Pinoy 's posts with tag: daddy ike
Matapos kausapin si Mommy Minda, si Daddy Ike naman ang kinausap ni Tita Anna. Iba pa niyang issue kay Daddy John ay tungkol sa kultura. Inusisa ito ni Daddy Ike at ang binigay ni Tita Anna na halimbawa ang sinasabi ni Daddy John na hindi niya maintindihan ang kultura dito: konting ulam, maraming kanin. Naku naman guardians, pati pagkain? Bukod pa dito ay madumi daw maglaro si Daddy John at napansin rin daw ito ni Mommy Carina. Ang kay Daddy Ike lang naman, sayang ang araw nila doon sa bahay kung parati silang nag-aaway. Oo nga naman guardians, listen to Daddy Ike!
Nakumbinsi na ni Daddy John ang daddy ni Jolas na si Daddy Ike para gupitan ang kaniyang buhok. Si Daddy Ike, naka-mohawk style! Kamusta naman iyon. Natawa tuloy si Mommy Minda at Daddy Erning sa kakaibang hairstyle na ito. Hindi makita ni Daddy Ike ang itsura sa salamin kaya pinagbasehan na lang ang itsura ni Mommy My Love na masama raw ang mukha nung nakita ang new haircut. Si Daddy Erning patawa-tawa pa, naku daddy kung alam mo lang na ikaw na ang susunod diyan!
Pinatunayan ng guardians na hindi sila senior citizens at kaya pa rin nila ang mga ginagawa ng mga kabataan! Habang uugod-ugod ang teens sa kabila, enjoy naman ang guardians sa paglalaro ng volleyball at basketball! Si Mommy NingNing at Daddy Ike ang naglaro ng volleyball at si Daddy John ang kanilang dakilang referee. Nagpakitang gilas pa si Daddy Ike at nagshoot ng bola na nakatalikod sa ring! O diba? Kaya ninyo yun? Go guardians!
Kasama na nga ng mga guardians sina Daddy Hans at Mommy Ningning, pero sina Jolas at Ejay ay nage-enjoy pa rin sa secret place. For this afternoon, naatasan si Daddy Ike na mag-bake ng pandesal. May alam naman pala ang tatay ni Jolas sa basic baking kaya itinuro din niya ito sa ibang guardians. Si Mommy Minda naman ay super willing na matutunan ang paggawa ng tinapay, at nagbiro pang dadalhin niya sa Italy si Daddy Ike dahil mabenta nga ang cakes at pastries doon.
Napapasarap na sina Jolas at Ejay sa kanilang stay kasama ang mga guardians. Dahil na rin siguro sa init ng panahon, naisipan ng Promdi Hottie at Gentle Giant na magbabad sa jacuzzi, at sumama na rin si Daddy Ike sa pagpapalamig habang si Daddy Erning ay nasa tabi na nakikipagkwentuhan. Napag-usapan nina Daddy Ike at Jolas ang mga usual boys' stuff tulad ng armpit hairs, shaving, basketball, at syempre, mga girls. Itong si Ejay naman ang kanilang napag-tripan dahil sa kanyang lihim na pagkagusto kay Valerie. Sige nga mga daddies, pagtulungan niyo ang natotorpeng si Ejay.
Habang ang mga teen housemates ay kasama ang parents ni Linda, sina Ejay at Jolas naman ay nakasalo sa breakfast ang ibang guardians. Sa wakas ay nadiskubre na rin ng Promdi Hottie at ng Gentle Giant ang "secret place." Super saya naman ni Ejay na makita ang kanyang Daddy Erning at si Jolas naman ang kanyang Daddy Ike. Ang dalawang teens naman ay nagkwento sa kalagayan ng ibang teens sa kabilang bakod. Sino na lang ba ang hindi nakakaalam tungkol sa secret place na ito?
| |