Oras na nga para sa weekly grocery ng ating celebrity housemates. Si Mariel ang na-assign to do the grocery, pero isinama niya si Ethel bilang "wise" shopper at si Ruben na bihasa sa pagipili ng magandang karne. Kwento ni Big Brother kay Mariel, dati ngang nag-work itong si Ruben sa wet market kaya marunong itong tumingin ng meat. Pero sabi ni Mariel, hindi naman nila problema ang paggastos dahil Php 2,500 lang ang budget nila (read the full story on the PBB Official Website for the result of their weekly task). Dahil wala ngang pera, isang stick na lang ng yosi ang ni-request ni Baron.