Pinoy 's posts with tag: jon avila

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag jon avila
Blog EntryCaptain Boom is in the house!Apr 15, '08 10:38 PM
for everyone

Wake-up call ng teens ngayon ay walang iba kundi si Jon Avila a.k.a. Captain Boom! Napasigaw sa tuwa si Beauty at napatakbo pa sa labas para magtoothbrush dahil gusto niyang halikan ang crush. Pagkaalis ni Captain Boom, si Beauty, may hangover pa! Sabi niya kay Robi na sana bumalik si Jon at sana ibang costume naman daw - Topless. Aba naman. Panalo talaga sa hirit ang Rebellious Beauty kaya shock at sabay tawa na lang ang Atenistang si Robi.


Blog EntryWorried about the final evictionJan 2, '08 5:36 AM
for everyone

Pansamantalang isinantabi muna ng celebrity housemates ang paggawa ng tower of coins para simulan na ang pageempake ng kanilang mga gamit para sa eviction ilang oras mula ngayon. Pinapagaan ni Will ang loob ni Jon na siguro naman daw ay sasabihan siya ng maaga ni kuya kung siya ay papatawan ng forced eviction. Maging ang pagbibiro niya ng wala sa hulog ay pwede rin namang maging subject for eviction kaya wala talagang kasiguruhan kung sino ang aalis sa kanila, dagdag pa niya.

Si Jon na nga kaya ang huling mapapabilang sa "PBB death row"? O may pag-asa pa rin kaya siyang mapasama sa Big Four? Tuloy-tuloy lang sa pagtext sa inyong bets at abangan ang pinakaaabangang episode mamayang gabi sa Primetime para matunghayan kung sinu-sino ang circle of winners para sa PBB Celebrity edition 2!


Blog EntrySing when you're cleaningJan 1, '08 11:37 PM
for everyone

Walang masyadong pinagkaka-abalahan ang ating five celebrity housemates.  Habang umiidlip sina Will, Jon, Gaby, at Ruben sa may garden ay naglinis na lang itong si Riza sa kitchen.  Matapos nga makapag-make up ay dumiretso ang Fil-Canadian beauty queen sa kusina at nilinis ang lababo pati na ang dining table.  Para maaliw sa ginagawa ay kumanta pa itong si Riza ng mga Gospel songs na parang dinadasalan lang niya ang lamesa.

Makakanta pa kaya siya kapag inihayag na ang resulta ng final eviction mamayang gabi?


Blog EntryPBBCE2 New Year Updates (2nd repost)Jan 1, '08 7:58 AM
for everyone

Hello mga kuyanatics! Tuloy-tuloy lang ang pagboto para sa inyong Big Four bets dahil bukas ay live na live magaganap ang huling eviction night para sa PBB Celebrity Edition 2. Natunghayan nga natin sa sneak peek kanina sa Uber kung paanong umamin itong si Jon na siya ang nag-instigate na  inominate nila ang isa't-isa sa takot na baka siya ang mapaalis at hindi makasama sa Big Four. Hm... Mukhang malabo ang statements ng boarders ni kuya ah! Ang continuation ng istoryang iyan ay abangan niyo mamaya sa Primetime Bida.

Samantala, alamin ang saloobin ng forced evictee na si Baron na nagpahayag ng unang interview niya kanina sa Uber sa PBB Official Website. Sa loob naman ng bahay ni Kuya ay nag-break muna sina Gaby, Riza at Will sa pag-form ng coin insignia sa ilalim ng pool bilang activity nila ngayon, habang sina Jon at Ruben naman ay busy pa rin sa pagbibilang ng balde-baldeng barya na ibinigay ni Kuya kanina.

Tutok lang dito sa PBB Multiply Site para sa mas madami pang updates sa inyong favorite housemates! =)


Blog EntryGood ending pa rinJan 1, '08 7:37 AM
for everyone

Kwentuhan marathon muna itong si Jon at Will tungkol sa kanilang relationships and common friends sa outside world. Nabanggit ng huli kung paanong napakaselosa daw ng kanyang girlfriend of three years. One time ay meron daw siyang kissing scene sa isa sa kanyang mga projects at saktong nung ishushoot na ito ay dumating daw itong si girl. Hindi tuloy siya nakapagconcentrate ng maayos sa kanyang trabaho. Still, he's thankful that they remained good friends long after they have broken up.

 


Blog Entry"Judgment Day" for the Celebrity Big FiveDec 30, '07 12:26 AM
for everyone

Na-miss ng mga housemates ang boses ni Kuya dahil hindi sila kinakausap nito. Feeling kasi nila ay galit pa siya dahil hindi nila sinagot ang isa sa kanyang Big Questions kagabi. Tuloy mukhang mapaparusahan sila ngayon. Dahil sa gitna ng pag-idlip nila kanina ay inanunsyo ni Jon na kailangan daw nilang basahin muli ang Rule Book para ma-review ang lahat ng violations na nagawa nila. Hindi sila pinayagang pag-usapan kung ano man ang dapat nilang pagbayaran pero hindi napigilan ni Ruben na imungkahi na ang rules sa paggamit ng lapel mic ang siguradong lagi nilang navaviolate. Maya-maya ay isa-isa nga silang papasok sa confession room para kausapin si Kuya tungkol dito.

Anong mga parusa kaya ang naghihintay kina Ruben, Gaby, Will, Riza at Jon? 


Blog EntryOne step closer to the Big FourDec 29, '07 12:43 AM
for everyone

Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin.  Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals.  Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner?

To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers.  Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide.

Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw.

Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.


Blog EntryCareer moveDec 28, '07 12:31 PM
for everyone

Bonding time muna ang dalawang gwapong boarders ni kuya. Napag-usapan nila kung gaano nila naaappreciate na in-house pa rin sila. Sobrang thankful kasi sina Jon at Will sa opportunity na ito para ma-improve ang kanilang career in showbiz. Kwento pa ni Jon, nagsikap daw talaga siya nung nag-uumpisa palang siyang maging model-endorser. Never daw siyang naging tatamad-tamad at na-late kapag may project siya. Marami ngang pangarap si Jon para sa kanyang sarili and hopefully ay matupad daw ang mga ito pagkatapos ng kanyang stint sa PBB.


Blog EntryOn finding Jon's "destiny"Dec 28, '07 5:59 AM
for everyone

With all the wedding preparation going on inside Kuya's famous home, Jon can't help musing about finding "The One". Just now, he asked Will if he knows from the first time he meets a girl if she is marriage material. Will honestly answered that he had never thought about it in the past since he was never serious then. Then Jon further claimed that in truth it's really hard to tell the difference between lust and love. But at the end of this particular conversation, the English hunk suddenly uttered, "Sharing this experience with someone is really something diba?"

Hm... Are you talking about your closeness with Mariel, Jon?


Blog EntryIt's the boys' turn!Dec 28, '07 2:37 AM
for everyone

After nga ng mga girls ay sina Jon at Will naman ang pinapunta sa storage room para ayusan.  Although hindi pa nila alam kung para saan, agad namang sumunod ang dalawa.  For sure, parang pang araw araw lang sa dalawang hunk model na ito ang ayusan sila ng mga professional make-up artists at hairdressers. Pero for sure, sa kagwapuhan nina Jon at Will ay sandali lang ang make-up session na ito.


Blog EntrySearching for the best poseDec 27, '07 1:03 PM
for everyone

Nag-pack up na ang mga housemates dahil pagod na rin sila sa kakapose at kakangiti sa camera. Ngayon nga ay nirereview ni Will ng husto ang mga pictures na sa tingin niya ay dapat mapili para sa kanilang calendar compilation. Marami daw kasing maganda yung kuha kaya lang may minor defects. Tinanong niya ang opinion ni Mariel about it pero sabi naman ng pretty houseguest, okay lang sa kanya kahit ano basta hindi siya magmumukhang mataba sa pic. Maging si Jon ay hindi rin gaanong concerned sa ifi-feature na photos.

Don't worry housemates, photogenic naman kayong lahat kaya walang problema.

 


Blog EntryCome a little bit closerDec 27, '07 2:59 AM
for everyone

Sa tingin nga ni Ethel ay hindi pa nakakakilig ang photo shoot na ginawa nila kanina, kaya after lunch, nag-pictorial muli ang mga loveteams for the February cover.  Heto na nga sina Jon at Mariel na super close at muntik nang magkahalikan.  Mukhang super comfortable kasi sila sa isa't isa sa pag-pose na parang mag-syota para sa isang Valentine theme.  Pero in fairness, true blue gentleman naman ang Fil-British hunk at siniguro na hindi mailang sa kanya ang beautiful TV host.


Blog EntryLove is in the air!Dec 26, '07 11:54 PM
for everyone

Ang February cover naman ang ginagawa ng ating mga celebrity housemates.  Syempre, for the month of love, dapat lang na ang mga loveteams inside Kuya's house ang nasa cover.  Nag-pair sina Will at Riza at sina Jon at Mariel at pumwesto sa may fireplace para makumpleto ang romantic atmosphere ng photo shoot.  Pero mukhang hindi kuntento ang photographer na si Ethel sa kinalabasan ng picture.  Gusto niya sana ay nasa labas ang setting, at itong si Mariel, nagbiro pa na kung gusto nila ng romantic ay sa cheap motel na lang ang setting.


Blog EntryOktoberfest in December?Dec 26, '07 11:11 PM
for everyone

Tuluy tuloy pa rin ang ating mga celebrity housemates sa pagtapos ng kanilang 2008 calendar weekly task.  This time ay ang October photo cover naman ang kanilang ginagawa.  Si Ethel ang kumuha ng litrato featuring the four boys in an Oktoberfest theme.  Multinational nga ang costumes nina Baron, Ruben, Will, at Jon at magkakasamang silang nag-pose na parang nagiinuman. Mayroon pa silang beer keg para makumpleto ang drinking spree pictorial.

Baron, baka naman sa pictorial na yan e malasing ka pa?!


Blog EntryBilisan niyo magbalot diyan!Dec 24, '07 4:22 AM
for everyone

After nga ang silent bells game (read the story on the PBB Official Website) ay diretso na ang mga celebrity housemates sa mga gawain para sa Noche Buena few hours from now.  Habang ang mga marurunong magluto ay nagsimula nang magtrabaho sa kusina, tumulong naman ang ilan para mapabilis ang paghahanda.  Samantala, nasa kwarto naman sina Jon at Will at nagbabalot ng ilang gifts.  Mukhang palihim ang ginagawang gift wrapping ng dalawang hunks, marahil ay para sa mga kamahan nila ang mga regalo.

Paspasan niyo kasi, guys, bago kayo mabuko diyan!


Blog EntrySino ang dapat maging Celebrity Big Winner?Dec 24, '07 3:26 AM
for everyone

Two weeks na lang bago ang inaabangang Big Night.  Pero sa anim na natitirang celebrity housemates, isa lang ang tatanghaling Celebrity Big Winner.  Nasa iyong kamay ang magiging katapusan ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.  Maaari mo nang iboto kung sino kina Gaby, Jon, Riza, Will, Baron, at Ruben ang gusto mong mapabilang sa Big Four at maging Big Winner.  I-text lang ang BB Gaby, BB Jon, BB Riza, BB Will, BB Baron, o BB Ruben sa 2331 (Globe, TM and Sun Cellular) o 231 (Smart, Talk N Text). Maaari ring bumoto online sa PBB Official Voting Page o gamit ang mga PBB Vote Cards na mabibili sa lahat ng SM department stores.

Pwede ka ring bumoto at manalo ng one million pesos sa Globe PBB Celebrity Voting promo! I-text lang ang GBB (name of your chosen housemate) sa 2366 para makapag-download ng PBB picture messages (P15.00/download) at bigyang ng automatic 10 votes ang iyong paboritong housemate.  Bawat download ay makakakuha ka ng 1 raffle entry para mapanalunan ang isang milyong piso!


Blog EntryHoy! Gising!Dec 24, '07 12:49 AM
for everyone

Dahil nga pasado alas quatro kanina nang matulog ang mga celebrity housemates, pasado lunch time na rin nang tuluyan silang magbalik sa katinuan mula sa sobrang antok.  Kwento nga ni Jon na nang ipatawag siya sa confession room ay hindi siya makasagot ng maayos kay Big Brother dahil sa antok.  Nagpatugtog na lang si Kuya ng mga dance music para magising ang mga housemates.

Si Baron, naisip na bigyan man lang kahit Christmas cards ang lahat ng housemates at plano niyang magpatulong kay Kuya, kung may task man na dapat gawin bilang kapalit ng mga cards.


Blog EntryMagkayakap sa dilimDec 21, '07 3:33 AM
for everyone

Pinag-stay nga ni Big Brother ang mga celebrity housemates sa boys' bedroom, at habang sila ay naghihintay, partner partner na naman silang magkakatabi sa mga kama.  Sinasabayan ni Jon si Mariel sa pagbasa ng libro habang si Riza naman ang masayang nakikipagkwentuhan kay Will.  Wala namang magawa si Ethel kaya nakuntento na lang siyang makipagkulitan sa katabing si Baron.

Pero napansin yata ni Kuya na sina Jon at Mariel ay parang nagho-holding hands sa ilalim ng kumot kaya't biglang pinatugtog ang "Magkayakap sa Dilim" ng Orange and Lemons.


Blog EntryParty peeps turned homebodiesDec 20, '07 5:58 AM
for everyone

Over na sina Jon and Mariel sa kanilang partying days. Natuklasan kasi na pareho silang occasional nalang umiinom dahil sa kanilang trabaho. Wala na ngang social life ang Wowowee/PBB host kasi kailangan niyang alagaan ang kanyang boses. Noong first season ng PBB, lagi siyang may lakad every Wednesday and Friday. Okay lang daw kasing magka-hangover siya on a Thursday dahil kahit na may taping siya for MTV, pwede namang mag-take 2 kapag nagkamali siya, unlike sa mga live episodes ng PBB. Pero ngayon kapag lumalabas siya, shopping and dining out lang ang nagagawa niya. Tapos kapag Sunday, sa bahay lang siya. Ganun din naman ang hunk model na enjoy rin na tumambay lang sa kanyang bachelor's pad.

Talagang kailangan lagi kayong may common ground ha! 

 


Blog EntryLooking forward to ChristmasDec 20, '07 3:24 AM
for everyone

After ng late lunch ay nagpahinga ang mga celebrity housemates sa garden.  Na-realize nga nila na in a few days ay magpa Pasko na silang magkakasama sa loob ng bahay ni Kuya!  Kanya kanya na tuloy sila ng isip kung anong klaseng celebration ang magaganap ngayong first time na magkakaroon ng PBB sa Pasko at Bagong Taon.  Si Gaby ay excited na sa mga pagkain na ihahanda, habang si Baron ay nangangarap na sana ay payagan man lang siyang tumikim ng kahit wine lang.  Ang laking Europe naman na si Jon ay humiling ng turkey, habang si Will naman ay nag-isip kung makakasama ba nila ng personal si Big Brother sa noche buena.


Pages:1234567
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help