Pinoy 's posts with tag: nicole

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag nicole
Blog EntryTeens exerciseApr 23, '08 10:17 PM
for everyone

Ginising ang teens ng maaga ngayon at imbis na ituloy ang tulog sa sofa, aba'y nag-exercise sila! Si Priscilla at Rona ang mga naunang magexercise at inaya nila si Beauty para sumama na rin. Tamad na tamad talaga ang Rebellious Beauty at pumayag lang siya sa pagkumbinsi ng best girl bud na si Nicole. Nako Beauty hindi ka talaga papayat niyan kung hindi ka mag-exercise! Kinailangan pa siyang i-encourage ni Josef at Nicole para ipagpatuloy ang sit-ups. Sumunod rin ang boys na si Josef, Robi at Jolas na todo exercise rin sa mga machines. Tuloy-tuloy na kaya ang pagsisipag na ito?


Blog EntryTeam Robi and the cooking challengeApr 22, '08 3:45 AM
for everyone

Kung may Team Josef, mayroon ring Team Robi! Iba-iba na nga lang ang teammates nila pero nasa magkabilang team pa rin ang dating mag-BBF. Habang si Robi ang nangunguna sa pagluluto, si Beauty naman ang counterpart ni Nicole sa pagtetext. Sino kaya sa dalawang teams ang nagwagi? Mapapatunayan kaya ng Team Robi na mas masarap ang luto nila kaysa Team Josef?


Blog EntryDaily task ng housematesApr 22, '08 3:13 AM
for everyone

Ipinatawag ni Kuya sina Jolas, Josef, Nicole, Valerie at Priscilla sa storage room para kunin ang mga hinandang ingredients. Ang daily task ng teens: kailangang makapagluto sila within 30 minutes at makakahingi sila ng instructions sa guardians sa pamamagitan ng text. Nanguna si Josef sa paglulutong ito at si Nicole naman ang umasikaso sa pagtext. Napanalo kaya nila ang task na ito? Alamin mamaya sa Uber!


Blog EntryI don't wanna miss a thing...Apr 19, '08 7:21 AM
for everyone

Lumipat ng kwarto ang nagpapoging si Alex with Josef para kumuha pa ng ilang styling aids. Pumasok si Rona sa room at natawa na lang sa eksena ng dalawa na nagaayusan ng buhok. Kapansin pansin na nakasunod nanaman si Nicole kay Josef, pero wala itong imik.

Biglang napakanta si Rona ng "I Don't Want to Miss A Thing"...parinig ba ito or nataon lamang?


Blog EntryJosef, aalis na bukas?Apr 19, '08 1:20 AM
for everyone

Nag-uusap si Rona, Priscilla at Nicole tungkol kay Tita Anna na malubha na ang sakit na UTI. Tanong ni Rona kay Nicole kung aalis na daw ba si Josef bukas dahil gabi-gabi ay umiiyak ang Lethal Lasallite. Inusisa rin ng Top Debater ang katanungan ng lahat: paano na si Nicole kung umalis na si Josef? No comment naman dito ang In-Chick from Cebu. Totoo nga kaya na aalis na si Josef bukas? Abangan.


Blog EntryProblems on budgetingApr 18, '08 11:50 PM
for everyone

Inatasan si Nan, Alex at Nicole para asikasuhin ang pagbudget ng mga kakainin nila sa susunod na linggo. Bawal daw makialam ang ibang housemates kaya naman tiningnan lang nila ang tatlo. Hirap ang tatlo na isipin kung ano-anong mga ulam ang kakasya sa weekly budget na Php 3,000. Pero para kay Nan, basta may "in can" eh solve na siya. Yung iba naman nagpapahapyaw na maglagay ng sardinas. Maipanalo na kaya nila ang weekly task sa susunod na linggo para hindi na sila mamroblema sa budget?


Blog EntryJosef, nagsesenti!Apr 18, '08 4:33 AM
for everyone

Habang nageenjoy ang kapwa housemates sa kabilang kuwarto, senti mode si Josef at mukhang kanina pa nagmumuni-muni. Mukhang problemado at minsan pa ay napapaluha. Ano kaya ang saloobin ng Lethal Lasallite? Iniisip niya kaya ang tungkol sa Tita Anna niya? O di kaya ang maiiwan sa bahay na si Nicole kung sakaling magvoluntary exit siya?


Blog EntryWaking up the boysApr 18, '08 4:21 AM
for everyone

Talaga namang napakasarap magsiesta ng hapon kaya naman hindi magising ang ibang housemates kahit ano pang kulit ni Rona! Very determined ang teen debater na ito na malaman kung ano nga ba ang sikreto sa likod ng pagkawala ng mommy niya, mommy ni Priscilla at tita ni Valerie sa loob ng bahay ni Kuya. Hinagisan na niya ng unan ang mga housemates at pati si Nicole ay nakisali na rin sa paggising sa mga boys pero tulog na tulog pa rin sila! Naku, malaman kaya ng mga girls ang misteryong iyon bago pa man sila tawagin ulit ni Kuya?


Blog EntryPriscilla and Nikki are partners for the day!Apr 17, '08 9:58 PM
for everyone

Umagang-umaga pero ang dalawa naghahanda na ng pananghalian nila! Partners sila sa "Oh My Gulay" daily task at kailangan nilang lutuin ang kangkong. Si Priscilla mukha namang sanay na sanay na maghiwa ng kangkong. Si Nikki mukhang nahihirapan sa paghiwa ng sibuyas. Makayanan kaya ng sheltered In-Chick from Cebu ang paglulutong ito?


Blog EntryHousemates prepare for the surpriseApr 17, '08 2:30 AM
for everyone

Kaniya-kaniyang handa na ang housemates para sa presentation nila kay Linda! Si Ejay nagmemorize na ng kaniyang kanta at si Rona naman inaasikaso na ang mga gagamitin nilang props. Tulong-tulong sila ni Nicole at ni Josef sa paggawa nito. At ang mga housemates, may nalalaman pang pag-aalay ng bulaklak kay Linda? Hmm.. para sa ibang occasion ata ito housemates? Ang kakantahin ni Alex ay Crazy Love ng dating PBB Teen Housemate na si Kim Chiu, at yung kay Josef naman ay I Love You, Goodbye. Sana lang hindi umiral ang kakulitan ni Josef habang kinakanta ang madamdaming song na ito!


Blog EntryNicole at Josef, nagmomoment!Apr 14, '08 10:57 PM
for everyone

Panay kulitan ang dalawang teen housemates sa living room! Hindi pa man gising na gising ang dalawa pero nagkukulitan na. Kinakagat ni Josef sa braso si Nicole at inaasar naman siya ng In-Chick from Cebu na gagantihan niya ang makulit na Lasallite.  Hindi naman niya matuloy ito dahil umaaray na agad si Josef. Kayong dalawa ah iba na ito! At paano naman kayo makakatulog ng maayos niyan kung panay ang kulitan?


Blog EntryMas gwapo BF ko...Apr 13, '08 5:35 AM
for everyone

Tinanong ng mga girls si Nicole tungkol sa bf niya. Mas gwapo daw ba ito ke Josef? Umoo si Nikki na mas gwapo nga ang boyfriend niya sa labas. Close din daw ito sa mom niya. Pero aalis na papuntang London ang bf niya for college.

Dahil ba dun kaya napapabaling sa iba ang atensyon ni Nikki?


Blog EntryMaging Sino Ka ManApr 9, '08 6:33 AM
for everyone
Talaga namang pairing kung pairing na sa loob ng bahay. Isang makabagdamdaming Maging Sino Ka Man ang i-prinesent naman nina Josef, Nikki, Val at Ejay ke Daddy Hans. At dilang basta song number ha, me matching titigan at yakapan pa...hmm...Umuusbong na ba ang Big Brother Love?

Blog EntryWhat's with the headband Josef? Apr 9, '08 6:29 AM
for everyone
Naku mukhang nawili si Josef sa pagsuot ng headbang ni Nicole na pansin na pansin naman ni Kuya. Kahit sa task, loob ng bahay, sa kusina, aba di na niya ito ibinalik pa sa may-ari... kaya ayun tuksong umaatikabo ang inabot niya ke Big Bro sa loob ng confession room. Yihee..si Nicole pala ha...

Blog EntryKevin in make-up!Apr 9, '08 2:20 AM
for everyone

Pinagtripan ng girl housemates ang Spanish Stallion na si Kevin! Nilagyan siya ng make-up at para daw ito sa presentation. Mukhang natapos rin ang pagtatampo ni Nicole kay Kevin dahil siya ang nangunguna sa pagmmake-up dito. Tawang tawa ang mga girls habang si Kevin naman tahimik na nakapikit. Very willing naman siya at game dito. Ikaw na kaya Kevin ang papalapit kay Josef na make-up King?


Blog EntryNagmomoment si Josef at Nicole!Apr 8, '08 11:58 PM
for everyone

Hindi mapaghiwalay si Josef at Nicole! Habang nagkukuwento si Daddy Hans, patuloy na minamasahe ni Josef ang kamay ni Nicole. Pagkatapos naman nito ay inaayos ang buhok ng pretty In-Chick from Cebu. At balik nanaman si Josef sa pagmamasahe. Niloko pa niya kunwari si Nicole at sinabing may charge daw ito per hour. Mapapansin na very close ang dalawa lately, maging more than just friends kaya ang dalawa? Kayo, agree ba kayo sa Josef-Nicole tandem?


Blog EntryMore, More, More!Apr 8, '08 10:19 PM
for everyone

Todo hakot ang mga housemates ng mga pagkain sa storage room nang pinayagan sila ni Kuya pumasok dito! Kaniya-kaniyang strategy ng pagkuha ng mga chichirya. Andiyan si Priscilla na pinuno ang jacket niya hanggang sa nag-uumapaw na ang pagkain. Si Nicole naman iilan lang ang kinuha. Marami ring nakuha si Beauty pero ang kumain ang close guy friends na si Kevin at Alex. Mukhang iyan ang tamang strategy!


Blog EntryLet's do the Bunot Dance!Apr 8, '08 4:54 AM
for everyone

Ceasefire muna ang Team Robi at Team Josef at nagpractice muna ang 7 housemates sa bunot dance nila! Kasama sa pitong ito ay si Jieriel, Nicole, Linda, Kevin, Ejay, Robi at Jolas.Ibang-iba na ang steps mula sa original na choreography ni Jolas. Kitang-kita ang teamwork sa pagsabay-sabay nila ng bilang at pagmomotivate ng kapwa housemate. Mukhang winner ang housemates sa task na ito! Abangan ang Uber para sa buong Bunot Dance!


Blog EntryThe story behind Priscilla's jerseyApr 8, '08 12:39 AM
for everyone

Pagpasok ng mga housemates sa kuwarto ng girls, napansin ni Josef na nakajersey si Priscilla. At ang numero pa nito ay five. Tanong tuloy ng imbestigador na si Josef kung ano ang kuwento ng numerong ito. Dahil hindi sinagot ni Priscilla, ang Lethal Lasallite na ang gumawa ng kuwento. Aba at hindi rin nakaligtas si Priscilla sa pang-aalaska ni Josef - Ang number five daw ay numero din ng basketball player na housemate na si Jolas! Kaya naman si Beauty at si Nikki panay YIHEEEE kay Priscilla! Sino nga ba talaga ang gusto ni Priscilla, si *INO ba na nakatattoo sa likod niya, si Ejay o si Jolas?


Blog EntryNicole and Jieriel calls Josef for help!Apr 7, '08 11:24 PM
for everyone

Nagising na lang si Jieriel na mayroon siyang stiff neck! Kaya naman si Josef tinulungan ang Bubbly Girl ng Davao at pinahiran ng gamot ang stiff neck niya. Mukha atang may naipit na ugat sa leeg si Jieriel.

Si Nicole naman mayroong task na binigay si Kuya at nagpatulong siya kay Josef na i-explain ito. Willing naman ang Lethal Lasallite na turuan ang shy In-Chick from Cebu. Very close ang dalawa lately, hindi kaya magselos si Nan na lantarang naghahayag na crush niya si Nicole? Ahem.


Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help