Pinoy 's posts with tag: weekly task

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag weekly task
Blog EntryAng tamang daan ayon kina Robi, Rona, at KevinApr 14, '08 3:50 AM
for everyone

Matapos pagtiyagaan nina Robi, Rona, at Kevin na pag-aralan ang malawak na maze sa activity area ay bumalik sila sa pool para ituro sa ibang housemates ang tamang daan para makalabas sa maze.  Idinitalye ng tatlo ang mga point kung saan dapat ay mag turn sa left o sa right, at mayroon ding zigzag na daan.  Nakadalawang matagal na subok sina Robi, Rona, at Kevin sa maze, at mukhang delikado pang makalimutan nila ang tamang daan.  Ang ibang teens naman ay parang hindi naa-absorb ang mga instructions ng tatlo dahil wala silang mental picture ng actual maze.


Blog EntryWeekly Task: Three Bilnd MazeApr 14, '08 3:21 AM
for everyone

Sa pagsisimula ng week four sa loob ng bahay ni Kuya ang ibinigay na ang bagong weekly task sa mga teen housemates.  Sa Three Blind Maze, may hanggang Friday ang mga teens para pag-aralan ang isang mga malaking maze habang naka-blind fold.  Kailangan nilang kabisaduhin ang pasikot sikot sa maze at sa Friday ay pipili sila ng tatlong housemates na papasok sa maze na nakapiring ang mata.  Kapag isa sa tatlong representatives ang hindi makatapos ng maze sa nakatakdang oras ay talo sila sa weekly task.

Hindi kaya magkaligaw ligaw ang mga teens sa task na ito ni Kuya?


Blog EntryBili na sa Teen-dahan ni Kuya!Apr 11, '08 1:56 AM
for everyone

Mga Kuyanatics, sugod na sa harap ng PBB House para mabili ng mga limited edition PBB Notebooks.  Bukas ang Teen-dahan ni Kuya para sa Kapamilya from 4 PM to 10 PM daily kung saan mabibili ang mga notebooks na ginawa ang na-autograph ng mga teen housemates! Ang proceeds ay mapupunta sa mga piling indegenous public school children. 

Samantala, malapit na ring mabili ang mga tin-dyed shirts na kasalukuyang tinatapos ng mga teens.  Hindi mo lang mapapasaya ang mga housemates, makakatulong ka rin sa LOL - Libreng Operasyon sa Laoag kung saan maraming Kapamilyang may karamdaman ang mabibigyang lunas. Kaya ano pa ang hinihintay niyo, bili na sa Teen-dahan ni Kuya!


Blog EntryGabundok ng damitApr 11, '08 12:50 AM
for everyone

Puspusan na nga ang pagtatahi ng mga teens sa mga nagawa nilang tin-dyed shirts dahil palapit na rin ang deadline na ibinigay sa kanila ni Kuya.  Ito na ang third weekly task ng mga housemates, at so far, wala pa silang naipapanalo.  Mukhang madami nang damit ang natatapos ng mga housemates, pero syempre, si Big Brother pa rin ang magde-decide kung pasado ba o bagsak na naman ang mga teens sa kanilang task.  Tutukan ang magiging resulta ng third weekly task sa PBB Official Website.


Blog EntryGwardyado na ang towerJan 3, '08 8:44 AM
for everyone

Hindi nga mga ninja ang sumabotahe sa coin tower ng Big Four kundi mga invisible enemies na biglang nagbato ng mga basketballs sa may garden. Fortunately ay wala namang tumama pero kaagad namang gwinardyahan nila Riza at Bianca ang coin tower. Nangyari ang di inaasahan noong binabantayan ni Ruben ang coin tower habang busy ang iba sa pagpalit ng lapel batteries. Nakalusot naman ang mga bola nang tinawag siya sandali ni kuya sa confession room!


Blog EntryBetter defend your tower guys!Jan 3, '08 8:21 AM
for everyone

Habang kumakain ang mga housemates ay inassure sila ni Bianca na hinding-hindi niya gagalawin ang coin tower dahil takot lang daw niyang harapin sa ulit for an interview paglabas nila ng bahay ni kuya. Ang awkward naman daw nun. Pero dahil nga naiwang walang nagbabantay sa kanilang project ay mabilis na lumabas sila nang marinig nilang tila gumagalaw ang giant door sa garden. Hm... Gusto kayang sirain ni kuya ang coin tower ng kanyang boarders? Paranoid lang ba ang housemates o tumama kaya ang kanilang instinct?


Blog EntrySearching for the best poseDec 27, '07 1:03 PM
for everyone

Nag-pack up na ang mga housemates dahil pagod na rin sila sa kakapose at kakangiti sa camera. Ngayon nga ay nirereview ni Will ng husto ang mga pictures na sa tingin niya ay dapat mapili para sa kanilang calendar compilation. Marami daw kasing maganda yung kuha kaya lang may minor defects. Tinanong niya ang opinion ni Mariel about it pero sabi naman ng pretty houseguest, okay lang sa kanya kahit ano basta hindi siya magmumukhang mataba sa pic. Maging si Jon ay hindi rin gaanong concerned sa ifi-feature na photos.

Don't worry housemates, photogenic naman kayong lahat kaya walang problema.

 


Blog EntryMga multong di mo kakatakutanDec 27, '07 11:44 AM
for everyone

Late na nga nakapag-dinner ang mga housemates dahil busy sila buong gabi sa kanilang weekly task. Pagkakain ay dumirecho na agad ang girls sa garden kung saan naglagay ng halloween backdrop sina Riza at Will kanina. Sobrang metikuloso nga ng kanilang photographer na si Ruben dahil hindi ito nakuntento sa isang anggulo lang. Na-capture naman kaya ng comedian ang perfect shot na hinahanap niya?


Blog EntryPractice LangDec 27, '07 11:08 AM
for everyone

Hindi pa ito ang actual pictorial ng celebrity housemates para sa kanilang Halloween month pero tuwang-tuwa na agad ang mga girls sa effect ng kanilang make-up at costumes. Stand out nga si Ethel sa kanyang all-white gown pero syempre, hindi naman nagpatalo si Gaby na mistulang yaya-killer according to Ruben. Maging si Riza ay litaw pa rin ang likas na kagandahan kahit na mangkukulam ang karakter niya sa photo shoot mamaya.

At dahil natapos na rin nila ang pagcapture ng grad scene kanina, apat na sessions nalang ay tapos na nila ang kanilang weekly task! Magustuhan naman kaya ni kuya ang magiging printouts ng kanilang pictures?


Blog EntryDream Girl MaterialDec 27, '07 7:00 AM
for everyone

Si Gaby ang napili nilang maging Reyna Elena para sa kanilang Santacruzan calendar month. Hindi naman sila nagkamali dahil tignan niyo naman ang hairdo niya na Filipinang-Filipina ang dating! Courtesy yan of Ethel na kinareer ng husto ang pag-tease sa kanyang buhok habang ang ibang housemates ay busy naman sa pagset-up ng backdrop para sa ibang themes ng kanilang project.

Sa lagay eh, mukhang si Gaby na rin ang magiging bride ni Ruben para sa month of June ha!


Blog EntryNutrition MonthDec 27, '07 6:00 AM
for everyone

Tuloy-tuloy pa rin ang photo shoot ng mga housemates sa garden kahit madilim na. Para sa kanilang makulay ang gulay theme, si Gaby ang nag-arrange sa pose ng kanyang mga housemates bago sumali sa mismong pictorial. Tuwang-tuwa ang gorgeous racer sa vegetable props nila dahil napaka-artistic ng designs ng mga ito. So far ay ito nga ang kanyang paboritong calendar month.

Para sa kanilang designations, si Mariel yung pechay, kay Ruben naman ang cauliflower, squash si Will, garlic si Gaby, si Ethel yung tomato, si Riza yung eggplant, si Jon ang naging cabbage habang si Buttons ay naging substitute ni Baron bilang isang carrot!

Hm... Nawawala ang pasaway na aktor. Napatawan na nga ba si Baron ng matinding parusa ni kuya? Abangan ang PBB Primetime mamaya para sa kinahinatnan ng kanyang latest mishap.  


Blog EntryCome a little bit closerDec 27, '07 2:59 AM
for everyone

Sa tingin nga ni Ethel ay hindi pa nakakakilig ang photo shoot na ginawa nila kanina, kaya after lunch, nag-pictorial muli ang mga loveteams for the February cover.  Heto na nga sina Jon at Mariel na super close at muntik nang magkahalikan.  Mukhang super comfortable kasi sila sa isa't isa sa pag-pose na parang mag-syota para sa isang Valentine theme.  Pero in fairness, true blue gentleman naman ang Fil-British hunk at siniguro na hindi mailang sa kanya ang beautiful TV host.


Blog EntryOktoberfest in December?Dec 26, '07 11:11 PM
for everyone

Tuluy tuloy pa rin ang ating mga celebrity housemates sa pagtapos ng kanilang 2008 calendar weekly task.  This time ay ang October photo cover naman ang kanilang ginagawa.  Si Ethel ang kumuha ng litrato featuring the four boys in an Oktoberfest theme.  Multinational nga ang costumes nina Baron, Ruben, Will, at Jon at magkakasamang silang nag-pose na parang nagiinuman. Mayroon pa silang beer keg para makumpleto ang drinking spree pictorial.

Baron, baka naman sa pictorial na yan e malasing ka pa?!


Blog EntryCalendar housematesDec 26, '07 12:29 AM
for everyone

Para salubungin ang bagong taon ay gagawa ang ating mga celebrity housemates ng sarili nilang 2008 calendar.  Ang mga housemates mismo ang magse-set up ng photo shoot gamit ang camera at lights na ibinigay ni Big Brother at ang mga housemates din ang models.  Nag-request din ang mga housemates ng mga costumes na gagamitin nila para sa mga theme na naisip nila para sa mga months of 2008.  Ang mga girls ang gaganap sa Halloween theme ng November habang ang mga boys naman ang sa Oktoberfest.  Syempre, all-star cast ang mga housemates para sa April summer at sa Christmas sa December.


Blog EntryRunning the last mileDec 21, '07 9:25 AM
for everyone
Patuloy ang Walk to Betlehem  weekly task ng mga housemates at konting-konti nalang ay mararating na nila ang finish line. Pagkatapos magtreadmill ni Gaby ay chineck niya na 2.43 miles nalang para malasap nila ang isa nanamang tagumpay. Ngayon nga ay nagawa mna rin ni  Ruben ang kanyang part kaya turn na ni Will para tapusin ang last remaining mile!

So congrats in advance to the celebrity housemates for another job well done!


Blog EntryGaby, ang modern-day MaryDec 18, '07 2:36 AM
for everyone

Turn na nga nina Gaby at Ruben para ipagpatuloy ang kanilang Walk to Bethlehem weekly task.  Si Gaby ang umarteng Mother Mary, pero hindi na niya hinubad ang kanyang rubber shoes dahil after mag-tread mill ni Ruben ay siya naman ang susunod.  Natawa na lang si Gaby dahil sa lahat ng Mary, siya lang ang naka-rubber shoes!


Blog EntryA walk to rememberDec 17, '07 3:57 AM
for everyone

Sinimulan na nga ng mga celebrity housemates ang kanilang Walk to Bethlehem weekly task (read the full story on the PBB Official Website).  Sina Ruben at Yayo ang naunang nagbihis bilang Joseph at Mary.  Medyo nabigatan nga ang Mom in Distress sa fake pregnant belly na kanyang suot.  Aliw naman ang Komedyanteng Promdi sa donkey head na naka-design na harap ng tread mill.


Blog EntryKumukutikutitapDec 14, '07 8:25 AM
for everyone
Dinig na dinig ang masayang ABS-CBN concert-party sa  famous yellow house.  At habang nagkakasiyahan ang mga tao sa labas ay natapos naman ng celebrity housemates ang finishing touches ng kanilang giant Christmas lantern. For its final accent, nilagyan ni Jon ng star-shaped PBB logo ang mismong focal point ng parol. Ready to shine na nga ang kanilang work of art. Mukhang sure win naman ito sa ganda ng design na ginawa nila. Ang tanong pumasa kaya ito sa taste ni kuya?

Blog EntryReady to shine!Dec 14, '07 3:21 AM
for everyone

Mamayang midnight nga ay ipe-present na ng ating celebrity housemates ang kanilang PBB Celeb 2 giant Christmas lantern kay Big Brother.  Pero ngayon pa lang ay super excited na ang lahat dahil kumukutikutitap na sa ganda ang kanilang higanteng parol! Mukhang magiging matagumpay ang mga housemates sa kanilang task this week.  Abangan kung isasali nga ba ni Kuya ang giant parol ng mga housemates sa parada sa Pampanga.


Blog EntryAng unang liwanagDec 11, '07 4:19 AM
for everyone

Sinisimulan na nga ng mga celebrity housemates ang pagbuo sa kanilang giant Christmas lantern.  After maikabit ang ilang bulbs, na-amaze ang mga housemates nang makita ang kanilang lantern na umilaw na!  Kahit ang center portion lang ng parol ang umilaw, nagkaroon na rin ng pag-asa ang mga housemates na by the end of this week, magagawa nila ang isang magandang giant Christmas lantern.


Pages:12345
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help