Pinoy 's posts with tag: ethel booba

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag ethel booba
Blog EntrySino ang wagi sa Big Night? (part 2)Jan 5, '08 9:27 AM
for everyone
Hindi naman nakalusot si Riza sa panggagaya ni Giselle Sanchez. Exaggerated na ginaya nito ang "hobby" ni  Riza na laging nagme-make-up including her purity confession at kung paanong naikwento niya na never pa siyang nakakakita ng potoytoy. Later ay umeksena naman si Ethel bilang Mrs. Santos para ipakita ang nakakagulat na reaksyon ni Riza noong bumisita ang mommy niya sa bahay ni kuya bago mag-Pasko. At gaya noong araw na iyon, nilabas ni Giselle ang loud side ni Riza na sa totoo ay excited lang talagang makasama ang kanyang ina. Finally, tinakot din niya si Ethel na sinabing magpapakasal na sila ni Will sa pamamagitan ng nakakagulat niyang "Oh my God!"

Pagdating kay Ruben ay ipinakita ng isang stand up comedian na si Richie Chan kung paanong hiniling niya kay kuya na magkita-kita muli ang kanyang ina, lola at tita na dalawang dekada ng nawalay sa isa't-isa. Dumating rin si "Angel" na nagsilbing tulay para maikasal si Ruben sa kanyang asawa na si Jeselle.  Sumunod nga dito ay ang kanyang proposal na syempre ay naging katatawanan para sa special skit na ito. Ang pagiging Family Man nga ba ng Komedyanteng Promdi ang makakapagpaangat sa kanyang buhay sa gabing ito? O mas lumalamang pa rin ang ibang contenders for the Big Win compared sa kanya?

Tuloy-tuloy lang po ang pagtetext ng inyong boto dahil sa ngayon ay nangunguna pa rin si Housemate B with 31.96% of votes, sumunod si Housemate C with 27.47%, Housemate A ay pumapangatlo with 25.82% at nahuhuli naman si Housemate D with 14.75%.



Blog EntryHongkong honeymoon para kina Ruben at Jeselle!Dec 29, '07 4:55 AM
for everyone

Matapos nga ang hilarious na speech ni Ethel para sa bagong kasal, tinawag niya sa harap si Ruben upang ibigay ang special na regalo. Iniabot ni Ethel ay round-trip ticket for two to Hongkong kay Ruben.  Nagulat nga ang komedyante at halos maluha sa pagka-touch sa regalo.  Niyakap ni Ruben si Ethel bilang pasasalamat dahil for the first time ay makakarating siya sa Hongkong kasama ang kanyang pinakamamahal na kabiyak.


Blog EntryRuben, lapitin ba ng tukso?Dec 29, '07 4:42 AM
for everyone

Inimbitahan nga ni Big Brother ang mga pamilya at kaibigan nina Ruben at Jesselle na magbigay ng kanilang mga messages sa bagong kasal.  Ang isa sa mga bilin ng ina ni Jeselle sa kanya ay maging pasensyosa at huwag maging selosa, lalo na ngayon at baka tuluyan nang pumasok sa showbiz ang kanyang komdeyanteng mister.  Ayon sa ina, kung mayroon mang ipareha kay Ruben at isipin na lang ni Jeselle na trabaho lang ito, at lahat naman ng pagsusumikap ni Ruben ay para rin sa kanilang pamilya.

E paano na nga kaya ang kwelang tambalan nina Ruben at Ethel?!


Blog EntryMabuhay ang bagong kasal!Dec 29, '07 3:40 AM
for everyone

Matapos nga ang matagal na paghihintay ay lumabas na sina Mr. and Mrs. Ruben Gonzaga. Sinalubong sila ng mga celebrity housemates at ng ilang kamag-anak ng isang masaya at mainit na pagbati.  Si Ethel naman ay nagbiro pa na dahil siguro sa tagal nina Ruben at Jeselle sa secret room ay baka nag-honeymoon na sila.

Sumunod na nga dito ang sweet dance ng bagong mag-asawa to the tune of Grow Old With You. Syempre, mawawala ba naman ang matamis na kiss ng dalawa.


Blog EntryPretty in pinkDec 29, '07 12:38 AM
for everyone

After mag make-up ay isinuot na ng mga girls ang kanilang beautiful pink dresses para sa kasal ni Ruben (read the full story on the PBB Official Website).  Si Mariel ang na-surprise nang makita kung gaano kaganda si Gaby nang naka-ayos at naka-dress.  Medyo ilang nga ang race-car chick na ilugay ang kanyang buhok, pero sinabihan naman siya ng pretty TV host na mas bagay sa kanya ang nakalugay.  Dinala rin ni Gaby ang kanyang shades ayon na rin sa suggestion ni Big Brother.

Samantala, nagkakaproblema naman si Ethel kung paano pagkakasyahin ang kanyang dibdib sa masikip na pink dress.  Nagbaon ang sexy-comedienne ng maraming safety pins dahil mahirap nang magka-wardrobe malfunction sa simbahan at baka sitahin pa siya ni Father.


Blog EntryAng bongga ng kilay ni Ruben!Dec 28, '07 2:51 AM
for everyone

Habang ay iba ay super busy sa pagpapaayos sa mga make-up artists at hairdressers, nagprisinta naman itong si Ethel na ayusin ang kilay ni Ruben. Gamit ang razor, inahit ng sexy-comedienne ang kilay ng groom to be.  Tamang tama nga ito para kapag hinarap ni Ruben ang kanyang bride na si Jeselle ay bongga pareho ang mga kilay nila.  Biro pa ni Ruben, sa lahat ng ikakasal, siya lang ang walang kaalam alam sa mga mangyayari sa sarili niyang kasal.

E Kuya, ano ba talaga kasi ang plano mo kay Ruben?!


Blog EntryMga multong di mo kakatakutanDec 27, '07 11:44 AM
for everyone

Late na nga nakapag-dinner ang mga housemates dahil busy sila buong gabi sa kanilang weekly task. Pagkakain ay dumirecho na agad ang girls sa garden kung saan naglagay ng halloween backdrop sina Riza at Will kanina. Sobrang metikuloso nga ng kanilang photographer na si Ruben dahil hindi ito nakuntento sa isang anggulo lang. Na-capture naman kaya ng comedian ang perfect shot na hinahanap niya?


Blog EntryPractice LangDec 27, '07 11:08 AM
for everyone

Hindi pa ito ang actual pictorial ng celebrity housemates para sa kanilang Halloween month pero tuwang-tuwa na agad ang mga girls sa effect ng kanilang make-up at costumes. Stand out nga si Ethel sa kanyang all-white gown pero syempre, hindi naman nagpatalo si Gaby na mistulang yaya-killer according to Ruben. Maging si Riza ay litaw pa rin ang likas na kagandahan kahit na mangkukulam ang karakter niya sa photo shoot mamaya.

At dahil natapos na rin nila ang pagcapture ng grad scene kanina, apat na sessions nalang ay tapos na nila ang kanilang weekly task! Magustuhan naman kaya ni kuya ang magiging printouts ng kanilang pictures?


Blog EntryDream Girl MaterialDec 27, '07 7:00 AM
for everyone

Si Gaby ang napili nilang maging Reyna Elena para sa kanilang Santacruzan calendar month. Hindi naman sila nagkamali dahil tignan niyo naman ang hairdo niya na Filipinang-Filipina ang dating! Courtesy yan of Ethel na kinareer ng husto ang pag-tease sa kanyang buhok habang ang ibang housemates ay busy naman sa pagset-up ng backdrop para sa ibang themes ng kanilang project.

Sa lagay eh, mukhang si Gaby na rin ang magiging bride ni Ruben para sa month of June ha!


Blog EntryLove is in the air!Dec 26, '07 11:54 PM
for everyone

Ang February cover naman ang ginagawa ng ating mga celebrity housemates.  Syempre, for the month of love, dapat lang na ang mga loveteams inside Kuya's house ang nasa cover.  Nag-pair sina Will at Riza at sina Jon at Mariel at pumwesto sa may fireplace para makumpleto ang romantic atmosphere ng photo shoot.  Pero mukhang hindi kuntento ang photographer na si Ethel sa kinalabasan ng picture.  Gusto niya sana ay nasa labas ang setting, at itong si Mariel, nagbiro pa na kung gusto nila ng romantic ay sa cheap motel na lang ang setting.


Blog EntryNot even a bridesmaidDec 26, '07 7:51 AM
for everyone

For a while ay na-hotseat si Riza nina Will at Baron habang kumakain ng leftover paella kasama ang ibang housemates. Naikwento kasi ng Canadian beauty na parehong cool ang kanyang parents at mahilig pa nga daw magpatawa ang mga ito. Later ay ininvite din niya ang lahat to visit her own house in Canada, na ngayon nga ay pinarerentahan niya habang wala siya doon.

Bigla namang umentra itong si Ethel na nagpakasweet kay Will. Kaya lang hindi pa rin siya umubra dahil pabirong sinabi nito, "Alex loves you!" para lang tantanan na siya.

Paano na kung malaman pa niyang si Riza ang pinili ni Will maging bride at siya ay ginawang flower girl lamang? Laking gulo at katatawanan siguro kapag nagkataon!


Blog EntryA happier RizaDec 23, '07 2:41 AM
for everyone

Hindi maalis-alis ang ngiti ni Riza dahil nandito nga sa bansa ang kanyang buong pamilya para ibigay ang kanilang full support para sa kanya. Siguradong mas lalakas ang loob ng Canadian Beauty dahil hindi lang basta letter ng dad niya ang pinanghahawakan niya ngayon. Maging sina Ethel ay sinabing natouch daw siya sa kanilang mag-ina. Obvious kasi ang closeness nila sa reaksyon ni Riza na umaktong parang bata sa tuwa. Sa puntong iyon ay kita rin kay Will ang tuwa niya para sa ka-close na housemate.

Sino naman kaya ang dadating para kay Will?  


Blog EntryWhat's on the Noche Buena table? Dec 22, '07 12:54 AM
for everyone

Wide awake na nga this morning ang mga celebrity housemates after ang kanilang coin counting task (read the full story on the PBB Official Website).  Dahil excited na sa Pasko, nagsimula na rin silang magplano kung ano ang gusto nilang kainin sa Noche Buena.  Ayaw na nga ng mga housemates na magpagod pang magluto kaya mag o order na lang sila ng mga gusto nilang pagkain kay Big Brother.  Gamit ang white board, nilista ni Ethel ang ice cream, carbonara, at iba pang pagkain na gusto ng lahat ng housemates.  Pati ang super specific na chocolate-caramel cake na naibigay kay Yayo noong naging houseguest si Toni Gonzaga ay kanilang inilista.  Syempre, hindi mawawala ang wine sa kanilang request para mas lalong maging Merry ang kanilang Christmas.  Pero hindi pa rin sure kung makakatikim ng wine itong si Baron dahil na rin sa parusa sa kanya ni Big Brother.


Blog EntryMagkayakap sa dilimDec 21, '07 3:33 AM
for everyone

Pinag-stay nga ni Big Brother ang mga celebrity housemates sa boys' bedroom, at habang sila ay naghihintay, partner partner na naman silang magkakatabi sa mga kama.  Sinasabayan ni Jon si Mariel sa pagbasa ng libro habang si Riza naman ang masayang nakikipagkwentuhan kay Will.  Wala namang magawa si Ethel kaya nakuntento na lang siyang makipagkulitan sa katabing si Baron.

Pero napansin yata ni Kuya na sina Jon at Mariel ay parang nagho-holding hands sa ilalim ng kumot kaya't biglang pinatugtog ang "Magkayakap sa Dilim" ng Orange and Lemons.


Blog EntryEchoes of laughterDec 20, '07 12:14 PM
for everyone
Tuwang-tuwa ang mga housemates na binalikan ang mga unang araw ng kanilang Kris Kringle. Kaya pala walang natatanggap na regalo si Jon noon ay dahil walang kaalam-alam si Ethel na nagumpisa na pala ang bigayan ng good deed. Isang beses ay nagtaka pa daw siya kung bakit napaaga si Baron sa pagsabi kay Kuya ng balak niyang gawin sa kanyang baby. Yun pala ay late din ito.

Si Ruben naman, inasar si Will dahil ang hiningi niyang regalo ay compilation ng mga  memorable experiences niya as a housemate na balak niyang ibigay sa kanyang ina. Sigurado daw ay nakapaloob dun yung "kahindik-hindik na krimen" na iniwan niya sa banyo noong first day nila sa bahay ni kuya.

Blog EntryBonding ng mga KomedyanteDec 19, '07 10:39 PM
for everyone

Ito na siguro ang pinakakwelang Mary at Joseph sa kasaysayan!  Sina Ethel at Ruben naman ang nagpatuloy ng kanilang weekly task sa tread mill.  Napagkwentuhan ng dalawa ang kanilang mga experiences sa pagtatrabaho sa mga comedy bar.  Si Ruben ay veteran na sa isang major comedy bar sa Davao na sinabi niyang pinakamatagal na comedy bar sa probinsya.

Si Ethel naman, suki na ng ilang comedy bars tulad ng Punchline, Laffline, at Metro Bar.  Kwento pa ni Ethel na kay Vice Ganda nga siya natuto ng stand-up comedy.  Siya nga ang idolo ni Ethel sa pagiging spontaneous.  Nabanggit din niya ang ilang top-notch comedians tulad nina Chocoleit at Pooh.


Blog EntryIt's my turn to curl!Dec 18, '07 11:56 PM
for everyone

Wala pang masyadong ginagawa sa loob ng bahay ni Kuya, marahil ay nagluluksa pa rin ang mga celebrity housemates sa pag-alis ni Yayo dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.  Habang ang iba ay busy sa tread mill para sa kanilang weekly task, si Riza ay pinagdiskitahan na lang ang kanyang buhok.  Mukhang level up na talaga ang silent hair war nina Riza at Ethel dahil ngayon, si Riza naman ang nagkukulot ng buhok.

Girls, ito ba talaga ang paraan niyo para ma win si Will?  Baka nakakalimutan niyo na naturally curly din ang buhok niya.


Blog EntryAmoy seafood ang baby ko!Dec 18, '07 3:23 AM
for everyone

Nakakuha na naman ng tiempo itong si Ethel para makasama si Will.  Niyapos yapos nga ng sexy-comedian ang hunk model at talagang kinatok pa si Riza sa bintana para pagselosin.  Pero nagulat si Ethel dahil nang amuyin niya ang kamay ni Will ay nangangamoy seafood pa rin!

After a while, kinuwentuhan ni Ethel si Will ng mga maaari nilang projects after PBB.  Nag-feeling nga si Ethel na sila ni Will ang ibi-build up na loveteam at ipapadala sa mga shows out of town at out of the country!  Natawa na lang si Will sa mga out-of-this-world na pantasya ni Ethel.


Blog EntryBeing Jon AvilaDec 17, '07 11:40 PM
for everyone

Patuloy nga ang mga celebrity housemates sa paggaya kay Jon (read the full story on the PBB Official Website).  Itong si Ethel, bukod sa colorful boardshort at sando, naglagay din siya ng stirrer sa bibig at paulit ulit itong nginatngat.  Ginaya din ng sexy-comedian ang pananalita ng Fil-British hunk at binitbit ang over toaster.  Kagabi kasi ay nakatanggap si Jon ng tinapay at midnight snack na nasa loob ng toaster mula sa kanyang "parent." 

Pero nang sumigaw si Ethel ng "I am not a user!" bilang patuloy na paggaya kay Jon, natawa na lang itong si Jon dahil hindi niya akalain na mauungkat na naman ang "user" issue regarding him na sinimulan ni Ethel.


Blog EntrySino ang bisita ni Ethel?Dec 17, '07 8:08 AM
for everyone
Kanina pa tahimik na nagluluto si Ethel ng masarap niyang caldereta. Akala naman ng mga housemates ay para lang sa kanila yun pero mukhang ginawa niya ito dahil may makakadate siya ngayong gabi! Tinulungan pa nga siya ni Ruben na "magpre-prod" ng romantic set-up sa special dining table nila. May special visitor nga kaya siya tulad ng hinala ni Mariel o si Will ang iimbitahin niyang makasalo sa dinner?

Pages:123456
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help