Pinoy 's posts with tag: will devaughn
 Garnering 14.65% of votes, Will Devaughn is this edition's Fourth Big Placer. Back to the outside world for the first time, he excitedly hugged ex-housemate Mommy Yayo, PBB Hosts Bianca, Toni and Mariel--who all became close to him inside the famed yellow house--and of course his manager Paula. But the joy that was evident on his face further heightened as he learned that he's now the newest model-endorser of Jag clothing! Congrats hunkable Will! =)
Sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na Celebrity Big Four sa Araneta Coliseum! Ano na mga kuyanatics! Sino ang biggest bet niyo for the Big Win? Dahil cut-off na ang voting, Big Winner na nga si Housemate B, 2nd Big Placer si Housemate C, 3rd Big Placer si Housemate A at 4th Big Placer si Housemate A.
Ang tanong, sino naman kaya kina Gaby, Riza, Ruben at Will ang nagmamay-ari ng pinakamswerteng tally of votes ngayon gabi? Tutukan ang pinakahihintay nating moment of glory ng inyong paboritong celebrity housemate only on ABS-CBN!
Pansamantalang isinantabi muna ng celebrity housemates ang paggawa ng tower of coins para simulan na ang pageempake ng kanilang mga gamit para sa eviction ilang oras mula ngayon. Pinapagaan ni Will ang loob ni Jon na siguro naman daw ay sasabihan siya ng maaga ni kuya kung siya ay papatawan ng forced eviction. Maging ang pagbibiro niya ng wala sa hulog ay pwede rin namang maging subject for eviction kaya wala talagang kasiguruhan kung sino ang aalis sa kanila, dagdag pa niya. Si Jon na nga kaya ang huling mapapabilang sa "PBB death row"? O may pag-asa pa rin kaya siyang mapasama sa Big Four? Tuloy-tuloy lang sa pagtext sa inyong bets at abangan ang pinakaaabangang episode mamayang gabi sa Primetime para matunghayan kung sinu-sino ang circle of winners para sa PBB Celebrity edition 2!
Walang masyadong pinagkaka-abalahan ang ating five celebrity housemates. Habang umiidlip sina Will, Jon, Gaby, at Ruben sa may garden ay naglinis na lang itong si Riza sa kitchen. Matapos nga makapag-make up ay dumiretso ang Fil-Canadian beauty queen sa kusina at nilinis ang lababo pati na ang dining table. Para maaliw sa ginagawa ay kumanta pa itong si Riza ng mga Gospel songs na parang dinadasalan lang niya ang lamesa. Makakanta pa kaya siya kapag inihayag na ang resulta ng final eviction mamayang gabi?
Kwentuhan marathon muna itong si Jon at Will tungkol sa kanilang relationships and common friends sa outside world. Nabanggit ng huli kung paanong napakaselosa daw ng kanyang girlfriend of three years. One time ay meron daw siyang kissing scene sa isa sa kanyang mga projects at saktong nung ishushoot na ito ay dumating daw itong si girl. Hindi tuloy siya nakapagconcentrate ng maayos sa kanyang trabaho. Still, he's thankful that they remained good friends long after they have broken up.
Na-miss ng mga housemates ang boses ni Kuya dahil hindi sila kinakausap nito. Feeling kasi nila ay galit pa siya dahil hindi nila sinagot ang isa sa kanyang Big Questions kagabi. Tuloy mukhang mapaparusahan sila ngayon. Dahil sa gitna ng pag-idlip nila kanina ay inanunsyo ni Jon na kailangan daw nilang basahin muli ang Rule Book para ma-review ang lahat ng violations na nagawa nila. Hindi sila pinayagang pag-usapan kung ano man ang dapat nilang pagbayaran pero hindi napigilan ni Ruben na imungkahi na ang rules sa paggamit ng lapel mic ang siguradong lagi nilang navaviolate. Maya-maya ay isa-isa nga silang papasok sa confession room para kausapin si Kuya tungkol dito. Anong mga parusa kaya ang naghihintay kina Ruben, Gaby, Will, Riza at Jon?
Lalabas pansamantala ng bahay ni Kuya ang ating mga celebrity housemates para sa kasal ni Ruben. Pero sa kanilang pagbalik, bukod sa pagdiriwang para kay Ruben ay may isa pa silang mabigat na bagay na dapat harapin. Isang linggo bago ang inaabangang Big Night, isa sa ating natitirang limang celebrity housemates ang magpapaalam at hindi na aabot sa grand finals. Sino kina Will, Riza, Jon, Ruben, at Gaby ang karapat-dapat mapabilang sa Big Four at tanghaling Celebrity Big Winner? To vote, just text BB (name of housemate) and send it to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Maaari rin kayong bumoto online sa PBB Official Voting Page o di kaya ay mag-avail ng vote cards sa lahat ng SM department stores nationwide. Para naman makasali sa pa-raffle ng Globe PBB Celebrity Voting Promo, just text GBB (name of your chosen housemate) and send it to 2366. Pwede kayong manalo ng P20,000 kada linggo at P1M para sa grand draw. Abangan mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado at sa PBB Official Website ang malaking sorpresa ni Big Brother sa ating mga housemates.
With all the wedding preparation going on inside Kuya's famous home, Jon can't help musing about finding "The One". Just now, he asked Will if he knows from the first time he meets a girl if she is marriage material. Will honestly answered that he had never thought about it in the past since he was never serious then. Then Jon further claimed that in truth it's really hard to tell the difference between lust and love. But at the end of this particular conversation, the English hunk suddenly uttered, "Sharing this experience with someone is really something diba?" Hm... Are you talking about your closeness with Mariel, Jon?
After nga ng mga girls ay sina Jon at Will naman ang pinapunta sa storage room para ayusan. Although hindi pa nila alam kung para saan, agad namang sumunod ang dalawa. For sure, parang pang araw araw lang sa dalawang hunk model na ito ang ayusan sila ng mga professional make-up artists at hairdressers. Pero for sure, sa kagwapuhan nina Jon at Will ay sandali lang ang make-up session na ito.
Nag-pack up na ang mga housemates dahil pagod na rin sila sa kakapose at kakangiti sa camera. Ngayon nga ay nirereview ni Will ng husto ang mga pictures na sa tingin niya ay dapat mapili para sa kanilang calendar compilation. Marami daw kasing maganda yung kuha kaya lang may minor defects. Tinanong niya ang opinion ni Mariel about it pero sabi naman ng pretty houseguest, okay lang sa kanya kahit ano basta hindi siya magmumukhang mataba sa pic. Maging si Jon ay hindi rin gaanong concerned sa ifi-feature na photos. Don't worry housemates, photogenic naman kayong lahat kaya walang problema.
Ang February cover naman ang ginagawa ng ating mga celebrity housemates. Syempre, for the month of love, dapat lang na ang mga loveteams inside Kuya's house ang nasa cover. Nag-pair sina Will at Riza at sina Jon at Mariel at pumwesto sa may fireplace para makumpleto ang romantic atmosphere ng photo shoot. Pero mukhang hindi kuntento ang photographer na si Ethel sa kinalabasan ng picture. Gusto niya sana ay nasa labas ang setting, at itong si Mariel, nagbiro pa na kung gusto nila ng romantic ay sa cheap motel na lang ang setting.
Tuluy tuloy pa rin ang ating mga celebrity housemates sa pagtapos ng kanilang 2008 calendar weekly task. This time ay ang October photo cover naman ang kanilang ginagawa. Si Ethel ang kumuha ng litrato featuring the four boys in an Oktoberfest theme. Multinational nga ang costumes nina Baron, Ruben, Will, at Jon at magkakasamang silang nag-pose na parang nagiinuman. Mayroon pa silang beer keg para makumpleto ang drinking spree pictorial. Baron, baka naman sa pictorial na yan e malasing ka pa?!
For a while ay na-hotseat si Riza nina Will at Baron habang kumakain ng leftover paella kasama ang ibang housemates. Naikwento kasi ng Canadian beauty na parehong cool ang kanyang parents at mahilig pa nga daw magpatawa ang mga ito. Later ay ininvite din niya ang lahat to visit her own house in Canada, na ngayon nga ay pinarerentahan niya habang wala siya doon. Bigla namang umentra itong si Ethel na nagpakasweet kay Will. Kaya lang hindi pa rin siya umubra dahil pabirong sinabi nito, "Alex loves you!" para lang tantanan na siya. Paano na kung malaman pa niyang si Riza ang pinili ni Will maging bride at siya ay ginawang flower girl lamang? Laking gulo at katatawanan siguro kapag nagkataon!
After nga ang silent bells game (read the story on the PBB Official Website) ay diretso na ang mga celebrity housemates sa mga gawain para sa Noche Buena few hours from now. Habang ang mga marurunong magluto ay nagsimula nang magtrabaho sa kusina, tumulong naman ang ilan para mapabilis ang paghahanda. Samantala, nasa kwarto naman sina Jon at Will at nagbabalot ng ilang gifts. Mukhang palihim ang ginagawang gift wrapping ng dalawang hunks, marahil ay para sa mga kamahan nila ang mga regalo. Paspasan niyo kasi, guys, bago kayo mabuko diyan!
Two weeks na lang bago ang inaabangang Big Night. Pero sa anim na natitirang celebrity housemates, isa lang ang tatanghaling Celebrity Big Winner. Nasa iyong kamay ang magiging katapusan ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Maaari mo nang iboto kung sino kina Gaby, Jon, Riza, Will, Baron, at Ruben ang gusto mong mapabilang sa Big Four at maging Big Winner. I-text lang ang BB Gaby, BB Jon, BB Riza, BB Will, BB Baron, o BB Ruben sa 2331 (Globe, TM and Sun Cellular) o 231 (Smart, Talk N Text). Maaari ring bumoto online sa PBB Official Voting Page o gamit ang mga PBB Vote Cards na mabibili sa lahat ng SM department stores. Pwede ka ring bumoto at manalo ng one million pesos sa Globe PBB Celebrity Voting promo! I-text lang ang GBB (name of your chosen housemate) sa 2366 para makapag-download ng PBB picture messages (P15.00/download) at bigyang ng automatic 10 votes ang iyong paboritong housemate. Bawat download ay makakakuha ka ng 1 raffle entry para mapanalunan ang isang milyong piso!
 Patuloy ang Walk to Betlehem weekly task ng mga housemates at konting-konti nalang ay mararating na nila ang finish line. Pagkatapos magtreadmill ni Gaby ay chineck niya na 2.43 miles nalang para malasap nila ang isa nanamang tagumpay. Ngayon nga ay nagawa mna rin ni Ruben ang kanyang part kaya turn na ni Will para tapusin ang last remaining mile! So congrats in advance to the celebrity housemates for another job well done!
Pinag-stay nga ni Big Brother ang mga celebrity housemates sa boys' bedroom, at habang sila ay naghihintay, partner partner na naman silang magkakatabi sa mga kama. Sinasabayan ni Jon si Mariel sa pagbasa ng libro habang si Riza naman ang masayang nakikipagkwentuhan kay Will. Wala namang magawa si Ethel kaya nakuntento na lang siyang makipagkulitan sa katabing si Baron. Pero napansin yata ni Kuya na sina Jon at Mariel ay parang nagho-holding hands sa ilalim ng kumot kaya't biglang pinatugtog ang "Magkayakap sa Dilim" ng Orange and Lemons.
 Tuwang-tuwa ang mga housemates na binalikan ang mga unang araw ng kanilang Kris Kringle. Kaya pala walang natatanggap na regalo si Jon noon ay dahil walang kaalam-alam si Ethel na nagumpisa na pala ang bigayan ng good deed. Isang beses ay nagtaka pa daw siya kung bakit napaaga si Baron sa pagsabi kay Kuya ng balak niyang gawin sa kanyang baby. Yun pala ay late din ito. Si Ruben naman, inasar si Will dahil ang hiningi niyang regalo ay compilation ng mga memorable experiences niya as a housemate na balak niyang ibigay sa kanyang ina. Sigurado daw ay nakapaloob dun yung "kahindik-hindik na krimen" na iniwan niya sa banyo noong first day nila sa bahay ni kuya.
After ng late lunch ay nagpahinga ang mga celebrity housemates sa garden. Na-realize nga nila na in a few days ay magpa Pasko na silang magkakasama sa loob ng bahay ni Kuya! Kanya kanya na tuloy sila ng isip kung anong klaseng celebration ang magaganap ngayong first time na magkakaroon ng PBB sa Pasko at Bagong Taon. Si Gaby ay excited na sa mga pagkain na ihahanda, habang si Baron ay nangangarap na sana ay payagan man lang siyang tumikim ng kahit wine lang. Ang laking Europe naman na si Jon ay humiling ng turkey, habang si Will naman ay nag-isip kung makakasama ba nila ng personal si Big Brother sa noche buena.
Masayang nagkwekwentuhan sina Will at Riza habang busy ang una sa kanyang turn sa kanilang weekly task. This time, mas aware na ang dalawa sa pagtatagalog dahil ilang beses na naman silang na-warningan ni kuya kagabi. At ngayon nga, nakahanap ng tiempo ang Canadian Beauty Queen para ipaliwanag sa kanyang "ka-loveteam" ang naramdaman niyang slight irritation kay Ethel dahil sa pagma-mock nito sa kanya. What's more, inamin na rin niya na may gusto nga siya kay Will, na nabanggit niya kay kuya a month ago! Aware kasi siya na napanood ni Ethel ang confession nyang yun noong nagvoluntary exit ang huli kaya nagaya nito yun during their impersonation task. Ano naman kaya ang maging reaksyon ni Will ukol dito?
| |