Kung dati ay plinano ni Ruben na magkita-kita muli ang kanyang ina, tita at lola, ngayon naman ay binigyan siya ng pagkakataon na makapiling kahit isang saglit ang nagsilbing inspirasyon niya para makayanan ang lahat ng challenges sa bahay ni kuya--walang iba kundi ang kanyang Papa Locloc. Syempre, mapipigilan ba naman ni Mr. Family Man ang pag-iyak pagdating sa kanyang mahal sa buhay?
Sinundan naman ito ng pagdating ng kuya ni Gaby na si Jan dela Merced na mukhang very into sa extreme sports dahil nabanggit nito na napiliyan siya dahil sa ten back flips something! Kaagad pinakilala ng Racing Godess ang kanyang kapatid sa mga housemates at ipinakita pa ang pinaghirapan nilang coin tower! Kitangkita talaga ang saya sa mukha ng Big Four dahil sa mga sopresa na ito. Well, all set na ang Celebrity Big Four!