Pinoy 's posts with tag: ruben gonzaga

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag ruben gonzaga
Blog EntrySino ang tatanghaling Big Winner this edition?Jan 5, '08 9:52 AM
for everyone
Sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na Celebrity Big Four sa Araneta Coliseum! Ano na mga kuyanatics! Sino ang biggest bet niyo for the Big Win? Dahil cut-off na ang voting, Big Winner na nga si Housemate B,  2nd Big Placer si Housemate C, 3rd Big Placer si Housemate A at 4th Big Placer si Housemate A.

Ang tanong, sino naman kaya kina Gaby, Riza, Ruben at Will ang nagmamay-ari ng pinakamswerteng tally of votes ngayon gabi? Tutukan ang pinakahihintay nating moment of glory ng inyong paboritong celebrity housemate only on ABS-CBN!



Blog EntrySino ang wagi sa Big Night? (part 2)Jan 5, '08 9:27 AM
for everyone
Hindi naman nakalusot si Riza sa panggagaya ni Giselle Sanchez. Exaggerated na ginaya nito ang "hobby" ni  Riza na laging nagme-make-up including her purity confession at kung paanong naikwento niya na never pa siyang nakakakita ng potoytoy. Later ay umeksena naman si Ethel bilang Mrs. Santos para ipakita ang nakakagulat na reaksyon ni Riza noong bumisita ang mommy niya sa bahay ni kuya bago mag-Pasko. At gaya noong araw na iyon, nilabas ni Giselle ang loud side ni Riza na sa totoo ay excited lang talagang makasama ang kanyang ina. Finally, tinakot din niya si Ethel na sinabing magpapakasal na sila ni Will sa pamamagitan ng nakakagulat niyang "Oh my God!"

Pagdating kay Ruben ay ipinakita ng isang stand up comedian na si Richie Chan kung paanong hiniling niya kay kuya na magkita-kita muli ang kanyang ina, lola at tita na dalawang dekada ng nawalay sa isa't-isa. Dumating rin si "Angel" na nagsilbing tulay para maikasal si Ruben sa kanyang asawa na si Jeselle.  Sumunod nga dito ay ang kanyang proposal na syempre ay naging katatawanan para sa special skit na ito. Ang pagiging Family Man nga ba ng Komedyanteng Promdi ang makakapagpaangat sa kanyang buhay sa gabing ito? O mas lumalamang pa rin ang ibang contenders for the Big Win compared sa kanya?

Tuloy-tuloy lang po ang pagtetext ng inyong boto dahil sa ngayon ay nangunguna pa rin si Housemate B with 31.96% of votes, sumunod si Housemate C with 27.47%, Housemate A ay pumapangatlo with 25.82% at nahuhuli naman si Housemate D with 14.75%.



Blog EntryCaptured MomentsJan 5, '08 4:35 AM
for everyone

Excited na pinirmihan ni Ruben at Will ang calendar na ginawa nila kasama ang celebrity houseguests na sina Mariel at Ethel! Cute na cute nga ang snapshots nila featuring various events and celebrations kasama ang inyong paboritong housemates of course! Limited lang ang collector's item na ito kaya better grab a copy later at the Big Dome around 7pm!


Blog EntryBorlog muna ang guardiaJan 4, '08 12:42 PM
for everyone

Meron pa kayang pagdadaanang challenges ang Big Four matapos nilang maitayo ang torre ngayong gabi? Paminsan-minsan ay tinatakot sila ng mga ninjas na tila balak na naman atang lusubin ang kanilang construction project. Sa ngayon ay mukhang safe na ito sa mga unknown intruders. Pero syempre binabantayan pa rin ito ni Ruben habang sina Riza at Gaby ay busy na sa kanilang beauty preparations for the Big Night.

Hay... Kelan naman kaya ang turn nila Ruben at Will na inantok na sa kahihintay sa dalawa!


Blog EntrySing when you're cleaningJan 1, '08 11:37 PM
for everyone

Walang masyadong pinagkaka-abalahan ang ating five celebrity housemates.  Habang umiidlip sina Will, Jon, Gaby, at Ruben sa may garden ay naglinis na lang itong si Riza sa kitchen.  Matapos nga makapag-make up ay dumiretso ang Fil-Canadian beauty queen sa kusina at nilinis ang lababo pati na ang dining table.  Para maaliw sa ginagawa ay kumanta pa itong si Riza ng mga Gospel songs na parang dinadasalan lang niya ang lamesa.

Makakanta pa kaya siya kapag inihayag na ang resulta ng final eviction mamayang gabi?


Blog EntryGirls in pinkJan 1, '08 7:47 AM
for everyone

Hindi naman masyadong makarelate itong si Ruben sa dalawang hunks kaya tahimik nalang din siyang nagbibilang ng barya sa kabilang mesa. Hanggang sa napansin niya na tila bihis na bihis ang dalawang girls. Itong si Gaby at si Riza kasi ay tila may special task na gagawin dahil pareho pa silang binigyan ng bonggang pink dress ni Kuya! Ayaw naman nilang aminin kung may okasyon ba silang dadaluhan or what. Kaya itong si Will nasabi nalang, "Don't leave without saying goodbye ha!"


Blog EntryBarya-barya langDec 30, '07 3:02 AM
for everyone

Nagkalat nanaman ang coins sa bahay ni kuya. Pero this time, sa floor pool lahat ito matatagpuan. Pinagkukumpol-kumpol nga ni Ruben ang coins para mas madali nila itong makukuha mamaya. Si Gaby biglang nagbiro na paano kaya kung sabihin daw ni Big Brother na pinuno niya ang buong bahay ng worth P1M na coins at mapapasakanila ang lahat ng kaya nilang kunin!

Samantala, medyo bored na nga ang mga housemates dahil wala pa rin silang activity ngayon. Kaya naman si Gaby naisipan nalang na magjogging muna bago inayang magswimming si Ruben maya-maya.  


Blog Entry"Judgment Day" for the Celebrity Big FiveDec 30, '07 12:26 AM
for everyone

Na-miss ng mga housemates ang boses ni Kuya dahil hindi sila kinakausap nito. Feeling kasi nila ay galit pa siya dahil hindi nila sinagot ang isa sa kanyang Big Questions kagabi. Tuloy mukhang mapaparusahan sila ngayon. Dahil sa gitna ng pag-idlip nila kanina ay inanunsyo ni Jon na kailangan daw nilang basahin muli ang Rule Book para ma-review ang lahat ng violations na nagawa nila. Hindi sila pinayagang pag-usapan kung ano man ang dapat nilang pagbayaran pero hindi napigilan ni Ruben na imungkahi na ang rules sa paggamit ng lapel mic ang siguradong lagi nilang navaviolate. Maya-maya ay isa-isa nga silang papasok sa confession room para kausapin si Kuya tungkol dito.

Anong mga parusa kaya ang naghihintay kina Ruben, Gaby, Will, Riza at Jon? 


Blog EntryHongkong honeymoon para kina Ruben at Jeselle!Dec 29, '07 4:55 AM
for everyone

Matapos nga ang hilarious na speech ni Ethel para sa bagong kasal, tinawag niya sa harap si Ruben upang ibigay ang special na regalo. Iniabot ni Ethel ay round-trip ticket for two to Hongkong kay Ruben.  Nagulat nga ang komedyante at halos maluha sa pagka-touch sa regalo.  Niyakap ni Ruben si Ethel bilang pasasalamat dahil for the first time ay makakarating siya sa Hongkong kasama ang kanyang pinakamamahal na kabiyak.


Blog EntryRuben, lapitin ba ng tukso?Dec 29, '07 4:42 AM
for everyone

Inimbitahan nga ni Big Brother ang mga pamilya at kaibigan nina Ruben at Jesselle na magbigay ng kanilang mga messages sa bagong kasal.  Ang isa sa mga bilin ng ina ni Jeselle sa kanya ay maging pasensyosa at huwag maging selosa, lalo na ngayon at baka tuluyan nang pumasok sa showbiz ang kanyang komdeyanteng mister.  Ayon sa ina, kung mayroon mang ipareha kay Ruben at isipin na lang ni Jeselle na trabaho lang ito, at lahat naman ng pagsusumikap ni Ruben ay para rin sa kanilang pamilya.

E paano na nga kaya ang kwelang tambalan nina Ruben at Ethel?!


Blog EntryMabuhay ang bagong kasal!Dec 29, '07 3:40 AM
for everyone

Matapos nga ang matagal na paghihintay ay lumabas na sina Mr. and Mrs. Ruben Gonzaga. Sinalubong sila ng mga celebrity housemates at ng ilang kamag-anak ng isang masaya at mainit na pagbati.  Si Ethel naman ay nagbiro pa na dahil siguro sa tagal nina Ruben at Jeselle sa secret room ay baka nag-honeymoon na sila.

Sumunod na nga dito ang sweet dance ng bagong mag-asawa to the tune of Grow Old With You. Syempre, mawawala ba naman ang matamis na kiss ng dalawa.


Blog EntryReception sa bahay ni Kuya!Dec 29, '07 3:30 AM
for everyone

After nga ng kasal sa simbahan ay nagbalik na ang ating celebrity housemates sa bahay.  Nagulat nga silang lahat na may naka set-up sa living room na mukhang sa loob nga ng bahay gaganapin ang reception.  Syempre, mapipigilan ba naman ang ilan sa kanilang silipin kung ano ang mga nakahandang pagkain.  Maya-maya pa ay sinabihan na sila ni Big Brother na salubungin ang mga kamag-anak nina Ruben at Jeselle na makakasama nila sa kainan.

Pero nasaan na nga ba ang bagong kasal?


Blog EntryOne step closer to the Big FourDec 29, '07 12:43 AM
for everyone

Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin.  Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals.  Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner?

To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers.  Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide.

Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw.

Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.


Blog EntryPretty in pinkDec 29, '07 12:38 AM
for everyone

After mag make-up ay isinuot na ng mga girls ang kanilang beautiful pink dresses para sa kasal ni Ruben (read the full story on the PBB Official Website).  Si Mariel ang na-surprise nang makita kung gaano kaganda si Gaby nang naka-ayos at naka-dress.  Medyo ilang nga ang race-car chick na ilugay ang kanyang buhok, pero sinabihan naman siya ng pretty TV host na mas bagay sa kanya ang nakalugay.  Dinala rin ni Gaby ang kanyang shades ayon na rin sa suggestion ni Big Brother.

Samantala, nagkakaproblema naman si Ethel kung paano pagkakasyahin ang kanyang dibdib sa masikip na pink dress.  Nagbaon ang sexy-comedienne ng maraming safety pins dahil mahirap nang magka-wardrobe malfunction sa simbahan at baka sitahin pa siya ni Father.


Blog EntryThe groom's prayerDec 28, '07 10:31 PM
for everyone

Bago tawagin ni Big Brother si Ruben para maghanda sa kanyang kasal ay nakasalo pa ng komedyante ang mga celebrity housemates sa isang simpleng lunch.  Si Ruben ang nag-lead ng prayer kung saan siya ay nagpasalamat sa mga biyayang ibinigay sa kanya ng Diyos at ni Kuya.  Pinasalamatan din ni Ruben ang mga housemates sa kanilang friendship at support.  Afterwards, all the housemates wished him all the best sa kaniyang bagong buhay bilang ganap na family man. Pagkatapos ay tinawag na nga ni Big Brother si Ruben at pinapunta sa secret room para siya ay makapagbihis na.

Antabayanan sa PBB Official Website ang mga mangyayari sa kasal ni Ruben.


Blog EntryRuben's simple lifeDec 28, '07 12:55 PM
for everyone

Habang nasa confession room si Jon ay itinuloy nina Will at Ruben ang kwentuhan. Kahit hirap sa buhay, hindi daw pinangarap ng huli na maging mayaman at alam daw ni Jesselle yun. "Basta buhayin ko kayo ng mga anak ko okay na ko dun," sabi daw niya sa kanyang partner. Ang isa pa niyang goal ay yung makasal nga sila na bukas nga ay matutupad na rin sa wakas. Marami talagang naging pagbabago sa buhay niya mula ng sumali siya sa PBB. Naaalala niya tuloy ang trabaho niya sa Davao. Pinakamalaking kinita niya yung isang buwan na may raket siya bilang host sa isang malaking competition. At yung TF daw niya, ginastos daw niya para sa binyag at birthday ng kanyang dalawang anak. 

Ganun lang kasimple ang gusto niya, ang mapasaya ang kanyang pamilya.  


Blog EntryAng bongga ng kilay ni Ruben!Dec 28, '07 2:51 AM
for everyone

Habang ay iba ay super busy sa pagpapaayos sa mga make-up artists at hairdressers, nagprisinta naman itong si Ethel na ayusin ang kilay ni Ruben. Gamit ang razor, inahit ng sexy-comedienne ang kilay ng groom to be.  Tamang tama nga ito para kapag hinarap ni Ruben ang kanyang bride na si Jeselle ay bongga pareho ang mga kilay nila.  Biro pa ni Ruben, sa lahat ng ikakasal, siya lang ang walang kaalam alam sa mga mangyayari sa sarili niyang kasal.

E Kuya, ano ba talaga kasi ang plano mo kay Ruben?!


Blog EntryNot the marrying type?Dec 27, '07 10:54 PM
for everyone

Sa kalagitnaan ng baking task ay nakapag-usap itong sina Mariel at Gaby about marriage.  Dala na rin sa wedding mood sa loob ng bahay dahil sa nalalapit na kasal ni Ruben, napag-usapan ng two girls ang kanilang views on marriage.  Si Mariel ay umaming baka matagalan pa nga kung siya ay magpapakasal, tulad na rin ng biro niya kay Ms. Penk noong nakaraan.  Naisip ni Mariel na marami pa siyang gustong gawin para makapag-focus sa career.  Ito namang si Gaby ay naikwento na malamang four or five years from now, she still sees herself chasing some dreams.  Mahirap nga para sa race-car chick na makahanap ng guy na makakaunawa sa demands ng kanyang career on the race track.

Don't worry girls, baka somewhere out there ay nariyan ang inyong Mr. Right.


Blog EntrySearching for the best poseDec 27, '07 1:03 PM
for everyone

Nag-pack up na ang mga housemates dahil pagod na rin sila sa kakapose at kakangiti sa camera. Ngayon nga ay nirereview ni Will ng husto ang mga pictures na sa tingin niya ay dapat mapili para sa kanilang calendar compilation. Marami daw kasing maganda yung kuha kaya lang may minor defects. Tinanong niya ang opinion ni Mariel about it pero sabi naman ng pretty houseguest, okay lang sa kanya kahit ano basta hindi siya magmumukhang mataba sa pic. Maging si Jon ay hindi rin gaanong concerned sa ifi-feature na photos.

Don't worry housemates, photogenic naman kayong lahat kaya walang problema.

 


Blog EntryOktoberfest in December?Dec 26, '07 11:11 PM
for everyone

Tuluy tuloy pa rin ang ating mga celebrity housemates sa pagtapos ng kanilang 2008 calendar weekly task.  This time ay ang October photo cover naman ang kanilang ginagawa.  Si Ethel ang kumuha ng litrato featuring the four boys in an Oktoberfest theme.  Multinational nga ang costumes nina Baron, Ruben, Will, at Jon at magkakasamang silang nag-pose na parang nagiinuman. Mayroon pa silang beer keg para makumpleto ang drinking spree pictorial.

Baron, baka naman sa pictorial na yan e malasing ka pa?!


Pages:123456
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help