Pinoy 's posts with tag: will devaugn
Excited na pinirmihan ni Ruben at Will ang calendar na ginawa nila kasama ang celebrity houseguests na sina Mariel at Ethel! Cute na cute nga ang snapshots nila featuring various events and celebrations kasama ang inyong paboritong housemates of course! Limited lang ang collector's item na ito kaya better grab a copy later at the Big Dome around 7pm!
Habang nasa confession room si Jon ay itinuloy nina Will at Ruben ang kwentuhan. Kahit hirap sa buhay, hindi daw pinangarap ng huli na maging mayaman at alam daw ni Jesselle yun. "Basta buhayin ko kayo ng mga anak ko okay na ko dun," sabi daw niya sa kanyang partner. Ang isa pa niyang goal ay yung makasal nga sila na bukas nga ay matutupad na rin sa wakas. Marami talagang naging pagbabago sa buhay niya mula ng sumali siya sa PBB. Naaalala niya tuloy ang trabaho niya sa Davao. Pinakamalaking kinita niya yung isang buwan na may raket siya bilang host sa isang malaking competition. At yung TF daw niya, ginastos daw niya para sa binyag at birthday ng kanyang dalawang anak. Ganun lang kasimple ang gusto niya, ang mapasaya ang kanyang pamilya.
Bonding time muna ang dalawang gwapong boarders ni kuya. Napag-usapan nila kung gaano nila naaappreciate na in-house pa rin sila. Sobrang thankful kasi sina Jon at Will sa opportunity na ito para ma-improve ang kanilang career in showbiz. Kwento pa ni Jon, nagsikap daw talaga siya nung nag-uumpisa palang siyang maging model-endorser. Never daw siyang naging tatamad-tamad at na-late kapag may project siya. Marami ngang pangarap si Jon para sa kanyang sarili and hopefully ay matupad daw ang mga ito pagkatapos ng kanyang stint sa PBB.
 Someone's missing in the boys' bedroom at yun ay walang iba kundi si Baron. Hindi lang basta nadetain ang Wild Child sa punishment room. Pinagstay siya ni Kuya sa loob ng secret room hanggang sa mahimasmasan dahil sa nalasing ito sa kakashot maghapon. Pero tuluyan ng natulog dun si Baron ngayong gabi. Samantala, pinaguusapan naman nina Will at Ruben si Riza. Once again, narealize ng True Lover na hindi talaga sila magcli-click dahil masyado itong mabait. Hindi rin naman daw niya type si Ethel. Gusto daw talaga niya ng nice girl pero may kaunting rough edges or kulit factor. Sayang nga daw pero feeling din daw niya ay hindi rin naman siya ganun kagusto ni Riza. Naputol nga lang ang kanilang usapan sa biglang pagdating ng Ultimate Pasaway na gusto siyang tabihan sa pagtulog!
 Matapos makalabas ng confession room ang mga housemates, isinagawa na nga ni Will ang pagshave sa buhok ni Ruben. Pero kahit kailan talaga ay di nawawalan ng crazy ideas ang mga ito dahil naisip pa nilang paglaruan ang Komedyanteng Promdi! Pati si Mariel ay nakisali din sa pagiging stylist niya!
 Out of nowhere ay biglang nag-offer si Will na maging barbero ni Ruben. Pero hindi lang niya basta gugupitan ang buhok nito, balak pa niya itong kalbuhin gaya niya! Na-caught off guard naman ang Komedyanteng Promdi kaya seryoso niyang sinugurado kung task ba ito ng True Lover o hindi. Tawa naman ng tawa si Will kaya hindi niya malaman kung ano ba talaga ang balak nito. Pero inamin din ni Will na hindi mandatory ang kanyang weird task basta may reward daw siya pag nagawa niya ito sabi ni kuya. Bigla namang pumayag ito si Ruben na ikinagulat ng True Lover. Ituloy kaya ng dalawa ang plano nila? At para saan naman kaya ito?
Kakatapos lang maghari ni HOH Will these past two weeks. At sa ikalawang pagkakataon ay siya nanaman ang itinanghal na HOH ngayong linggo! Si Riza kaya ang masuwerteng pipiliin niyang makapareha sa darating niyang mga privileges? Matatandaang hindi niya gaanong na-enjoy ang kanilang dinner and movie date dati dahil sa pag-eksena ng kanilang beloved ex-housemate na si Ethel. Tutukan ang magiging desisyon ng True Lover pati na ang kanyang rewards sa mga darating na araw. For now, alamin ang buong kwento ng nakakahilong HOH competition sa PBB Official Website!
Na shoot na nga ng mga housemates ang isa sa mga flashback scenes sa short film. Si Will ang gaganap na lalaking magiging dahilan ng pagseselos ni Jon na asawa ni Riza! Nang nakabihis na ang tatlong actors, nag take na sina Mcoy, Ruben, at Yayo sa hallway across the punishement room. Sa camera nga ay napakaganda ng screen chemistry ng tatlong beautiful housemates. Para tuloy silang bagong cast ng isang much awaited teleserye! Susunod na nga ang scene kung saan lalasunin na ni Jon sina Riza at Will.  Abangan sa PBB Official Website kung ano ang kalalabasan ng short film na ito.
Petiks muna ang mga celebrity housemates this morning. Pero hindi pa rin nila ma-get over kung ano ang ibig sabihin ng wake up call kanina. Ngunit nagulat na lang ang mga girls sa sala nang biglang lumabas ang mga boys na may suot na white bath robes. Pinaalalahanan ni Mcoy ang lahat na from now on, once na lang patutugtugin ni Big Brother ang wake up call at expected na lahat sila ay nakabangon na agad. "...and for your entertainment..." ang segue ni Mcoy. Akala tuloy ng mga girls ay huhubarin ng mga boys ang kanilang robes. Pero isang dramatic interpretation ang ginawa ng mga boys to the tune of "If I Ever See You Again." Na touch nga ang mga girls sa ganda ng choreography sa kanta.
Shocked si Mariel nang makita niyang naka-plain white briefs lang si Baron sa may hot tub. Concerned lang naman siya sa mga susunod na gagamit nito. At may gana pa kasi itong mang-aya ng girls! Kumusta naman yun?! Pero anyway, relaxed na relaxed naman ang Pasaway Na Aktor sa sa pagbababad doon kasama ni Will. Nashare pa nga niya ang kanyang insecurity noong first time niyang makita ang mga housemates since ang gaganda ng mga katawan nito compared sa kanya. Don't worry Baron, you have your own unique charm naman eh! 
Habang nagpapalipas oras sa garden, napag-usapan nila Donnie, Will, at Jon ang mga mangyayari sa kanila after PBB. Sabi ni Will, for sure pagkakaguluhan ng mga babae at bading sa public place ang English Outcast. Nai-kwento tuloy ni Jon ang ilang beses na may mga tumatambay sa baba ng kanyang apartment building at laging tinatanong sa security kung what time siya lalabas. Si Will din ay may similar experience nang may lumapit sa kanya at nagsabi ng mga information about him, at alam pati ang cellphone number ng True Lover! Hay naku, kung ngayon pa lang sa loob ng bahay ang dami niyo nang fans, paano pa kaya paglabas niyo 
Hindi pa nga natatapos sa nomination kagabi (read the full story on the PBB Official Website about the 'mock nomination') ang mga problema ni Riza. Napapansin nga na our Desirable Diva is slowly gaining weight, hence, she was advised to undergo a fitness program as supervised by Will and Baron. Worried na nga na baka mapalabas, concerned pa sa pagbabawas ng timbang itong si Riza. Pero hindi pa diyan natatapos ang problema ni Riza. Dahil nga sa issue ng schedule workout with Baron and Will, nag-explain si Riza na gusto niyang i-move sa umaga ang workout schedule. Ngunit hindi nagustuhan ni Yayo ang tono ni Riza. Afterwards, nagkaliwanagan naman na hindi intention ni Riza to offend anyone, she actually doesn't want anyone to get irritated of her on what may be her last week inside the house. Si Mommy Yayo naman, maluwag na tinanggap ang sincere na paliwanag ni Riza. Mukhang apektado ng lubos si Riza ng 'mock nomination' kagabi.
Paglabas ng confession room, dumiretso sina Victor, Megan, Riza, at Will sa boys' bedroom. Sabay sabay nga silang naglakad dahil nasa loob sila ng isang giant blue pajama. Pagpasok sa kwarto, binuksan nila ang mga drawers ng mga boys at inayos ang mga damit at iba pang gamit. Napansin nga ni Megan na super kalat ng drawer ni Jon, samantalang medyo maayos naman ang kay Mcoy. Nalito sina Riza at Megan sa kung sino ang may ari ng mga damit na kanilang nakikita. Tinanong nalang nila kina Victor at Will kung kilala nila ang may-ari ng damit.
Umuulan nga ng parusa sa loob ng bahay ni Kuya! Sa araw na ito, kailangang magsama sama nina Victor, Megan, Will, at Riza sa isang giant pajama. Hindi sila pwedeng lumabas sa big blue pajama, kaya't sama sama sila kung saan gustong pumunta ng isa. Nagtatataka naman ang ibang housemates kung ano ba talaga ang violations ng foursome, pero suspetya nila ay may kinalaman ito sa pagtulog. Hindi naman maikwento ng apat na offenders ang tunay na dahilan dahil baka ma-award na naman sila ni Big Brother. Paramihan ba ito ng punishments ha, Victor at Riza?!
Nami-miss niyo ba ang makukulit na hirit ng Ultimate Pasaway? Wala pa rin kasi siyang pwedeng sabihin maliban sa pag-baby talk. At sa punishment na ito, Will proves to be a doting father na laging handang umalalay kay Baby Poshy tuwing magbibigay ng hudyat si Kuya para sa pagkain nito. Kanina nga ay nakipaglaro pa siya dito habang pinapakain ito ng tinapay. Lumalabas talaga nag kakulitan ni Baby Poshy kapag gising ito. Buti nalang ay may nap time siya para naman kumalma siya at makapagpahinga ang kanyang ama-amahan.
Para sa labanan ngayong hapon, ni-represent ni Jon at ni Will ang kani-kanilang team para sa isang very domestic game. Parehong laki sa ibang bansa, sinubukan ni Big Brother ang galing ng dalawa sa pagplaplantsa ng mga damit. Hindi lang basta paramihan ng matatapos na plantsahin ang nangyari. Bukod sa kinailangan nilang siguraduhin na maayos at walang gusot ang mga ito, may idinagdag pang mga kakaibang twists si Kuya. Tulad nalang ng paggamit ng plantsang de-uling at pagplantsa sa katawan mismo ng mga housemates! Huh?! Posible ba yun? Makichismis na sa PBB Official Website!
Patuloy pa rin ang cotillion task ng ating mga celebrity housemates! Turn na nga nina Riza at Donnie na sumayaw after Jon and Mariel. Dapat ay si Will and partner ni Riza, pero dahil walang magbabantay sa damulag na si Baby Posh, nagpaiwan muna si Will. Habang sumasayaw sina Donnie at Riza, itinuro ni Ethel kay Will si Riza na "Daddy, Mommy's cheating!" Nakakatawang banat naman ni Riza kay Will "Don't worry, I won't fight for child custody." Mukhang walang gustong mag-alaga sa damulag na baby na pasaway! 
 To the highest level na talaga ang closeness nina Will at Riza! Dahil nagkataong Daddy ni Ethel ang True Lover, minabuti na ni Big Brother na maging kumpleto ang family ni Baby Poshy sa pamamagitan nang pag-utos sa Desirable Diva na samahan si Will sa pag-alaga sa kanilang overgrown baby! Kaya 'yan, tabi na silang natulog sa sofa para matugunan kaagad ang ano mang pangangailangan ng kanilang anak.
 Tahimik na ang buong kabahayan since naisipan nang matulog ng celebrity housemates. Si Will nalang ang nasa sala dahil kailangan pa niyang bantayan si Ethel a.k.a Baby Poshy (see PBB Official Website for the full story). Ngunit bigla nalang siyang napahinto nang marining ang iyak ng isang baby! Maya-maya ay nagising na rin si Baby Poshy sa sound effects ni Kuya. Feeding time na kasi kaya may espesyal pang oversized milk bottle para sa oversized ring infant na si Ethel.Tinest pa ito ng True Lover kung mainit pa ang ang gatas at saka pinainom sa kanya!
 Mula ng makausap siya ni Big Brother tungkol sa kanyang violation noong nakalipas na linggo, mas naging maingat na nga si Riza sa pagtago ng dahilan ng mga ipinagagawa ni Big Brother sa kanya. Ngayon kapag may mga nalalaman siyang secret tasks or kung ano man, ang linya niya lagi ay, "No, I won't say anything" -- na sa sobra niyang pagka-paranoid ay ilang ulit pa niya itong sasabihin. Kahit si Mcoy ay napansin na ito. Sa table kanina ay tinanong niya si Riza tungkol sa ginawa niyang military task at ito nga ang naging sagot niya. Maya-maya noong natahimik silang lahat sa table, bigla nalang itong nagbabala na huwag na siyang usisain muli. Natatawa nalang ang mga boys dahil in the first place wala naman na daw silang sinasabi by that time. Sobra kasing naapekuhan ang Desirable Diva sa nagawa niyang violation involved ang Racing Godess. Last Saturday kasi ay binanggit niya kay Gaby na siya ang napili niyang patawan ng Automatic Nomination. Akala daw kasi niya ay okay lang since na-cancel naman na ang usual eviction process dahil sa pag-V.E. nito. Pero syempre palalagpasin ba naman ni Kuya ang sumuway sa kanyang utos? Iyan nga ang dahilan ng pag-iyak ng Desirable Diva noong linggo. At ang pagiging guardia sibil naman ang naging karampatang parusa sa kanya.
| |