Pinoy 's posts with tag: donni geisler
 Anim na rosas na lang ang kailangang bunuin ng celebrity housemates. As of now ay turn ulit ng Mom in Distress at ni Donnie. Proud na proud naman siya tungkol sa anak niyang magde-debut. Pinuna pa niya ang ibinigay na picture nito na hindi daw masyadong maganda ang kuha at galing lang sa cellphone. Sabi naman nina Baron baka kasi yun daw ang pinakamagandang labas sa screen. Pero stage mom talaga ang dating ni Yayo dahil lahat daw ng pictures ng dalaga niya ay puro magaganda. Tinanong naman ni Baron kung pinapayagan na niyang maligawan ito. Hindi strict si Yayo pagdating sa ganitong bagay kaya lang anak raw niya mismo ang hindi pa masyadong interesado sa mga boys.
Exciting na hapon nanaman ang nasaksihan natin sa loob ng bahay ni Kuya! Mukhang nagkaroon ng brilliant idea si Big Brother sa nakita niyang strategy ni Gaby para magampanan ang kanyang secret mission para maibalik ang water supply nila bago siya umalis sa Saturday... Para sa bago nilang game, inatasang punuin ng bawat team ang isang kiddie pool ng tubig mula sa pool sa garden gamit ang isang uber-laking sponge! At sa pagkakataong ito ang mga nanalo ay sina Will, Ethel, Ruben, Megan, Baron at Gaby! Pakaabangan ang kanilang nakakatuwang premyo: isang sponge bath kasama ang mga talunan bilang kanilang mga alalay! Huwag rin palampasin ang live na live 100-second encounter ng isang masuwerteng housemate mamaya sa Primetime Bida!
As a last challenge for the "five chosen ones", Mariel, Will, Ruben, Donni and Riza successfully skated ten laps inside the house without breaking anything in the process. (Good thing Baron is not included in this task!) Anyway, they rotated in leading the 'train', hoping that they can finally remove their uncomfortable suits at the end of their "secret mission". What could be Big Brother's reward for Gaby? Hmm... Can't wait to know it!
Ang Lonely Dreamboy na ang kuma-career sa pagpatong ng lyrics sa Pappy Chulo. Kanina pa nga niya ito pinagkaka-abalahan kaya lang hindi pa rin niya matapos. Mula sa garden ay naisipan na niyang pumasok nalang sa dining room at doon ay nagpatulong kina Ruben, Baron at Donni. Mukhang marami namang ideas ang Wild Child. Nakakatawa man ang suggestions niya, wala naman daw silang magagawa dahil corny naman talaga yung song. Sige Victor, isip ka nalang ng ibang rhyming words para dyan sa Budotz song/dance performance niyo!
Nagmistulang human racing cars sina Mariel, Riza, Donni, Ruben at Will sa body paint na nilagay nila sa kanilang mga katawan. Mukhang nabigyan sila ng special task ni Kuya para sa malapit ng mag-goodbye na housemate na si Gaby. Sa tingin niyo, isa ba itong sacrifice or pleasant surprise?
 Katatapos lang panoorin ng mga housemates ang funny newscasting nina Ruben at Ethel. At nakapaloob sa mga featured headlines ay ang "User Housemate", "Brawl between Jen and Marylaine on Boy & Kris" "PBB Celebrity Edition 2, Extended Ng Two Weeks", "Erap's Freedom" and "A Housemate's Special Friend, Spotted Dating A New Girl". At obvious na sa kanilang lahat ay si Mariel ang super nag-freak out. Hindi na niya napigilang umiyak nang marinig ang tungkol sa housemate's special friend na nakitang may dine-date sa Embassy. But right after the video, Mariel claims that the PBB staff are just playing with their minds. Pero paano nga kaya kung totoo ang lahat ng kanilang narinig?
 Tuloy na tuloy na ang girls' night out ngayong gabi. Pero katulad nang sa PBB Season 2, dito lang magaganap ang lahat sa loob ng bahay. Habang ang mga boys ang naghanda ng isang sexy dance number sa pamumuno ng Komedyanteng Promdi. Pero natunugan nanaman ng mga girl-housemates ang kanilang gagawin. And base on their earlier reactions, parang ayaw nila makita ang boys in a sultry light. Pero sa huli, matuwa naman kaya sila sa surprise na matutunghayan nila maya-maya lang? Abangan ang buong detalye mamaya sa PBB Official Website!
 It's Ruben and Megan's turn to look after Spuz, Pidotz, Posh, Babe, Porkchop, Don, Apollo, Cheeky and B-boy. Kaya lang, ginising ang mga natutulog na housemates katulad ni Victor at ni Gaby ay dahil ibinigay na sa mga housemates ang hiniling nilang manicure treatment! Ang Racing Godess at ang English Outcast ang sunod na magbabantay sa mga piglets pero may oras pa sila para tumambay at makipagkwentuhan muna.
As the Geisler brothers finish off the sumptuous hotel food, Baron laughingly admits that he prayed hard that the Mom in Distress wouldn't gain the upper hand in the Pendulum Bowling challenge since Donni had gone far already by then. Yayo on the other hand had to give it to Donni for swinging neatly and easily while the others have failed. Meanwhile, the Wild Child has another thing to thank for, that is, he is free of washing the dishes since those are the hotel's property anyway.
Matapos ang matinding labanan for HOH powers, ang mga nagwaging si Baron at Donni ay sinubukan agad maligo sa exclusive shower room. Pagkatapos ay nakitingin na rin ang Wild Child sa Maxim magazine ni Will na kanina lang ay binabasa nina Megan, Mcoy at Riza. Bigla namang na-conscious ang Desirable Diva sa kanyang figure dahil mas tumaba na daw siya ngayon kumpara noong naging covergirl siya ng FHM.
Mahigpit na pinababantayan ni Big Brother ang mga piglets sa mga housemates. Kapag narinig daw nilang umiyak ang isa man sa mga ito ay kailangang ipa-breastfeed kagad kay Peggy. Ang assigned sa shift ngayon ay si Donni at Jon pero sinamahan na rin muna sila nina Gaby at ni Will. Kahit papano ay na-break na rin yung silence sa pagdating ng Racing Godess na hinanap agad si Stripey o mas kilala sa tawag na 'Baron'. Kapansin-pansin daw kasi ang biik na yun dahil hindi lang ito super kulit, palaban pa! Kwinento tuloy ni Donni ang pagsita kay 'Baron' ng English Outcast kanina: (in British accent) "What's your problem?"
Ibang klase talaga ang rewards at punishment ni Kuya! Sa mga oras na ito ay himbing na himbing na ang team na nanalo sa giant pick up sticks na palaro sa Uber kanina. Habang ang mga talunan naman na sila Baron, Donni, Ruben, Megan, Will at Zara ay nagsilbing mga tagabantay ng winning team! Nakakainggit nga naman para sa kanila lalo pa't matagal na rin nilang ninanais matulog! Di bale, isipin ninyo nalang, nakapagpamasahe naman kayo last night. Bawi na lang kayo once matapos na ang 25-Hours Task!
 May naisip na pagkatuwaan ang mga housemates to ward off their sleepiness. Sa pangunguna ni Baron, nagpa-alalay siya kay Gab para siya ay makapaghead stand. Nang makita siya ay nagsunuran na sina Will, Victor at Zara. Magaling ang mga nauna sa pagkpapakita ng kanilang sense of balance. Kaya naman hinikayat nilang muli si Mariel para ipakita rin ang abilidad niya. Hindi nga lang talaga magawa ni Mariel. Sumunod na rin si Toni dahil sa pressure mula sa mga kasama. And in fairness to her, nakayanan naman niya!
 Bago natulog ang mga housemates ay tinipon muna ni Big Brother ang lahat sa living room upang pasalamatan ang bawat isa sa tagumpay ng kanilang proyekto para sa araw na ito. Iginiit ni Kuya na bawat kontribusyon, maliit man o malaki, ay nakatulong upang mabigyan ng karampatang libing si Jerry Roxas Santos. Dahil sa tingin ni Gaby ay may kinalaman ito sa kanyang hinanakit kanina, agad siyang pumunta sa confession room para ipatindi ang tunay niyang saloobin. Sabi ni Ruben sa mga housemates, wala naman silang reklamo kung sila man ang may pinakamabigat na bahagi para sa good cause na ito. Ang sa kanila lang ni Gaby ay sana binigyan man lang sila ng signal ni Kuya na tapos na ang kanilang statue task. Kaya lang hindi nga nangyari yoon.
 Feel at home na nga talaga itong si Toni at bumabangka pa! Isa pala siyang certified fanatic ng ng F.R.I.E.N.D.S. Tawang-tawa ang mga housemates habang nire-relay niya ang kanyang favorite Chandler scenes. Hindi lang niya basta-basta natatandaan ang mga parts na yun, binanggit pa niya kung anong specific episode and season ito makikita! Pinagpapalit na sila ng batteries ni BB ay ayaw pa rin paawat magkwento ng celebrity house guest #2!
Ano ka ba Baron! Diba nga kahit pumikit ka lang ng matagal counted na yun! Ayan tuloy binawasan nanaman ang timer niyo! Bago pa nangyari ito, sinasabi niya na kay Donni na antok na antok na daw talaga siya. Pinayuhan siya ng kanyang kapatid na mag-gym para magising siya pero ayaw din naman ng Pasaway Na Aktor dahil nanginginig na daw ang legs niya sa kaka-exercise mula kaninang umaga. At dahil hindi naman daw talaga siya umidlip, naisip ng mga housemates na baka nadadaya na sila ni Big Brother! Hahaha!
 It was just yesterday when we saw Jen and Marylaine end their stay in the Big Brother House. Today starts saga as a new set of nominees leaves their fate to the hands of their fans, family and friends. Leading the group is Megan Young (BB 2), the lone survivor of the first eviction night. She is followed by Zara Aldana (BB 11), the 2007 Mutya ng Pilipinas - Asia Pacific title holder. The last two are no other than the Geisler brothers (BB 7) - Baron and Donald. It's hard to determine what will be the outcome of this new batch of nominees. As to who gets evicted is anyone's guess. The voting facility is open once again. Remember that you vote for the person you want to save. For this week, these are your choices: BB 2 - Megan BB 7 - Baron / Donald BB 11 - Zara Text BB <number of housemate> to 231 for Smart and Talk N' Text subscribers, or to 2331 for Globe, TM, Sun and Bayan Wireless Landline. You can also vote online at the official Pinoy Big Brother Voting Page.
For a change, nagkaroon ng moment si Marylaine para patawanin ang mga housemates. Nag-joke ito tungkol sa pagbibigay ng wishes ni Big Brother. At ang kahalingan nila: "Gusto kong magkaroon ng malaking pakpak." Tinupad naman ito ni Kuya pero pagdating kay Will, nakakaloka ang nangyari sa kanya dahil slang ang pagkakasabi niya ng wish na ito. Bumenta naman ang joke ng Brainy Babe sa mga housemates!
Kahit ang mga housemates ay wala pang idea kung kailan gaganapin ang final presentation ng kanilang shadow play. Kaya for the meantime, nagrerelax at nagchi-chikahan nalang muna sila. Pansin ni Jen, ang swerte daw ni Ethel dahil lagi nalang daw itong nakakakuha ng rewards simula ng pagpasok nito kumpara sa kanya na hindi pa nagkakaroon ng prize dahil laging talunan. Kaya nga para kay Baron, malaki ang chance ng Ultimate Pasaway na makapasok sa Big Four. Kahit pa marami itong worries, mananaig daw ang pagiging palaban ni Ethel lalo na kapag malapit nang matapos ang season.
Matapos ang paglaro nila ng Celebrity Target (See Official PBB Website for full story), hindi na naghintay pa ang ibang boys na matapos gumamit ng shower room ang mga girls dahil baka maubusan pa sila ng tubig! Kaya nagpasya nalang si Mcoy at Victor na maligo sa garden mismo! Very resourceful naman itong si Baron na desidido na atang magbago mula nang maparusahan si Donni dahil sa kanyang katamaran at gawa na rin marahil ng kanyang pagpapakitang-gilas para kay Mariel. Feeling niya kasi nacu-cute-an sa kanya ang BB Spy kapag ganitong masipag siya.
| |