Pinoy 's posts with tag: house
Mga Kuyanatics, sugod na sa harap ng PBB House para mabili ng mga limited edition PBB Notebooks. Bukas ang Teen-dahan ni Kuya para sa Kapamilya from 4 PM to 10 PM daily kung saan mabibili ang mga notebooks na ginawa ang na-autograph ng mga teen housemates! Ang proceeds ay mapupunta sa mga piling indegenous public school children. Samantala, malapit na ring mabili ang mga tin-dyed shirts na kasalukuyang tinatapos ng mga teens. Hindi mo lang mapapasaya ang mga housemates, makakatulong ka rin sa LOL - Libreng Operasyon sa Laoag kung saan maraming Kapamilyang may karamdaman ang mabibigyang lunas. Kaya ano pa ang hinihintay niyo, bili na sa Teen-dahan ni Kuya!
Sa kalagitnaan ng pagiging busy sa pagtatahi ng kanilang mga nagawang tin-dyed shirts ay nagising ang mga teen housemates nang biglang magpatugtog si Big Brother ng Low. Ang lahat ay agad na nag-party mode at itong sina Valerie at Jieriel ay biglang humataw na parang nasa Wowowee lang. Ang iba naman ay mas ginanahan pa sa pagtahi ng shirts dahil nagising na rin sila sa upbeat music ni Kuya.
Super happy ng umaga ni Linda dahil nagising siya na hindi lang kasama ang kanyang Daddy Hans kundi kapiling din nila ang kanyang Mommy Ningning. Matapos nga ang lampas tatlong taon ay muling nakasama ng Bikini Babe ang kanyang ama, at pakiramdam ni Linda na kulang na lang ang kanyang nakababatang kapatid ay pwede na silang makumpleto bilang isang pamilya sa loob ng bahay ni Kuya. Habang gumagawa ng house chores sina Daddy Hans at Mommy Ningning ay tinulungan na sila ni Nan.
Hindi pa rin matatawaran ang ingay na nilikha ng ex-housemate na si Wendy Valdez noong Season 2 kaya't siya ang hinirang ng Kapamilya Community Poll bilang most unforgettable housemate. Basahin sa ABS-CBN.com kung sino pa ang ibang unforgettable ex-housemates.
Walang masyadong pinagkaka-abalahan ang ating five celebrity housemates. Habang umiidlip sina Will, Jon, Gaby, at Ruben sa may garden ay naglinis na lang itong si Riza sa kitchen. Matapos nga makapag-make up ay dumiretso ang Fil-Canadian beauty queen sa kusina at nilinis ang lababo pati na ang dining table. Para maaliw sa ginagawa ay kumanta pa itong si Riza ng mga Gospel songs na parang dinadasalan lang niya ang lamesa. Makakanta pa kaya siya kapag inihayag na ang resulta ng final eviction mamayang gabi?
Matapos kunan ang kanilang photo cover for the month of December (read the full story on the PBB Official Website) ay dumating na bisita si Big Brother. Ang culinary expert na si Ms. Penk Ching ang siyang magtuturo sa mga girls kung paano gumawa ng carrot walnut cake. Hindi naman pinayagan ang mga boys na tumulong sa mga girls kaya pinanood na lang nila ang mga basics of baking. Pero mystery pa nga hanggang ngayon kung para saan ang cake na gagawin ng mga girls. Sino kaya ang surprise na makatikim ng special cake na ito?
Sa araw ng Pasko ay muling nagbalik ang mga ex-celebrity housemates sa bahay ni Kuya! Nasorpresa nga ang lahat nang isa isang dumating sa bahay ni Kuya sina Zara, Mcoy, Megan, Donnie, Marylaine, Jen, at Victor para bisitahin ang mga housemates na na-miss nila ng sobra. May dala ring regalo ang mga bumisitang ex-housemates, pero 100-seconds lamang ang ibinigay ni Big Brother sa kanila para batiin ang mga housemates ng Merry Christmas. Abangan ang buong storya sa Primetime with Toni Gonzaga at sa PBB Official Website.
Ginising na ni Big Brother ang mga celebrity housemates nang magpatugtog ng mga kantang pamasko. Pero imbis na maging excited ang lahat sa Christmas eve, mukhang ordinaryong lang sa loob ng bahay ni Kuya. Dapat sana ay naghahanda na ang lahat para sa noche buena, pero mas pinili ng iba na ipagpatuloy ang tulog. Ano ba ang balak niyo, housemates? Next year na kayo gigising?!
Nakaround two na si Ruben sa pagsell out ng kanyang "Woyoy" pero wala pa ring nagkainteres na bilhin ito. Nauubusan na nga daw siya ng pang "come on" sa potential buyers. Inanunsyo rin niya na 24 hours na bukas ang famous yellow house ngayon para sa mga nais humabol sa matinding auction ng kanilang mga obra maestra. Dagdag pa niya, huwag nang mag-atubiling pumunta dahil baka mamayang simbang gabi ay may makakuha na nito. Kaya ano pang hininhintay niyo, bili na!
After several minutes, pinalabas na rin ni Kuya mula sa bedroom ang mga boys. Pero laking gulat nila dahil wala ang mga babae! Hinanap na ng mga boys kung saan, sa bedroom at sa shower, ay wala ang mga girls. Nagtataka ang mga boys kung lumabas nga ang mga girls para mag happy happy. Super bagot tuloy ang barakong ito dahil sa nakakabinging katahimikan sa bahay. Saan nga ba nagpunta ang mga girls? Abangan ang kwento sa PBB Official Website.
Dinagdagan pa ni Kuya ng cocktail atmosphere ang garden nang magpa-set up siya ng isang bonggang bar. Isang buong mesa filled with different drinks ang naka set up with matching bartender. Na excite na si Baron sa sight ng mga alcoholic drinks at sa bartender na kakilala niya from one bar na madalas niyang puntahan. Ang bartender na si Joel nga ang madalas mag fix ng Long Island drink ng Wild Child. Kanya kanya na ngan order sina Gaby, Jon, Mariel, at Will ng kanilang screwdriver, pina collada, margarita, at iba pang drinks.
Todo na nga ang mala Boracay indulgence ng mga celebrity housemates! Mukhang gusto rin ni Big Brother na iparamdam sa mga housemates sa sarap na kanyang naranasan nang magbakasyon siya sa isang beach resort. Heto nga at binigyan pa niya ng mga fruit at buko shake ang mga nakatambay sa garden. Super excited ang lahat nang ilabas ni Mariel ang mga pampalamig. Ang ending, summer in December experience ang inenjoy ng mga housemates!
Ngayong special houseguest na siya ni Kuya, wala na ngang makakapigil kay Ethel na i-enjoy ang kanyang stay sa BB house! Nag bathing suit na nga ang Ultimate Pasaway at nagpahid ng shimerer sa kanyang katawan para makapag sunbathing sa garden. Na-amaze nga si Ethel sa buhangin sa garden, at para ma-complete ang Boracay experience niya, kumuha siya ng sunglasses, naghiwa ng hilaw na mangga at tubig. Sinamahan niya sina Jon at Mariel na, as usual, doing sweet nothings again sa garden. After a while, sumikat na rin ang araw na ikina-excite ng lahat. Dinagdagan pa ni Big Brother ng beach waves sound effects para Borang Bora na talaga!
Kagabi nga ay isang masayang Christmas treat ang ginawa ng mga housemates sa loob ng bahay! Si Baron ang na-assign na maging Santa Claus, complete with costume at fake big tummy. Sina Yayo at Riza naman ang naging assistants ni Santa at ang iba naman ay nagsilbing reindeers. May mga bisita din si Big Brother na mga bata na dumating para mamasko sa mga celebrity housemates!
Kung hindi pwedeng lumabas ang mga celebrity housemates para pumunta sa palengke, ang palengke mismo ang dadalhin ni Kuya sa loob ng kanyang bahay! Kanina ngang umaga ay nagulat nga ang mga housemates nang makita nila ang isang palengke set up sa activity area (read the full story on the PBB Official Website). Dito nga nila ginawa ang kanilang weekly shopping na super bongga dahil sa laki ng kanilang budget. Talagang na-miss nga nilang lahat ang noisy at chaotic atmosphere ng isang flea market. Sana lang ay naging "wais" ang ating mga housemates sa paggasta ng kanilang budget.
Tinotoo na nga ni Big Brother ang balita niyang papasok si Akon sa pinakasikat na bahay sa bansa! Kaninang umaga ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga celebrity housemates na makamayan at makausap ang international RnB artist! (read the full story on the PBB Official Website) Dahil nga kahapon ang concert ni Akon, naisip ng mga housemates na baka hindi totoo ang Pinoy Big Balita about the Makati standoff at curfew. Baka pina-praning lang sila ni Kuya para ma-divert ang isip nila away from Akon. Hay, kung alam niyo lang housemates ang tensyon na bumalot sa buong bansa kahapon.
Habang praning pa ang ibang celebrity housemates after last night's Big Breaking Balita, sina Baron at Gaby naman ay nagkaseryosohan sa living room. The Wild Child and the Racing Goddess both talked about the existencial crisis that they experienced a few years ago. Si Baron nga ay nalulong sa bisyo which prevented him from working, while Gaby went through a deep quarter-life depression. Biglang may nabanggit si Baron na may gusto siyang ikwento sa pretty kaskasera kapag nagkita silang muli sa labas. Para maalala ni Gaby kung ano ito, humingi siya ng keyword kay Baron, at ang ibinigay nga na keyword ng Wild Child ay "family computer." Ano kaya ang kwento sa likod ng keyword na ito?
Nakagawian na yata ni Baron na sa tuwing nababagot ang nagbabasa siya ng Bible. Mukhang maganda rin ang naidudulot ng mga moments na siya ay nag-iisa. Pinagbihis na nga siya at si Yayo (silang dalawa lamang ang nasa bahay sa kasalukuyan) ni Big Brother ng mga costume pero hindi pa malinaw kung para saan ito. Baron, tingnan mo sa Bible, baka nandun ang sagot 
Kinilabutan nga ang mga celebrity housemates nang i-preview nila ang isang eksenang kanilang nakunan para sa kanilang short film na "Pamana." May napansin kasi silang reflection sa salamin sa living room ng isang figure na dumaan. Hindi naman nila matukoy kung ito ay reflection ng isa nilang kasama. Hanggang ngayon nga ay palaisipan pa rin sa mga housemates kung saan galing ang image na ito. Maaalalang nagkaroon na rin ng parehong insidente sa loob ng bahay noong Halloween nang kalagitnaan ng gabi, nakarinig si Mariel ng isang boses na tumatawag sa kanya. Hindi naman maipaliwanag ng mga PBB staff kung saan galing ang boses na iyon. Pati ba naman multo e gustong maging housemate?! Abangan ang kwentong ito at ang first ever PBB short film na "Pamana" mamaya pagkatapos ng 1 vs 100.
Dahil wala naman masyadong ginagawa ang mga housemates, naisipan ni Kuya ang paglinisin na lang sila ng buong bahay. Una na sa mga dapat nilang linisin ay ang mga salamin. Napansin nga ng mga housemates na matagal tagal na rin silang hindi nakakapag linis dahil sa kapal ng dumi, lalo na sa kitchen. Tapos ay pinapunta sila ni Big Brother sa boys' bedroom kung saan nila itinuloy ang kanilang paglilinis.
| |