Tinotoo na nga ni Big Brother ang balita niyang papasok si Akon sa pinakasikat na bahay sa bansa! Kaninang umaga ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga celebrity housemates na makamayan at makausap ang international RnB artist! (read the full story on the PBB Official Website)
Dahil nga kahapon ang concert ni Akon, naisip ng mga housemates na baka hindi totoo ang Pinoy Big Balita about the Makati standoff at curfew. Baka pina-praning lang sila ni Kuya para ma-divert ang isip nila away from Akon.
Hay, kung alam niyo lang housemates ang tensyon na bumalot sa buong bansa kahapon.