Pinoy 's posts with tag: mariel rodriguez

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag mariel rodriguez
Blog EntryHappy Birthday Tito Eddie...Mar 25, '08 2:30 AM
for everyone

Sino nga ba si Tito Eddie?

Pinahanap ni Kuya sa mga housemates kung sino ang nagcecelebrate ng birthday today! Kailangan nilang batiin kung sino ang may birthday ngayon para malaman kung sino nga ba ang misteryosong taong ito. Nagbatian ang mga housemates at nagkagulo sila sa paghahanap. Isa-isa nila binati si Toni, Luis, Mariel at Bianca pero nice try housemates dahil hindi pa rin approve si Kuya! Desperate times call for desperate measure kaya pati ba naman yung mga gamit sa bahay at yung bahay mismo binati nila ng happy birthday! Sorry guys pero nakakalimutan ninyo ata na hindi sinisilang ang bagay. Vinolunteer ni Kevin at ni Jolas ang mga kaibigan nila pero hindi parin! Mapagbiro na sinabi ni Priscilla na baka father niya yun pero hindi siya sigurado dahil ilang years ago na nung namatay ang dad niya. Pero nung binati nila nang sabay-sabay si Tito Eddie, nireveal na nga ni Kuya na birthday ni Tito Eddie ngayon! Ano kaya ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Kuya? Para nga lang kaya maalala ni Priscilla or could there be something more?

Check out the full story on PBB's official website.


ddd
dThumbnaild
ddd

VideoMariel Rodriguez on PBBMar 17, '08 10:12 AM
for everyone


Mariel Rodriguez on PBB.m4v (15.5 MB)

Kuya's beautiful hosts are back with a plus!  Toni, Bianca, Mariel and new PBB host Luis Manzano together with Direk Jilmer Dy give us a taste of what to expect on the much anticipated PBB Teen Edition Plus.

read the full story on the PBB Official Website

 


Painit nang painit ang nalalapit na pagsisimula ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Sa isang press conference ay nagbigay ng patikim ang PBB management at ang mga hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, at Luis Manzano kung sino ang mga inaasahang mapapabilang sa panibagong edition ng mga Kabataang Pinoy.

Ang gwapong bad boy na beterano ng mga street rambol, ang dazzling doll na nahirapang mag-move on sa pagpanaw ng ama, ang anak ng DH na lumaki sa ibang bansa, ang bikini babe na suki na ng ilang swimsuit competition, ang trophy kid na makailang ulit nang nabasted, ang rebellious beauty, at ang horse whisperer.

Ngunit sa lahat ng mga mysterious possible teen housemates ay ang "dalagitang may kapansanan" ang naging sentro ng lahat ng atensyon at usapan.  Marami nga ang nabahala kung makakayanan ba ng isang disabled teenager ang mga matitinding hamon ni Kuya lalo na ang mga mabibigat na physical activities.  Hindi man nilinaw ng PBB management kung ano ang kapansanan ng nasabing dalagita ay siniguro naman nila na matututukan ang kalagayan ng housemate na ito, yun ay kung sakali ngang mapabilang siya sa final line up of official teen housemates. 

Ang malaking misteryo na lang ngayon ay kung sino sa mga nabanggit na hopefuls ang makakapasok sa loob ng pinakasikat na bahay sa bansa?  Anong kwento ang kanilang dala na dapat nating subaybayan araw araw?  Silipin kung sino sino ang mga bago at batang mukha na haharap sa mga pagsubok ni Big Brother sa isang special primer ngayong Linggo, March 16th, 9:45 PM sa ABS-CBN. Patuloy ring tumutok sa www.pinoybigbrother.com para sa mga pinakabagong PBB updates.


Blog EntryPretty in pinkDec 29, '07 12:38 AM
for everyone

After mag make-up ay isinuot na ng mga girls ang kanilang beautiful pink dresses para sa kasal ni Ruben (read the full story on the PBB Official Website).  Si Mariel ang na-surprise nang makita kung gaano kaganda si Gaby nang naka-ayos at naka-dress.  Medyo ilang nga ang race-car chick na ilugay ang kanyang buhok, pero sinabihan naman siya ng pretty TV host na mas bagay sa kanya ang nakalugay.  Dinala rin ni Gaby ang kanyang shades ayon na rin sa suggestion ni Big Brother.

Samantala, nagkakaproblema naman si Ethel kung paano pagkakasyahin ang kanyang dibdib sa masikip na pink dress.  Nagbaon ang sexy-comedienne ng maraming safety pins dahil mahirap nang magka-wardrobe malfunction sa simbahan at baka sitahin pa siya ni Father.


Blog EntryMake up na naman!Dec 28, '07 1:54 AM
for everyone

Nagpahinga lang ang mga celebrity housemates sa kanilang pictorial weekly task ay heto na naman at nakasalang for a make up session sina Gaby at Riza,at si Mariel sa secret room!  Talagang nag-hire pa si Big Brother ng mga professional make-up artists at hairdressers para ayusan ang ating mga housemates.  Ang tanong ay kung para saan nga ba ang super prep na ito?

Abangan ang kwento sa PBB Official Website.


Blog EntryNot the marrying type?Dec 27, '07 10:54 PM
for everyone

Sa kalagitnaan ng baking task ay nakapag-usap itong sina Mariel at Gaby about marriage.  Dala na rin sa wedding mood sa loob ng bahay dahil sa nalalapit na kasal ni Ruben, napag-usapan ng two girls ang kanilang views on marriage.  Si Mariel ay umaming baka matagalan pa nga kung siya ay magpapakasal, tulad na rin ng biro niya kay Ms. Penk noong nakaraan.  Naisip ni Mariel na marami pa siyang gustong gawin para makapag-focus sa career.  Ito namang si Gaby ay naikwento na malamang four or five years from now, she still sees herself chasing some dreams.  Mahirap nga para sa race-car chick na makahanap ng guy na makakaunawa sa demands ng kanyang career on the race track.

Don't worry girls, baka somewhere out there ay nariyan ang inyong Mr. Right.


Blog EntryMga multong di mo kakatakutanDec 27, '07 11:44 AM
for everyone

Late na nga nakapag-dinner ang mga housemates dahil busy sila buong gabi sa kanilang weekly task. Pagkakain ay dumirecho na agad ang girls sa garden kung saan naglagay ng halloween backdrop sina Riza at Will kanina. Sobrang metikuloso nga ng kanilang photographer na si Ruben dahil hindi ito nakuntento sa isang anggulo lang. Na-capture naman kaya ng comedian ang perfect shot na hinahanap niya?


Blog EntryPractice LangDec 27, '07 11:08 AM
for everyone

Hindi pa ito ang actual pictorial ng celebrity housemates para sa kanilang Halloween month pero tuwang-tuwa na agad ang mga girls sa effect ng kanilang make-up at costumes. Stand out nga si Ethel sa kanyang all-white gown pero syempre, hindi naman nagpatalo si Gaby na mistulang yaya-killer according to Ruben. Maging si Riza ay litaw pa rin ang likas na kagandahan kahit na mangkukulam ang karakter niya sa photo shoot mamaya.

At dahil natapos na rin nila ang pagcapture ng grad scene kanina, apat na sessions nalang ay tapos na nila ang kanilang weekly task! Magustuhan naman kaya ni kuya ang magiging printouts ng kanilang pictures?


Blog EntryCome a little bit closerDec 27, '07 2:59 AM
for everyone

Sa tingin nga ni Ethel ay hindi pa nakakakilig ang photo shoot na ginawa nila kanina, kaya after lunch, nag-pictorial muli ang mga loveteams for the February cover.  Heto na nga sina Jon at Mariel na super close at muntik nang magkahalikan.  Mukhang super comfortable kasi sila sa isa't isa sa pag-pose na parang mag-syota para sa isang Valentine theme.  Pero in fairness, true blue gentleman naman ang Fil-British hunk at siniguro na hindi mailang sa kanya ang beautiful TV host.


Blog EntryLove is in the air!Dec 26, '07 11:54 PM
for everyone

Ang February cover naman ang ginagawa ng ating mga celebrity housemates.  Syempre, for the month of love, dapat lang na ang mga loveteams inside Kuya's house ang nasa cover.  Nag-pair sina Will at Riza at sina Jon at Mariel at pumwesto sa may fireplace para makumpleto ang romantic atmosphere ng photo shoot.  Pero mukhang hindi kuntento ang photographer na si Ethel sa kinalabasan ng picture.  Gusto niya sana ay nasa labas ang setting, at itong si Mariel, nagbiro pa na kung gusto nila ng romantic ay sa cheap motel na lang ang setting.


Blog EntryMariel, the cake slayer!Dec 26, '07 4:15 AM
for everyone

Hindi pa nga tapos ang mga celebrity housemates sa paggawa ng carrot walnut cake.  Si Mariel ang nag-volunteer na mag cut ng mga cake mula sa hulmahan.  Pero nang napansin ni Ms. Penk na nadudurog ang mga cake habang pinuputol ni Mariel ang tinuruan niya ang pretty houseguest ng tamang pagputol.  Itong si Mariel ay natawa na lang sa sarili dahil sa kanyang mga kapalpakan.  Pero super gulat siya nang i-announce ni Big Brother na may practical exam sila mamaya after ng lecture ni Ms. Penk.


Blog Entry"Macho macho man"Dec 23, '07 1:27 AM
for everyone

During Mariel's turn for her surprise, she got teary-eyed upon seeing her grandparents greet her a wonderful Christmas. But it seems she has been waiting for her "special friend" to drop by too! But the most that Big Brother did was to briefly show her a clip of his dance number with the Cover Boys in A.S.A.P.! It was really a quick flash in the screen then it was gone. As such, Mariel was somewhat frustrated for a while before accepting the fact that it was all she can get from Kuya for now.


Blog EntryWhat's on the Noche Buena table? Dec 22, '07 12:54 AM
for everyone

Wide awake na nga this morning ang mga celebrity housemates after ang kanilang coin counting task (read the full story on the PBB Official Website).  Dahil excited na sa Pasko, nagsimula na rin silang magplano kung ano ang gusto nilang kainin sa Noche Buena.  Ayaw na nga ng mga housemates na magpagod pang magluto kaya mag o order na lang sila ng mga gusto nilang pagkain kay Big Brother.  Gamit ang white board, nilista ni Ethel ang ice cream, carbonara, at iba pang pagkain na gusto ng lahat ng housemates.  Pati ang super specific na chocolate-caramel cake na naibigay kay Yayo noong naging houseguest si Toni Gonzaga ay kanilang inilista.  Syempre, hindi mawawala ang wine sa kanilang request para mas lalong maging Merry ang kanilang Christmas.  Pero hindi pa rin sure kung makakatikim ng wine itong si Baron dahil na rin sa parusa sa kanya ni Big Brother.


Blog EntrySmile! You're on TV!Dec 21, '07 3:57 AM
for everyone

Naaliw nga ang mga celebrity housemates sa video camera at TV monitor na naka-set up.  Dito ay muli nilang nakita ang kanilang mga sarili on TV.  Nagulat nga ang karamihan dahil sa pagiiba ng kanilang hitsura, lalo na itong si Baron na feeling niya ay triple ang laki niya sa TV.  Sina Ruben at Mariel naman ay hindi maawat sa pagpapa kwela habang pinapanood ang kanilang mga kalokohan sa TV. 


Blog EntryMagkayakap sa dilimDec 21, '07 3:33 AM
for everyone

Pinag-stay nga ni Big Brother ang mga celebrity housemates sa boys' bedroom, at habang sila ay naghihintay, partner partner na naman silang magkakatabi sa mga kama.  Sinasabayan ni Jon si Mariel sa pagbasa ng libro habang si Riza naman ang masayang nakikipagkwentuhan kay Will.  Wala namang magawa si Ethel kaya nakuntento na lang siyang makipagkulitan sa katabing si Baron.

Pero napansin yata ni Kuya na sina Jon at Mariel ay parang nagho-holding hands sa ilalim ng kumot kaya't biglang pinatugtog ang "Magkayakap sa Dilim" ng Orange and Lemons.


Blog EntryParty peeps turned homebodiesDec 20, '07 5:58 AM
for everyone

Over na sina Jon and Mariel sa kanilang partying days. Natuklasan kasi na pareho silang occasional nalang umiinom dahil sa kanilang trabaho. Wala na ngang social life ang Wowowee/PBB host kasi kailangan niyang alagaan ang kanyang boses. Noong first season ng PBB, lagi siyang may lakad every Wednesday and Friday. Okay lang daw kasing magka-hangover siya on a Thursday dahil kahit na may taping siya for MTV, pwede namang mag-take 2 kapag nagkamali siya, unlike sa mga live episodes ng PBB. Pero ngayon kapag lumalabas siya, shopping and dining out lang ang nagagawa niya. Tapos kapag Sunday, sa bahay lang siya. Ganun din naman ang hunk model na enjoy rin na tumambay lang sa kanyang bachelor's pad.

Talagang kailangan lagi kayong may common ground ha! 

 


Blog EntrySpecial art class ni KuyaDec 20, '07 2:26 AM
for everyone
Matapos ngang magawa ang kanilang mga painting kasama ang mga piglets (read the full story on the PBB Official Website ) ay ipinatawag isa isa ang mga celebrity housemates sa confession room para ipakita ang kanilang mga gawa kay Big Brother.  Mukhang impressed naman si Kuya sa pagiging talented at malikhain ng mga housemates.  Pero si Mariel ay hindi pa rin mapigilan na tawanan ang kanyang sariling painting. Inamin niya na hindi talaga siya magaling mag-drawing.  Si Baron naman, super bilib sa napagandang gawa ni Gaby at niyaya pa niya ito na sabay silang mag-painting after ng PBB season.

Blog EntryEthel at Mariel, nag-away nga ba?Dec 19, '07 12:42 PM
for everyone
Tila namumugto ang mga mata ni Mariel matapos ang isang hindi pa malamang pangyayari. Kasa-kasama niya si Jon at nabanggit niya na nagkaroon siya ng misunderstanding with one of the two girls that she's talking with earlier. Inassure naman niya si Jon na okay na siya at nag-overreact lang siya kanina. Sabi pa niya, she was just voicing out her thoughts to Gaby and Ethel then one of them got upset.

Mukhang kalmado naman si Mariel pero niyaya pa rin siya ni Jon na ipagpatuloy sandali ang kanilang weekly task saka siya tahimik na pumasok ng kwarto kung saan tulog na ang lahat ng girls.

Hm... Mukhang nagkaron ng alitan ang dalawang houseguests ni kuya ah!

Pages:123456789
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help