Pinoy 's posts with tag: eviction
Walang masyadong pinagkaka-abalahan ang ating five celebrity housemates. Habang umiidlip sina Will, Jon, Gaby, at Ruben sa may garden ay naglinis na lang itong si Riza sa kitchen. Matapos nga makapag-make up ay dumiretso ang Fil-Canadian beauty queen sa kusina at nilinis ang lababo pati na ang dining table. Para maaliw sa ginagawa ay kumanta pa itong si Riza ng mga Gospel songs na parang dinadasalan lang niya ang lamesa. Makakanta pa kaya siya kapag inihayag na ang resulta ng final eviction mamayang gabi?
Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin. Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw. Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.
Ang English Outcast, ang Good Brother, at ang True Lover. Isa sa kanila ang mapapalayas sa bahay ni Kuya ngayong gabi. Pero nasa iyong mga kamay ang magiging kapalaran nina Jon, Donnie, at Will. Iboto na kung sino sa tingin niyo ang pinakakarapat dapat na manatili pa sa pinakasikat na bahay sa bansa! I-text lang ang BB 1 para kay Will, BB 12 para kay Jon, o BB 14 para Donnie sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular at Bayan Wireless subscribers at 231 naman para sa Smart at Talk N Text subscribers. Maaari ring bumoto online sa PBB Official Voting Page o gamit ang mga PBB vote cards available at all SM department stores nationwide Pero kung gusto mong magkaroon ng instant 10 votes ang iyong favorite housemate, mag-download na ng picture message from Globe. Text GBB 1 para kay Will, GBB 12 para kay Jon, o GBB 14 para kay Donnie sa 2366. Sa bawat download (P15 per download) ay pwede kang manalo ng P20,000 weekly o P1M sa final draw. Panoorin ang live eviction mamayang gabi at abangan ang resulta sa PBB Official Website.
 Nagsurvive sina Riza at Baron sa eviction ngayon at walang iba kung hindi si Victor Basa ang casualty. Sinundan ng Lonely Dreamboy ang steps nina Megan, Jen, Marylaine at Zara. At ngayong si Baron ang Head of Household, sino kaya ang magiging susunod na nominees?
Ang Desirable Diva, ang Lonely Dreamboy, at ang Wild Child. Isa sa kanila ang mapapalabas ng bahay ni Kuya ngayong gabi, pero nasa iyong mga kamay ang magiging kapalaran nina Riza, Victor, at Baron. May oras pa para mailigtas mo ang paborito mong celebrity housemate. Bumoto sa pamamagitan ng pagtext ng BB 3 for Riza, BB 5 for Victor, at BB 7 for Baron at i-send sa 2331 para sa Globe, Touch Mobile, Sun Cellular, at Bayan Wireless subscribers at 231 naman para sa Smart, Talk N Text, at Addict Mobile subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page. Panoorin ang live fourth eviction mamayang gabi at abangan ang resulta sa PBB Official Website.
Sinabi na nga ni Big Brother kina Jon at Baron na lalabas na si Mariel ng bahay. Pero ang dalawang guys na malapit kay Mariel ay pinagbawalan na magsabi ng kung anuman sa pretty houseguest. Hanggang ngayon nga ay walang kaalam-alam si Mariel sa mga plano ni Kuya sa kanya. Si Jon naman, hindi na maitago ang kanyang lubos na pagkalungkot sa napipintong pamamaalam ng kanyang "friend." Ilalabas na nga ba talaga ni Big Brother si Mariel? Iyan ang dapat ninyong abangan mamaya sa live fourth eviction night.
Matapos ang kanilang RC chopper task, pumunta si Megan sa may pool at nagmuni muni. Napansin siya ni Victor at tinabihan for a conversation. Hinala ng Lonely Dreamboy, apektado ang Princess of Charm sa eviction ngayong gabi. Sinabi ni Victor na hindi dapat mabahala si Megan dahil like naman siya ng tao dahil ilang beses na siyang nakakaligtas. Gusto pa nga ni Megan na manatili pa as a celebrity housemate, pero kahit love naman siya ng mga tao, lagi naman siyang nino-nominate ng ibang housemates. Napag-usapan tuloy ng dalawang "Abt Ur Luv" alumni ang relationships ng mga housemates sa isa't isa.
Ang Ultimate Pasaway, ang Komedyanteng Promdi, at ang Princess of Charm. Isa sa kanila ang nanganganib na mapalayas sa bahay ni Kuya ngayong gabi. Nasa iyong kamay ang magiging kapalaran nina Ethel, Ruben, at Megan. You only have a few hours left to vote for the celebrity housemate na gusto mo pang manatili sa loob ng pinakasikat na bahay sa bansa! I-text lang ang BB 2 for Megan, BB 4 for Ruben, o BB 13 for Ethel sa 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless subscribers o 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page. Panoorin ang live eviction mamaya after 1 vs 100 at abangan ang resulta sa PBB Official Website.
Nagka-usap sina Mcoy, Ethel, at Mariel sa labas nang biglang na-brought up ang issue ng pagkaka-nominate kay Ruben. Nag-agree si Mariel kay Ethel na of all the celebrity housemates, si Ruben ang dapat maging Big Winner dahil mas kailangan niya. Ang Komedyanteng Promdi nga ang sumusuporta sa kanyang pamilya at ito ang nag-udyok sa kanya na sumali sa PBB. Pero nanganganib ang pangarap na ito dahil nominated si Ruben. Na-kwento ni Mcoy na bago ang nomination, napag-usapan pa nila ni Ruben na if ever manalo siya, gagamitin niya ang pera para makapag-patayo ng bahay. Napapansin ng tatlo na nawawalan na ng pag-asa si Ruben dahil compared sa mga kapwa nominees na sina Megan at Ethel, lesser celebrity si Ruben kaya malamang na kaunti ang bumuto sa kanya. Lalo na at si Megan ay ilang beses nang nailigtas ng mga voters from eviction. Napapaiyak na lang si Mariel kung bakit si Ruben pa ang na-nominate.
Zara wasn't able to let her presence that well known to her housemates and to the Pinoy Big Brother audience, and so her first time in the nomination block was her last. The Mutya ng Pilipinas Asia Pacific 2007 title holder is the second celebrity housemate to leave the Big Brother house. We wish her well as she steps out of the house to the outside world.
Ang Princess of Charm, ang Poor Beauty Queen, ang Pasaway Na Aktor at ang kanyang Good Brother. Sila ang mga nanganganib na mapaalis sa Bahay Ni Kuya ngayong gabi. Pero nasa iyong mga kamay ang magiging kapalaran ng mga nominado sa Live Second Eviction Night. Sino sa tingin mo ang karapat-dapat na manatili pa sa pinakasikat na bahay sa bansa? I-text lang ang BB 2 para kay Megan, BB 7 para kina Baron at Donald, o BB 11 para kay Zara at i-send sa 231 para sa mga Smart and Talk N' Text subscribers, o 2331 para sa mga Globe, TM, Sun and Bayan Wireless Landline. Maari rin kayong bumoto online sa official Pinoy Big Brother Voting Page. Abangan ang resulta ng Second Eviction mamaya sa PBB Official Website. 
Hay. Malungkot nanaman sa bahay. Bakit nga ba kailangan pang magpaalaman di ba? Pero talagang ganyan bahay ni Kuya. Paalam Jen and Marylaine. May bagong buhay rin namang naghihintay sa inyo sa labas.
 Tapos na ang botohan ngayon para sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Malalaman na natin in a few minutes kung sino ang matatanggal!
 Less than to go, guys! Sino ang ibinoto niyo? At kung hindi pa kayo bumoboto, aba'y boto na! 
Ito ang short video ng aming man-on-the-street sa loob ng Eviction Hall ilang minuto bago magpasimula ang ating first eviction night! Ang First Eviction Movie.MPG (1.4 MB)
|  | Ano nga bang nangyayari kapag eviction night? Ito ang mga pictures ng aming man-on-the-street! |
Sa living room ay nagkukwentuhan sina Mariel at Jon tungkol sa kani-kaniyang career. Biglang natanong ng English Outcast kung sino sa tingin ng Big Spy ang mae-evict ngayong gabi. Inamin ni Mariel na sa palagay niya ay makakaligtas si Megan dahil maraming nang fans ang Princess of Charm, given na aktibo na ito sa showbiz before. Agree naman si Jon dahil sina Jen at Marylaine nga ay hindi pa gaanong kilala sa showbiz. Excited nga si Jon sa mga naghihintay na opportunities kay Megan after PBB. Dagdag pa ni Mariel na na-appreciate niya ang ka-prangkahan ni Jen, pero sa mga tao siguro, they may find Jen as Wendy Part 2. Sambit naman ni Jon "She's (Jen) not as bad as Wendy."
Tanghali na at nagpapahinga ang mga celebrity housemates after ng kanilang tiring dance rehearsal. Si Riza, piniling mapag-isa sa bench sa garden, pero bigla na lang siyang napaiyak. Dumating si Gaby and tinanong niya si Riza if she wants to talk about her problem. Ang sagot lang ni Riza "I hate eviction time." Hhhmmm...bakit ba masyadong paranoid itong si Riza?!
| |