Pinoy 's posts with tag: ejay falcon

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag ejay falcon
Blog EntryEjay, kareer sa exercise!Apr 23, '08 10:33 PM
for everyone

Sa lahat ng housemates, ang makikitang pursigido sa pagpapaganda ng katawan ay si Ejay. Noong unang linggo pa lang sit-ups to the max itong si Ejay! Solo flight pa siya noon pero ngayon, partner na sila ni Jolas. A la Manny Pacquiao ang bilis at effort ng pagsit-ups ni Ejay pero sana ganito rin siya kabilis sa pagkuha ng dance steps sa weekly task na ballroom dancing!


Blog EntryValerie and Ejay, handcuffed together!Apr 21, '08 9:56 PM
for everyone

Dahil sa patong patong na violation ni Ejay sa pagbabasag na kagamitan sa bahay ni Kuya, binigyan siya ng task buoin ang basag-basag na baso. At may bonus pa dito, kasama ng Promdie Hottie si Valerie! Kagabi pa nila sinimulan gawin ang task at ito rin ang una nilang ginawa paggising ngayong umaga. Wala namang magawa ang ibang housemates kundi tumitig at bigyan sila ng moral support. Mabuo pa kaya nila ang basag-basag na baso? At mas magkausap na kaya ang dalawa ngayong pinagdikit sila ni Kuya?


Blog EntryValerie and Ejay get close and comfyApr 19, '08 2:42 AM
for everyone

Very open ang dalawa at napag-usapan pa ang ex-girlfriend ni Ejay! Hindi nahiya si Ejay na sabihin na ang dating tawagan pa nila ay "asawa ko". Gusto sana makita ng Dazzling Doll ang ex-gf kaso nga lang walang dalang picture si Ejay. Nagdescribe na lang tuloy ang Promdie Hottie kung ano ang itsura ng dating girlfriend: black beauty, long hair, chubby at mas matangkad pa kay Valerie, mga 5'10 ang height. Tanong ni Valerie kung mahilig ba sa sports ang girl at todo OO naman si Ejay. Sa katunayan ay MVP pa ng volleyball ang girl. Halatang-halata na sobrang curious ang Dazzling Doll, 'di kaya nagseselos siya sa ex-gf?

 


Blog EntryPasabog sa bahay ni Kuya!Apr 18, '08 11:30 PM
for everyone

Habang naglalaro ng card game si Beauty, Ejay, Jolas at Josef, biglang may nagpasabog! Napatakip na lang ng unan si Beauty sa mukha at napatayo si Jolas. Wala naman silang tinuturong salarin pero si Josef mukhang guilty! Hindi daw siya iyon at hindi na daw siya umiinom ng C2 na sanhi ng pagbubuga niya ng lagim. Sige na nga Josef, sabi mo eh!


Blog EntryDuet ni Linda at EjayApr 17, '08 4:55 AM
for everyone

Habang inaantay ng housemates ang "takdang panahon" ng paglabas ni Linda sa bahay, todo practice at kantahan muna sila. Nakipagduet si Linda kay Ejay ng kantang "Paint My Love" at in fairness, perfect timing at perfect blending ang dalawa. Ang ibang housemates naman naghahanda na rin para sa presentation nila at para sa activity mamaya sa Uber. Ano nanaman kaya ang activity na ito na magkalaban ulit ang dalawang mag BBF? Sino nanaman kaya ang magwawagi ngayon, ang Team Robi kaya o ang Team Josef? Abangan maya-maya lamang!


Blog EntryHousemates prepare for the surpriseApr 17, '08 2:30 AM
for everyone

Kaniya-kaniyang handa na ang housemates para sa presentation nila kay Linda! Si Ejay nagmemorize na ng kaniyang kanta at si Rona naman inaasikaso na ang mga gagamitin nilang props. Tulong-tulong sila ni Nicole at ni Josef sa paggawa nito. At ang mga housemates, may nalalaman pang pag-aalay ng bulaklak kay Linda? Hmm.. para sa ibang occasion ata ito housemates? Ang kakantahin ni Alex ay Crazy Love ng dating PBB Teen Housemate na si Kim Chiu, at yung kay Josef naman ay I Love You, Goodbye. Sana lang hindi umiral ang kakulitan ni Josef habang kinakanta ang madamdaming song na ito!


Blog EntryOkoy squash coming right up!Apr 16, '08 11:50 PM
for everyone

Si Ejay at Valerie ang nakatakdang magluto ng kalabasa ngayon. Moment sana ito para sa famous love team kaso very determined sila pasarapin ang okoy squash. Todo concentrate tuloy sila sa paghihiwa ng squash at carrots. Nagsalita lang ang dalawa nang mapansin na wala palang bean sprouts, pepper at soy sauce. To the rescue si Kuya at pinakuha ang mga ito sa storage room. Dahil kumpleto ang ingredients niyo, dapat lang na super sarap ng okoy squash a la Val at Ejay!


Blog EntryEjay, nagtapat na kay Valerie!Apr 16, '08 9:52 PM
for everyone

Nagulat si Valerie nang sinabi sa kaniya ni Ejay na "I like you"! kaya napa "ako rin" na lang ang Dazzling Doll. (Basahin ang buong kuwento sa PBB Official Website) Kanina pa sila nag-uusap at pinipilit ni Valerie na kausapin siya ni Ejay. Sabi pa niya naiintindihan naman niya na minsan walang masabi si Ejay. Pero ang sabi naman ng Promdie Hottie, language daw kasi. Dahil tampo si Valerie na siya lang ang hindi kinakausap ni Ejay, nagtapat na ang binata! Ayan tuloy natameme ang German chick at napa "ako rin" na lang. Edi siya ngayon ang walang nasabi?


Blog EntryEjay and Valerie bond over squash! Apr 16, '08 9:37 PM
for everyone

Nakahanap nanaman ng rason si Ejay para kausapin ang Dazzling Doll! Ang gulay for the day nila ay kalabasa at kailangan nilang lutuin ito. Tinuruan ni Ejay si Valerie kung ano ang putaheng puwedeng kainin kasama ang kalabasa. Todo explain si Ejay at all ears naman ang German chick. Pero mukhang hindi na nakayanan ng powers ni Ejay kaya sumuko rin siya at mamaya na lang daw niya itutuloy. Makadamoves kaya ang Promdie Hottie mamaya sa pagluluto nila?


Blog EntryKevin cracks up the teens!Apr 16, '08 3:48 AM
for everyone

Dahil hindi makulit ni Kevin ang pagod at antok na si Beauty, nagpractice na lang siya ng kaniyang Tagalog lessons. Tawang-tawa si Jolas at Ejay nang hindi masabi ni Kevin ang salitang "NGAYON". Pano ba naman, tayo lang ata ang may "NG" sa alphabet diba? Paulit-ulit na parang sirang plaka si Kevin na sinasabi ang "ngayon" na naging "nangyon, nayon, nyayon"... you name it, except, "ngayon"! Naku Kevin isang Tagalog word pa lang yan ah out of 2000 na kailangan mong aralin. Kaya mo pa kayang sabihin ang "Kataka-taka"?


Blog EntryBig Brother Bikini OpenApr 14, '08 3:35 AM
for everyone

Sa kalagitnaang ng masayang pagsi-swimming ay napagkatuwaang ng mga teen housemates na gumawa ng ala Bikini Open show sa paligid ng pool.  Syempre naman ay nanguna dito si Linda na expert na sa mga bikini fashion shows, at hindi rin nagpahuli ang beauty titlist na si Priscilla.  Ang mga boys naman ay feeling mga Bench underwear models especially ang dalawang matangkad na sina Ejay at Jolas.  Pero ang palabirong si Josef ay muli namang hinaluan ng kalokohan ang kanilang show kuno.  In fairness naman ay confident ang Lasallite sa kanyang skimpy swimming trunks.


Blog EntryBaking 101 with Daddy IkeApr 10, '08 3:44 AM
for everyone

Kasama na nga ng mga guardians sina Daddy Hans at Mommy Ningning, pero sina Jolas at Ejay ay nage-enjoy pa rin sa secret place.  For this afternoon, naatasan si Daddy Ike na mag-bake ng pandesal.  May alam naman pala ang tatay ni Jolas sa basic baking kaya itinuro din niya ito sa ibang guardians.  Si Mommy Minda naman ay super willing na matutunan ang paggawa ng tinapay, at nagbiro pang dadalhin niya sa Italy si Daddy Ike dahil mabenta nga ang cakes at pastries doon.


Blog EntryThe boys and the menApr 10, '08 2:56 AM
for everyone

Napapasarap na sina Jolas at Ejay sa kanilang stay kasama ang mga guardians.  Dahil na rin siguro sa init ng panahon, naisipan ng Promdi Hottie at Gentle Giant na magbabad sa jacuzzi, at sumama na rin si Daddy Ike sa pagpapalamig habang si Daddy Erning ay nasa tabi na nakikipagkwentuhan.  Napag-usapan nina Daddy Ike at Jolas ang mga usual boys' stuff tulad ng armpit hairs, shaving, basketball, at syempre, mga girls.  Itong si Ejay naman ang kanilang napag-tripan dahil sa kanyang lihim na pagkagusto kay Valerie.

Sige nga mga daddies, pagtulungan niyo ang natotorpeng si Ejay.


Blog EntryEjay at Jolas sa piling ng mga guardiansApr 10, '08 12:39 AM
for everyone

Habang ang mga teen housemates ay kasama ang parents ni Linda, sina Ejay at Jolas naman ay nakasalo sa breakfast ang ibang guardians.  Sa wakas ay nadiskubre na rin ng Promdi Hottie at ng Gentle Giant ang "secret place."  Super saya naman ni Ejay na makita ang kanyang Daddy Erning at si Jolas naman ang kanyang Daddy Ike.  Ang dalawang teens naman ay nagkwento sa kalagayan ng ibang teens sa kabilang bakod. 

Sino na lang ba ang hindi nakakaalam tungkol sa secret place na ito?


Blog EntryLet's do the Bunot Dance!Apr 8, '08 4:54 AM
for everyone

Ceasefire muna ang Team Robi at Team Josef at nagpractice muna ang 7 housemates sa bunot dance nila! Kasama sa pitong ito ay si Jieriel, Nicole, Linda, Kevin, Ejay, Robi at Jolas.Ibang-iba na ang steps mula sa original na choreography ni Jolas. Kitang-kita ang teamwork sa pagsabay-sabay nila ng bilang at pagmomotivate ng kapwa housemate. Mukhang winner ang housemates sa task na ito! Abangan ang Uber para sa buong Bunot Dance!


Blog EntryThe story behind Priscilla's jerseyApr 8, '08 12:39 AM
for everyone

Pagpasok ng mga housemates sa kuwarto ng girls, napansin ni Josef na nakajersey si Priscilla. At ang numero pa nito ay five. Tanong tuloy ng imbestigador na si Josef kung ano ang kuwento ng numerong ito. Dahil hindi sinagot ni Priscilla, ang Lethal Lasallite na ang gumawa ng kuwento. Aba at hindi rin nakaligtas si Priscilla sa pang-aalaska ni Josef - Ang number five daw ay numero din ng basketball player na housemate na si Jolas! Kaya naman si Beauty at si Nikki panay YIHEEEE kay Priscilla! Sino nga ba talaga ang gusto ni Priscilla, si *INO ba na nakatattoo sa likod niya, si Ejay o si Jolas?


Blog EntryJieriel interrogates EjayApr 7, '08 11:44 PM
for everyone

Habang naghuhugas ng pinggan si Jieriel, tinanong niya si Ejay tungkol sa totoong tatay niya na Italiano. French daw hindi Italiano sabi ni Ejay. Natawa si Jieriel at nagtanong kung paano kung nagpakita ang French Father ng Promdie Hottie? At paano kung inaya siya na sumama sa France?

Hindi pa man tapos magtanong si Jieriel, Hinding-hindi talaga si Ejay. Mahal na mahal niya si Daddy Erning at hindi niya ipagpapalit ito. Kung magbibigay ng bahay, lupa, at trabaho ang French father, ok lang daw pero kung ang kapalit ay ang pagsama sa France, aba'y hindi na lang.

Mahaba pa ang season at marami pang puwedeng mangyari. Pagkitain kaya ni Kuya si Ejay at ang French father tulad ng nangyari kay Matt Evans sa first season ng PBB Teens?


Blog EntryOperation Bunot!Apr 7, '08 12:26 AM
for everyone

Pinatawag ni Kuya si Robi, Ejay, Jieriel, Kevin, Jolas, Nicole at Linda sa confession room. Paglabas nila ay may dala-dala silang mga bunot!  Si Jieriel sanay na sanay na dahil general cleaning every Friday sa kanila. Aba at sinamahan pa ng pagkanta at pagsayaw ang pagbubunot ha? Kamusta naman kaya ang iba? Alam kaya nila kung paano gamitin ito lalo ang sheltered In-Chick from Cebu na si Nicole? Paano naman kaya si Kevin na ngayon lang siguro nakakita ng bunot?

Go housemates siguraduhin ninyo na kumintab ang sahig sa bahay ni Kuya!


Blog EntryKuya joins the gangApr 4, '08 3:49 AM
for everyone

Pagkatapos ng activity, bumalik ulit ang housemates sa pag-aasar kay Ejay. Ang champion alaskador na si Josef ay hindi talaga tinantanan ang promdie hottie. Kumanta si Ejay ng mga love songs na dinugtungan naman ni Josef nang may pahapyaw kay Valerie. Nakisama na ang ibang housemates na si Nan, Robi at Jolas sa paghohot seat sa binata. Ang reaksyon lamang ni Ejay ay isang pigil na ngiti na mukhang nadidiyahe sa mga housemates. Nasisira ba ang diskarte mo Ejay? Pero teka, meron nga ba in the first place? Hmmmm..

Si Kuya nakisama sa mga housemates at nagpatugtog ng "Ayoko ng Torpe"! Napatakbo na lang si Ejay sa hiya! Maya-maya lang ay ipinatawag siya ni Kuya sa confession room at gulat na gulat si Ejay dito. Haka-haka ng mga housemates na nandoon rin si Valerie.

Nandoon nga kaya si Valerie? Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Naipagtapat na kaya ni Ejay ang nararamdaman sa dazzling doll?

What do you think?


Blog EntryValerie issue between Nan and EjayApr 3, '08 2:22 AM
for everyone

Galit daw si Ejay kay Nan! Nagtatampo ang Junior Kengkoy dahil base sa obserbasyon niya hindi na siya gaano kinakausap ng best friend Ejay. Tingin pa niya nagseselos sa kaniya si Ejay dahil parati niyang kausap at kasama si Valerie. Dahil torpe ang promdie hottie Ejay akala tuloy niya pinangungunahan at inaagawan siya ni best bud Nan. Hindi mapakali si Nan dahil dito at napapasmile smile na lang ang binata from mindoro. Love Triangle in the making ba ito sa bahay ni Kuya? Paano kaya nila mareresolba ang isyu na ito?


Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help