Pinoy 's posts with tag: kevin flood
Kahit na mortal enemy number 2 ang parents ng dalawa, friends na ulit sila! Balik ulit si Kevin sa pagtawag niya kay Beauty ng "piggy" at nung napansin ng Spanish Stallion na malungkot ang friend, tinawag niya ito para tabihan siya sa kama. Para pasayahin si Beauty, nagoffer si Kevin na lulutuan niya ito. Tumanggi naman ang Rebellious Beauty dahil diet daw siya. Balik biruan ang Twin Towers kay Beauty at pinipilit siya na palabasin ang three chins. Kamusta naman iyon diba? Talagang bati na sila. Yung guardians kaya nila may pag-asa pa?
Umagang-umaga at nagbabangayan nanaman si Tita Anna at Daddy John! Nabanggit ni Daddy John na may pagka senyorito si Josef. Hindi ito natiis ni Tita Anna kaya pumasok na lang siya sa girls' room at kinausap si Mommy Carina. Pati si Kevin napagdiskitahan na rin! Sabi ni Tita Anna, "Tingnan lang natin kung magkaproject ang batang iyan with the kind of father that he has". Naku! Kelan kaya matatapos ang bangayang ito? Pati ang teens walang ligtas dito!
Kakaiba rin ang paghatid ng pagkain sa teens ngayon. Imbis na iwan ni Kuya sa storage room, inilambitin pa niya ito para kunin ng teen housemates. Si Kevin, Nan at Robi ang mga nanguna sa pagkuha ng nakalambitin ng pagkain. Makaraan ang ilang minuto, success ang tatlo at napacheer ang ibang housemates. Talaga nga namang ipinapakita ni Kuya sa teens ang value ng pagkain sa ganitong paraan. Sa mga nakaraang linggo, nakita na medyo sinasayang nila ang pagkain, ngayong pinaghirapan nila kunin ito, pahalagahan na kaya nila ito?
Mahilig kumanta si Rona at ngayon she's in one of those moods. Todo kanta siya ng mga worship songs nang bigla siyang sinutsutan ni Kevin. Huwag daw siya kumanta dahil may mga taong gustong makatulog. Natahimik si Rona sandali pero maya-maya lang ay kumanta ulit. Bagaman alam ni Kevin na maraming housemate ang naiinis sa kaniyang pagiging offensive, tuloy pa rin siya sa mga ganitong klaseng gawain. Maging rason kaya ito para i-nominate ng housemates ang Spanish Stallion mamaya?
Lumabas ng confession room si Alex, Kevin at Robi na suot-suot na ang kanilang costumes! Handang handa na sila sumabak sa weekly task nila ngunit si Robi may konting kaba. "Walang sisihan" daw kung hindi man niya mahanap ang dulo ng maze. Pero mukhang nawala rin ang kaba nito nung nagchoreograph sila ni Kevin sa nursery rhyme na "Three Blind Mice". Wagi kaya ang tandem ng tatlong ito sa weekly task nila?
Dahil hindi makulit ni Kevin ang pagod at antok na si Beauty, nagpractice na lang siya ng kaniyang Tagalog lessons. Tawang-tawa si Jolas at Ejay nang hindi masabi ni Kevin ang salitang "NGAYON". Pano ba naman, tayo lang ata ang may "NG" sa alphabet diba? Paulit-ulit na parang sirang plaka si Kevin na sinasabi ang "ngayon" na naging "nangyon, nayon, nyayon"... you name it, except, "ngayon"! Naku Kevin isang Tagalog word pa lang yan ah out of 2000 na kailangan mong aralin. Kaya mo pa kayang sabihin ang "Kataka-taka"?
Binigyan ng swimming lessons ni Daddy John ang Gentle Giant na si Jolas! Swak na swak sa summer ang lessons na ito at mukhang ok pa na instructor si Daddy John. Kailangan dumapa si Jolas sa pool, humawak sa dulo ng pool at ipadyak ang legs. Gets? Mabilis na natuto si Jolas at nagpaunahan na sila ni Kevin. Ano pa kayang mga susunod na gimik ni Daddy John sa loob ng bahay ni Kuya?
All gulay week ang housemates ngayon at tumutulong si Daddy John na lutuan sila! Waitress ang kaniyang lovely wife kaya talagang nanalaytay sa dugo ng mga Floods ang pagiging expert cooks. Si Beauty kanina pa rin naghihiwa ng gulay at nagpipiraso ng malunggay para sa hinahandang putahe ni Daddy John. Mapapansin na very close si Beauty kahit sa parents ng Twin Towers na si Alex at Kevin. Kaya hindi malayo na botong-boto si Daddy John sa Rebellious Beauty para sa kaniyang unico hijo!
Kamusta naman ang outfit ng teens ng Three Blind Mice? Ang unang batch na sumabak sa maze ay si Linda, Kevin at Beauty. Bawal hawakan ang mga lubid dito at kailangan lang nila gamitin ang mga baston na hawak nila. Senior citizens tuloy ang feeling ng teens sa mga black bastons nila at sa pangangapa sa buhol-buhol na maze! Mahanap nga kaya nila ang exit sa maze na ito? Abangan mamaya ang Uber para malaman kung wagi ang first batch of teens!
Kahit na ibinoto ni Linda si Kevin at gayundin si Kevin sa kaniya, damayan ang dalawa sa Tagalog lessons ni Kevin! Very helpful si Linda na tinulungan ang Spanish Stallion sa pagtranslate ng mga Tagalog words. Mapasa kaya ni Kevin ang Tagalog test mamaya at maging certified Pinoy na? At mapalitan na kaya ang bad impression ng Spanish Stallion sa Bikini Babe dahil sa pagmamagandang loob nito?
Nagtipon ang housemates sa living room para pag-usapan ulit ang dating nawawalang noodles. Pero ang bago sa usapang ito, mayroon nang tinukoy na posibleng salarin! Si Priscilla at si Valerie ang mga tinanong ng housemates kung sila nga ba ang kumuha ng noodles. Pakiramdam tuloy nila na inaakusahan sila dahil pinapaamin sila ni Kevin. Isa lang naman ang tanong ni Kevin: Ano ang ginagawa ng noodles sa jar? Ang orihinal na lalagyan ng noodles ay sa loob ng cabinet kaya kataka-taka ang mga noodles sa loob ng jar. Sabi ni Kevin nakita niya si Valerie na kumukuha ng noodles dito. Paliwanag naman ng Dazzling Doll na binuksan lang niya yung jar para ilipat yung noodles. Pumasok na lang ang dalawang girls sa Confession Room para magpaliwanag kay Kuya na wala sa teen housemates ang kumuha ng noodles. Mahanap na kaya ng teen housemates kung sino ang nagnakaw ng noodles? At tuluyan kayang mahiwalay ang loob ng teen housemates sa isa't-isa dahil dito?
Matapos pagtiyagaan nina Robi, Rona, at Kevin na pag-aralan ang malawak na maze sa activity area ay bumalik sila sa pool para ituro sa ibang housemates ang tamang daan para makalabas sa maze. Idinitalye ng tatlo ang mga point kung saan dapat ay mag turn sa left o sa right, at mayroon ding zigzag na daan. Nakadalawang matagal na subok sina Robi, Rona, at Kevin sa maze, at mukhang delikado pang makalimutan nila ang tamang daan. Ang ibang teens naman ay parang hindi naa-absorb ang mga instructions ng tatlo dahil wala silang mental picture ng actual maze.
Pinagtripan ng girl housemates ang Spanish Stallion na si Kevin! Nilagyan siya ng make-up at para daw ito sa presentation. Mukhang natapos rin ang pagtatampo ni Nicole kay Kevin dahil siya ang nangunguna sa pagmmake-up dito. Tawang tawa ang mga girls habang si Kevin naman tahimik na nakapikit. Very willing naman siya at game dito. Ikaw na kaya Kevin ang papalapit kay Josef na make-up King?
Todo hakot ang mga housemates ng mga pagkain sa storage room nang pinayagan sila ni Kuya pumasok dito! Kaniya-kaniyang strategy ng pagkuha ng mga chichirya. Andiyan si Priscilla na pinuno ang jacket niya hanggang sa nag-uumapaw na ang pagkain. Si Nicole naman iilan lang ang kinuha. Marami ring nakuha si Beauty pero ang kumain ang close guy friends na si Kevin at Alex. Mukhang iyan ang tamang strategy!
Ceasefire muna ang Team Robi at Team Josef at nagpractice muna ang 7 housemates sa bunot dance nila! Kasama sa pitong ito ay si Jieriel, Nicole, Linda, Kevin, Ejay, Robi at Jolas.Ibang-iba na ang steps mula sa original na choreography ni Jolas. Kitang-kita ang teamwork sa pagsabay-sabay nila ng bilang at pagmomotivate ng kapwa housemate. Mukhang winner ang housemates sa task na ito! Abangan ang Uber para sa buong Bunot Dance!
Nahuli ni Josef na nagescapade si Robi at Alex kagabi! Kinuwento ng Lethal Lasallite kay Kevin at Jolas na puyat na puyat ang dalawa dahil may pinuntahan pa kagabi. Hindi nakasama si Nan dahil may injury siya. Hindi pa natigil dun ang pagka-sneaky ni Josef, nahuli rin niya ang mga naglagay ng mga new Jag outfits nila sa loob ng bahay ni Kuya. Papikit-pikit lang daw siya pero huling-huli niya. Mukhang may katapat na si Jieriel sa pagiging imbestigador sa bahay ni Kuya!
Pinatawag ni Kuya si Robi, Ejay, Jieriel, Kevin, Jolas, Nicole at Linda sa confession room. Paglabas nila ay may dala-dala silang mga bunot! Si Jieriel sanay na sanay na dahil general cleaning every Friday sa kanila. Aba at sinamahan pa ng pagkanta at pagsayaw ang pagbubunot ha? Kamusta naman kaya ang iba? Alam kaya nila kung paano gamitin ito lalo ang sheltered In-Chick from Cebu na si Nicole? Paano naman kaya si Kevin na ngayon lang siguro nakakita ng bunot? Go housemates siguraduhin ninyo na kumintab ang sahig sa bahay ni Kuya!
Naglaro si Nicole, Kevin at Valerie ng paramihan sa pagkain ng sili! Si Nicole naka apat, si Valerie naman naka dalawa at si Kevin.... hindi nakayanan! Yung dalawang girls hindi halata na naaanghangan sila. Pero si Kevin namula nang todo at nailuwa pa ang sili! Napalagok tuloy siya ng maraming C2. Nawala nga kaya ang anghang nun sa C2? Ano pa kayang mga nakakatuwang games ang mga lalaruin ng mga housemates? Hmmm...
Nagseselos si Alex dahil nag special treatment ang girls kay Kevin kahapon! Si Linda at Beauty naman ay dali-daling binaby ang nagpapaawang si Alex. Hinihimas-himas siya ni Beauty sa buhok habang si Linda naman ay nagmasahe ng kamay niya. Aba? Ang swerte mo naman Alex! Kung ganito pala ang treatment sa lahat ng nacircumcise, marami sigurong magvovolunteer. At hindi pa natapos doon, nagbaby talk pa ang Italian Valentino. Gusto niya ng 2 moms para ipungpong galapong siya. Hmm.. hindi kaya magselos niyan si Mommy Minda?
Kanina pa lang ay may pinapatuyo na si Kevin na tattoo sa kaniyang braso. Nakapinta sa kaniyang kaliwang braso ang salitang "SI". Nahalata na rin ito ng ibang mga housemates lalo na si Josef. Para saan naman kaya ang tattoo na ito? Kanino siya nag-"OO"? Abangan mamaya ang buong storya sa likod ng kaniyang misteryosong tattoo!
| |