Pinoy 's posts with tag: riza santos
Sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na Celebrity Big Four sa Araneta Coliseum! Ano na mga kuyanatics! Sino ang biggest bet niyo for the Big Win? Dahil cut-off na ang voting, Big Winner na nga si Housemate B, 2nd Big Placer si Housemate C, 3rd Big Placer si Housemate A at 4th Big Placer si Housemate A.
Ang tanong, sino naman kaya kina Gaby, Riza, Ruben at Will ang nagmamay-ari ng pinakamswerteng tally of votes ngayon gabi? Tutukan ang pinakahihintay nating moment of glory ng inyong paboritong celebrity housemate only on ABS-CBN!
Hindi naman nakalusot si Riza sa panggagaya ni Giselle Sanchez. Exaggerated na ginaya nito ang "hobby" ni Riza na laging nagme-make-up including her purity confession at kung paanong naikwento niya na never pa siyang nakakakita ng potoytoy. Later ay umeksena naman si Ethel bilang Mrs. Santos para ipakita ang nakakagulat na reaksyon ni Riza noong bumisita ang mommy niya sa bahay ni kuya bago mag-Pasko. At gaya noong araw na iyon, nilabas ni Giselle ang loud side ni Riza na sa totoo ay excited lang talagang makasama ang kanyang ina. Finally, tinakot din niya si Ethel na sinabing magpapakasal na sila ni Will sa pamamagitan ng nakakagulat niyang "Oh my God!"
Pagdating kay Ruben ay ipinakita ng isang stand up comedian na si Richie Chan kung paanong hiniling niya kay kuya na magkita-kita muli ang kanyang ina, lola at tita na dalawang dekada ng nawalay sa isa't-isa. Dumating rin si "Angel" na nagsilbing tulay para maikasal si Ruben sa kanyang asawa na si Jeselle. Sumunod nga dito ay ang kanyang proposal na syempre ay naging katatawanan para sa special skit na ito. Ang pagiging Family Man nga ba ng Komedyanteng Promdi ang makakapagpaangat sa kanyang buhay sa gabing ito? O mas lumalamang pa rin ang ibang contenders for the Big Win compared sa kanya?
Tuloy-tuloy lang po ang pagtetext ng inyong boto dahil sa ngayon ay nangunguna pa rin si Housemate B with 31.96% of votes, sumunod si Housemate C with 27.47%, Housemate A ay pumapangatlo with 25.82% at nahuhuli naman si Housemate D with 14.75%.
So far ay hindi pa naman gumuguho ang coin tower ng Big Four. In truth, tinulungan pa nga sila ni Bianca sa pagdagdag ng mga barya rito. Pero napanansin ni Gaby na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapatawag ang Uber host sa confession room. Ayaw rin naman daw ni Bianca na siya na mismo ang lumapit kay kuya dahil natatakot rin siya sa sasabihin sa kanya. Kaya ayan, nakikipagchikahan na muna siya sa mga girls. Di tulad ng classic reaction nila Toni at Mariel dati, kalmado si Bianca dahil sabi niya wala na siyang ikaka-overreact dahil patapos na rin ang show in two days time.
Walang masyadong pinagkaka-abalahan ang ating five celebrity housemates. Habang umiidlip sina Will, Jon, Gaby, at Ruben sa may garden ay naglinis na lang itong si Riza sa kitchen. Matapos nga makapag-make up ay dumiretso ang Fil-Canadian beauty queen sa kusina at nilinis ang lababo pati na ang dining table. Para maaliw sa ginagawa ay kumanta pa itong si Riza ng mga Gospel songs na parang dinadasalan lang niya ang lamesa. Makakanta pa kaya siya kapag inihayag na ang resulta ng final eviction mamayang gabi?
Hindi naman masyadong makarelate itong si Ruben sa dalawang hunks kaya tahimik nalang din siyang nagbibilang ng barya sa kabilang mesa. Hanggang sa napansin niya na tila bihis na bihis ang dalawang girls. Itong si Gaby at si Riza kasi ay tila may special task na gagawin dahil pareho pa silang binigyan ng bonggang pink dress ni Kuya! Ayaw naman nilang aminin kung may okasyon ba silang dadaluhan or what. Kaya itong si Will nasabi nalang, "Don't leave without saying goodbye ha!"
It's the last day of 2007, at maski sa loob ng bahay ni Kuya ay ramdam din ng natitirang limang celebrity housemates ang excitement para sa New Year. Napagkwentuhan nina Gaby at Riza ang mga tradisyon sa Pilipinas sa pagsalubong sa bagong taon. Dahil laki sa Canada, si Riza ay walang alam kung anong oras nagsisimula ang fireworks. Kwento ni Gaby ay as soon as magdilim, nagsisimula na ang mga tao na magpaputok, at titindi ang ingay ng putukan pagdating ng midnight at magtatagal hanggang alas dos ng madaling araw. Humuling nga si Riza na sana ay ipapanood sa kanila ni Big Brother ang countdown para kahit papaano ay makasabay nila ang buong bansa sa pagsalubong sa 2008. Pero hindi pa nga sure kung paano magbabagong taon ang mga housemates dahil may tensyon pa rin sa pagitan nila at ni Kuya.
Na-miss ng mga housemates ang boses ni Kuya dahil hindi sila kinakausap nito. Feeling kasi nila ay galit pa siya dahil hindi nila sinagot ang isa sa kanyang Big Questions kagabi. Tuloy mukhang mapaparusahan sila ngayon. Dahil sa gitna ng pag-idlip nila kanina ay inanunsyo ni Jon na kailangan daw nilang basahin muli ang Rule Book para ma-review ang lahat ng violations na nagawa nila. Hindi sila pinayagang pag-usapan kung ano man ang dapat nilang pagbayaran pero hindi napigilan ni Ruben na imungkahi na ang rules sa paggamit ng lapel mic ang siguradong lagi nilang navaviolate. Maya-maya ay isa-isa nga silang papasok sa confession room para kausapin si Kuya tungkol dito. Anong mga parusa kaya ang naghihintay kina Ruben, Gaby, Will, Riza at Jon?
Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin. Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw. Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.
Nagpahinga lang ang mga celebrity housemates sa kanilang pictorial weekly task ay heto na naman at nakasalang for a make up session sina Gaby at Riza,at si Mariel sa secret room! Talagang nag-hire pa si Big Brother ng mga professional make-up artists at hairdressers para ayusan ang ating mga housemates. Ang tanong ay kung para saan nga ba ang super prep na ito? Abangan ang kwento sa PBB Official Website.
Late na nga nakapag-dinner ang mga housemates dahil busy sila buong gabi sa kanilang weekly task. Pagkakain ay dumirecho na agad ang girls sa garden kung saan naglagay ng halloween backdrop sina Riza at Will kanina. Sobrang metikuloso nga ng kanilang photographer na si Ruben dahil hindi ito nakuntento sa isang anggulo lang. Na-capture naman kaya ng comedian ang perfect shot na hinahanap niya?
Hindi pa ito ang actual pictorial ng celebrity housemates para sa kanilang Halloween month pero tuwang-tuwa na agad ang mga girls sa effect ng kanilang make-up at costumes. Stand out nga si Ethel sa kanyang all-white gown pero syempre, hindi naman nagpatalo si Gaby na mistulang yaya-killer according to Ruben. Maging si Riza ay litaw pa rin ang likas na kagandahan kahit na mangkukulam ang karakter niya sa photo shoot mamaya. At dahil natapos na rin nila ang pagcapture ng grad scene kanina, apat na sessions nalang ay tapos na nila ang kanilang weekly task! Magustuhan naman kaya ni kuya ang magiging printouts ng kanilang pictures?
Ang February cover naman ang ginagawa ng ating mga celebrity housemates. Syempre, for the month of love, dapat lang na ang mga loveteams inside Kuya's house ang nasa cover. Nag-pair sina Will at Riza at sina Jon at Mariel at pumwesto sa may fireplace para makumpleto ang romantic atmosphere ng photo shoot. Pero mukhang hindi kuntento ang photographer na si Ethel sa kinalabasan ng picture. Gusto niya sana ay nasa labas ang setting, at itong si Mariel, nagbiro pa na kung gusto nila ng romantic ay sa cheap motel na lang ang setting.
For a while ay na-hotseat si Riza nina Will at Baron habang kumakain ng leftover paella kasama ang ibang housemates. Naikwento kasi ng Canadian beauty na parehong cool ang kanyang parents at mahilig pa nga daw magpatawa ang mga ito. Later ay ininvite din niya ang lahat to visit her own house in Canada, na ngayon nga ay pinarerentahan niya habang wala siya doon. Bigla namang umentra itong si Ethel na nagpakasweet kay Will. Kaya lang hindi pa rin siya umubra dahil pabirong sinabi nito, "Alex loves you!" para lang tantanan na siya. Paano na kung malaman pa niyang si Riza ang pinili ni Will maging bride at siya ay ginawang flower girl lamang? Laking gulo at katatawanan siguro kapag nagkataon!
Two weeks na lang bago ang inaabangang Big Night. Pero sa anim na natitirang celebrity housemates, isa lang ang tatanghaling Celebrity Big Winner. Nasa iyong kamay ang magiging katapusan ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Maaari mo nang iboto kung sino kina Gaby, Jon, Riza, Will, Baron, at Ruben ang gusto mong mapabilang sa Big Four at maging Big Winner. I-text lang ang BB Gaby, BB Jon, BB Riza, BB Will, BB Baron, o BB Ruben sa 2331 (Globe, TM and Sun Cellular) o 231 (Smart, Talk N Text). Maaari ring bumoto online sa PBB Official Voting Page o gamit ang mga PBB Vote Cards na mabibili sa lahat ng SM department stores. Pwede ka ring bumoto at manalo ng one million pesos sa Globe PBB Celebrity Voting promo! I-text lang ang GBB (name of your chosen housemate) sa 2366 para makapag-download ng PBB picture messages (P15.00/download) at bigyang ng automatic 10 votes ang iyong paboritong housemate. Bawat download ay makakakuha ka ng 1 raffle entry para mapanalunan ang isang milyong piso!
Hindi maalis-alis ang ngiti ni Riza dahil nandito nga sa bansa ang kanyang buong pamilya para ibigay ang kanilang full support para sa kanya. Siguradong mas lalakas ang loob ng Canadian Beauty dahil hindi lang basta letter ng dad niya ang pinanghahawakan niya ngayon. Maging sina Ethel ay sinabing natouch daw siya sa kanilang mag-ina. Obvious kasi ang closeness nila sa reaksyon ni Riza na umaktong parang bata sa tuwa. Sa puntong iyon ay kita rin kay Will ang tuwa niya para sa ka-close na housemate. Sino naman kaya ang dadating para kay Will?
Pinag-stay nga ni Big Brother ang mga celebrity housemates sa boys' bedroom, at habang sila ay naghihintay, partner partner na naman silang magkakatabi sa mga kama. Sinasabayan ni Jon si Mariel sa pagbasa ng libro habang si Riza naman ang masayang nakikipagkwentuhan kay Will. Wala namang magawa si Ethel kaya nakuntento na lang siyang makipagkulitan sa katabing si Baron. Pero napansin yata ni Kuya na sina Jon at Mariel ay parang nagho-holding hands sa ilalim ng kumot kaya't biglang pinatugtog ang "Magkayakap sa Dilim" ng Orange and Lemons.
Wala pa ngang masyadong ginagawa ang mga celebrity housemates, kaya't nagluto na lang si Riza ng lunch. Heto nga ang Fil-Canadian beauty at ang kanyang kontrobersyal na mga patatas na ubod ng linis! Pero habang binabalatan ang mga patatas, kumanta pa si Riza ng ilang love songs at Christmas songs para aliwin ang sarili.
Masayang nagkwekwentuhan sina Will at Riza habang busy ang una sa kanyang turn sa kanilang weekly task. This time, mas aware na ang dalawa sa pagtatagalog dahil ilang beses na naman silang na-warningan ni kuya kagabi. At ngayon nga, nakahanap ng tiempo ang Canadian Beauty Queen para ipaliwanag sa kanyang "ka-loveteam" ang naramdaman niyang slight irritation kay Ethel dahil sa pagma-mock nito sa kanya. What's more, inamin na rin niya na may gusto nga siya kay Will, na nabanggit niya kay kuya a month ago! Aware kasi siya na napanood ni Ethel ang confession nyang yun noong nagvoluntary exit ang huli kaya nagaya nito yun during their impersonation task. Ano naman kaya ang maging reaksyon ni Will ukol dito?
Wala pang masyadong ginagawa sa loob ng bahay ni Kuya, marahil ay nagluluksa pa rin ang mga celebrity housemates sa pag-alis ni Yayo dahil sa pagpanaw ng kanyang ina. Habang ang iba ay busy sa tread mill para sa kanilang weekly task, si Riza ay pinagdiskitahan na lang ang kanyang buhok. Mukhang level up na talaga ang silent hair war nina Riza at Ethel dahil ngayon, si Riza naman ang nagkukulot ng buhok. Girls, ito ba talaga ang paraan niyo para ma win si Will? Baka nakakalimutan niyo na naturally curly din ang buhok niya.
 Kanina ay nanguna si Jon sa paggamit ng treadmill pagkatapos nilang kumain. This time ay si Riza naman ang partner niya na mukhang nagopen up tungkol sa nangyaring impersonation ni Ethel sa kanya. Ang secretive na former beauty queen ay hindi na napigilang sabihin kay Jon kung paanong inamin niya kay Kuya noon na medyo nagkagusto siya kay Will. May balik kasi siyang komprontahin tungkol dito pero pinayuhan siya ni Jon na huwag ng ungkatin pa ang issue dahil baka lumala pa. Na-offend nga kaya si Riza sa mga panggagaya sa kanya ng "ultimate kahati" niya sa puso ng kanyang crush?
| |