Pinoy 's posts with tag: josef elizalde
Ginising ang teens ng maaga ngayon at imbis na ituloy ang tulog sa sofa, aba'y nag-exercise sila! Si Priscilla at Rona ang mga naunang magexercise at inaya nila si Beauty para sumama na rin. Tamad na tamad talaga ang Rebellious Beauty at pumayag lang siya sa pagkumbinsi ng best girl bud na si Nicole. Nako Beauty hindi ka talaga papayat niyan kung hindi ka mag-exercise! Kinailangan pa siyang i-encourage ni Josef at Nicole para ipagpatuloy ang sit-ups. Sumunod rin ang boys na si Josef, Robi at Jolas na todo exercise rin sa mga machines. Tuloy-tuloy na kaya ang pagsisipag na ito?
Umagang-umaga at naglalabas ng sama ng loob si Tita Anna kay Mommy Minda. Bagaman nasa likod lang nila si Daddy John, tuloy pa rin ang usap nila. Pinaparinig ni Tita Anna na sa katunayan kahapon, hinugasan pa daw ni Josef ang plato niya at ni Daddy Ike. Nakalimutan lang daw ni Josef hugasan ang pinaglutuan. Bata pa naman daw si Josef at nakalimutan lang iyon at hindi tama na murahin siya sa isang mababaw na dahilan. Dagdag pa ni Tita Anna na may pasabi kay Daddy John, "Don't treat me like **** because your mother treated you like that." Hmm.. parang hindi lang teens ang damay sa away na ito. Pati mother ni Daddy John, damay na!
Kung may Team Josef, mayroon ring Team Robi! Iba-iba na nga lang ang teammates nila pero nasa magkabilang team pa rin ang dating mag-BBF. Habang si Robi ang nangunguna sa pagluluto, si Beauty naman ang counterpart ni Nicole sa pagtetext. Sino kaya sa dalawang teams ang nagwagi? Mapapatunayan kaya ng Team Robi na mas masarap ang luto nila kaysa Team Josef?
Ipinatawag ni Kuya sina Jolas, Josef, Nicole, Valerie at Priscilla sa storage room para kunin ang mga hinandang ingredients. Ang daily task ng teens: kailangang makapagluto sila within 30 minutes at makakahingi sila ng instructions sa guardians sa pamamagitan ng text. Nanguna si Josef sa paglulutong ito at si Nicole naman ang umasikaso sa pagtext. Napanalo kaya nila ang task na ito? Alamin mamaya sa Uber!
Matapos kausapin ni Mommy Carina si Tita Anna, kinausap naman niya si Daddy John. Ang complain naman ni Daddy John kay Tita Anna ay masyado daw ito kung mag-impose. Minsan pa papasok ito sa kuwarto hindi man lang kumakatok. At kung makikipag-usap na siya kay Tita Anna, nilalayasan naman siya nito. Ang kay Mommy Carina lang naman, hindi kailangang sumigaw dahil verbal assault iyon. Kuwento pa ni Daddy John na si Josef mukhang nakikisawsaw sa away nila. Gumagawa daw si Josef ng paraan para i-provoke siya. Nung pumunta si Josef sa kanila, ipinatong niya ang maleta sa kama ni Daddy John. Puwede naman daw niyang ipatong kung saan at kung kanino, bakit naman sa kaniya pa? Ang solusyon ni Mommy Carina dito, isumbong na lang lahat kay Kuya. Paano kaya sosolusyonan ni Kuya ang away na ito?
Nag-usap si Josef at Beauty at nagdamayan sila sa common enemy. Paliwanag ni Josef na pinapaghugas siya ni Daddy John ng pinggan at nag-aalangan naman ang Lasallite dito dahil hindi naman daw niya father si Daddy John. Nagkasagutan tuloy ang dalawa at natawag siyang senyorito. Nakisabay si Tita Anna sa sigawan at ayon kay Josef pinagmumura daw ni Daddy John ang Tita Anna niya. Dinepensahan lang daw niya ito kaya sinagot sagot niya si Daddy John. Guardians vs. Teens. Guardians vs. Guardians. Saan hahantong ang away na ito?
Umagang-umaga at nagbabangayan nanaman si Tita Anna at Daddy John! Nabanggit ni Daddy John na may pagka senyorito si Josef. Hindi ito natiis ni Tita Anna kaya pumasok na lang siya sa girls' room at kinausap si Mommy Carina. Pati si Kevin napagdiskitahan na rin! Sabi ni Tita Anna, "Tingnan lang natin kung magkaproject ang batang iyan with the kind of father that he has". Naku! Kelan kaya matatapos ang bangayang ito? Pati ang teens walang ligtas dito!
Hindi mapakali ang Lethal Lasallite sa kaniyang new hairstyle! Siya pa naman ang tinaguriang pinaka-banidoso pagdating sa buhok, at ngayon ay minalas sa mala-skunk na gupit. Pinagbigyan siya ni Kuya at pinahiram siya ng mga pang-ayos sa buhok kaya todo spray siya nito. Nag a la rainbow tuloy ang itsura sa dami ng mga kulay na nilagay niya. Sa palagay niyo ba nabawasan ang kaniyang pogi points sa bagong hairstyle?
Kung nagluluto ang housemates sa kabila, nakikipagbonding naman si Josef sa mga guardians. Naku kung alam lang ng teens na enjoy naman pala si Josef kasama ang mga guardians. Habang kumakain si Tita Anna at si Josef, binibigyan sila ni Mommy Carina ng kaniyang recipe ng calamares. Kailangan daw marami ang oil. Ayan na nga ba sinasabi ko, kaya nagkakahigh blood ang mga guardians dahil mahilig sa mamantikaing pagkain! Pinag-usapan rin nila ang nominations mamayang gabi. Kailangan ng maraming text votes para mapanatili ang nominadong housemate sa bahay. Ilang oras na lang bago ang pinakaaantay na nominations. Sino sa tingin niyo ang mga karapat-dapat na ma-nominate?
Pinag-impake na ni Kuya si Josef! Nagulat si Robi dahil akala niya bukas pa ang alis ni Josef. Iyon din ang akala ng Lethal Lasallite kaya naman nabigla rin siya nang sabihin ni Kuya na magbihis siya at mag-impake na. Very hopeful naman si Jolas na nagsabing "porket pinag-impake lang, aalis na ba yun?" Malungkot ang mga teens na nakapalibot sa Lethal Lasallite at si Rona napaiyak na lang. Si Beauty at Priscilla naman tameme na nakatingin sa nagaalsabalutan na si Josef. Tuluyan na nga bang aalis ng bahay si Josef?
Nag-uusap si Rona, Priscilla at Nicole tungkol kay Tita Anna na malubha na ang sakit na UTI. Tanong ni Rona kay Nicole kung aalis na daw ba si Josef bukas dahil gabi-gabi ay umiiyak ang Lethal Lasallite. Inusisa rin ng Top Debater ang katanungan ng lahat: paano na si Nicole kung umalis na si Josef? No comment naman dito ang In-Chick from Cebu. Totoo nga kaya na aalis na si Josef bukas? Abangan.
Habang naglalaro ng card game si Beauty, Ejay, Jolas at Josef, biglang may nagpasabog! Napatakip na lang ng unan si Beauty sa mukha at napatayo si Jolas. Wala naman silang tinuturong salarin pero si Josef mukhang guilty! Hindi daw siya iyon at hindi na daw siya umiinom ng C2 na sanhi ng pagbubuga niya ng lagim. Sige na nga Josef, sabi mo eh!
Habang nageenjoy ang kapwa housemates sa kabilang kuwarto, senti mode si Josef at mukhang kanina pa nagmumuni-muni. Mukhang problemado at minsan pa ay napapaluha. Ano kaya ang saloobin ng Lethal Lasallite? Iniisip niya kaya ang tungkol sa Tita Anna niya? O di kaya ang maiiwan sa bahay na si Nicole kung sakaling magvoluntary exit siya?
Damayan ang mag BBF na si Robi at Josef dahil sa problema ni Josef kay Tita Anna. Gusto nang lumabas ng Tita ng Lasallite dahil na rin sa pagiging insomniac niya lately plus yung pressure pa sa loob ng bahay. Nagsuggest naman si Robi kung puwede daw kaya ang Mommy na lang ni Josef ang pumalit. Ngunit hindi naman puwede dahil labag ito sa batas ni Kuya. Si Josef na kaya ang susunod na magvovoluntary exit sa bahay ni Kuya? Ano ang opinyon ninyo tungkol sa isyung ito? Payag ba kayo na magvoluntary exit si Josef?
Habang inaantay ng housemates ang "takdang panahon" ng paglabas ni Linda sa bahay, todo practice at kantahan muna sila. Nakipagduet si Linda kay Ejay ng kantang "Paint My Love" at in fairness, perfect timing at perfect blending ang dalawa. Ang ibang housemates naman naghahanda na rin para sa presentation nila at para sa activity mamaya sa Uber. Ano nanaman kaya ang activity na ito na magkalaban ulit ang dalawang mag BBF? Sino nanaman kaya ang magwawagi ngayon, ang Team Robi kaya o ang Team Josef? Abangan maya-maya lamang!
Kaniya-kaniyang handa na ang housemates para sa presentation nila kay Linda! Si Ejay nagmemorize na ng kaniyang kanta at si Rona naman inaasikaso na ang mga gagamitin nilang props. Tulong-tulong sila ni Nicole at ni Josef sa paggawa nito. At ang mga housemates, may nalalaman pang pag-aalay ng bulaklak kay Linda? Hmm.. para sa ibang occasion ata ito housemates? Ang kakantahin ni Alex ay Crazy Love ng dating PBB Teen Housemate na si Kim Chiu, at yung kay Josef naman ay I Love You, Goodbye. Sana lang hindi umiral ang kakulitan ni Josef habang kinakanta ang madamdaming song na ito!
Panay kulitan ang dalawang teen housemates sa living room! Hindi pa man gising na gising ang dalawa pero nagkukulitan na. Kinakagat ni Josef sa braso si Nicole at inaasar naman siya ng In-Chick from Cebu na gagantihan niya ang makulit na Lasallite. Hindi naman niya matuloy ito dahil umaaray na agad si Josef. Kayong dalawa ah iba na ito! At paano naman kayo makakatulog ng maayos niyan kung panay ang kulitan?
Sa kalagitnaang ng masayang pagsi-swimming ay napagkatuwaang ng mga teen housemates na gumawa ng ala Bikini Open show sa paligid ng pool. Syempre naman ay nanguna dito si Linda na expert na sa mga bikini fashion shows, at hindi rin nagpahuli ang beauty titlist na si Priscilla. Ang mga boys naman ay feeling mga Bench underwear models especially ang dalawang matangkad na sina Ejay at Jolas. Pero ang palabirong si Josef ay muli namang hinaluan ng kalokohan ang kanilang show kuno. In fairness naman ay confident ang Lasallite sa kanyang skimpy swimming trunks.
Hindi mapaghiwalay si Josef at Nicole! Habang nagkukuwento si Daddy Hans, patuloy na minamasahe ni Josef ang kamay ni Nicole. Pagkatapos naman nito ay inaayos ang buhok ng pretty In-Chick from Cebu. At balik nanaman si Josef sa pagmamasahe. Niloko pa niya kunwari si Nicole at sinabing may charge daw ito per hour. Mapapansin na very close ang dalawa lately, maging more than just friends kaya ang dalawa? Kayo, agree ba kayo sa Josef-Nicole tandem?
Go na go na ang housemates sa paggawa ng tie-dyed shirts na weekly task nila! Nahati ang grupo sa team ni Robi at team ni Josef. Marami nang t-shirts ang nagagawa nila Josef ngunit mas makulay ang nagagawa nila Robi. Napapalayo naman sila Robi sa quota number dahil mas binibigyang importansya ang design ng mga t-shirts. Sino kaya ang magwawagi sa dalawang grupong ito? Isa nanaman kaya itong Ateneo vs. La Salle na kompetisyon?
| |