Pinoy 's posts with tag: megan young

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag megan young
Blog EntryCelebrity HomecomingDec 25, '07 11:03 PM
for everyone

Sa araw ng Pasko ay muling nagbalik ang mga ex-celebrity housemates sa bahay ni Kuya! Nasorpresa nga ang lahat nang isa isang dumating sa bahay ni Kuya sina Zara, Mcoy, Megan, Donnie, Marylaine, Jen, at Victor para bisitahin ang mga housemates na na-miss nila ng sobra. May dala ring regalo ang mga bumisitang ex-housemates, pero 100-seconds lamang ang ibinigay ni Big Brother sa kanila para batiin ang mga housemates ng Merry Christmas.

Abangan ang buong storya sa Primetime with Toni Gonzaga at sa PBB Official Website.


Blog EntryAbt Ur Luv, and Ur Nomination Too!Nov 17, '07 3:06 AM
for everyone

Matapos ang kanilang RC chopper task, pumunta si Megan sa may pool at nagmuni muni.  Napansin siya ni Victor at tinabihan for a conversation.  Hinala ng Lonely Dreamboy, apektado ang Princess of Charm sa eviction ngayong gabi.  Sinabi ni Victor na hindi dapat mabahala si Megan dahil like naman siya ng tao dahil ilang beses na siyang nakakaligtas.  Gusto pa nga ni Megan na manatili pa as a celebrity housemate, pero kahit love naman siya ng mga tao, lagi naman siyang nino-nominate ng ibang housemates.  Napag-usapan tuloy ng dalawang "Abt Ur Luv" alumni ang relationships ng mga housemates sa isa't isa.


Ang Ultimate Pasaway, ang Komedyanteng Promdi, at ang Princess of Charm.  Isa sa kanila ang nanganganib na mapalayas sa bahay ni Kuya ngayong gabi.  Nasa iyong kamay ang magiging kapalaran nina Ethel, Ruben, at Megan.  You only have a few hours left to vote for the celebrity housemate na gusto mo pang manatili sa loob ng pinakasikat na bahay sa bansa!  I-text lang ang BB 2 for Megan, BB 4 for Ruben, o BB 13 for Ethel sa 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless subscribers o 231 for Smart and Talk N Text subscribers.

Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page.  Panoorin ang live eviction mamaya after 1 vs 100 at abangan ang resulta sa PBB Official Website.


Blog EntryLove Team?Nov 16, '07 10:12 AM
for everyone
Buong gabi nang nakatunganga ang mga housemates kaya para mabuhayan naman sila ay pinatugtog ni kuya ang isang kantang hina-hum ni Mommy Yayo, "Love Will Keep Us Together" by Captaine and Tennille. Natuwa naman sila at nagsipag-sayawan pa. Matapos ang ilang sandali, "Hawak Kamay" naman ang plinay ni Big Brother. Shinare ni Megan sa kanila na kanta ito ng PDA Big Winner na si Yeng Constantino. As it is, pinatugtog ata ito para sa kanila ng Lonely Dreamboy na sinamahan siya sa kanyang "pagdurusa" with that extra large stuffed toy. Na-conscious naman itong si Victor kaya bigla ring umalis.

Kayo ha, baka magka-developan kayo nyan!



Blog EntryNext Lesson: Tap Dancing with VictorNov 16, '07 2:13 AM
for everyone

Bukod sa pagkanta, kailangan din na makabuo ni Mariel ng isang tap dance number.  Nagpaturo agad si Mariel kay Victor na siyang bihasa sa tap dancing.  Kasama si Megan, nag-practice silang tatlo para mabuo ang tap dance number, complete with music. 

Ano ba talaga ang plano ni Mariel sa araw na ito?


Blog EntryAttack of the Drawer RaidersNov 16, '07 12:17 AM
for everyone

Paglabas ng confession room, dumiretso sina Victor, Megan, Riza, at Will sa boys' bedroom.  Sabay sabay nga silang naglakad dahil nasa loob sila ng isang giant blue pajama.  Pagpasok sa kwarto, binuksan nila ang mga drawers ng mga boys at inayos ang mga damit at iba pang gamit.  Napansin nga ni Megan na super kalat ng drawer ni Jon, samantalang medyo maayos naman ang kay Mcoy.  Nalito sina Riza at Megan sa kung sino ang may ari ng mga damit na kanilang nakikita.  Tinanong nalang nila kina Victor at Will kung kilala nila ang may-ari ng damit.


Blog EntryDapat Apat?Nov 15, '07 10:58 PM
for everyone

Umuulan nga ng parusa sa loob ng bahay ni Kuya!  Sa araw na ito, kailangang magsama sama nina Victor, Megan, Will, at Riza sa isang giant pajama.  Hindi sila pwedeng lumabas sa big blue pajama, kaya't sama sama sila kung saan gustong pumunta ng isa.  Nagtatataka naman ang ibang housemates kung ano ba talaga ang violations ng foursome, pero suspetya nila ay may kinalaman ito sa pagtulog.  Hindi naman maikwento ng apat na offenders ang tunay na dahilan dahil baka ma-award na naman sila ni Big Brother.

Paramihan ba ito ng punishments ha, Victor at Riza?!


Blog EntryMalas Sa PartnerNov 15, '07 12:03 AM
for everyone

Pagkatapos nina Yayo at Mcoy, sina Megan at Baron naman ang nagsuot ng damit at nagsayaw ng cotillion for the next hour (see PBB Official Website for details of this task).  Feel na feel ni Megan ang pagsayaw at nagsimula nang mangarap para sa kanyang debut.  Pero si Baron, mukhang naiilang gumalaw, at nagbiro pa na para siyang lasing na partner!  Medyo natakot tuloy si Megan at nagmakaawa kung pwede bang magpapalit ng partner.  Pero sinabi naman ni Baron na good boy naman siya.

Baron, keep your hands where Megan can see them!


Blog EntryHousemates: Congrats Riza!Nov 14, '07 7:41 AM
for everyone
Tambay mode lang ang mga housemates  as they take turns inside the confession room. Kumportableng nagkkwentuhan sina Mariel, Will, Yayo and Megan habang si Riza ay patuloy pa rin sa paggapang niya around the sala! Maging ang mga housemates ay naguguluhan na kung sacrifice o punishment ba ang dahilan ng kanyang pagpapakahirap as a military girl mula pa kagabi. Tingin ng Mom in Distress ay gusto naman ng Desirable Diva ang kanyang ginagawa. Kinontra naman ito ni Ethel dahil okay lang daw siguro kung sa putik pero medyo weird nga dahil sa sahig ito gumagawa ng drills. Pero maya-maya lang ay pinatawag na rin si Riza ni Kuya! And at last, tinapos na rin ang kanyang parusa! Alamin ang buong storya ng kanyang violation sa Pinoy Big Brotehr Celebrity Edition 2 Primetime Bida.

Blog EntryNightmare Bath Ni BaronNov 14, '07 12:47 AM
for everyone

Fantasy man para sa isang guy na makasama ang mga beautiful girls sa paliligo, hindi ito ang naging kaso para kay Baron.  Dahil ayaw maligo ng Wild Child, nautusan tuloy ang mga girls na pwersahang paliguan si Baron sa labas.  Gamit ang hose, binasa at sinabon nila Megan, Riza, at Yayo si Baron na parang si Peggy lang ang pinaliliguan nila!  Patuloy pa rin ang punishment ni Baron na manatiling nakasandal sa isang malaking bangko, kaya't no choice ang mga girls na paliguan si Baron ng nakadapa.

Hindi mo malaman kung nakikiliti ba si Baron o naiinis.


Blog EntryMegan, Di Na Tinatablan Ng NominationNov 12, '07 7:33 AM
for everyone

Tinanong ni Megan ang mga kasama kung anong nangyari kay Ruben na mukhang pagod na pagod daw. Sabi ni Jon ay hindi pa rin ito makausap dahil apektado pa rin sa nangyaring pagka-nominate kagabi. Sagot naman ni Megan, siya nga ay certified title-holder na dahil sa tatlong beses na siyang napapabilang sa kinatatakutang PBB 'death row'. Nagbiro pa ang Princess of Charm ay mukhang magtutuloy-tuloy pa ito, biglang bawi na kung maaari ay gusto talaga niyang mag-stay pa sa famous yellow house.  


Blog EntryAll For Ruben!Nov 12, '07 12:53 AM
for everyone

Nagka-usap sina Mcoy, Ethel, at Mariel sa labas nang biglang na-brought up ang issue ng pagkaka-nominate kay Ruben.  Nag-agree si Mariel kay Ethel na of all the celebrity housemates, si Ruben ang dapat maging Big Winner dahil mas kailangan niya.  Ang Komedyanteng Promdi nga ang sumusuporta sa kanyang pamilya at ito ang nag-udyok sa kanya na sumali sa PBB.  Pero nanganganib ang pangarap na ito dahil nominated si Ruben.  Na-kwento ni Mcoy na bago ang nomination, napag-usapan pa nila ni Ruben na if ever manalo siya, gagamitin niya ang pera para makapag-patayo ng bahay. 

Napapansin ng tatlo na nawawalan na ng pag-asa si Ruben dahil compared sa mga kapwa nominees na sina Megan at Ethel, lesser celebrity si Ruben kaya malamang na kaunti ang bumuto sa kanya.  Lalo na at si Megan ay ilang beses nang nailigtas ng mga voters from eviction.  Napapaiyak na lang si Mariel kung bakit si Ruben pa ang na-nominate.


Blog EntryToday's Game: Sponge PassNov 9, '07 5:25 AM
for everyone

Exciting na hapon nanaman ang nasaksihan natin sa loob ng bahay ni Kuya! Mukhang nagkaroon ng brilliant idea si Big Brother sa nakita niyang strategy ni Gaby para magampanan ang kanyang secret mission para maibalik ang water supply nila bago siya umalis sa Saturday...

Para sa bago nilang game, inatasang punuin ng bawat team ang isang kiddie pool ng tubig mula sa pool sa garden gamit ang isang uber-laking sponge!  At sa pagkakataong ito ang mga nanalo ay sina Will, Ethel, Ruben, Megan, Baron at Gaby!

Pakaabangan ang kanilang nakakatuwang premyo: isang sponge bath kasama ang mga talunan bilang kanilang mga alalay! Huwag rin palampasin ang live na live 100-second encounter ng isang masuwerteng housemate mamaya sa Primetime Bida!


Blog Entry...And They're Back, Housemates!Nov 9, '07 3:05 AM
for everyone

Matapos nga ang ilang oras, nagbalik na sina Megan, Riza, Victor, Gaby, at Mcoy sa bahay ni Kuya!  Sobra ang tuwa nina Yayo at ibang housemates nang makita muli ang kanilang mga kasamahan.  Ngunit hindi naman masabi nina Mcoy kung saan sila nanggaling at ano ang ginawa nila.  Kinamusta na lang ng mga umalis na housemates kung ano na ang mga kaganapan sa loob ng bahay.  Si Yayo, nagkuwento na lang na nag-practice na lang sila at nagluto si Ruben ng pancit sa tanghalian. 

Abangan na lang sa Uber at sa PBB Primetime ang full details ng naging task ng limang housemates!  


Blog EntryDoing The Sexy MovesNov 8, '07 1:01 PM
for everyone
Friday na kaya tuloy pa rin ang page-ensayo ng mga housemates para sa kanilang Concert For A Cause on Saturday night! Sa kanilang lahat, itong sina Megan at Riza ang desididong ma-perfect ang steps ng kanilang Buttons dance number habang si Ruben, Victor at Jon naman ay seryosong tinatapos ang lyrics ng Pappy Chulo!

Pero tulad ng sabi ni Mommy Yayo, don't forget to continue taking shifts in monitoring the pasaway piglets ha!

Blog EntryThe Big ShirtNov 8, '07 2:14 AM
for everyone

Tapos na ngang maglaba si Megan kaya't humingi siya ng tulong sa mga boys para isampay ang kanyang labada.  Nagulat ang mga boys na nakayang labhan ng Princess of Charm ang higanteng Pinoy Big Brother t-shirt!  Tulong tulong nilang isinampay sa activity area ang giant shirt gamit ang isa ring giant hanger.  Pero sina Will, Mcoy, Jon, at Victor, halos mabitawan ang mabigat na basang shirt!  Binati ng mga celebrity housemates si Megan sa matagumpay niyang pagpapaputi sa malaking damit.  Si Megan naman, napaiyak na lang sa tuwa sa kanyang achievement.


Blog EntryMegan: Prinsesa ng Labada?Nov 7, '07 11:10 PM
for everyone

Habang nagpa-practice ng sayaw ang mga celebrity housemates sa loob ng bahay, si Megan naman ay nasa activity area at busy sa paglalaba!  Gamit ang sabon, tubig, at eskoba, kinukuskos ng Princess of Charm ang mga dumi sa isang malaking kumot.  Mukhang nakagawian na ni Big Brother na tambakan ng house chores ang mga housemates niya na hindi masyadong sanay sa gawaing bahay.  Ganito rin ang task na ibinigay ni Kuya kay Gee-Ann noong Season 2.  Makayanan naman kaya ni Megan ang hamon na ito?


Blog EntryMariel, Ang Bagong Diva!Nov 7, '07 3:22 AM
for everyone

Lumabas si Yayo ng confession room na may dalang instructions mula kay Big Brother.  May mga naka-linya na ngang numbers ang ating celebrity housemates sa kanilang concert, pero si Kuya, may gustong ipadagdag!  Sa Pappy Chulo, dapat daw ay song and dance, kaya't dapat kantahin ang lyrics nina Ruben, Baron, at Victor.  Sa Buttons, dapat kumanta nina Ethel, Megan, at Mariel.  Super objection si Mariel dahil ayaw nitong kumanta sa harap ng maraming tao!  Bukod sa pagkanta, magiging host din si Mariel ng programa.  Dapat si Riza ang sa Buttons, pero may "Bakit Ngayon Ka Lang" song number na nga ang Desirable Diva kasama si Will.

Heto na nga at humahagulgol na naman ang ating celebrity houseguest 


Blog EntryPinoy Big Balita Strikes Again!Nov 6, '07 1:21 PM
for everyone
Katatapos lang panoorin ng mga housemates ang funny newscasting nina Ruben at Ethel. At nakapaloob sa mga featured headlines ay ang "User Housemate", "Brawl between Jen and Marylaine on Boy & Kris" "PBB Celebrity Edition 2, Extended Ng Two Weeks", "Erap's Freedom"  and "A Housemate's Special Friend, Spotted Dating A New Girl". 

At obvious na sa  kanilang lahat ay si Mariel ang super nag-freak out. Hindi na niya napigilang umiyak nang marinig ang tungkol sa housemate's special friend na nakitang may dine-date sa Embassy. But right after the video, Mariel claims that the PBB staff are just playing with their minds.

Pero paano nga kaya kung totoo ang lahat ng kanilang narinig?

Blog EntryMusic LoverNov 6, '07 9:08 AM
for everyone
At the moment, Victor shares his passion on music and how he has missed lots of newly-released record albums now that's here inside the big yellow house. As it is, he usually goes to music stores to check them out, buying some or asking a friend abroad to send him new hits that's not yet out here on the local market.

It turns out that he became an MTV VJ through an audition. He then tells them how he simply talked about he's really involved in the music scenes. And yes, despite the fact that he stammered back then, he fortunately got the stint.

Pages:1234
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help