Pinoy 's posts with tag: daddy hans

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag daddy hans
Blog EntryReunited ang parents ni Linda!Apr 10, '08 12:29 AM
for everyone

Super happy ng umaga ni Linda dahil nagising siya na hindi lang kasama ang kanyang Daddy Hans kundi kapiling din nila ang kanyang Mommy Ningning. Matapos nga ang lampas tatlong taon ay muling nakasama ng Bikini Babe ang kanyang ama, at pakiramdam ni Linda na kulang na lang ang kanyang nakababatang kapatid ay pwede na silang makumpleto bilang isang pamilya sa loob ng bahay ni Kuya.  Habang gumagawa ng house chores sina Daddy Hans at Mommy Ningning ay tinulungan na sila ni Nan. 


Blog EntryGirls ready their presentation!Apr 9, '08 12:46 AM
for everyone

Bago umalis si Daddy Hans, maghahandog ng performance ang teen housemates para sa kaniya. Si Beauty ang inatasan para mamahala dito at strict ang instruction sa girls: IMPERSONATE LINDA! Keri niyo ba yun girls? Kailangan nilang makipagpartner sa boys para gawin itong task. Kani-kanino kaya mapapartner ang girls? Paano nila gagayahin si Linda?  Ito na kaya ang first time nilang makikitang umiyak ang Bikini Babe?


Blog EntryNagmomoment si Josef at Nicole!Apr 8, '08 11:58 PM
for everyone

Hindi mapaghiwalay si Josef at Nicole! Habang nagkukuwento si Daddy Hans, patuloy na minamasahe ni Josef ang kamay ni Nicole. Pagkatapos naman nito ay inaayos ang buhok ng pretty In-Chick from Cebu. At balik nanaman si Josef sa pagmamasahe. Niloko pa niya kunwari si Nicole at sinabing may charge daw ito per hour. Mapapansin na very close ang dalawa lately, maging more than just friends kaya ang dalawa? Kayo, agree ba kayo sa Josef-Nicole tandem?


Blog EntryDaddy Hans is radical!Apr 8, '08 11:42 PM
for everyone

Impressed ang housemates nang makita ang mga tattoo ni Daddy Hans! Sa likod ni Daddy Hans may mga design na mga butterfly at kung anu-ano pa. Lahat pa ito ay may meaning. Napa-wow na lang ang mga housemates at napa "ang ganda" na lang si Beauty. Dagdag ni Linda na gusto niya ang shape at kuwento niya sa mga housemates na nakaka-isang case ng beer si Daddy Hans dati. Todo bonding talaga ang teens with Daddy Hans at unti-unti namang nag-oopen si Linda sa ama. Maayos kaya nila ang lahat bago pa man palabasin ni Kuya si Daddy Hans?


Blog EntryDaddy Hans taps into Linda's memoryApr 8, '08 11:12 PM
for everyone

Sinubukang makipagbonding ni Daddy Hans kay Linda. Pinaalala niya noong January 16, 1999, nasa airport siya pabalik ng Norway, sinabi sa kaniya ni Linda, "Take it easy in Norway, you have only one life that you borrowed." Hindi ito makalimutan ni Daddy Hans at sinusubukan naman ni Linda na alalahanin ito. Noong medyo naalala na niya, sinabi niya na 8 years old pa lang siya noon. Pagkatapos ay natahimik na lang ang Bikini Babe ng Iriga. Tumibay kaya ang relasyon ng mag-ama sa pagtitira ni Daddy Hans sa bahay ni Kuya?


Blog EntryBonding ang girls at si Daddy HansApr 8, '08 11:02 PM
for everyone

Kagabi pumasok si Daddy Hans, dad ni Linda para magcelebrate ng birthday niya sa loob. Bonding to the max sila ng girls especially si Rona. Sinimulan ni Beauty na nagtanong kung ilan taon na si Daddy Hans. Napa "hay nako" na lang si Daddy dahil ayaw niya maisip na tumatanda na siya.

Si Rona naman ang nakipagbonding kay Daddy. At may rebelasyon pa si Rona dito: gusto niya maging lawyer! Sabi ni Daddy Hans - lawyer parang liar. Sagot naman ni Rona ay lahat naman nagsisinungaling, ang pinagkaiba lang sa lawyer, may dedepensahan kang cliente. Hmm..

Basahin ang PBB Website para sa buong kuwento.


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help