Pinoy 's posts with tag: mcoy fundales

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag mcoy fundales
Blog EntryCelebrity HomecomingDec 25, '07 11:03 PM
for everyone

Sa araw ng Pasko ay muling nagbalik ang mga ex-celebrity housemates sa bahay ni Kuya! Nasorpresa nga ang lahat nang isa isang dumating sa bahay ni Kuya sina Zara, Mcoy, Megan, Donnie, Marylaine, Jen, at Victor para bisitahin ang mga housemates na na-miss nila ng sobra. May dala ring regalo ang mga bumisitang ex-housemates, pero 100-seconds lamang ang ibinigay ni Big Brother sa kanila para batiin ang mga housemates ng Merry Christmas.

Abangan ang buong storya sa Primetime with Toni Gonzaga at sa PBB Official Website.


Blog EntryMcoy at Kuya, nagkabati na!Nov 24, '07 3:32 AM
for everyone

Kanina sa Entertainment Live, kinumpirma ni Mcoy na okay na nga sila ni Big Brother.  After mag-apologize ni Kuya sa Musikerong Daddy kahapon sa Uber (see PBB Official Website for the full story), humanga si Mcoy sa pagpapakumbaba ni Kuya.  Ngayon nga ay masasabi na ni Mcoy na kumpleto na ang kanyang PBB experience, from singing the theme song, meeting the housemates, and finally, becoming a housemate himself.

Isang lesson na natutunan ni Mcoy as a housemate ay ang pagpapakatotoo muna sa sarili bago sa ibang tao.  In the future, makikita natin si Mcoy sa kanyang pagbabalik musika kasama ang ilan sa mga kaibigan sa Orange and Lemons.  Abangan din ang "Sama Sama Sa Ligaya" at "If Ever I See You Again," ang dalawang kantang ginawa ni Mcoy sa loob ng bahay, sa upcoming PBB album.


Blog EntryYo Big Brother, check it out!Nov 24, '07 2:04 AM
for everyone

Nabagot na naman ang mga celebrity housemates habang naghihintay ng lunch.  Si Ruben, nakatuwaang mag-impromptu rap sa Tagalog.  Idinamay pa niya sina Victor at Yayo sa kasiyahan, at game naman na mag-rap ng kahit ano ang dalawa.  Pero si Riza, hindi yata maistorbo dahil busy sa pagluluto at medyo naiilang din mag-rap sa Tagalog.  Nang magsawa, ginawan naman ni Ruben ng rap version ang If Ever I See You Again bilang pag-alala kay Mcoy.


Blog EntryLast night na nga ba ito ni Mcoy?Nov 21, '07 1:59 PM
for everyone
Kalmado na nga si Mcoy kumpara noong una niyang pagkalabas sa confession room kanina. Katulad kagabi ay medyo sumama nanaman kasi ang loob ng Musikerong Daddy matapos niyang ipaliwanag ang kanyang saloobin tungkol sa pag-question sa ginawa niyang istorya para sa kanilang short indie film (Tignan ang PBB Official Website para sa buong kwento).

Pero totohanin nga kaya niya ang balak na umalis ng bahay ni Kuya dahil dito? Tutukan ang mga kaganapang ito sa Uber mamayang hapon at Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 sa Primetime Bida!

Blog EntryWill, Riza, at Jon: Parang bagong teleserye!Nov 21, '07 3:16 AM
for everyone

Na shoot na nga ng mga housemates ang isa sa mga flashback scenes sa short film.  Si Will ang gaganap na lalaking magiging dahilan ng pagseselos ni Jon na asawa ni Riza!  Nang nakabihis na ang tatlong actors, nag take na sina Mcoy, Ruben, at Yayo sa hallway across the punishement room.  Sa camera nga ay napakaganda ng screen chemistry ng tatlong beautiful housemates.  Para tuloy silang bagong cast ng isang much awaited teleserye!

Susunod na nga ang scene kung saan lalasunin na ni Jon sina Riza at Will.

Abangan sa PBB Official Website kung ano ang kalalabasan ng short film na ito.


Blog EntrySine Say MoNov 21, '07 2:02 AM
for everyone

Bago muling sumabak sa shooting, pinag planuhan muna ng mga celebrity housemates ang mga dialogue sa kanilang script.  Ayon kay Big Brother, mas maganda na ang story at dialogue sa kanilang short film ay madaling maa-appreciate ng masang Pilipino.  Si Yayo ang nag-iisip ng mga dialogue para sa isang eksenang may conversation, samantalang sina Mcoy at Victor ay nagre-rehearse sa delivery ng lines.

May mae-expect ba tayong mga quotable quotes sa pelikulang ito?


Blog EntryChange of PlansNov 20, '07 12:10 PM
for everyone
Hindi naman totally pinababago ni Kuya ang kanilang nagawang script. Nagbigay lang siya ng suggestions to make it more appealing to Pinoys' taste. Medyo na-off nga si Mcoy dahil naungkat pa ata ang nangyaring scandal dati sa kantang "Pinoy Ako". Sabi kasi ni Kuya ay kapareho daw ng The Ghost of August Mayford ang naisip niyang murder plot. Pero matapos makausap muli si Kuya ay kumalma naman siya dahil okay naman daw ang gawa niya. Pero ang dating ay china-challenge pa rin sila na ibahin ito kung may maiisip silang mas maganda pa. Kaya ayan, brainstorming session nanaman ulit!

Blog Entry"I'll be watching over you..."Nov 19, '07 10:50 PM
for everyone

Petiks muna ang mga celebrity housemates this morning.  Pero hindi pa rin nila ma-get over kung ano ang ibig sabihin ng wake up call kanina.  Ngunit nagulat na lang ang mga girls sa sala nang biglang lumabas ang mga boys na may suot na white bath robes.  Pinaalalahanan ni Mcoy ang lahat na from now on, once na lang patutugtugin ni Big Brother ang wake up call at expected na lahat sila ay nakabangon na agad.

"...and for your entertainment..." ang segue ni Mcoy.  Akala tuloy ng mga girls ay huhubarin ng mga boys ang kanilang robes.  Pero isang dramatic interpretation ang ginawa ng mga boys to the tune of "If I Ever See You Again."  Na touch nga ang mga girls sa ganda ng choreography sa kanta.


Blog Entry"For tomorrow you might be gone..."Nov 19, '07 10:03 PM
for everyone

Wake up call nga ni Big Brother this morning ang kantang "If Ever I See You Again" ni Mcoy.  Heto nga at puro "Praning Theories" na naman ang ating mga celebrity housemates sa significance ng wake up call na ito.  Sa dining area, tinanong pa ni Yayo si Mcoy kung ano ang Praning Theory ng Musikerong Daddy.  Ang sagot naman ni Mcoy, baka namali lang ng patugtog si Kuya.  After a while, sa kalagitnaan ng singing mode ni Mariel, bigla na namang pinatugtog ang goodbye song na ito.  Inisip tuloy ni Ruben, pina-praning lang sila lahat ni Big Brother.

Walang ngang kaalam-alam ang lahat na isa sa kanila ang mapapalayas sa bahay ngayon. Sino naman kaya ito?  Tumutok na sa PBB Official Website para sa pinakahuling balita.


Araw nanaman ng pahinga sa bahay ni Kuya kaya ang mga housemates ay nagkumpulan nanaman para magkwentuhan. Mula sa pag-reminisce ni Victor sa memorable Asian Cruise ng Abt Ur Luv at mga showbiz gossips ay biglang na-hot seat si Ethel matapos niyang mabanggit ang ex-boyfriend na si Alex. Feeling ng mga housemates ay mahal pa rin niya ito dahil palagi pa rin niyang naikwe-kwento. Bilib pa rin kasi siya sa kakayahan ni Alex. Kaya kinantahan siya ni Mcoy ng "The One You Love". Ganunpaman, nilinaw naman niya na hindi niya na ito mahal.

Huwag ka mag-alala, may masugid na maghihintay naman sayo, "Andito lang ako para sa'yo Ethel," biglang biro ni Ruben.


Blog EntryThe Enlightened OneNov 16, '07 6:49 AM
for everyone

Natutuwa daw si Mcoy everytime wine-welcome back siya ni Kuya matapos ang isang parusa. Feeling kasi niya ay naitatama talaga ang kanyang pagkakamali. Maging si Baron ay itinuturing na humbling experience ang pagbuhat-buhat ng bangko kung saan sa labas pa siya pinatulog ni Big Brother. At that time, hindi daw talaga siya makapagreklamo dahil alam niyang siya ang nasa mali. Ito nga ang natutunan niya mula rito, "Nawawala yung yabang, yung asta mo. You just have to do it and then eventually, oo nga noh!"


Blog EntryVoice Lesson With Mcoy and EthelNov 16, '07 12:10 AM
for everyone

Mukhang may task itong si Mariel na kailangan niyang kumanta for today.  Heto nga at super practice ang houseguest ng kantang "If" ni Mcoy.  Kinakabisado ni Mariel ang lyrics ng kanta at nagpapaturo din siya sa Musikerong Daddy ng tamang tono, with matching kulot at taas ng boses.  Si Ethel naman, habang pina-plansta ang buhok ni Mcoy, sinasabayan din si Mariel sa pagkanta.

Ayan Mariel, dalawang singers na ang coaches mo.  Kapag hindi mo pa nakuha ang tono...


Blog EntryKawawang Marylaine...Nov 15, '07 8:20 AM
for everyone

Punishment Week nga ngayon kaya naman tadtad ng special tasks ang mga housemates bawat araw. Habang nakatunganga sa sala, bigla nalang naalala ni Mcoy si Marylaine. Hindi niya ma-imagine kung gaano nalang kahirap para sa Brainy Babe ang unang dalawang linggo sa bahay ni Kuya kung saan puro punishments at alienation lang ata ang napala. Hirit naman ni Mariel, si Marylaine lang naman daw ang lumalayo sa kanila at that time. Pero ang Musikerong Daddy, hindi maalis ang pagkaawa sa ex-housemate na puro mura pa daw ang natamo mula kay Jen noong unang malaman ng huli ang tungkol sa 2-in-1 status nila dati. Nakwento raw kasi sa kanya ito ng Despised Babe. 


Blog EntryThe Making of Orange and LemonsNov 15, '07 4:19 AM
for everyone

Habang nagsasayaw sina Mcoy at Megan sa girls' bedroom, naikuwento ni Mcoy sa mga kasama kung paano siya nagsimula ma-involve sa banda.  Noong bata pa daw si Mcoy, hindi naman talaga siya mahilig sa showbiz, kaya't ngayon ay hindi siya makapaniwala na he's right smack in the middle of showbiz.  Nakilala lang niya ang mga bandmates niya sa ONL at natuto na nga si Mcoy na kumanta.  High school pa lang sila noon ay maramin nang nanonood sa mga performance nila sa Baliuag.  Mas lalo pang namangha si Mcoy at ang kanyang bandmates nang nagsimula na silang makatikim ng T.F. sa pagsusulat ng commercial jingles.


Blog EntrySobra Na 'Yan Riza Ha! Nov 14, '07 10:56 AM
for everyone
Mula ng makausap siya ni Big Brother tungkol sa kanyang violation noong nakalipas na linggo, mas naging maingat na nga si Riza sa pagtago ng dahilan ng mga ipinagagawa ni Big Brother sa kanya. Ngayon kapag may mga nalalaman siyang secret tasks or kung ano man, ang linya niya lagi ay, "No, I won't say anything" -- na sa sobra niyang pagka-paranoid ay ilang ulit pa niya itong sasabihin.

Kahit si Mcoy ay napansin na ito. Sa table kanina ay tinanong niya si Riza tungkol sa ginawa niyang military task at ito nga ang naging sagot niya. Maya-maya noong natahimik silang lahat sa table, bigla nalang itong nagbabala na huwag na siyang usisain muli. Natatawa nalang ang mga boys dahil in the first place wala naman na daw silang sinasabi by that time.

Sobra kasing naapekuhan ang Desirable Diva sa nagawa niyang violation involved ang Racing Godess. Last Saturday kasi ay binanggit niya kay Gaby na siya ang napili niyang patawan ng Automatic Nomination. Akala daw kasi niya ay okay lang since na-cancel naman na ang usual eviction process dahil sa pag-V.E. nito. Pero syempre palalagpasin ba naman ni Kuya ang sumuway sa kanyang utos? Iyan nga ang dahilan ng pag-iyak ng Desirable Diva noong linggo. At ang pagiging guardia sibil naman ang naging karampatang parusa  sa kanya.

Blog EntryWake up housemates!Nov 14, '07 9:06 AM
for everyone
Tulog sina Mcoy and Victor sa kani-kanilang upuan nang biglang pinatugtog ni Kuya ang Iyugyog Mo. Tumayo naman kaagad ang Musikerong Daddy na nagmadaling gisingin ang ka-partner sa punishment na ito. Wala sa sariling tinitigan muna ni Victor si Mcoy saka pa lang siya kumilos. Naka-ilang rounds muna sila bago tuluyang nagising ang Lonely Dreamboy.

Pero teka, mukhang may bagong twist sa kanilang assignment.Sa bawat pag-play ng music ay kailangang isayaw nila ang isa sa mga housemates!


Blog EntryNot So Happy MonthsaryNov 14, '07 12:57 AM
for everyone

Si Riza ay naging guardia civil, si Baron ay nagbibitbit ng isang malaking bangko, sina Mcoy at Victor ay kakulay ng stirrer, at ang karamihan ng mga celebrity housemates ay may kadena at kandado sa kanilang mga baywang.  Ito ang hitsura ng first monthsary ng PBB Celebrity Edition 2!  Imbis na nagsasaya, nagbabayad ang ilang mga housemates sa mga violations.  Over lunch, binati na lang ni Ethel si Mariel at ang ibang housemates ng "Happy Monthsary" na parang nagpipilit na sumaya.

Kapag kayo, housemates, hindi pa nagtanda...


Blog EntryPay Back TimeNov 13, '07 11:00 AM
for everyone
Nagsama-sama ang violators sa tabi ng garden. Sa wakas ay hindi na mabo-bored ang Wild Child dahil ngayon ay kasama na niya sina Riza, Victor at Mcoy. Sa kanilang apat ay ang violation ng Desirable Diva ang hindi pa rin malinaw sa lahat. Dahil ba ito sa pagkwento niya kay Gaby tungkol sa pagnominate niya dito? Or may iba pa bang dahilan? Kung ano man ito ay malalaman din natin sa takdang panahon. Sa ngayon ay nagkasya nalang sila sa masayang chickahan tungkol sa heavenly steaks na kinain nila kanina.

Blog EntryA Pilot's DilemmaNov 12, '07 10:18 PM
for everyone

Patuloy nga ang mga celebrity housemates sa pag-master ng control ng RC chopper.  Pero ang mga boys, nahihirapan sa battery-life ng toy chopper.  May two-hours charging time nga ang mga laruan, pero mayroon lang itong five minutes flying time, at after noon, kailangang i-charge ulit ng two hours.  Ubos oras nga naman ang charging, at sa five minutes flying time, hindi lubos na makakapag-practice ang lahat sa kanila.

Ano na kaya ang magandang solusyon sa problemang ito?


Blog EntryAll For Ruben!Nov 12, '07 12:53 AM
for everyone

Nagka-usap sina Mcoy, Ethel, at Mariel sa labas nang biglang na-brought up ang issue ng pagkaka-nominate kay Ruben.  Nag-agree si Mariel kay Ethel na of all the celebrity housemates, si Ruben ang dapat maging Big Winner dahil mas kailangan niya.  Ang Komedyanteng Promdi nga ang sumusuporta sa kanyang pamilya at ito ang nag-udyok sa kanya na sumali sa PBB.  Pero nanganganib ang pangarap na ito dahil nominated si Ruben.  Na-kwento ni Mcoy na bago ang nomination, napag-usapan pa nila ni Ruben na if ever manalo siya, gagamitin niya ang pera para makapag-patayo ng bahay. 

Napapansin ng tatlo na nawawalan na ng pag-asa si Ruben dahil compared sa mga kapwa nominees na sina Megan at Ethel, lesser celebrity si Ruben kaya malamang na kaunti ang bumuto sa kanya.  Lalo na at si Megan ay ilang beses nang nailigtas ng mga voters from eviction.  Napapaiyak na lang si Mariel kung bakit si Ruben pa ang na-nominate.


Pages:1234
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help