Pinoy 's posts with tag: gabby dela merced
 Wala na namang tubig! Di pa tuloy nakaligo ang ibang housemates! At this moment, nag-uusap sila ng list of groceries na dapat nilang bilhin. Apat lang sa kanila ang in-charge sa gawain na ito kaya ngayon pa lang iniisip na nila kung paano hahatiin ang kanilang budget. Akala pa nung iba lalabas sila para sa chore na 'to! Pwede ba yun?! Anyway, iba-iba ang requests nila, may chocolates, cinnamon at siyempre mawawala ba naman ang cigarettes ni Baron at Ethel? Ngunit sa gitna ng kanilang excitement, sina Will, Mariel at Marylaine ay kawawang naka-detain na ata sa punishment room dahil sa kanilang respective violations.
Most people know about Gab's passion about cars, She's a racer after all. Kaya naman itong si Baron, humihingi ng crash course about her hobby. When every girl's dream is to have a grand debut, si Gab, isang beat-up 1980's Toyota Starlet ang hiningi niya sa kanyang parents. Kwento pa niya, wala daw yun insulation, aircon, aircon, windows etc. To the point na yung friends niya sasabihin sa kanya "Wow Gab, ang ganda!" pero hindi lalapit dahil baka daw sila matetano! Since then, she became intense about learning everything about cars. (She's now 25 years old) In fact, she used to stay all day on a mechanic's shop to totally immerse herself on her passion! Kaya naman itong si Baron, todo hiling sa kanya na turuan siya paglabas nila ng bahay ni Kuya. Pangako pa niya, papahiramin daw niya si Gab ng car niya pag may date ang huli, kapalit ng favor na hinihingi niya.
Ito ang unang gabi na seryosong nag-rehearse ang mga housemates para sa kanilang nakatakdang presentation bukas. Usually kasi, kapag mga ganitong oras, either nagku-kuwentuhan lang ang lahat, naghihintay makaluto ng dinner or nagsu-swimming. Career na kung career ang mga girls, si Baron at and dance instructor nila na si Ruben na desididong ma-master ng kanyang mga housemates ang pinagmamalaki niyang Budots dance!
 Patuloy ang chickahan ng mga housemates nang biglang makarinig sila ng gunshots at explosions! Sound effects lang naman yun. Ito kasing si Kuya, gustong gisingin si Ruben na nakatulog na sa garden! Habang si Mariel ay gustong humingi ng chocolates kay Big Brother kahit na yung local lang. Hindi daw kasi lilipas ang araw na 'di siya kumakainkahit at least one bar lang ng chocolate.
 Feeling ni Mariel official housemate talaga siya ni Kuya! Sinasabi niya kay Jon and Gab na pwede rin niyang mapanalunan ang condo or house and lot na prize at the end of it all! Or is she just taking them for a ride? It seems that she's taking Tito Boy to his word from his video message wherein he wished her to become the show's big winner! Whatever it is, alam naman na talaga ni Mariel kung anong totoong role niya diba!
Mariel can hardly contain her excitement when Jon Avila gives her much-awaited luggage to her! Ang mga damit, hair iron at kung anu-ano pa niyang accessories lang pala ang kailangan para harapin niya ng may ngiti sa mukha ang hamon ni Kuya! Certified fashionista kasi 'tong si Mariel kaya talagang 'di mabubuhay kung magre-rely lang siya sa kanyang mga housemates para manghiram ng gamit.
 Ilang oras makalipas ang Uber ay mas lalo pang nabuhayan ang mga housemates sa isiping makakasama nila si Mariel! Kitang-kita ang paghanga nila sa kanya, lalo pa't soaring high ang career niya bilang host ng iba-ibang Kapamilya show tulad ng PBB, Wowowee at Entertainment Live. Pero nanatiling down-to-earth ang bubbly Kapit-bahay ni Kuya. "It's ok. I'll enjoy. It's gonna make you better. When I was washing the dishes, naisip ko di ko gagawin to kung asa bahay ako. Feeling ko (this experience) will change me or something." At ngayon nga, siya pa mismo ang nagiging source ng katatawan habang nire-recall niya ang emotional outcry niya kanina!
Mariel is calmer now as she starts to laugh with the other housemates. Soon after she apologizes for making a dramatic entrance, the housemates did not waste time initiating her into the group by asking her to dance, which she really hates to do! They point out that she has to learn to do so since overcoming certain challenges is the very essence of joining PBB!
Hay nako housemates! Pa'no niyo naman mapapatawa si Mcoy kung mismong jokes niyo eh hindi niyo alam kung pa'no ikwento? Only if they succeed in doing so can they remove the stars on their heads! Pero mukhang malayo mangyari yun kung ganito naman ka-corny ang wisecracks ng girls: Q: Saan makikita ang pinakamalaking nunal sa Pilipinas? A: Eh di, sa Mega-mole!
Busy ang mga housemates sa pagpa-polish ng kanilang dance steps nang biglang narinig nila ng live ang PBB theme song na Pinoy Ako! Obvious na nag-enjoy and lahat sa rendition ni Mcoy at humihirit pa ng isa nang biglang dumating na mismo ang kanilang tenth housemate! Maya-maya lang ay mami-meet na rin nila si Zara but for now, they are sharing to the former ONL lead vocalist how others also had their separate grand entrance just like Gab and Donald yesterday!
Mukhang ayaw talaga paawat sa kwentuhan nina Will, Victor and Gab! All the other housemates have opted to call it a night and reserve their energy for another busy ahead of them. But this trio finds common ground with their similar interests as they dutifully wash the dishes that piled up earlier!
Gab easily fit into the group as she talks about how difficult it was when she quit smoking. Baron eagerly listens to the story of how she got over the terrible first two weeks where she struggled over her cravings, attacks and irritable mood because of it. One thing na nagpahirap talaga ay yung di siya makapag-yosi break right after meals, sabi pa niya. And for Baron, just envisioning himself in her shoes, parang mababaliw na siya!
 Kung nabitin tayo sa mga pumasok na housemates kagabi, well Kuya adds one more to his stellar roster -- Extreme Sports Lover Gabby dela Merced. Bongga ang entrance ni Gabby dahil sumakay pa siya ng helicopter papunta sa BB house. Pero teka bakit biglang tuloy tuloy siya sa swimming pool? Nakita niyo yung mukha ng ibang housemates upon her entrance? Priceless! Well, it's one big splash of an entrance for Gabby...
| |