Pinoy 's posts with tag: yayo aguila

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag yayo aguila
Blog EntrySino ang mas karapat-dapat?Dec 22, '07 11:31 PM
for everyone

Natatayo pa rin sa alanganin sina Gaby at Yayo. Sino sa kanilang dalawa ang nais niyong manatili sa bahay ni kuya? Ang gorgeous racer na nagpakita ng talento at galing sa pagtupad ng bawat pagsubok na kanyang pinagdaanan sa famous yellow house o ang itinuturing na ina ng mga housemates na nagpakita rin ng sipag at dedikasyon bilang isang housemate at ngayon nga'y humihingi ng pangalawang pagkakataong makabalik muli para sa ikauunlad ng kanyang pamilya? Nasa inyong mga kamay ang huling desisyon!

Just text POLL BB Yayo or POLL BB Gaby and send it to 2366 for Globe, TM and Sun Cellular subscribers or 231 for Smart and Talk N Text subscribers. Meron nalang kayong natitirang ilang oras para baguhin ang kapalaran ng inyong paboritong housemate. So vote now!


Blog EntryIn honor of our fathers and mothersDec 19, '07 2:27 AM
for everyone

Malaking impact nga ang iniwan sa mga celebrity housemates ng biglaang pagpanaw ng ina ni Yayo.  Nagkaroon ng sharing ang mga housemates ng tungkol sa kanilang relationship with their parents.  Hindi nga napigilan ng karamihan na mapaiyak habang inaalala ang mga sacrifices ng kanilang mga magulang para mabigyan sila ng magandang buhay ang maturuan ng tamang asal.  Para sa ating mga housemates, utang nila sa kanilang mga magulang kung anumang pagkatao mayroon sila ngayon.


Blog EntryNag-quit na si Yayo!Dec 18, '07 6:47 AM
for everyone
Nag-uusap sa kitchen sina Baron at Ethel nang biglang nakita nang una na bumalik na si Yayo. Mugto pa rin ang mga mata nito habang niyayakap siya ng kanyang mga housemates. At ang unang mga salita na nasabi niya ng puno ng lungkot ay "aalis nako".


And with her voluntary exit, please be informed that the usual process of eviction this week is canceled hence, effectively closing the voting procedure. Thank you.


Blog EntryCan't cry hard enoughDec 18, '07 5:11 AM
for everyone

Napakabigat ng mga sandaling ito para sa mga housemates matapos nilang marinig ang balitang yumao na ang ina ni Yayo. Kaninang tanghali ay sinamahan ni Mariel ang aktres para tignan ang kritikal na kondisyon nito pero habang nasa daan palang sila'y binawian na ito ng buhay sa Chinese General Hospital. Nagsisisi nga daw si Yayo dahil hindi man lang siya maayos na nakapagpaalam sa kanyang ina.

Pagkatapos mag-alay ng dasal ay nagkanya-kanya muna ang ibang housemates para mag-isip at ilabas ang nararamdamang sakit at lungkot para sa kinakaharap ng kanilang nakakatandang housemate. 


Blog EntryA walk to rememberDec 17, '07 3:57 AM
for everyone

Sinimulan na nga ng mga celebrity housemates ang kanilang Walk to Bethlehem weekly task (read the full story on the PBB Official Website).  Sina Ruben at Yayo ang naunang nagbihis bilang Joseph at Mary.  Medyo nabigatan nga ang Mom in Distress sa fake pregnant belly na kanyang suot.  Aliw naman ang Komedyanteng Promdi sa donkey head na naka-design na harap ng tread mill.


Blog EntryI can hear a needle dropDec 16, '07 10:33 PM
for everyone

Slow and silent nga ang simula ng week 10 para sa ating mga celebrity housemates.  Mataas na ang araw pero mababa pa rin ang energy ng karamihan.  Inaantok pa nga ang mga housemates dahil ang maaga na silang nagigising para sa Misa De Gallo.  Si Yayo ay pilit ginigising ang sarili sa paggawa ng ilang house chores, habang sina Mariel at Jon ay idinaan na lang ang antok sa tahimik na kwentuhan.  Pero ang iba, hindi na kinaya at natulog na lang.


Blog EntryPamasko mula kay kuyaDec 16, '07 2:40 AM
for everyone

Tuloy pa rin ang pamumudmod ng regalo ni kuya! Na-assign ang girl-housemates na magprepare ng ilang loot bags containing brand new rubber shoes, shirts and other baby basics para sa mga chikitings. Kanina nga ay may mga karton-kartong din na giveaways ang dinala nila sa confession room. Kailan at sinu-sino naman kaya ang mga makakatanggap ng mga ito?  


Blog EntryWishing for the Big Win huh? Dec 15, '07 11:56 PM
for everyone

Bagong linis ang Jacuzzi kaya tinake advantage muna ito nina Ruben at Will at Yayo na pangalawang beses pa lang nakapagrelax dito. Sa kanilang chikahan, na-raise ng Mom in Distress na sobrang natuwa siya sa mass dahil very moving ang sermon nung pari. Nagkataong sila rin pala ang nag-serve kanina. This time, hindi isolating yung moment kasi nakasama nila ang ilang outsiders na maswerteng nakadalo sa pamisa sa bahay ni kuya.

Siguradong inspired na makumpleto ni Yayo maging ng ibang housemates ang dawn mass para matupad ang kanilang petitions this Christmas. For sure, winish nila na masama sila sa Big Four! Nyahahaha!


Blog EntryHow to kill a hito?Dec 15, '07 12:00 AM
for everyone

Para sa masaganang lunch ng mga celebrity housemates ay magluluto sila ng hito.  Pero mga buhay na catfish ang kanilang nabili, kaya hirap silang i-figure out kung paano papatayin ang mga hito nang hindi nasusugatan ng mga matatalas na hasang ng mga isda.  Itong si Ruben, pinapalo ng malaking kutsilyo ang mga isda, habang ang iba ang inilalabas na lang niya mula sa tubig at iniiwan sa lababo para matuyo.  Si Yayo naman, nag-suggest ng isang malakas na taga sa ulo para mamatay ang mga hito.

Kailangan talaga ganito ka brutal?!


Blog EntryAbout last night...Dec 12, '07 10:35 PM
for everyone

Tuluyan na ngang nahimasmasan itong si Baron ngayong umaga.  Pero unfortunately, hindi na nga maalala ng Wild Child ang kanyang mga pinaggagagawa during the Bora cocktail party.  Tawa na lang itong si Mommy Yayo dahil super clueless si Baron sa mga nangyari kahapon.  Kabado na nga si Baron dahil hindi na alam what to expect dahil any time this day ay ipapapanood sa kanya ni Big Brother ang buong video ng kanyang kalasingan.

Ano kaya ang nilalaman ng video ni Kuya?

 


Blog EntryCrazy LoveDec 10, '07 2:03 AM
for everyone

Mukhang super enjoy si Mariel sa kanyang pagiging Big Sister.  As OIC nga ni Kuya, si Mariel na rin ang official DJ ng bahay.  Sa gitna ng katahimikan ng mga celebrity housemates, biglang pinatugtog ang Crazy Love.  Napansin ni Yayo na kung saan pupunta itong si Jon ay doon pinapatugtog ang kanta.  Sinabi ni Mommy ito na siya namang ikinakilig ng English Outcast.  Pero after ng Crazy Love, sumunod namang pinatugtog ang Umbrella ni Mandy Moore.

Ano ba talaga ang mas gusto mo, Mariel, Umbrella o Crazy Love?


Blog EntryMalaya na ba talaga si Gaby?Dec 8, '07 12:29 AM
for everyone

Nakaalis na nga ng pigpen itong si Gaby matapos ang ilang oras na kasama ang mga cutie cute cute na biik!  This morning, nakausap na ng Racing Goddess si Big Brother, pero hindi naman masabi sa iba kung ano ang napag-usapan.  Basta sinabi na lang ni Gaby sa mga kasama na okay na siya at niyakap sina Yayo at Baron sa kanilang support.  Si Donnie naman, super comfort kay Gaby kahit na ang Taekwondo Champion ay nasadlak na naman sa isang kaparusahan involving the diapers.

Alamin kung ano ang masasabi ni Gaby sa kanyang pinagdaanan this week mamaya sa live eviction night.


Blog EntryLagot, nakabasag si Mommy Yayo!Dec 7, '07 1:11 AM
for everyone

Uber worried nga ang Mom in Distress dahil sa isang baso na kanyang nabasag.  Hindi nga alam ni Yayo kung papagalitan siya ni Big Brother dahil dito.  Pero sabi naman ni Baron na pwede namang ibawas na lang sa budget next week.  Iniisip pa rin ni Yayo na malamang ay may punishment na naghihintay para sa kanya, pero siniguro siya ng ibang housemates na tutulungan siya kung anuman man ang mangyari.


Blog EntryPBB ala MMKDec 7, '07 1:00 AM
for everyone

After lunch break, napansin ng mga celebrity housemates na ang suot nilang salesperson attire ay mukhang school uniform.  Nagkunwari tuloy si Gladys na batang humihingi nga baon sa tatay niyang si Ruben.  Doon na nagsimula ang nakakatuwang role playing ng mga housemates.  Si Yayo ang naging ate na nakikipag boyfriend kay William, si Baron naman ang kuya na walang ginawa kundi mag-yosi, si Riza ang paboritong kapatid, at si Jon ang gwapo pero pipi na houseboy.

Pero mas lalong nagiging nakakatawa nang si Gladys ay umarteng dalagang anak na nabuntis habang si Ruben naman nanggagalaiting ama.  Si Will ang kunwaring nakabuntis daw kay Gladys.  Uber talaga sa kwela ang mga housemates kapag tinamaan ng topak!


Blog EntryFight!Dec 5, '07 1:19 PM
for everyone
Para ma-inspire ang mga housemates sa kanilang gagawing anime skit, pinapanood sila ni Kuya ng isang Naruto episode sa may plasma TV. Pero bago pa man ang viewing, binigyan sila ng live sneak peek ng Lee family! Performance level naman ang ipinakita nina Yayo, Will, Ruben at Donnie na medyo nahirapan sa kanilang fight scene dahil bukod sa hindi pwedeng magsalita ay may nakaipit pa silang mga itlog sa kanilang 'kiri-kiri'!

Blog EntryIs ....... for real? Dec 5, '07 6:34 AM
for everyone
Panandaliang natigil ang paglalaro ng mga boys dahil sa ulan kaya tumambay muna ang ilan sa mga housemates sa bar. Na-open nila Gaby na minsan daw ay natatakot silang lapitan ang Mom in Distress dahil parang laging galit ang facial expression nito. Itinanggi namin ito ni Yayo. Tulad ng sinabi ni Donnie, siguro ay epekto lang ito ng kanyang strong personality. Dagdag pa ni Yayo, wala naman  siyang sama ng loob sa kahit na sinong housemate. Meron lang isa na pinakikiramdaman pa niya. Hindi pa rin kasi niya 'ma-size up kung ang ugali nito ay real or reel' lamang.

Hm... Sino kaya ang pinapatamaan ng Mom in Distress?

Blog EntryRuben plans his dream weddingDec 5, '07 3:34 AM
for everyone

Nagpatulong nga si Ruben kina Yayo and Will sa pagplano ng kanyang dream wedding.  Nasabi na nga ng Komedyanteng Promdi na plano na talaga niyang pakasalan ang kanyang partner by next year, manalo or matalo man siya sa PBB.  Sa una ay ikinuwento muna ni Ruben ang pinagdaanan nila ng kanyang girlfriend.  Sina Will at Yayo naman, hinayaan si Ruben na i-picture sa isip niya kung ano ang perfect wedding set up para sa kanya.

Ibig sabihin ba nito ay malapit nang mag-propose si Ruben?  Abangan sa PBB Official Website.


Blog EntryGreat teamwork Jon and Riza!Dec 4, '07 11:22 AM
for everyone
Balak talagang pagurin ni Kuya ang mga housemates. Breather lang pala ang giant sungka-talangka game nila kanina dahil sumunod naman rito ay isang mala-football na laro kung saan kailangang ma-shoot ang bola sa apat na butas sa lupa. Pero syempre may kakaiba nanaman itong twist. Bawat player ay nakapiring ang mga mata at kailangang magpasan ng isang girl-teammate sa likod nila! At pagkatapos ng ilang oras ay nagwagi nanaman ang Wasabi Family!

Kailan naman kaya makakabawi ang Pamilya Lee? Hay...

Blog EntryAng bagong pamilya ni PeggyDec 4, '07 1:58 AM
for everyone

Dumating na nga sa bahay ni Kuya ang bagong pamilya ni Peggy.  Iniutos na nga ni Big Brother ang pagsundo sa beloved housepig, at binigay na ng mga housemates ang kanilang mga habilin sa mga aampon kay Peggy.  Hiniling ni Yayo na ipagamot ang matagal nang sugat ni Peggy sa paa.

After a while, pinapunta na ni Kuya ang mga housemates sa may sliding glass door, at doon nila pinanood ang pagsundo kay Peggy.  Hindi naman napigil nina Yayo at Gaby at pwersahang pagkuha sa baboy na tila ayaw sumama, pero paliwanag ni Ruben, ganoon talaga ang pag-handle sa mga malalaking hayop.

Don't worry housemates.  Pwede niyo pa namang dalawin si Peggy after a month.


Blog EntrySanayan lang 'yanDec 1, '07 10:40 PM
for everyone

Medyo homesick na si Gladys kahit ilang araw pa lang siya sa bahay ni Kuya. Nagtataka nga daw siya dahil nakayanan naman niyang mag-isa sa States. Although kasama kasi niya ang ilang kamag-anak niya dun, busy naman ang mga ito sa pagtatrabaho samantalang siya ay naiiwan lang mag-isa sa bahay. Gym lang sa umaga tapos shopping-shopping naman sa hapon.

Wow Gladys, rest kung rest talaga ang ginawa mo ah!  


Pages:12345
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help