Pinoy 's posts with tag: marylaine viernes

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag marylaine viernes

Bago nga ang kanilang masayang guesting sa Uber kahapon, humarap muna sa isang press conference ang mga ex-celebrity housemates na sina Gaby, Zara, Jen, at Marylaine!  

Kuya's girls face the outside world

Four ex-celebrity housemates met the local press to reveal the juicy scoop behind Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2!  Marylaine, Jen, Zara, and Gaby sat down with the entertainment press and shared their experiences during their short stay in the most celebrated house in the country.  Get to know the truth behind Gaby's voluntary exit, Zara's hopeful plans, and the real score between the squabbling 2-in-1 beauties Jen and Marylaine. (read the full story on the PBB Official Website)


Blog EntryHindi Ba Si Marylaine Ang Kumuha?!Nov 2, '07 3:42 AM
for everyone

Desperada na nga ang mga girls na mahanap ang purity ring ni Riza dahil sabi ni Big Brother, hindi niya ipinakuha ang singsing as part of a task.  Hinala tuloy ng mga girls, baka napasama sa mga gamit ni Marylaine dahil bago ma-evict ay madalas manghiram ng mga gamit ang Brainy Babe!  Ibinalik tuloy ni Kuya ang mga gamit ni Marylaine, pero wala doon ang purity ring ni Riza.  Pati mga boys, pinag-suspetsahan na rin nila na nagtago ng singsing!  (read the full story on the PBB Official Website)

Baka naman baliktarin na ng mga girls ang buong bahay makita lang ang ring ni Riza?!


Blog EntryBabay Jen, Babay MarylaineOct 27, '07 11:33 AM
for everyone

Hay. Malungkot nanaman sa bahay. Bakit nga ba kailangan pang magpaalaman di ba? Pero talagang ganyan bahay ni Kuya.

Paalam Jen and Marylaine. May bagong buhay rin namang naghihintay sa inyo sa labas.


Blog EntryHot Iron JonOct 27, '07 5:22 AM
for everyone

Ilang oras na lang ay live first eviction night na!  Ang mga girls ang nag-aayos na ng kanilang mga sarili, lalo na ang mga nominated na sina Megan, Jen, at Marylaine.  Nilabas na ng mga kikay ang lahat ng kanilang mga make-up at pati ang hair iron ni Mariel.  Samantala, si Jon naman ay tinulungan si Victor sa pagplantsa ng pants.  Dahil nakaranas na mamuhay ng mag-isa, natutunan ni Jon ang mga gawaing bahay tulad ng pagpa-plantsa ng sariling damit.  ka-impress naman ang kasipagan ng English Outcast!

Abangan kung sino ang mae-evict tonight sa PBB Official Website.

 


Blog EntryThat's the spirit Marylaine! Oct 26, '07 7:58 AM
for everyone

For a change, nagkaroon ng moment si Marylaine para patawanin ang mga housemates. Nag-joke ito tungkol sa pagbibigay ng wishes ni Big Brother. At ang kahalingan nila: "Gusto kong magkaroon ng malaking pakpak." Tinupad naman ito ni Kuya pero pagdating kay Will, nakakaloka ang nangyari sa kanya dahil slang ang pagkakasabi niya ng wish na ito. Bumenta naman ang joke ng Brainy Babe sa mga housemates!


Blog EntryWow...Pansit!Oct 25, '07 11:01 PM
for everyone

Mukhang special ang araw sa loob ng PBB house dahil ang mga celebrity housemates, nagluluto ng pansit bihon!  Si Ethel ang nagluto ng bihon at si Ruben naman ang naghalo ng mga sahog.  Tumutulong naman si Marylaine sa kusina bilang house girl na kapalit ni Megan.  Matapos maluto, tinikman ni Yayo ang pansit.  Hindi siguro nakatiis si Mommy sa amoy ng masarap na pansit.  Nasarapan naman si Yayo sa pansit kahit na medyo kapos ang sahog, at toyo at paminta lang ang nailagay nila.  Nagsunuran na rin ang ibang housemates na tumikim ng pansit.  Mukhang hanggang dito ay naaamoy ang bango ng masarap na pansit na yan!


Blog EntryAng Natatanging Espasol Na Paikot-ikotOct 25, '07 7:58 AM
for everyone

Hindi tala natinag ang mga talunan! Kahit na nakabalot pa sila na parang espasol, nakaisip pa ang mga ito ng isang kanta sa pamumuno ni Mcoy at Ruben:

Gusto kong pumuti pero di ko magawa (3x) Harina sa mukha (2x) Chinchanchuhuuuu!

Sikip na sikip man, masigla naman silang nagpaikot-ikot sa loob ng activity area!

 

 

 


Blog EntryDahil sila'y mga talunan...Oct 25, '07 7:49 AM
for everyone

Matapos matalo sa task kanina sina Mariel, Jon, Zara, Mcoy, Ethel, Marylaine, Jen at Ruben, binigyan sila ng karampatang parusa ni Kuya. Pinalublob ang kanilang mukha sa isang bowl ng harina at ipinabalot sa mga winners sa isang mahabang tarpaulin para maging isang espasol! Pag nagkataon, gagawin ba silang dessert or something? Tignan na lang natin!


Blog EntryBumabaha ng luha sa bahay ni Kuya!Oct 23, '07 11:38 AM
for everyone
Bakit nag-iiyakan nanaman ang lahat ng housemates? Well, may panibago nanaman kasing task sa kanila si Kuya. Dinivide sila into two groups na pinamumunuan nina Will and Zara. Hawak ang tig-isang shot glass, kailangan nilang punuin ang mga ito ng kanilang mga luha! Kung ano-anong ideas ang naisip nila para lang mangyari 'to. Biro pa ni Jen, "Megan isipin natin lalabas na tayo!"

Blog EntrySpecial Treatment For PeggyOct 23, '07 8:06 AM
for everyone

It has been raining non-stop for several hours now and the housemates find a lot of spare time on their hands. Just when they are about to die of boredom, Big Brother suddenly calls on the girls inside the confession room to give them the materials for Peggy's improvised roof and wall to shield her from the bad weather! Kuya certainly loves the preggy pig this much! Ethel, Yayo and the others couldn't care less to get soaked just to finish the task given to them. You go girls! 


Blog EntryNice SegueOct 22, '07 8:05 AM
for everyone

Mariel seriously pities Marylaine after she hears her statement about wanting to physically enhance herself when she's finally out of Big Brother's house. The Brainy Babe told the housemates how she really wanna make it in showbiz, and for that to be possible, she should look better. This is what she learned from the Live Fairy Tale, according to her. With her words, it seems that Jen's assessment about her insecurities are right on target, which is really a sad thing isn't it? Apart from this issue though, let's give points to Mariel for doing a great job on making a start-up conversation with her ultimate crush! Haha!  


Blog EntryKaishu Kaishu Weekly Task: Ano daw?!Oct 22, '07 3:19 AM
for everyone

Matapos ang kanilang matagumpay na Choo-Choo Train Task, isa na namang panibangong  weekly task ang bubunuin ng ating mga celebrity housemates!  Kasalukuyan na nilang pinaplano ang kanilang Shadow Play Task na kanilang ipe-present this Friday. Kailangan nilang mag-choreo ng isang "kaishu kaishu" skit, isang comic play na nagmula sa Japan kung saan gumagamit ng mga taong naka-disguise ng black para makagawa ng mga kakatuwang stunts.  Para sa concept ng kanilang Shadow Play, napagkasunduan ng mga housemates na i-relate ito sa Halloween para sa next week. Tutukan ang mga development sa weekly task na ito sa PBB Official Website.


Blog EntryParusa Sa Mga Antukin!Oct 22, '07 12:40 AM
for everyone

Lunes na Lunes ay may nahuli si Big Brother na mga natutulog sa mesa! Sina Jen, Gaby, Zara, Donnie, Victor, Mariel, at Megan ay medyo inantok habang naghihintay ng pagkaka-abalahan. Kaya lang, si Kuya, hindi happy sa mga patulog-tulog! Kaya hayan, pinarusahan tuloy sila na maglagay ng unan sa kanilang mga ulo kahit saan sila magpunta.  Si Jen, ka 2-in-1 sa unan si Marylaine, sina Gaby, Zara, at Donnie sa isang unan, at si Mariel ay ka-share si Megan. Sana naman ay magtanda na ang ating mga celebrity housemates.


Blog EntryEpal Housemates?Oct 21, '07 9:43 AM
for everyone

Dahil sa sobrang left out nina Marylaine and Jen (halos 24 hrs na sila sa prison room) ay kung ano ano na ang napagusapan ng dalawa from sa balak na migration ni marylaine sa New Zealand kung walang mangyari sa kanya sa showbiz to Riza's FHM mag cover.

Sabi tuloy ni Jen parang di sila housemates. Eh ano nga ba sila? Naisip ng 2 sila ang epal two in one housemates. Hala mukhang nagmumukmok na yung 2! Kawawa naman.

"Pwede po ba kayong makausap?" sabi ni Jen.

"Sising sisi na ako..." sabi naman ni Marylaine.

Kuya kausapin mo na sila... please?


Blog EntryMay point ka rin Jen!Oct 21, '07 4:51 AM
for everyone

Prinangka ulit ni Jen si Marylaine tungkol sa kalagayan nila. Sobrang disheartened kasi and Brainy Babe dahil feeling niya ayaw sa kanya ng mga housemates pati na rin ni Kuya. Pero in-explain ni Jen na kailangang baguhin niya ang pagiging pessimistic niya. Na imbis problemahin niya lalo ang kanilang situation, magfocus nalang siya sa pag-enjoy ng natitira nilang one week kung sakaling sila man ang ma-evict next weekend.


Blog EntrySilent TreatmentOct 21, '07 3:48 AM
for everyone

Hanggang sa mag-lunch time ay hindi pa rin nagpapansinan sina Jen at Marylaine. Sumama lang sila sa housemates para kumain at pagkatapos ay bumalik ulit sa punishment room para ituloy ang pag-aayos ng railroad tracks. Kaya naman napag-usapan ng mga housemates ang issue tungkol sa mga hiniram niyang damit na walang paalam. Palaisipan pa rin kung secret task ba talaga ito at kung anong purpose ni Kuya kung sakaling siya nga ang may pakana ng lahat.


Blog EntryAnd the nominees are...Oct 20, '07 12:22 PM
for everyone
The first nominees for Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 are Megan Young (BB 2) and Jen Da Silva/Marylaine Viernes (BB 8). Tama ba ang hula niyo?

To SAVE them, are two ways - through text or through online.

For mobile voting, text BB <number of housemate>  to 231 for Smart and Talk N Text subscribers or to 2331 for Globe, TM and Bayan Wireless Landline.

Example: Para iligtas si Megan, i-text ang BB (space) 2, at para naman iligtas sina Jen at Marylaine, i-text ang BB (space) 8.

For online voting, login to www.pinoybigbrother.com, click on the "vote here" link and follow the instructions.


Blog EntryOne Happy PrisonerOct 19, '07 9:43 AM
for everyone
Kaya mo yan Marylaine! Konting tiis pa! Hindi patatalo ang 26K Girl na ito sa simpleng punishment na ito. Para hindi ma-bored ang sarili, masaya pa siyang nagha-hum ng "Charing" at "Always". Way to go girl!

Blog EntryAng Hatol Sa First Three ViolatorsOct 19, '07 8:29 AM
for everyone
Natunugan na ni Megan kung anong nangyayari sa loob ng punishment room! Kwento niya sa mga housemates, si Mariel at Will ay nagbabalat ng lansones gamit ang kanilang mga bibig at hindi kamay! Oh no! At si Marylaine naman nagbabalat ng isang bowl ng butong pakwan! Confused ang mga housemates sa nagaganap dahil wala silang maisip na violations ng tatlo lalo na ni Mariel. Dobleng kilig siguro ang mafi-feel ni Mariel kung ang big crush niyang si Jon ang naka-partner niya! Hahaha! See more of the story on the Official PBB Website.

Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help