erning gusto nang mamagitan sa tumitinding away na ito ngunit nahihirapan rin sila. Saan pupunta ang lumalalang away na ito?

 


Blog EntryMommy Minda lightens the moodApr 21, '08 11:25 PM
for everyone

Matapos ang bangayan ni Tita Anna at Daddy John, naisip ni Mommy Minda na patawanin ang kapwa guardian. Sabi kasi ni Tita Anna ang halaga daw ni Daddy John ay ito: nagkunwaring kumuha ng isang bagay at tinapakan niya ito. Natawa na lang si Mommy Minda at inasar siya ng "the more you hate, the more you love!". Ginatungan pa ito ni Mommy Sandy at Daddy Erning kaya nagtawanan na lang ang mga guardians. Si Mommy Minda kaya ang sagot sa awayang Daddy John at Tita Anna?


Blog EntryDaddy John, sinimulan na ang secret sacrifice!Apr 20, '08 1:03 AM
for everyone

Nakumbinsi na ni Daddy John ang daddy ni Jolas na si Daddy Ike para gupitan ang kaniyang buhok. Si Daddy Ike, naka-mohawk style! Kamusta naman iyon. Natawa tuloy si Mommy Minda at Daddy Erning sa kakaibang hairstyle na ito. Hindi makita ni Daddy Ike ang itsura sa salamin kaya pinagbasehan na lang ang itsura ni Mommy My Love na masama raw ang mukha nung nakita ang new haircut. Si Daddy Erning patawa-tawa pa, naku daddy kung alam mo lang na ikaw na ang susunod diyan!


Blog EntryThe boys and the menApr 10, '08 2:56 AM
for everyone

Napapasarap na sina Jolas at Ejay sa kanilang stay kasama ang mga guardians.  Dahil na rin siguro sa init ng panahon, naisipan ng Promdi Hottie at Gentle Giant na magbabad sa jacuzzi, at sumama na rin si Daddy Ike sa pagpapalamig habang si Daddy Erning ay nasa tabi na nakikipagkwentuhan.  Napag-usapan nina Daddy Ike at Jolas ang mga usual boys' stuff tulad ng armpit hairs, shaving, basketball, at syempre, mga girls.  Itong si Ejay naman ang kanilang napag-tripan dahil sa kanyang lihim na pagkagusto kay Valerie.

Sige nga mga daddies, pagtulungan niyo ang natotorpeng si Ejay.


Blog EntryEjay at Jolas sa piling ng mga guardiansApr 10, '08 12:39 AM
for everyone

Habang ang mga teen housemates ay kasama ang parents ni Linda, sina Ejay at Jolas naman ay nakasalo sa breakfast ang ibang guardians.  Sa wakas ay nadiskubre na rin ng Promdi Hottie at ng Gentle Giant ang "secret place."  Super saya naman ni Ejay na makita ang kanyang Daddy Erning at si Jolas naman ang kanyang Daddy Ike.  Ang dalawang teens naman ay nagkwento sa kalagayan ng ibang teens sa kabilang bakod. 

Sino na lang ba ang hindi nakakaalam tungkol sa secret place na ito?


Blog EntryJieriel interrogates EjayApr 7, '08 11:44 PM
for everyone

Habang naghuhugas ng pinggan si Jieriel, tinanong niya si Ejay tungkol sa totoong tatay niya na Italiano. French daw hindi Italiano sabi ni Ejay. Natawa si Jieriel at nagtanong kung paano kung nagpakita ang French Father ng Promdie Hottie? At paano kung inaya siya na sumama sa France?

Hindi pa man tapos magtanong si Jieriel, Hinding-hindi talaga si Ejay. Mahal na mahal niya si Daddy Erning at hindi niya ipagpapalit ito. Kung magbibigay ng bahay, lupa, at trabaho ang French father, ok lang daw pero kung ang kapalit ay ang pagsama sa France, aba'y hindi na lang.

Mahaba pa ang season at marami pang puwedeng mangyari. Pagkitain kaya ni Kuya si Ejay at ang French father tulad ng nangyari kay Matt Evans sa first season ng PBB Teens?


Blog EntryClose call for the guardians!Apr 2, '08 10:25 PM
for everyone
Muntik nang mahuli ni Alex ang nagliliwaliw na guardians sa bahay ng teen housemates! Pinayagan ni Kuya na maglibot-libot ang mga guardians sa space ng teens. Si Daddy John at ang kakulitan niyang si Daddy Erning  nagswimming pa! Ang mga mommies naman hindi mapigilang magtsisimisan sa bahay ni Kuya. "May anak pa raw ito kay ano..." Ano daw? Yung iba namang mommies very proud na ipinakita ang mga pictures ng mga anak nila na nakadisplay sa sala. Dahil hindi mapakali si Alex sa sakit ng operasyon, maaga siyang gumising at muntikan nang lumabas sa kuwarto. Pero nahiga na lang ulit ang binata at natulog ulit. Buti na lang dahil siguradong magtataka na sila kung bakit madalas may guardians na bumibisita sa kanila! Tingnan ang buong kuwento sa PBB Official Website.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help