Pinoy 's posts with tag: daddy john

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag daddy john
Blog EntryHappy na si Daddy John!Apr 23, '08 2:20 AM
for everyone

Masayang masaya si Daddy John na lumabas sa confession room! Sinabi niya kay Mommy Minda na nakausap na raw niya si Kuya at masaya na siya. Minasahe pa niya tuloy si Mommy Minda sa hindi maikubling tuwa. Comment naman ni Mommy Minda: "Kailan ka ba naging malungkot? Kapag wala ka nang kakainin, doon ka lang naman malungkot." In fairness, panalo talaga sa hirit si Mommy Minda!


Blog EntryIssue ni Tita Anna kay Daddy JohnApr 23, '08 12:00 AM
for everyone

Matapos kausapin si Mommy Minda, si Daddy Ike naman ang kinausap ni Tita Anna. Iba pa niyang issue kay Daddy John ay tungkol sa kultura. Inusisa ito ni Daddy Ike at ang binigay ni Tita Anna na halimbawa ang sinasabi ni Daddy John na hindi niya maintindihan ang kultura dito: konting ulam, maraming kanin. Naku naman guardians, pati pagkain? Bukod pa dito ay madumi daw maglaro si Daddy John at napansin rin daw ito ni Mommy Carina. Ang kay Daddy Ike lang naman, sayang ang araw nila doon sa bahay kung parati silang nag-aaway. Oo nga naman guardians, listen to Daddy Ike!


Blog EntryDepensa ni Tita AnnaApr 22, '08 10:26 PM
for everyone

Umagang-umaga at naglalabas ng sama ng loob si Tita Anna kay Mommy Minda. Bagaman nasa likod lang nila si Daddy John, tuloy pa rin ang usap nila. Pinaparinig ni Tita Anna na sa katunayan kahapon, hinugasan pa daw ni Josef ang plato niya at ni Daddy Ike. Nakalimutan lang daw ni Josef hugasan ang pinaglutuan. Bata pa naman daw si Josef at nakalimutan lang iyon at hindi tama na murahin siya sa isang mababaw na dahilan. Dagdag pa ni Tita Anna na may pasabi kay Daddy John, "Don't treat me like **** because your mother treated you like that."  Hmm.. parang hindi lang teens ang damay sa away na ito. Pati mother ni Daddy John, damay na!


Blog EntryDaddy John's thoughtsApr 22, '08 1:12 AM
for everyone

Matapos kausapin ni Mommy Carina si Tita Anna, kinausap naman niya si Daddy John. Ang complain naman ni Daddy John kay Tita Anna ay masyado daw ito kung mag-impose. Minsan pa papasok ito sa kuwarto hindi man lang kumakatok. At kung makikipag-usap na siya kay Tita Anna, nilalayasan naman siya nito. Ang kay Mommy Carina lang naman, hindi kailangang sumigaw dahil verbal assault iyon.

Kuwento pa ni Daddy John na si Josef mukhang nakikisawsaw sa away nila. Gumagawa daw si Josef ng paraan para i-provoke siya. Nung pumunta si Josef sa kanila, ipinatong niya ang maleta sa kama ni Daddy John. Puwede naman daw niyang ipatong kung saan at kung kanino, bakit naman sa kaniya pa? Ang solusyon ni Mommy Carina dito, isumbong na lang lahat kay Kuya. Paano kaya sosolusyonan ni Kuya ang away na ito? 


Blog EntryTita Anna's thoughtsApr 22, '08 12:42 AM
for everyone

Naglabas ng sama ng loob si Tita Anna sa fellow guardians! Gigil na gigil niyang ikinuwento ang kaniyang sama ng loob kay Daddy John. Pinapalaki ni Daddy John ang isyu at sinisigawan pa siya. Hindi naman daw kailangang magsigawan dahil educated naman sila lahat doon. At para kay Tita Anna, she "will not stoop down to his idiosyncrasies". Agree naman dito si Mommy Carina at ang dalawa naman ay nagkampihan. Si Mommy Minda at Daddy Erning gusto nang mamagitan sa tumitinding away na ito ngunit nahihirapan rin sila. Saan pupunta ang lumalalang away na ito?

 


Blog EntryMommy Minda lightens the moodApr 21, '08 11:25 PM
for everyone

Matapos ang bangayan ni Tita Anna at Daddy John, naisip ni Mommy Minda na patawanin ang kapwa guardian. Sabi kasi ni Tita Anna ang halaga daw ni Daddy John ay ito: nagkunwaring kumuha ng isang bagay at tinapakan niya ito. Natawa na lang si Mommy Minda at inasar siya ng "the more you hate, the more you love!". Ginatungan pa ito ni Mommy Sandy at Daddy Erning kaya nagtawanan na lang ang mga guardians. Si Mommy Minda kaya ang sagot sa awayang Daddy John at Tita Anna?


Blog EntryBeauty at Josef, nagkampihan!Apr 21, '08 11:10 PM
for everyone

Nag-usap si Josef at Beauty at nagdamayan sila sa common enemy. Paliwanag ni Josef na pinapaghugas siya ni Daddy John ng pinggan at nag-aalangan naman ang Lasallite dito dahil hindi naman daw niya father si Daddy John. Nagkasagutan tuloy ang dalawa at natawag siyang senyorito. Nakisabay si Tita Anna sa sigawan at ayon kay Josef pinagmumura daw ni Daddy John ang Tita Anna niya. Dinepensahan lang daw niya ito kaya sinagot sagot niya si Daddy John. Guardians vs. Teens. Guardians vs. Guardians. Saan hahantong ang away na ito?

 


Umagang-umaga at nagbabangayan nanaman si Tita Anna at Daddy John! Nabanggit ni Daddy John na may pagka senyorito si Josef. Hindi ito natiis ni Tita Anna kaya pumasok na lang siya sa girls' room at kinausap si Mommy Carina. Pati si Kevin napagdiskitahan na rin! Sabi ni Tita Anna, "Tingnan lang natin kung magkaproject ang batang iyan with the kind of father that he has". Naku! Kelan kaya matatapos ang bangayang ito? Pati ang teens walang ligtas dito!


Blog EntryDaddy John, sinimulan na ang secret sacrifice!Apr 20, '08 1:03 AM
for everyone

Nakumbinsi na ni Daddy John ang daddy ni Jolas na si Daddy Ike para gupitan ang kaniyang buhok. Si Daddy Ike, naka-mohawk style! Kamusta naman iyon. Natawa tuloy si Mommy Minda at Daddy Erning sa kakaibang hairstyle na ito. Hindi makita ni Daddy Ike ang itsura sa salamin kaya pinagbasehan na lang ang itsura ni Mommy My Love na masama raw ang mukha nung nakita ang new haircut. Si Daddy Erning patawa-tawa pa, naku daddy kung alam mo lang na ikaw na ang susunod diyan!


Blog EntrySwimming lessons for Jolas!Apr 16, '08 12:44 AM
for everyone

Binigyan ng swimming lessons ni Daddy John ang Gentle Giant na si Jolas! Swak na swak sa summer ang lessons na ito at mukhang ok pa na instructor si Daddy John. Kailangan dumapa si Jolas sa pool, humawak sa dulo ng pool at ipadyak ang legs. Gets? Mabilis na natuto si Jolas at nagpaunahan na sila ni Kevin. Ano pa kayang mga susunod na gimik ni Daddy John sa loob ng bahay ni Kuya?


Blog EntryCooking with Daddy John and BeautyApr 15, '08 11:20 PM
for everyone

All gulay week ang housemates ngayon at tumutulong si Daddy John na lutuan sila! Waitress ang kaniyang lovely wife kaya talagang nanalaytay sa dugo ng mga Floods ang pagiging expert cooks. Si Beauty kanina pa rin naghihiwa ng gulay at nagpipiraso ng malunggay para sa hinahandang putahe ni Daddy John. 

Mapapansin na very close si Beauty kahit sa parents ng Twin Towers na si Alex at Kevin. Kaya hindi malayo na botong-boto si Daddy John sa Rebellious Beauty para sa kaniyang unico hijo!


Blog EntryGuardians play ball!Apr 15, '08 5:02 AM
for everyone

Pinatunayan ng guardians na hindi sila senior citizens at kaya pa rin nila ang mga ginagawa ng mga kabataan! Habang uugod-ugod ang teens sa kabila, enjoy naman ang guardians sa paglalaro ng volleyball at basketball! Si Mommy NingNing at Daddy Ike ang naglaro ng volleyball at si Daddy John ang kanilang dakilang referee. Nagpakitang gilas pa si Daddy Ike at nagshoot ng bola na nakatalikod sa ring! O diba? Kaya ninyo yun? Go guardians!


Blog Entry4 Teens and the Secret PlaceApr 3, '08 4:19 AM
for everyone

Nakapasok na ang apat sa bahay ng mga guardians! Tuwang-tuwa si Daddy John nang makita ang anak na si Kevin kaya naman napalundag pa siya sa upuan nang makita ang pinakamamamahal na anak. Very emotional ang moment na ito at napaiyak pa ang mag-ama sa tuwa. Si Jieriel naman lumapit sa kaniyang ama at dahil kakakita pa lang nung graduation, hindi naman masyadong emosyonal ang pagtatagpo. Si Josef niyakap ang Tita at ganoon rin si Beauty sa kaniyang Mommy.

Si Beauty kinuha na ang trono ni Mommy Minda dahil pagpasok sa kuwarto ng mommies, tama ba naman na magligpit ng kama? Beauty masyado mo nang kinakareer ang gawaing-bahay ah. In fairness marami siyang natutunan kay Mommy Minda. Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Kailan kaya nila ipapaalam sa iba ang secret place? Abangan...


Blog EntryClose call for the guardians!Apr 2, '08 10:25 PM
for everyone
Muntik nang mahuli ni Alex ang nagliliwaliw na guardians sa bahay ng teen housemates! Pinayagan ni Kuya na maglibot-libot ang mga guardians sa space ng teens. Si Daddy John at ang kakulitan niyang si Daddy Erning  nagswimming pa! Ang mga mommies naman hindi mapigilang magtsisimisan sa bahay ni Kuya. "May anak pa raw ito kay ano..." Ano daw? Yung iba namang mommies very proud na ipinakita ang mga pictures ng mga anak nila na nakadisplay sa sala. Dahil hindi mapakali si Alex sa sakit ng operasyon, maaga siyang gumising at muntikan nang lumabas sa kuwarto. Pero nahiga na lang ulit ang binata at natulog ulit. Buti na lang dahil siguradong magtataka na sila kung bakit madalas may guardians na bumibisita sa kanila! Tingnan ang buong kuwento sa PBB Official Website.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help