Pinoy 's posts with tag: jieriel papa

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag jieriel papa
Blog EntryTeens go Low, Low, LowApr 10, '08 3:50 AM
for everyone

Sa kalagitnaan ng pagiging busy sa pagtatahi ng kanilang mga nagawang tin-dyed shirts ay nagising ang mga teen housemates nang biglang magpatugtog si Big Brother ng Low.  Ang lahat ay agad na nag-party mode at itong sina Valerie at Jieriel ay biglang humataw na parang nasa Wowowee lang.  Ang iba naman ay mas ginanahan pa sa pagtahi ng shirts dahil nagising na rin sila sa upbeat music ni Kuya.


Blog EntryLet's do the Bunot Dance!Apr 8, '08 4:54 AM
for everyone

Ceasefire muna ang Team Robi at Team Josef at nagpractice muna ang 7 housemates sa bunot dance nila! Kasama sa pitong ito ay si Jieriel, Nicole, Linda, Kevin, Ejay, Robi at Jolas.Ibang-iba na ang steps mula sa original na choreography ni Jolas. Kitang-kita ang teamwork sa pagsabay-sabay nila ng bilang at pagmomotivate ng kapwa housemate. Mukhang winner ang housemates sa task na ito! Abangan ang Uber para sa buong Bunot Dance!


Blog EntryJieriel interrogates EjayApr 7, '08 11:44 PM
for everyone

Habang naghuhugas ng pinggan si Jieriel, tinanong niya si Ejay tungkol sa totoong tatay niya na Italiano. French daw hindi Italiano sabi ni Ejay. Natawa si Jieriel at nagtanong kung paano kung nagpakita ang French Father ng Promdie Hottie? At paano kung inaya siya na sumama sa France?

Hindi pa man tapos magtanong si Jieriel, Hinding-hindi talaga si Ejay. Mahal na mahal niya si Daddy Erning at hindi niya ipagpapalit ito. Kung magbibigay ng bahay, lupa, at trabaho ang French father, ok lang daw pero kung ang kapalit ay ang pagsama sa France, aba'y hindi na lang.

Mahaba pa ang season at marami pang puwedeng mangyari. Pagkitain kaya ni Kuya si Ejay at ang French father tulad ng nangyari kay Matt Evans sa first season ng PBB Teens?


Blog EntryNicole and Jieriel calls Josef for help!Apr 7, '08 11:24 PM
for everyone

Nagising na lang si Jieriel na mayroon siyang stiff neck! Kaya naman si Josef tinulungan ang Bubbly Girl ng Davao at pinahiran ng gamot ang stiff neck niya. Mukha atang may naipit na ugat sa leeg si Jieriel.

Si Nicole naman mayroong task na binigay si Kuya at nagpatulong siya kay Josef na i-explain ito. Willing naman ang Lethal Lasallite na turuan ang shy In-Chick from Cebu. Very close ang dalawa lately, hindi kaya magselos si Nan na lantarang naghahayag na crush niya si Nicole? Ahem.


Blog EntryJosef the Spy!Apr 7, '08 10:46 PM
for everyone

Nahuli ni Josef na nagescapade si Robi at Alex kagabi! Kinuwento ng Lethal Lasallite kay Kevin at Jolas na puyat na puyat ang dalawa dahil may pinuntahan pa kagabi. Hindi nakasama si Nan dahil may injury siya. Hindi pa natigil dun ang pagka-sneaky ni Josef, nahuli rin niya ang mga naglagay ng mga new Jag outfits nila sa loob ng bahay ni Kuya. Papikit-pikit lang daw siya pero huling-huli niya. Mukhang may katapat na si Jieriel sa pagiging imbestigador sa bahay ni Kuya!


Blog EntryChoreography ni JierielApr 7, '08 2:03 AM
for everyone

Pinagbigyan ni Kuya ang girls na ipasok ang dance steps nila sa choreo ni Jolas ng Bunot Dance. Si Jieriel naman ang namahala dito. Gustong ipasok ni Linda ang ideya niya ngunit mukhang hindi siya pinagbibigyan ni Jieriel. Kaya naman napaupo na lang ito sa sofa. Dagdag ni Nicole na mahirap ang itinuturong steps ni Jieriel. Ilang minuto na lang bago isayaw ang buong Bunot Dance kay Kuya. Magets kaya ng boys ang steps sa pamumuno ni Jieriel?


Blog EntryNicole stains Rona's sheet!Apr 7, '08 1:00 AM
for everyone

Aksidenteng namantsahan ng In-Chick from Cebu ang kama ni Rona! Nung naglinis sila ng girls' room, nalagyan ni Nicole ng liquid floorwax ang kama. Hindi nila ito sinabi kay Rona at ang unang tinakbuhan ni Nicole ay si Jieriel. Tinulungan naman ni Jieriel si Nicole na labhan ang bedsheet at maya-maya nagpaka-independent na ang shy In-Chick. Kaya na raw niyang labhan ito. Naku kailangan pa naman nilang alagaan ang mga gamit sa loob ng bahay. Ano kaya ang magiging punishment ni Nicole dito?


Blog EntryOperation Bunot!Apr 7, '08 12:26 AM
for everyone

Pinatawag ni Kuya si Robi, Ejay, Jieriel, Kevin, Jolas, Nicole at Linda sa confession room. Paglabas nila ay may dala-dala silang mga bunot!  Si Jieriel sanay na sanay na dahil general cleaning every Friday sa kanila. Aba at sinamahan pa ng pagkanta at pagsayaw ang pagbubunot ha? Kamusta naman kaya ang iba? Alam kaya nila kung paano gamitin ito lalo ang sheltered In-Chick from Cebu na si Nicole? Paano naman kaya si Kevin na ngayon lang siguro nakakita ng bunot?

Go housemates siguraduhin ninyo na kumintab ang sahig sa bahay ni Kuya!


Blog EntryTake your pick!Apr 4, '08 1:26 AM
for everyone

Pinapili ni Kuya ang housemates ng mga hand made t-shirts! Hindi ito para idagdag sa wardrobe nila kundi para ipang show and tell. Pipili ang housemates ng pitong t-shirts out of 14, at ipapaliwanag kung bakit ito ang pinili at bakit ito ang maganda sa palagay nila. Exempted ang 4 na sina Beauty, Jieriel, Kevin at Josef sa task na ito dahil na rin may ginawa silang task kahapon. Gawa ito ng mga guardians nila at may ideya sila tungkol dito. Pasok kaya ang style ng guardians nila sa taste nila?


Blog Entry4 Teens and the Secret PlaceApr 3, '08 4:19 AM
for everyone

Nakapasok na ang apat sa bahay ng mga guardians! Tuwang-tuwa si Daddy John nang makita ang anak na si Kevin kaya naman napalundag pa siya sa upuan nang makita ang pinakamamamahal na anak. Very emotional ang moment na ito at napaiyak pa ang mag-ama sa tuwa. Si Jieriel naman lumapit sa kaniyang ama at dahil kakakita pa lang nung graduation, hindi naman masyadong emosyonal ang pagtatagpo. Si Josef niyakap ang Tita at ganoon rin si Beauty sa kaniyang Mommy.

Si Beauty kinuha na ang trono ni Mommy Minda dahil pagpasok sa kuwarto ng mommies, tama ba naman na magligpit ng kama? Beauty masyado mo nang kinakareer ang gawaing-bahay ah. In fairness marami siyang natutunan kay Mommy Minda. Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Kailan kaya nila ipapaalam sa iba ang secret place? Abangan...


Blog EntryMysterious BeautyApr 3, '08 3:00 AM
for everyone

Habang nageensayo ang teens ng kanilang algorithm dance, panay impake ng gamit ang Rebellious Beauty ng Dumaguete. Kailangan daw niya magimpake ng damit na good for one day sabi niya kay Jieriel. Pati si Kevin kasama sa gimik na ito kaya todo kuha siya ng gamit sa boys room para dalhin sa girls room. At may nalalaman pa silang patago-tago ng gamit sa ilalim ng kama ng girls! Saan naman kaya sila pupunta na good for one day lang ang dala? Sa kabilang bakod lang kaya?


Blog EntryA motherly advice on enjoying lifeApr 2, '08 12:04 AM
for everyone

Tuloy ang bonding ng housemates with Mommy Minda! Feel na feel nilang mommy rin nila siya. Mangulila ba naman sila ng isang linggo't kalahati, naghahanap tuloy ng mommy figure. Nagadvice si Mommy sa mga female housemates na dapat silang mag-enjoy ngayong kabataan nila para huwag sila magsisi sa huli. Kapag nagkaanak ka na, lahat ng pangarap mo ipapasa mo na lang sa anak mo.

Open naman ang mga housemates na ikinuwento ang mga life stories nila. Obvious naman na sobrang gaan ng loob nila kay Mommy. Si Jieriel ok ang buhay nung mag-isa pa lang siya pero nung tumagal, ipinaako sa kaniya ang responsibilidad na mag-alaga sa nakababatang kapatid. Si Beauty naman malaki-laki ang angkan. Minsan nga ay nagkasabay pang magbuntis ang tita at ang lola. Kamusta naman yun? 

Si Mommy Minda kinig na kinig sa life story nila with matching advice pa. Panalo talaga si Mommy. Kaya guys and girls keep this advice in mind: enjoy your teenage life while it lasts!


Blog EntryTeens' labor of loveApr 1, '08 2:30 AM
for everyone

Dahil nagpuyat ang housemates para gawin ang secret sacrifice para sa three grads, sina Jieriel, Robi at Rona naman ang nagpuyat at patuloy na ginagawa ang pagpirma ng 1,500 notebooks. Enjoy na enjoy ang housemates sa paglalaro ng favorite card game habang ang tatlo naman ay nasa isang sulok ng bahay at nagpipirma. Walang kainan, tulugan, at nabawasan pa ang oras para maglaro para lang matapos ito. Tunay na labor of love ang notebook at joined effort ng teens at parents pa! Napakasuwerte talaga ng mga batang makakakuha nito!


Blog EntryGraduation Party for the housemates!Mar 31, '08 1:53 AM
for everyone

Talaga namang napakabait ni Kuya dahil kahit hindi man natapos ang notebooks, binigyan parin niya ng graduation ang tatlo, complete with school officials plus parents pa ng 3 housemates! At dalawa pang PLUS sa event na ito ay ang PBB host na si Bianca, at ang dating border ni Kuya na si Mikee Lee na batchmate ni Robi. The quality of mercy isn't strained ika nga ni Shakespeare. Para kay Jieriel, dumating ang Principal nila na si Mrs. Elnora Raganit. Para kay Rona, ang Principal rin ang dumating na si Dr. Orlando Cadano. At para naman kay Robi, dumating ang class moderator na si Mr. Ronald Capinding at sinamahan pa ng Jesuit brother, Bro. Jomari Manzano. Silang tatlo ay nakakuha ng special awards at bidang bida pa sila sa mga schools nila ayon sa mga principal.

Bonggang bongga ang party para sa mga housemates! Pagbalik sa loob ng bahay, mala-fiesta ang handa para sa teens! Kaya naman ang three grads feel na feel na nilang graduate sila at handa nang sumabak sa college life. Very grateful ang tatlo kay Kuya dahil mas naging special ang graduation nila. Papabayaan ba naman sila ni Kuya na kaligtaan ang pinakaimportanteng pangyayari sa buhay nila?

Panoorin ang kauna-unahang graduation na ginanap sa bahay ni Kuya mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Tingnan ang official PBB Website para sa iba pang detalye.


Blog EntryHappy Graduation guys!Mar 31, '08 12:06 AM
for everyone
Tinawag ni Kuya ang tatlong graduates sa confession room at lumabas ang tatlo na may dala-dalang... TOGA! Happy Graduation Rona, Jieriel at Robi!! Kung kahapon ay di mapakali ang true blue Atenista, all smiles na ngayon si Robi na suot-suot ang navy blue na Ateneo toga niya. Mukhang ang sabi pa sa kaniya ay kahapon ang graduation pero napostpone daw. Maya-maya lang ay magsisimula na ang graduation ng tatlo! Sino-sino kaya sa tingin ninyo ang mga surprise guests ni Kuya para sa kanila?

Blog EntryJosef tells all!Mar 30, '08 4:15 AM
for everyone

Ibinunyag na ni Josef ang secret sacrifice ng housemates para sa fresh grads! Accomplice pala ang gentle giant na si Jolas para idistract ang graduates na sina Robi, Jieriel at Rona! Double reward ang makukuha nila kung magawa nila ang 1,500 notebooks. Mabibigyan ang mga batang nangangailan ng notebooks, at mabibigyan ng graduation party ang tatlong housemate. Nang hindi maabot ang target number, naging emosyonal ang mga housemates. Napaiyak na lang si Beauty dahil walang magaganap na celebration. Ipinakita naman nila Robi ang appreciation sa ginawa ng fellow housemates.

Graduation ni Robi ngayong araw na ito kaya todo congratulate at sorry ang bati ng mga housemates. Magswimming na lang daw sila sabi ni Linda. Kaya nang maghanda ang mga housemates, si Robi naman nagmumuni-muni sa living room. Ano kaya ang iniisip niya?  Papuntahin pa rin kaya siya ni Kuya para icelebrate ang pinakaimportanteng araw sa buhay niya? Keep posted on Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!


Blog EntryThe exempted four, practice galore!Mar 30, '08 1:52 AM
for everyone

Practice galore sina Robi, Jolas, Jieriel at Rona sa choreo ng Gentle Giant. Dahil hindi sila kasama sa task very productive ang apat at hindi inaksaya ang panahon sa pagdilly-dally. Career ang pagpractice sa choreo ni Jolas sa "Kabataang Pinoy" (theme song ng PBB Teen Edition) at performance level ang galaw nila. Nang tumagal, hindi makasunod ang Bubbly Girl ng Davao dahil mukhang may mga nabagong steps. Sagot naman ni Robi na kahapon habang nagbubuhat ng itlog si Jieriel, may mga pinalitan na steps si Jolas. Pero no worries dahil madali lang naman daw. Watch and learn from the boys!


Blog EntryHousemates exempted sa task!Mar 30, '08 1:30 AM
for everyone

Habang abala ang mga housemates sa boys' room na gumagawa ng task, Si Robi, Jolas, Jieriel at Rona nasa girls room naman. Kaya ang girls kung anu-ano na lang ang pinaguusapan sa kuwarto. Kinausap ni Josef si Jolas sa labas at sinabing kulang na raw sa papel at baka hindi umabot sa quota. Paano naman kaya nila aayusin ito? At bakit nga kaya hindi kasali ang apat na housemates sa task? May kinalaman ba ang graduation march sa task na ito? Tumutok lang for more updates!


Ito na siguro ang pinakamalaking challenge since nafigure out ng girls ang tamang technique sa paghandle ng itlog. Nalaman na nila na puwedeng umupo habang hawak ito. Ideal pa ito dahil supported ang braso nila at nakapatong ito sa hita. Nung pagkakataon na ni Linda at Jieriel para hawakan ang itlog, solve sila! Nahawakan na nila ng ilang minuto nang biglang mangati ang ilong ni Jieriel. Patay. Kaya naman to the rescue si Valerie na kinamot ang nangagating ilong ni Jieriel. Di rin naiwasan na magcrack ang itlog kaya ang mga housemates dali-daling pinuntahan ang dalawa at tinulungan sila. In fairness, team effort talaga ito, walang iwanan hanggang mangati ang ilong!


Blog EntryGirls bond over hair care!Mar 29, '08 1:14 AM
for everyone

Nagtipon ang mga girls sa kitchen area para magkulot at magplantsa ng kanilang buhok. Habang abala si Priscilla sa pagplantsa ng mga buhok nila Valerie at Nicole, nagbigay ng mga tips si Jieriel sa kanila. Ang conscious na si Jieriel, hindi lang secrets on keeping a fit figure ang alam, kundi on keeping luscious manes pa! Sabi ng bubbly girl ay ok raw ang pagpapacellophane at rebond. Aba naman. panalo sa hair care ang girl na ito. Dagdag naman ni Valerie na swerte ang may mga makakapal na buhok dahil pagtanda, hindi magiging problem ang pagnipis ng buhok. Cinompliment pa ang shy-type na si Nicole dahil kitang kita naman na long and thick ang hair niya. Sige lang girls, keep the tips and trivias coming!


Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help