Pinoy 's posts with tag: housemates
|  | Kahit talo sa kanilang weekly task, sumaya ang mga housemates sa pagpi-picture picture! |
Hindi pa rin matatawaran ang ingay na nilikha ng ex-housemate na si Wendy Valdez noong Season 2 kaya't siya ang hinirang ng Kapamilya Community Poll bilang most unforgettable housemate. Basahin sa ABS-CBN.com kung sino pa ang ibang unforgettable ex-housemates.
Pansamantalang isinantabi muna ng celebrity housemates ang paggawa ng tower of coins para simulan na ang pageempake ng kanilang mga gamit para sa eviction ilang oras mula ngayon. Pinapagaan ni Will ang loob ni Jon na siguro naman daw ay sasabihan siya ng maaga ni kuya kung siya ay papatawan ng forced eviction. Maging ang pagbibiro niya ng wala sa hulog ay pwede rin namang maging subject for eviction kaya wala talagang kasiguruhan kung sino ang aalis sa kanila, dagdag pa niya. Si Jon na nga kaya ang huling mapapabilang sa "PBB death row"? O may pag-asa pa rin kaya siyang mapasama sa Big Four? Tuloy-tuloy lang sa pagtext sa inyong bets at abangan ang pinakaaabangang episode mamayang gabi sa Primetime para matunghayan kung sinu-sino ang circle of winners para sa PBB Celebrity edition 2!
It's the last day of 2007, at maski sa loob ng bahay ni Kuya ay ramdam din ng natitirang limang celebrity housemates ang excitement para sa New Year. Napagkwentuhan nina Gaby at Riza ang mga tradisyon sa Pilipinas sa pagsalubong sa bagong taon. Dahil laki sa Canada, si Riza ay walang alam kung anong oras nagsisimula ang fireworks. Kwento ni Gaby ay as soon as magdilim, nagsisimula na ang mga tao na magpaputok, at titindi ang ingay ng putukan pagdating ng midnight at magtatagal hanggang alas dos ng madaling araw. Humuling nga si Riza na sana ay ipapanood sa kanila ni Big Brother ang countdown para kahit papaano ay makasabay nila ang buong bansa sa pagsalubong sa 2008. Pero hindi pa nga sure kung paano magbabagong taon ang mga housemates dahil may tensyon pa rin sa pagitan nila at ni Kuya.
Sa gitna ng katahimikan ay biglang nagflash sa plasma screen ang video ng pag-uusap ng mga housemates tungkol sa plano nilang mag-boycott kung sakaling magkaroon ulit ng nomination. Idea ito ni Gaby na sinang-ayunan naman agad ng lahat. Dagdag pa ni Ruben, wala daw aalis sa kanila sa next eviction dahil pipilitin nilang magkaroong ng kauna-unahang Celebrity Big Five. Related ito sa desisyon nilang mamamahagi ang Celebrity Big Four ng kanilang prize money sa kung sino man ang Fifth Placer. Seryoso naman ang lima ngayon habang pinapanood ang clip. Nag-comment pa ang racing godess na latter part na daw ito ng conversation nila noong in-house pa sina Mariel at Ethel. Bakit ipinapanood ito sa kanila ng paulit-ulit? May nilabag nga kaya silang rule ni Kuya sa kanilang ginawang plano kaya sila pinagbasa ng Rule Book kanina tulad ng nasa isip ni Ruben ngayon?
Imbis na nerbyusin tungkol sa mga nagawa nilang violations ay nagkwentuhan at nagkulitan nalang ang mga housemates. Habang si Gaby ay nagna-nap, full-blast ang energy ni Riza sa pagkanta at pagsayaw. Lakas trip naman ang boys na ginawang retainer ang foil ng chocolates na kinakain nila. Naisip ni Jon na cool talagang may aluminum sa ngipin dahil hindi na nila kailangan magtooth brush pa! Pagkatapos ay pabirong inaabot naman ni Will kay Riza ang improvised retainer niya para ma-try naman daw nito.
Matapos nga ang hilarious na speech ni Ethel para sa bagong kasal, tinawag niya sa harap si Ruben upang ibigay ang special na regalo. Iniabot ni Ethel ay round-trip ticket for two to Hongkong kay Ruben. Nagulat nga ang komedyante at halos maluha sa pagka-touch sa regalo. Niyakap ni Ruben si Ethel bilang pasasalamat dahil for the first time ay makakarating siya sa Hongkong kasama ang kanyang pinakamamahal na kabiyak.
Inimbitahan nga ni Big Brother ang mga pamilya at kaibigan nina Ruben at Jesselle na magbigay ng kanilang mga messages sa bagong kasal. Ang isa sa mga bilin ng ina ni Jeselle sa kanya ay maging pasensyosa at huwag maging selosa, lalo na ngayon at baka tuluyan nang pumasok sa showbiz ang kanyang komdeyanteng mister. Ayon sa ina, kung mayroon mang ipareha kay Ruben at isipin na lang ni Jeselle na trabaho lang ito, at lahat naman ng pagsusumikap ni Ruben ay para rin sa kanilang pamilya. E paano na nga kaya ang kwelang tambalan nina Ruben at Ethel?!
Matapos nga ang matagal na paghihintay ay lumabas na sina Mr. and Mrs. Ruben Gonzaga. Sinalubong sila ng mga celebrity housemates at ng ilang kamag-anak ng isang masaya at mainit na pagbati. Si Ethel naman ay nagbiro pa na dahil siguro sa tagal nina Ruben at Jeselle sa secret room ay baka nag-honeymoon na sila. Sumunod na nga dito ang sweet dance ng bagong mag-asawa to the tune of Grow Old With You. Syempre, mawawala ba naman ang matamis na kiss ng dalawa.
After nga ng kasal sa simbahan ay nagbalik na ang ating celebrity housemates sa bahay. Nagulat nga silang lahat na may naka set-up sa living room na mukhang sa loob nga ng bahay gaganapin ang reception. Syempre, mapipigilan ba naman ang ilan sa kanilang silipin kung ano ang mga nakahandang pagkain. Maya-maya pa ay sinabihan na sila ni Big Brother na salubungin ang mga kamag-anak nina Ruben at Jeselle na makakasama nila sa kainan. Pero nasaan na nga ba ang bagong kasal?
Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin. Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw. Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.
After mag make-up ay isinuot na ng mga girls ang kanilang beautiful pink dresses para sa kasal ni Ruben (read the full story on the PBB Official Website). Si Mariel ang na-surprise nang makita kung gaano kaganda si Gaby nang naka-ayos at naka-dress. Medyo ilang nga ang race-car chick na ilugay ang kanyang buhok, pero sinabihan naman siya ng pretty TV host na mas bagay sa kanya ang nakalugay. Dinala rin ni Gaby ang kanyang shades ayon na rin sa suggestion ni Big Brother. Samantala, nagkakaproblema naman si Ethel kung paano pagkakasyahin ang kanyang dibdib sa masikip na pink dress. Nagbaon ang sexy-comedienne ng maraming safety pins dahil mahirap nang magka-wardrobe malfunction sa simbahan at baka sitahin pa siya ni Father.
Bago tawagin ni Big Brother si Ruben para maghanda sa kanyang kasal ay nakasalo pa ng komedyante ang mga celebrity housemates sa isang simpleng lunch. Si Ruben ang nag-lead ng prayer kung saan siya ay nagpasalamat sa mga biyayang ibinigay sa kanya ng Diyos at ni Kuya. Pinasalamatan din ni Ruben ang mga housemates sa kanilang friendship at support. Afterwards, all the housemates wished him all the best sa kaniyang bagong buhay bilang ganap na family man. Pagkatapos ay tinawag na nga ni Big Brother si Ruben at pinapunta sa secret room para siya ay makapagbihis na. Antabayanan sa PBB Official Website ang mga mangyayari sa kasal ni Ruben.
Plakda ngayon ang mga housemates matapos ng napaka-hectic na sched nila ngayong araw. Dahil bukod sa may photo shoot sila kanina para sa kanilang calendar project at ang kasal-kasalan sa pagitan nina Ethel-Will at Mariel-Jon, ay dumirecho sila sa isang professional pictorial dahil tutal ay bongga na rin lang ang kanilang mga ayos. Hindi nila alam kung para saan ito at ang hinala nila ay baka para daw sa isang magazine cover. Lingid sa kanilang kaalaman ay maaaring kinuhaan na sila ng shots in preparation for the upcoming Celebrity Big Four publicity tulad noong last season. Kaya mga kuyanatics, tuloy-tuloy lang sa pagvote para sa inyong favorite housemates!
Habang ay iba ay super busy sa pagpapaayos sa mga make-up artists at hairdressers, nagprisinta naman itong si Ethel na ayusin ang kilay ni Ruben. Gamit ang razor, inahit ng sexy-comedienne ang kilay ng groom to be. Tamang tama nga ito para kapag hinarap ni Ruben ang kanyang bride na si Jeselle ay bongga pareho ang mga kilay nila. Biro pa ni Ruben, sa lahat ng ikakasal, siya lang ang walang kaalam alam sa mga mangyayari sa sarili niyang kasal. E Kuya, ano ba talaga kasi ang plano mo kay Ruben?!
After nga ng mga girls ay sina Jon at Will naman ang pinapunta sa storage room para ayusan. Although hindi pa nila alam kung para saan, agad namang sumunod ang dalawa. For sure, parang pang araw araw lang sa dalawang hunk model na ito ang ayusan sila ng mga professional make-up artists at hairdressers. Pero for sure, sa kagwapuhan nina Jon at Will ay sandali lang ang make-up session na ito.
Nagpahinga lang ang mga celebrity housemates sa kanilang pictorial weekly task ay heto na naman at nakasalang for a make up session sina Gaby at Riza,at si Mariel sa secret room! Talagang nag-hire pa si Big Brother ng mga professional make-up artists at hairdressers para ayusan ang ating mga housemates. Ang tanong ay kung para saan nga ba ang super prep na ito? Abangan ang kwento sa PBB Official Website.
Sa kalagitnaan ng baking task ay nakapag-usap itong sina Mariel at Gaby about marriage. Dala na rin sa wedding mood sa loob ng bahay dahil sa nalalapit na kasal ni Ruben, napag-usapan ng two girls ang kanilang views on marriage. Si Mariel ay umaming baka matagalan pa nga kung siya ay magpapakasal, tulad na rin ng biro niya kay Ms. Penk noong nakaraan. Naisip ni Mariel na marami pa siyang gustong gawin para makapag-focus sa career. Ito namang si Gaby ay naikwento na malamang four or five years from now, she still sees herself chasing some dreams. Mahirap nga para sa race-car chick na makahanap ng guy na makakaunawa sa demands ng kanyang career on the race track. Don't worry girls, baka somewhere out there ay nariyan ang inyong Mr. Right.
Nag-pack up na ang mga housemates dahil pagod na rin sila sa kakapose at kakangiti sa camera. Ngayon nga ay nirereview ni Will ng husto ang mga pictures na sa tingin niya ay dapat mapili para sa kanilang calendar compilation. Marami daw kasing maganda yung kuha kaya lang may minor defects. Tinanong niya ang opinion ni Mariel about it pero sabi naman ng pretty houseguest, okay lang sa kanya kahit ano basta hindi siya magmumukhang mataba sa pic. Maging si Jon ay hindi rin gaanong concerned sa ifi-feature na photos. Don't worry housemates, photogenic naman kayong lahat kaya walang problema.
Opisyal nang inanunsyo sa PBB Primetime kanina ang pagpataw ng Forced Eviction kay Baron dahil sa sunod-sunod na violations na kanyang nagawa kasama na ang paninigarilyo niya sa kitchen, storage room at confession room; ang pagbabanta niya kay Will at ang pagmumura niya kay Kuya. Hindi na nga ito pinalampas na muli matapos siya'y mabigyan ng pagkakataong patunayan ang kanyang sarili noong una siyang nalasing. Pero sa kanyang pag-alis, ibig sabihin ay isa na lang sa natitirang limang official celebrity housemates ang matatanggal bago tanghalin ang Celebrity Big Four. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa inyong list of winners this edition? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto sa PBB Official Website o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw.
| |