Pinoy 's posts with tag: jen da silva
Sa araw ng Pasko ay muling nagbalik ang mga ex-celebrity housemates sa bahay ni Kuya! Nasorpresa nga ang lahat nang isa isang dumating sa bahay ni Kuya sina Zara, Mcoy, Megan, Donnie, Marylaine, Jen, at Victor para bisitahin ang mga housemates na na-miss nila ng sobra. May dala ring regalo ang mga bumisitang ex-housemates, pero 100-seconds lamang ang ibinigay ni Big Brother sa kanila para batiin ang mga housemates ng Merry Christmas. Abangan ang buong storya sa Primetime with Toni Gonzaga at sa PBB Official Website.
Bago nga ang kanilang masayang guesting sa Uber kahapon, humarap muna sa isang press conference ang mga ex-celebrity housemates na sina Gaby, Zara, Jen, at Marylaine! Kuya's girls face the outside world Four ex-celebrity housemates met the local press to reveal the juicy scoop behind Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2! Marylaine, Jen, Zara, and Gaby sat down with the entertainment press and shared their experiences during their short stay in the most celebrated house in the country. Get to know the truth behind Gaby's voluntary exit, Zara's hopeful plans, and the real score between the squabbling 2-in-1 beauties Jen and Marylaine. (read the full story on the PBB Official Website)
Hay. Malungkot nanaman sa bahay. Bakit nga ba kailangan pang magpaalaman di ba? Pero talagang ganyan bahay ni Kuya. Paalam Jen and Marylaine. May bagong buhay rin namang naghihintay sa inyo sa labas.
Ilang oras na lang ay live first eviction night na! Ang mga girls ang nag-aayos na ng kanilang mga sarili, lalo na ang mga nominated na sina Megan, Jen, at Marylaine. Nilabas na ng mga kikay ang lahat ng kanilang mga make-up at pati ang hair iron ni Mariel. Samantala, si Jon naman ay tinulungan si Victor sa pagplantsa ng pants. Dahil nakaranas na mamuhay ng mag-isa, natutunan ni Jon ang mga gawaing bahay tulad ng pagpa-plantsa ng sariling damit. ka-impress naman ang kasipagan ng English Outcast! Abangan kung sino ang mae-evict tonight sa PBB Official Website.
Nag "MMK" moment na naman itong si Zara nang humagulgol ito sa bedroom! Inalalayan naman ang Poor Beauty Queen ng mga girl-friends niyang sina Jen, Gaby, Megan, at Riza. Nami-miss na kasi ni Zara ang kanyang ex-boyfriend dahil apparently, nag-break sila dahil nga matagal na maglalagi sa bahay ni Kuya si Zara. Sinabi niya na hindi niya magawang magka-crush man lang sa mga guy housemates dahil feeling niya, naiwan niya ang puso niya sa labas. Advice naman ni Jen kay Zara, pasasaan ba at magkakasama din sila ng kanyang pinakamamahal. Hay Zara, two weeks pa lang nagkakaganyan ka na, e paano pa kapag 70 days na?!
 Hindi lang pala sina Jon at Baron ang nagwo-worry tungkol sa impression sa kanila ng ibang housemates or other people for that matter. Sabi ni Mariel feeling daw niya marami ang nagsasabing maarte, malandi at masungit siya. Ganun din sina Will, Ethel at Jen na nacu-curious kung anong pag-uugali ba ang nakikita ng ibang tao sa kanila. Pero para kay Mcoy, hindi daw niya naiisip ito dahil ang goal lang niya ay i-enjoy ang pananatili sa bahay ni kuya. Sa totoo lang, wala naman talagang siyang dapat ika-worry dahil impressed naman ang lahat sa talino, talento at kabaitan niya.
For a change, nagkaroon ng moment si Marylaine para patawanin ang mga housemates. Nag-joke ito tungkol sa pagbibigay ng wishes ni Big Brother. At ang kahalingan nila: "Gusto kong magkaroon ng malaking pakpak." Tinupad naman ito ni Kuya pero pagdating kay Will, nakakaloka ang nangyari sa kanya dahil slang ang pagkakasabi niya ng wish na ito. Bumenta naman ang joke ng Brainy Babe sa mga housemates!
Kahit ang mga housemates ay wala pang idea kung kailan gaganapin ang final presentation ng kanilang shadow play. Kaya for the meantime, nagrerelax at nagchi-chikahan nalang muna sila. Pansin ni Jen, ang swerte daw ni Ethel dahil lagi nalang daw itong nakakakuha ng rewards simula ng pagpasok nito kumpara sa kanya na hindi pa nagkakaroon ng prize dahil laging talunan. Kaya nga para kay Baron, malaki ang chance ng Ultimate Pasaway na makapasok sa Big Four. Kahit pa marami itong worries, mananaig daw ang pagiging palaban ni Ethel lalo na kapag malapit nang matapos ang season.
Hindi tala natinag ang mga talunan! Kahit na nakabalot pa sila na parang espasol, nakaisip pa ang mga ito ng isang kanta sa pamumuno ni Mcoy at Ruben: Gusto kong pumuti pero di ko magawa (3x) Harina sa mukha (2x) Chinchanchuhuuuu! Sikip na sikip man, masigla naman silang nagpaikot-ikot sa loob ng activity area!
Matapos matalo sa task kanina sina Mariel, Jon, Zara, Mcoy, Ethel, Marylaine, Jen at Ruben, binigyan sila ng karampatang parusa ni Kuya. Pinalublob ang kanilang mukha sa isang bowl ng harina at ipinabalot sa mga winners sa isang mahabang tarpaulin para maging isang espasol! Pag nagkataon, gagawin ba silang dessert or something? Tignan na lang natin!
Kaya daw naalis sa 26K si Jen ay dahil malakas daw ang inggitan sa pagitan ng mga beautiful ladies ng KDOND. Hindi na niya binanggit ang pangalan ng nanira sa kanya basta ang nangyari ay maraming maling chismis ang kinalat nito tungkol sa kanya. At nang biglang dumaan si Marylaine, kwinento niya na marami daw nawe-weirduhan sa Brainy Babe. Sobrang talino daw kasi kaya may pagka-baliw na, sabay bawi na likas na mabait at emosyonal ang kanyang PBB twin.
 | Oops! | Oct 24, '07 10:08 AM for everyone |
Pagkatapos kumain ng cake, sinabi ni Mariel sa mga housemates na mukhang magme-major poo-poo siya bukas dahil sa dami ng kinain niya buong araw. Ngayon pa nga lang ay nagbabadya na talagang mangyayari 'to. Mariel: Oops! Umutot ako. Oh my God don't breathe! Huwag kayong hihinga! Grabe talaga!
Aba! Minsan lang makikitang tahimik ang mga housemates! Balik nanaman kasi sila sa paggawa ng props para sa kanilang weekly task habang ang iba ay nagpre-prep ng kanilang dinner. Ang sisipag niyo naman guys!
It has been raining non-stop for several hours now and the housemates find a lot of spare time on their hands. Just when they are about to die of boredom, Big Brother suddenly calls on the girls inside the confession room to give them the materials for Peggy's improvised roof and wall to shield her from the bad weather! Kuya certainly loves the preggy pig this much! Ethel, Yayo and the others couldn't care less to get soaked just to finish the task given to them. You go girls!
Matapos ang kanilang matagumpay na Choo-Choo Train Task, isa na namang panibangong weekly task ang bubunuin ng ating mga celebrity housemates! Kasalukuyan na nilang pinaplano ang kanilang Shadow Play Task na kanilang ipe-present this Friday. Kailangan nilang mag-choreo ng isang "kaishu kaishu" skit, isang comic play na nagmula sa Japan kung saan gumagamit ng mga taong naka-disguise ng black para makagawa ng mga kakatuwang stunts. Para sa concept ng kanilang Shadow Play, napagkasunduan ng mga housemates na i-relate ito sa Halloween para sa next week. Tutukan ang mga development sa weekly task na ito sa PBB Official Website.
Lunes na Lunes ay may nahuli si Big Brother na mga natutulog sa mesa! Sina Jen, Gaby, Zara, Donnie, Victor, Mariel, at Megan ay medyo inantok habang naghihintay ng pagkaka-abalahan. Kaya lang, si Kuya, hindi happy sa mga patulog-tulog! Kaya hayan, pinarusahan tuloy sila na maglagay ng unan sa kanilang mga ulo kahit saan sila magpunta. Si Jen, ka 2-in-1 sa unan si Marylaine, sina Gaby, Zara, at Donnie sa isang unan, at si Mariel ay ka-share si Megan. Sana naman ay magtanda na ang ating mga celebrity housemates.
Dahil sa sobrang left out nina Marylaine and Jen (halos 24 hrs na sila sa prison room) ay kung ano ano na ang napagusapan ng dalawa from sa balak na migration ni marylaine sa New Zealand kung walang mangyari sa kanya sa showbiz to Riza's FHM mag cover. Sabi tuloy ni Jen parang di sila housemates. Eh ano nga ba sila? Naisip ng 2 sila ang epal two in one housemates. Hala mukhang nagmumukmok na yung 2! Kawawa naman. "Pwede po ba kayong makausap?" sabi ni Jen. "Sising sisi na ako..." sabi naman ni Marylaine. Kuya kausapin mo na sila... please?
Prinangka ulit ni Jen si Marylaine tungkol sa kalagayan nila. Sobrang disheartened kasi and Brainy Babe dahil feeling niya ayaw sa kanya ng mga housemates pati na rin ni Kuya. Pero in-explain ni Jen na kailangang baguhin niya ang pagiging pessimistic niya. Na imbis problemahin niya lalo ang kanilang situation, magfocus nalang siya sa pag-enjoy ng natitira nilang one week kung sakaling sila man ang ma-evict next weekend.
Hanggang sa mag-lunch time ay hindi pa rin nagpapansinan sina Jen at Marylaine. Sumama lang sila sa housemates para kumain at pagkatapos ay bumalik ulit sa punishment room para ituloy ang pag-aayos ng railroad tracks. Kaya naman napag-usapan ng mga housemates ang issue tungkol sa mga hiniram niyang damit na walang paalam. Palaisipan pa rin kung secret task ba talaga ito at kung anong purpose ni Kuya kung sakaling siya nga ang may pakana ng lahat.
Kahit sabihin ni Jen na naawa siya sa lagay ngayon ni Marylaine, halatang bitter pa rin siya sa status nila as Two-in-one housemates kung saan nadamay siya sa pagka-nominate nito kagabi. Unfair daw dahil sana inisip ni Marylaine ang kapakanan niya bilang isang partner lalo na dahil umpisa palang ay alam na pala nito ang tungkol sa "new twist" na ito. Sabi pa niya kina Victor and Mariel, dapat 'di daw pinairal ni Marylaine ang emotions niya na sobrang babaw, masyado daw kasing matalino kaya weirdo. Hindi ka naman masyadong asar niyan ha Jen? At ano 'tong side comment mo na gumagamit pa ng silicon ang Brainy Babe tuwing swimming time? Medyo insecure daw kasi si Marylaine sa sarili niya, idagdag pa ang mga pinagdaanan nito ngayong linggo kaya nakakaawa daw talaga.
| |