Pinoy 's posts with tag: gladys guevarra
Kahapon pa ay may mga oras na nababad trip ang Wild Child dahil sa pagkatanggal ng yosi sa kanilang grocery list kapalit ng nabasag na bowl ng Mom in Distress. Pero mukhang nakaisip ng paraan si Baron para makahirit kahit isa man lang stick mula kay Kuya. Kaya siya nagluluto ng tuna spaghetti for dinner! Sabi niya kay Will, hopefully ay magustuhan daw nila ang kanyang special dish para ultimately ay marewardan din siya ni Big Bro.
Habang busy sa paggawa ng kanilang giant parol ay biglang pinatawag ang mga housemates ni Big Brother. At sa kanilang paglabas ay dumirecho sila sa girls' bedroom kung saan umiiyak si Gladys! Sinalubong ng Patawa Queen ng mga yakap ang kanyang housemates upang pormal na magpaalam sa kanila! Matatapos nga ang ilang linggong pamamalagi sa big yellow house ay muling lalabas ang fifteenth resident ni Big Brother. Ibig ba nitong sabihin ay may papalit na housemate sa kanya? Payagan na nga kaya ni Kuyang makapasok ulit ang Ultimate Pasaway? Abangan ang full details ng kaganapang ito sa PBB Official Website.
Pinatawag nga ni Big Sister si Gladys sa confession room, at paglabas ng Patawa Queen ay may dala na itong parang mga sulat. Dumiretso si Gladys sa kwarto at doon niya binasa ang ilang pahina ng mga sulat. Pero in the middle of reading, napaiyak na lang ang komedyana. Hindi naman malinaw kung ano ang nakasaad sa sulat, kung ito ba ang part 2 ng letter kay Gladys ng kanyang boyfriend. Maka-apekto kaya ang sulat na ito sa desisyon ni Gladys na mag-voluntary exit? Tutukan ang mga huling pangyayari sa PBB Official Website.
Maayos na nakapag-lunch ang mga housemates at so far ay kumpleto pa naman sila. Si Gladys na kanina nga ay binalak lumabas ng bahay ni Kuya ay mas kalmado na ngayon. Noong una ay tahimik lang siyang kumakain pero napangiti na rin siya at napasama sa kwentuhan matapos magbakla-baklaan si Ruben. Bago pa man ito ay seryosong nag-sorry din siya sa kanyang mga kasama dahil sa hindi niya pagsali sa kanilang laro. Hindi naman umimik ang mga housemates except for Riza na inassure siya na okay lang yun. Okay na nga ba talaga ang lahat?
Hindi pa man nakapagdesisyon si Kuya tungkol sa kagustuhang mag-quit ni Gaby at sa pagpasok muli ni Ethel ay panibagong trouble nanaman ang hinaharap ngayon ng celebrity housemates. Kung kelan naman wala si Big Bro! Hay nako. Ngayon dumoble pa ang bigat ng responsibilidad ni Big Sister dahil dito. Ano kaya ang gagawin ni Mariel ngayong nag-alsabalutan na ang Reyna ng Patawa at mukhang handang-handa na para lumabas. Tsk, tsk, tsk. Sabi nga ni Kuya, ang karapat-dapat lang manatili sa kanyang bahay ay yung nagtataglay ng lakas ng kaloobang harapin ang lahat ng kanyang pagsubok. Ang tanong, sino-sino lang ba sa kanila ang meron nun?
Exciting ang Sunday morning ng celebrity housemates dahil may nakahandang activity si Kuya para sa kanila. Wala man siya ngayong araw ay nandyan naman si Mariel bilang Big Sister para magpatupad ng mga iniutos niya. Busy nga ang mga housemates para sa isa nanamang contest sa pagitan ng mga biik. Kaya lang may problema - ayaw ni Gladys magparticipate dahil noong una palang ay diring-diri siyang hawakan ang piglets! Ito nga lang ba ang dahilan ng kanyang pagkaasar para masabi niyang "Gusto ko na lumabas. Ngayon nako nabuburaot." Alamin ang buong istorya sa PBB Official Website.
Pinapasok nga ang lahat ng celebrity housemates sa boys' bedroom habang si Gaby ay kinakausap ni Big Brother. Para aliwin ang sarili at ang mga kasama, nagpa-charade si Gladys ng iba't ibang pelikula at awitin. Mukhang hindi nga alam ng ibang housemates ang ilang charade codes tulad ng "movie," "song" "first word," "first syllable," at iba pa kaya super turo naman ang Patawa Queen. In fairness, enjoy naman ang ibang housemates sa paghula.
After lunch break, napansin ng mga celebrity housemates na ang suot nilang salesperson attire ay mukhang school uniform. Nagkunwari tuloy si Gladys na batang humihingi nga baon sa tatay niyang si Ruben. Doon na nagsimula ang nakakatuwang role playing ng mga housemates. Si Yayo ang naging ate na nakikipag boyfriend kay William, si Baron naman ang kuya na walang ginawa kundi mag-yosi, si Riza ang paboritong kapatid, at si Jon ang gwapo pero pipi na houseboy. Pero mas lalong nagiging nakakatawa nang si Gladys ay umarteng dalagang anak na nabuntis habang si Ruben naman nanggagalaiting ama. Si Will ang kunwaring nakabuntis daw kay Gladys. Uber talaga sa kwela ang mga housemates kapag tinamaan ng topak!
Bago nga simulan ng mga celebrity housemates ang kanilang shoe-fitting task sa activity area, nagkausap sina Baron at Gladys sa kanilang pagiging close. Naisip nga ng Wild Child na mukhang medyo nagiging comfortable na siya sa Patawa Queen, at nakakalimutan na yata ni Baron na may boyfriend si Gladys sa labas. Worried si Baron na baka ang pagiging intimate niya kay Gladys ay ma-misinterpret ng boyfriend ng huli. Pero si Gladys, natawa na lang sa pagiging dramatic ni Baron.
Patuloy ang mga celebrity housemates sa pagbuo ng kanilang anime skit. Paulit ulit nilang pinanood ang Naruto video para makabisa ang mga eksena at ang mga dialogues na pwedeng isingit. Malaking tulong nga sa task na ito ang maraming impersonations ni Gladys dahil kaya niyang mag-iba ng boses, lalo na ng parang bata tulad ni Chuchay. Hindi naman nagpahuli si Ruben sa pagdagdag ng mga patawa sa istorya. Tutukan ang mga huling pangyayari sa task na ito sa PBB Official Website
 Matapos ang mahabang kompetisyon sa pagitan ng girls and guy-housemates, binigyan naman silang lahat ng uber yummy treat ni Kuya! Ano pa nga ba kundi ang very special na lugaw mula sa business mismo ng Reyna ng Patawa, perfect lalo na kapag ganitong maulan! Si Jon naman na siyang nanalo sa Memory Game kanina ay binigyan ng isang basket of goodies! Wow!
Dahil nga nadisgrasya ni Gaby ang kanyang lapel mic sa swimming pool kanina, wala pang maibigay si Big Brother na bagong lapel para sa Racing Goddess. Bilang parusa na rin, kailangan munang maki-microphone ni Gaby kay Donnie. Tuwing magsasalita si Gaby, dapat ay nakalapit siya sa lapel ng Good Brother. Ibig sabihin, kailangan na laging nakadikit si Gaby kay Donnie hanggang maayos ang kanyang lapel...sa takdang panahon. Huling-huli nga ni Gladys na ngumingiti si Donnie nang palihim. (Ano 'yan, Donnie?! May balak ka bang masama?!)
Kinuha na nga ng mga Celebrity Housemates ang kani-kanilang biik mula sa pigpen para turuan ito ng mga na-assign sa kanila na tricks. Problema nga ni Gaby kung paano niya patatayuin si Porkchop sa hind legs nito dahil mahina ang paa sa likod ng biik. Si Gladys naman, alangan pa rin hawakan si Babe na walang ginawa kundi magkalat kung saan saan. Tutukan ang mga celebrity housemates sa task na ito sa PBB Official Website.
Paglabas nga ng confession room ay may dala ang mga celebrity housemates na isang malaking piggy bank! Mula dito ay kailangan nilang sumungkit ng tag-isang coin na may nakasulat na tricks na kailangan nilang ipagawa sa kani-kanilang alagang biik. Sa una ay nahirapan si Gladys na sumungkit ng barya gamit ang kitchen knife, kaya pumayag na si Big Brother na lakihan nila ang butas ng piggy bank. Kabilang sa mga tricks na nabunot ng mga housemates ay "sit," "stand on hind legs," "lie down," at iba pa.
 Hindi lang puno ng katatawanan ang hapunan ng mga housemates. Bukod kasi sa funny antics ni Chuchay ay busog rin ang kanilang mga tiyan sa mga crablets na ginamit nila sa game kanina. Unang kita palang kasi ni Gladys sa mga ito ay pinagnasahan na niyang lutuin ang mga crablets pagkatapos ng laro. And take note, super bati na nga sila ni Will dahil tinuruan pa niya ito ng technique para makain ng husto ang laman ng kanilang ulam!
Bored to death na nga talaga si Gladys kaya nang ibinigay ni Kuya ang hudyat para asikasuhin nila si Peggy, dali-daling nag-volunteer ang Reyna Ng Patawa na samahan si Gaby sa paglilinis ng koral nito. Enjoy naman siya sa pag-aasikaso sa sosyal na baboy lalo pa dahil natutuwa siyang tingnan ang pambe-baby ng Racing Godess sa mga biik. Malakas talaga kasi ang appeal ng huli katulad ng opinyon nina Ethel at Baron dati. Sabi nga ni Gladys kanina, kung hindi lang siya malandi ay baka pinormahan niya na si Gaby!
Medyo homesick na si Gladys kahit ilang araw pa lang siya sa bahay ni Kuya. Nagtataka nga daw siya dahil nakayanan naman niyang mag-isa sa States. Although kasama kasi niya ang ilang kamag-anak niya dun, busy naman ang mga ito sa pagtatrabaho samantalang siya ay naiiwan lang mag-isa sa bahay. Gym lang sa umaga tapos shopping-shopping naman sa hapon. Wow Gladys, rest kung rest talaga ang ginawa mo ah!
 | Whoops! | Nov 30, '07 7:24 AM for everyone |
 Anong sinisilip mo dyan Chuchay? Ikaw ha ang bata-bata mo pa marunong ka ng mamboso! Hindi mapigilan ni Chuchay ang pagtawa dahil sa "sitwasyon" ni Ruben. Pero hindi lang yun ang napag-initan ng mata ni Cuchay kundi pati na rin ang hunk na pumwesto malapit sa kanya. Depensa naman niya sa kanyang sarili, wala naman daw siyang nakita maliban sa tuhod ng True Lover!
 Hindi na nag-iisa si Chuchay sa bahay ni Kuya! Marahil ay napansin rin ni Kuya na perfect ang tandem nina Gladys at Ruben kaya pinagtambal niya ang dalawa as 'little kids' with matching colorful costumes! Syempre, katulad ng boses ni Chuchay ay kailangang paliitin din ng Komedyanteng Promdi ang kanyang boses. Wala namang problema sa kanya maliban nalang sa suot niyang fitted jumper - naa-'out of place' kasi ang kanyang private part! Kaya ang mapagbirong si Kuya humirit ng Irreplaceable ni Beyonce!
Boys versus girls ang labanan sa Uber ngayong hapon! Natalo ang huli kaya kinailangangang suotin nila ang Velcro jackets hanggang hindi pa ito pinapatanggal sa kanila ni Kuya. Hindi nagtagal ay pinatugtog na ni Kuya ang 'Smack That' kung saan ginamit ng mga girls ang kanilang sexy grooves para tuluyang matanggal ang mga balls na nakadikit sa Velcro jackets!
| |