Pinoy 's posts with tag: donnie geisler

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag donnie geisler
Blog EntryCelebrity HomecomingDec 25, '07 11:03 PM
for everyone

Sa araw ng Pasko ay muling nagbalik ang mga ex-celebrity housemates sa bahay ni Kuya! Nasorpresa nga ang lahat nang isa isang dumating sa bahay ni Kuya sina Zara, Mcoy, Megan, Donnie, Marylaine, Jen, at Victor para bisitahin ang mga housemates na na-miss nila ng sobra. May dala ring regalo ang mga bumisitang ex-housemates, pero 100-seconds lamang ang ibinigay ni Big Brother sa kanila para batiin ang mga housemates ng Merry Christmas.

Abangan ang buong storya sa Primetime with Toni Gonzaga at sa PBB Official Website.


Blog EntryMalaya na ba talaga si Gaby?Dec 8, '07 12:29 AM
for everyone

Nakaalis na nga ng pigpen itong si Gaby matapos ang ilang oras na kasama ang mga cutie cute cute na biik!  This morning, nakausap na ng Racing Goddess si Big Brother, pero hindi naman masabi sa iba kung ano ang napag-usapan.  Basta sinabi na lang ni Gaby sa mga kasama na okay na siya at niyakap sina Yayo at Baron sa kanilang support.  Si Donnie naman, super comfort kay Gaby kahit na ang Taekwondo Champion ay nasadlak na naman sa isang kaparusahan involving the diapers.

Alamin kung ano ang masasabi ni Gaby sa kanyang pinagdaanan this week mamaya sa live eviction night.


Blog EntrySino ang dapat maligtas sa Fifth Eviction?Dec 8, '07 12:22 AM
for everyone

Ang English Outcast, ang Good Brother, at ang True Lover.  Isa sa kanila ang mapapalayas sa bahay ni Kuya ngayong gabi.  Pero nasa iyong mga kamay ang magiging kapalaran nina Jon, Donnie, at Will.  Iboto na kung sino sa tingin niyo ang pinakakarapat dapat na manatili pa sa pinakasikat na bahay sa bansa!  I-text lang ang BB 1 para kay Will, BB 12 para kay Jon, o BB 14 para Donnie sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular at Bayan Wireless subscribers at 231 naman para sa Smart at Talk N Text subscribers.

Maaari ring bumoto online sa PBB Official Voting Page o gamit ang mga PBB vote cards available at all SM department stores nationwide  Pero kung gusto mong magkaroon ng instant 10 votes ang iyong favorite housemate, mag-download na ng picture message from Globe. Text GBB 1 para kay Will, GBB 12 para kay Jon, o GBB 14 para kay Donnie sa 2366.  Sa bawat download (P15 per download) ay pwede kang manalo ng P20,000 weekly o P1M sa final draw.

Panoorin ang live eviction mamayang gabi at abangan ang resulta sa PBB Official Website.


Blog EntryMga panibagong baby damulag!Dec 7, '07 10:25 AM
for everyone
May mga sumunod sa yapak ni Ethel Booba as Baby Posh! Matapos ang pagsama ni Donnie kay Gaby sa loob ng koral ng mga biik, hinarap naman niya ang panibagong pagsubok kasama ng Komedyanteng Promdi. Kasi naman, hindi pa sila natuto sa mga naunang PBB seasons kung saan ang mga housemate na umiihi sa garden ay nabibigyan ng karampatang parusa. This time, sina Donnie at Ruben naman ang 'may sala' kaya ayan, napilitan tuloy silang mag-diapers as punishment. Bukod pa dito, inatasan din silang gumapang instead na maglakad! Hala!

Blog Entry"Live with the pigs for one night" - Jon AvilaDec 6, '07 10:47 AM
for everyone
Sa Pinoy Big Brother Primetime kanina ay nakita nating  isa-isang tinawag ni Kuya ang celebrity housemates para tanungin ang kanilang opinyong kung ano ang pinakamainam na parusa para kay Gaby. Dahil nga sa kakulitan ni Porkchop ay nalaglag ito sa pool noong isang araw. Sa kagustuhang masave siya ng kanyang ninang ay nabasa pati ang lapel mic nito! At base sa nakikita nating pagtambay ng Racing Goddess at ni Donnie sa may koral ng mga biik ay mukhang ang suggestion ng English Outcast ang napili ni Kuya!

Pero sabi nga ni Donnie, handa naman siyang samahan ang kanyang ka-loveteam sa buong magdamag!

Tungkol naman sa 'connect' ng Racing Godess kay Derek Ramsay, makichismis lang sa PBB Official Website.

Blog EntryFight!Dec 5, '07 1:19 PM
for everyone
Para ma-inspire ang mga housemates sa kanilang gagawing anime skit, pinapanood sila ni Kuya ng isang Naruto episode sa may plasma TV. Pero bago pa man ang viewing, binigyan sila ng live sneak peek ng Lee family! Performance level naman ang ipinakita nina Yayo, Will, Ruben at Donnie na medyo nahirapan sa kanilang fight scene dahil bukod sa hindi pwedeng magsalita ay may nakaipit pa silang mga itlog sa kanilang 'kiri-kiri'!

Blog EntryIs ....... for real? Dec 5, '07 6:34 AM
for everyone
Panandaliang natigil ang paglalaro ng mga boys dahil sa ulan kaya tumambay muna ang ilan sa mga housemates sa bar. Na-open nila Gaby na minsan daw ay natatakot silang lapitan ang Mom in Distress dahil parang laging galit ang facial expression nito. Itinanggi namin ito ni Yayo. Tulad ng sinabi ni Donnie, siguro ay epekto lang ito ng kanyang strong personality. Dagdag pa ni Yayo, wala naman  siyang sama ng loob sa kahit na sinong housemate. Meron lang isa na pinakikiramdaman pa niya. Hindi pa rin kasi niya 'ma-size up kung ang ugali nito ay real or reel' lamang.

Hm... Sino kaya ang pinapatamaan ng Mom in Distress?

Blog EntryGaby: Ang pambato ng girls' team!Dec 5, '07 5:37 AM
for everyone

Sa Uber ay inumpisahang maglaro ng celebrity housemates ng Memory Game using a giant deck of cards featuring the pictures of their loved ones as well as their own kiddie snap shots! Ang mga girls ang unang sumabak sa labanang ito at sa kanilang lahat ay si Gaby ang may nakuhang pinakamataas na score. Hangang-hanga naman ang mga boys sa photographic memory niya pati na rin sa taglay niyang kagandahan maging noong siya'y neneng-nene pa! 

Anyway, maya-maya lang ay ang mga guy-housemates naman ang magkakalap ng points. Malampasan kaya nila ang nakuhang pairs of cards ng mga girls? We'll keep you posted on this!


Blog EntryNobody wanna see us together...Dec 5, '07 2:05 AM
for everyone

After lunch, mukhang tinatamad na naman ang mga celebrity housemates.  Pero bago pa man sila maka borlog, nagpatugtog si Kuya ng Smack That.  Halos may Akon hangover pa nga ang lahat kaya sina Ruben at Yayo ay napasayaw.  Nang patugtugin na ang Don't Matter, sinamahan ni Will si Ruben sa paggaya kay Akon.

Ang ilan naman, mukhang ibinabagay ang Don't Matter kina Donnie at Gaby na uber magkadikit na!


Blog EntryGaby, makiki-microphone muna kay Donnie!Dec 5, '07 12:32 AM
for everyone

Dahil nga nadisgrasya ni Gaby ang kanyang lapel mic sa swimming pool kanina, wala pang maibigay si Big Brother na bagong lapel para sa Racing Goddess.  Bilang parusa na rin, kailangan munang maki-microphone ni Gaby kay Donnie.  Tuwing magsasalita si Gaby, dapat ay nakalapit siya sa lapel ng Good Brother.  Ibig sabihin, kailangan na laging nakadikit si Gaby kay Donnie hanggang maayos ang kanyang lapel...sa takdang panahon.

Huling-huli nga ni Gladys na ngumingiti si Donnie nang palihim. (Ano 'yan, Donnie?! May balak ka bang masama?!)


Blog EntryGreat teamwork Jon and Riza!Dec 4, '07 11:22 AM
for everyone
Balak talagang pagurin ni Kuya ang mga housemates. Breather lang pala ang giant sungka-talangka game nila kanina dahil sumunod naman rito ay isang mala-football na laro kung saan kailangang ma-shoot ang bola sa apat na butas sa lupa. Pero syempre may kakaiba nanaman itong twist. Bawat player ay nakapiring ang mga mata at kailangang magpasan ng isang girl-teammate sa likod nila! At pagkatapos ng ilang oras ay nagwagi nanaman ang Wasabi Family!

Kailan naman kaya makakabawi ang Pamilya Lee? Hay...

Blog EntryDonnie at Gaby: bagong item?Dec 1, '07 3:41 AM
for everyone

Nagpaka showbiz host na naman itong si Mariel at tuluyan nang tinukso sina Donnie at Gaby.  Napansin kasi ng pretty houseguest na napapadalas ang kwentuhan ng Taekwondo Champion at ng Racing Goddess.  Sumabay naman sa asaran ang ibang housemates, at si Baron naman, mas lalo pang inilaglag ang kapatid kaya't si Donnie, super nag blush!  Nagpaka "good sport" naman si Gaby sa pag "ride" sa mga pang aasar ng mga kasama.

Ano naman ang masasabi ninyo sa "sporty" tandem na ito?


Blog EntryMay nagpaparamdam...Nov 22, '07 10:23 AM
for everyone

Balik nanaman ang mga housemates sa pagtapos ng kanilang short film. Pero tila hindi lang sa kanilang kwento may nangyayaring kababalaghan dahil si Riza mismo ay naririnig ang boses ni Baron! Hindi pa kasi nagpapakita ang Wild Child kaya hindi pa nila alam ang ginawang pagsalba sa kanya ng mga manonood. Pero ang Desirable Diva, mas piniling hindi klaruhin ang narinig sa takot na baka maparusahan ulit ni Kuya. Samantalang si Mommy Yayo ay umaasa pa atang baka sina Ethel at Mcoy ito o kaya ay si Baron nga talaga.

 


Blog EntryDonnie at Yayo: ang bagong coupleNov 22, '07 3:53 AM
for everyone

Dahil nga sa pagkawala ni Mcoy, si Ruben na ang agad na pumalit bilang director ng short film nila.  Si Donnie naman ang siya nang gaganap na husband at si Yayo ang kanyang asawa.  Samantala, naging katulong na lang ang role ni Mariel sa pelikula.  Katakut-takot na changes na nga ang inabot ng production na ito, bukod pa ang pagiging super delayed nila. 

Baka naman sa film fest sa December na lang nila balak ipalabas ito

 


Blog EntryPahirapan daw ba! Nov 21, '07 11:25 AM
for everyone
Mukhang gusto nanaman ni Kuya na matalo ang mga housemates sa kanilang weekly task. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaalis ang kanyang parusa kay Mariel. Maliban sa kanya, walang idea ang iba na ang punishment na ito para sa celebrity housemate lang. Hindi kasi ma-explain ni Yayo kay Donnie kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon. Basta sinabi lang niya na imbis na naglaro sila ay ang paglalakad ng nakaluhod ang pinagawa sa kanila ni Kuya. Dagdag pa ni Mcoy, tapos na sana silang mag-shoot ngayon kung hindi lang dahil sa kakaibang task na ito.


Blog EntryThe nerve-wracking heartbeat returns!Nov 20, '07 10:37 AM
for everyone
Whew! I'm sure lahat kayo ay nagulat sa kakaibang twist na inihayag ni Kuya sa Primetime kanina. Punta lang kayo sa PBB Official Website para malaman ang buong kwento. Anyway, ngayon nga ay nasilayan natin muli ang secret room kung saan sila ay magpapalipas ng 24 oras, hanggang sa ibigay ni Kuya ang hudyat para sabihin nila kung sino sa kanilang dalawa ang magpapaalam. Mahigpit rin niyang ipinaalala kina Baron at Donnie na bawal ang mag-usap. Paano naman kasi, hindi makapagpigil ang Wild Child na kausapin ang kanyang kapatid.

Nasadlak man ang dalawa sa  ganitong klaseng sitwasyon ay hindi naman sila pinabayaan ni Kuya. Dahil tila balak ata silang busugin muna ng pizza at chocolate mousse bago itulak sa napipintong 'death row' bukas!

Blog Entry"I'll be watching over you..."Nov 19, '07 10:50 PM
for everyone

Petiks muna ang mga celebrity housemates this morning.  Pero hindi pa rin nila ma-get over kung ano ang ibig sabihin ng wake up call kanina.  Ngunit nagulat na lang ang mga girls sa sala nang biglang lumabas ang mga boys na may suot na white bath robes.  Pinaalalahanan ni Mcoy ang lahat na from now on, once na lang patutugtugin ni Big Brother ang wake up call at expected na lahat sila ay nakabangon na agad.

"...and for your entertainment..." ang segue ni Mcoy.  Akala tuloy ng mga girls ay huhubarin ng mga boys ang kanilang robes.  Pero isang dramatic interpretation ang ginawa ng mga boys to the tune of "If I Ever See You Again."  Na touch nga ang mga girls sa ganda ng choreography sa kanta.


Blog EntryLook Who's StalkingNov 19, '07 2:50 AM
for everyone

Habang nagpapalipas oras sa garden, napag-usapan nila Donnie, Will, at Jon ang mga mangyayari sa kanila after PBB.  Sabi ni Will, for sure pagkakaguluhan ng mga babae at bading sa public place ang English Outcast.  Nai-kwento tuloy ni Jon ang ilang beses na may mga tumatambay sa baba ng kanyang apartment building at laging tinatanong sa security kung what time siya lalabas.  Si Will din ay may similar experience nang may lumapit sa kanya at nagsabi ng mga information about him, at alam pati ang cellphone number ng True Lover!

Hay naku, kung ngayon pa lang sa loob ng bahay ang dami niyo nang fans, paano pa kaya paglabas niyo


Blog EntryThe Best of MarielNov 16, '07 5:13 AM
for everyone

Live na live nating nasaksihan ang triple performance ng beloved celebrity housemate na si Mariel! Una palang ay aminado na ang PBB host na wala siyang talent sa pag-awit o pagsayaw. Pero lahat nang 'yan ay pilit niyang natutunan sa tulong ng mga housemates. Sintunado man ay tinapos pa rin niya ang kanyang song number with Mcoy. Lumevel up naman siya pagdating sa mga Taekwondo moves kasama si Donnie. Nako... Lubusin niyo na ang panonood kay Mariel sa loob ng bahay ni Kuya dahil magpapaalam na 'yan anytime soon!


Blog EntryDancing With Someone ElseNov 15, '07 3:06 AM
for everyone

Patuloy pa rin ang cotillion task ng ating mga celebrity housemates!  Turn na nga nina Riza at Donnie na sumayaw after Jon and Mariel.  Dapat ay si Will and partner ni Riza, pero dahil walang magbabantay sa damulag na si Baby Posh, nagpaiwan muna si Will. Habang sumasayaw sina Donnie at Riza, itinuro ni Ethel kay Will si Riza na "Daddy, Mommy's cheating!" Nakakatawang banat naman ni Riza kay Will "Don't worry, I won't fight for child custody."

Mukhang walang gustong mag-alaga sa damulag na baby na pasaway!


Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help