Pinoy 's posts with tag: zara aldana

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag zara aldana
Blog EntryCelebrity HomecomingDec 25, '07 11:03 PM
for everyone

Sa araw ng Pasko ay muling nagbalik ang mga ex-celebrity housemates sa bahay ni Kuya! Nasorpresa nga ang lahat nang isa isang dumating sa bahay ni Kuya sina Zara, Mcoy, Megan, Donnie, Marylaine, Jen, at Victor para bisitahin ang mga housemates na na-miss nila ng sobra. May dala ring regalo ang mga bumisitang ex-housemates, pero 100-seconds lamang ang ibinigay ni Big Brother sa kanila para batiin ang mga housemates ng Merry Christmas.

Abangan ang buong storya sa Primetime with Toni Gonzaga at sa PBB Official Website.


Bago nga ang kanilang masayang guesting sa Uber kahapon, humarap muna sa isang press conference ang mga ex-celebrity housemates na sina Gaby, Zara, Jen, at Marylaine!  

Kuya's girls face the outside world

Four ex-celebrity housemates met the local press to reveal the juicy scoop behind Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2!  Marylaine, Jen, Zara, and Gaby sat down with the entertainment press and shared their experiences during their short stay in the most celebrated house in the country.  Get to know the truth behind Gaby's voluntary exit, Zara's hopeful plans, and the real score between the squabbling 2-in-1 beauties Jen and Marylaine. (read the full story on the PBB Official Website)


Blog EntryZara Aldana Live On The BuzzNov 4, '07 4:26 AM
for everyone

Muli ay hindi umiyak ng Poor Beauty Queen dahil sa maagang pagkaka-evict sa Bahay Ni Kuya. Malaki talaga ang panghihinayang ng former Mutya Ng Pilipinas - Asia Pacific 2007 Title Holder dahil super gusto pa sana niyang manatili para mas maipamalas ang tunay na Zara. Bagama't tatlong linggo na ang lumilapas ay unti-unti palang sana siyang nag-aadjust sa pakikisalamuha sa mga housemates.

Mas naging mahirap marahil para kay Zara na maging kumportable sa gitna ng mga kilalang showbiz personalities hindi lang dahil sa hindi siya madaldal o palakaibigan. Kasama na rin dito ang traumatic experience niya bilang isang beauty queen at ang mapait na katotohanang wala siyang nakalakihang ama na hanggang ngayong ay nagsisilbing malaking burden para sa kanya.

At nang tinanong siya tungkol sa plano niya ngayong nasa outside world na muli siya, isa lang ang isinagot ni Zara: ang maging artista.

 

 


Blog EntryZara is our Second EvicteeNov 3, '07 11:44 AM
for everyone
Zara wasn't able to let her presence that well known to her housemates and to the Pinoy Big Brother audience, and so her first time in the nomination block was her last. The Mutya ng Pilipinas Asia Pacific 2007 title holder is the second celebrity housemate to leave the Big Brother house.

We wish her well as she steps out of the house to the outside world.

Sino ang binoto mo na maligtas?
   

Ang Princess of Charm, ang Poor Beauty Queen, ang Pasaway Na Aktor at ang kanyang Good Brother.  Sila ang mga nanganganib na mapaalis sa Bahay Ni Kuya ngayong gabi.  Pero nasa iyong mga kamay ang magiging kapalaran ng mga nominado sa Live Second Eviction Night.  Sino sa tingin mo ang karapat-dapat na manatili pa sa pinakasikat na bahay sa bansa?

I-text lang ang BB 2 para kay Megan, BB 7 para kina Baron at Donald, o BB 11 para kay Zara at i-send sa 231 para sa mga Smart and Talk N' Text subscribers, o 2331 para sa mga Globe, TM, Sun and Bayan Wireless Landline.

Maari rin kayong bumoto online sa official Pinoy Big Brother Voting Page.  Abangan ang resulta ng Second Eviction mamaya sa PBB Official Website.



Blog EntryNo sleep for the losersNov 2, '07 6:47 AM
for everyone

Ibang klase talaga ang rewards at punishment ni Kuya! Sa mga oras na ito ay himbing na himbing na ang team na nanalo sa giant pick up sticks na palaro sa Uber kanina. Habang ang mga talunan naman na sila Baron, Donni, Ruben, Megan, Will at Zara ay nagsilbing mga tagabantay ng winning team! Nakakainggit nga naman para sa kanila lalo pa't matagal na rin nilang ninanais matulog! Di bale, isipin ninyo nalang, nakapagpamasahe naman kayo last night. Bawi na lang kayo once matapos na ang 25-Hours Task!


Blog EntryThe Fellowship of The Ring Ba Ito?Nov 2, '07 12:32 AM
for everyone

Habang nakakulong ang mga boys, lumabas naman ang mga girls from the confession room at bigla nilang hinalughog ang kanilang kwarto.  Nawawala kasi ang "single ring" ni Riza na kanyang pinahahalagahan ng sobra.  Hindi malaman ng mga girls kung saan sila maghahanap, maski si Riza, hindi niya na maalala kung saan niya naiwan ang kanyang "my precious."  Napaisip tuloy si Mariel imposible namang may klepto sa loob ng bahay.  Pero mukhang ang paghahanap sa nawawalang singsing ay bahagi ng isang task na ibinigay ni Kuya.  Abangan sa PBB Official Website if the girls will succeed in their quest for the one ring.


Blog EntryPancit Bihon Na May Sabaw?Nov 1, '07 4:42 AM
for everyone

Natataranta na nga si Zara sa kanilang cooking task.  (read the full story on the PBB Official Website).  Si Ruben ay naka-cover ang mga mata ng isang toque habang tinuturuan ang Poor Beauty Queen ng tamang pagluluto ng Pancit Bihon.  Nahuhuli na ang pair nina Ruben at Zara, at itong si Zara ay biglang nagtanong kay Ruben kung maglalagay ba siya ng sabaw.

"Hindi!  Hindi mo sasabawan 'yan!  Pancit 'yan!"  ang sabi na lang ni Ruben.


Blog EntryMag-ala gymnasts daw ba!Oct 31, '07 7:27 AM
for everyone
May naisip na pagkatuwaan ang mga housemates to ward off their sleepiness. Sa pangunguna ni Baron, nagpa-alalay siya kay Gab para siya ay makapaghead stand. Nang makita siya ay nagsunuran na sina Will, Victor at Zara. Magaling ang mga nauna sa pagkpapakita ng kanilang sense of balance. Kaya naman hinikayat nilang muli si Mariel para ipakita rin ang abilidad niya. Hindi nga lang talaga magawa ni Mariel. Sumunod na rin si Toni dahil sa pressure mula sa mga kasama. And in fairness to her, nakayanan naman niya!

Blog EntryGaby vs. Big BrotherOct 30, '07 2:07 PM
for everyone
Bago natulog ang mga housemates ay tinipon muna ni Big Brother ang lahat sa living room upang pasalamatan ang bawat isa sa tagumpay ng kanilang proyekto para sa araw na ito. Iginiit ni Kuya na bawat kontribusyon, maliit man o malaki, ay nakatulong upang mabigyan ng karampatang libing si Jerry Roxas Santos.

Dahil sa tingin ni Gaby ay may kinalaman ito sa kanyang hinanakit kanina, agad siyang pumunta sa confession room para ipatindi ang tunay niyang saloobin.  Sabi ni Ruben sa mga housemates, wala naman silang reklamo kung sila man ang may pinakamabigat na bahagi para sa good cause na ito. Ang sa kanila lang ni Gaby ay sana binigyan man lang sila ng signal ni Kuya na tapos na ang kanilang statue task. Kaya lang hindi nga nangyari yoon.

Blog EntryMagaling talaga ang spy ni kuya!Oct 30, '07 11:33 AM
for everyone
Balak sanang takutin ng mga boys ang mga girls ngayong gabi. Pinaniwala nila ang mga ito na may maga nakapasok na intruders sa loob ng bahay nang hindi nalalaman ni Big Brother! Kaya pinapasok nila ang mga ladies sa loob ng bedroom. Kaya lang, hindi sold si Mariel at Toni sa istorya ni Mcoy. Napaka-imposible naman daw na hindi ma-alerto ang staff kung sakali. Pilit namang pinagtakpan ng Musikerong Daddy sina Jon at iba pang guys na naghahanda nang manakot. Ang masaklap lang niyan, nahuli naman sila ni Mariel bago pa nila maisagawa ang kanilang mga plano! Hay nako! Ang bagal niyo naman kasi kumilos Mcoy!

Blog EntrySige, kwento lang Toni!Oct 30, '07 10:30 AM
for everyone
Feel at home na nga talaga itong si Toni at bumabangka pa!  Isa pala siyang certified fanatic ng ng F.R.I.E.N.D.S. Tawang-tawa ang mga housemates habang nire-relay niya ang kanyang favorite Chandler scenes. Hindi lang niya basta-basta natatandaan ang mga parts na yun, binanggit pa niya kung anong specific episode and season ito makikita! Pinagpapalit na sila ng batteries ni BB ay ayaw pa rin paawat magkwento ng celebrity house guest #2!

Blog EntryMaligno Sa Bahay Ni Kuya!Oct 30, '07 4:09 AM
for everyone

Todo na talaga ang takutan sa loob ng PBB House!  Kapalit ng pagtulong sa isang nangangailangan (stand by for the full details on the PBB Official Website), nagkaroon ng task sina Ruben, Gaby, at Zara na magsuot ng scary costumes at takutin ang ibang housemates.  Hindi alam ng iba na ang tatlo ay nasa boys' bedroom at nagaayos na ng kanilang costumes!  Anticipated na ng ibang celebrity housemates na something frightening is about to come up, pero hindi nila alam na ang mga kasamahan nila ang mananakot.  Maging effective naman kaya sina Ruben, Gaby, at Zara?


Blog EntryMoment of WeaknessOct 29, '07 11:42 AM
for everyone
Bakit umiiyak si Ethel Booba?! Hmm... It seems like that the housemates' isolation has taken its toll on her. Would you believe, ang usual crybaby na si Zara pa ang nagko-comfort sa kanya kanya ngayon kasama si Megan? Yup, it's true! Sa gitna ng kanyang mga hikbi, nasabi ng Ultimate Pasaway na parang antagal na daw nila sa loob ng bahay ni kuya -- parang isang buwan na daw ang lumipas na kung tutuusin ay dalawang linggo palang. At mukhang ang panganganak lang ni Peggy ang hinihintay niya  pero sobrang gusto na daw talaga niyang lumabas! Haaayyy... Ganyan talaga housemates, konting tiis lang at pasasaan din ay mabilis ring matatapos ang ilang buwang pamamalagi ninyo sa most prestigious house in the land!

Blog EntryThird Eye KunoOct 29, '07 8:59 AM
for everyone
Ayan, better stay away from risky conversations Toni at baka mabigyan ka ng violation ni Kuya nang 'di oras! Para lang may mapagkwentuhan na iba, napansin ng bagong celebrity house guest ang pananahimik ni Zara kaya hinikayat niya itong mag-open ng kahit anong topic. Sagot ni Zara baka pagsisihan daw niya kung sakali. Pero dahil mapilit si Toni, pinaniwala ng mga housemates na may third eye ang Poor Beauty Queen!

Para patunayan ito, pinaupo ni Zara sa kanyang seat si Toni at naghandang ipakita sa kanya ang isang kababalaghan. Ang hindi alam ng huli, tatakutin lang pala siya nito sa pamamagitan ng kanyang mala-Sadako look! Takot na nagulat si Toni na handa na sanang makakita ng apparition! Pagkatapos magtawanan ng lahat, tinanong  pa siya ni Mcoy kung nakita niya ang pagtirik ng mata ni Zara. Kaya naman naisip ng PBB ng host kung may diperensiya ba ang mata ni Zara, "Bakit, banlag ka din?!"

Blog EntrySlumber Party...Ang Saya Saya!Oct 29, '07 12:33 AM
for everyone

Bilang pag-welcome kay Toni Gonzaga bilang pinakabagong celebrity houseguest, Big Brother threw a slumber party for all the housemates last night!  Pinamigay ni Toni ang mga pajama sa lahat ng housemates at nagkaroon pa sila ng chocolate fountain at maraming marshmallows.  Naglaro din ang amg nominees for eviction na sina Megan, Donnie, Baron, at Zara, kung saan ang nanalo ay nakatanggap ng heartwarming reward.  At para mas masaya, nag-pillow fight ang mga housemates na nagresulta sa pagkalat ng mga feathers sa living room. Kamusta naman ang paglilinis niyan?!


Blog EntryAnd our Nominees are...Oct 28, '07 11:41 AM
for everyone
It was just yesterday when we saw Jen and Marylaine end their stay in the Big Brother House.
Today starts saga as a new set of nominees leaves their fate to the hands of their fans, family and friends. Leading the group is Megan Young (BB 2), the lone survivor of the first eviction night. She is followed by Zara Aldana (BB 11), the 2007 Mutya ng Pilipinas - Asia Pacific title holder. The last two are no other than the Geisler brothers (BB 7) - Baron and Donald.

It's hard to determine what will be the outcome of this new batch of nominees. As to who gets evicted is anyone's guess.

The voting facility is open once again. Remember that you vote for the person you want to save. For this week, these are your choices:

BB 2 - Megan
BB 7 - Baron / Donald
BB 11 - Zara

Text BB <number of housemate> to 231 for Smart and Talk N' Text subscribers, or to 2331 for Globe, TM, Sun and Bayan Wireless Landline.

You can also vote online at the official Pinoy Big Brother Voting Page.

Blog EntryZara: I Left My Heart OutsideOct 27, '07 2:13 AM
for everyone

Nag "MMK" moment na naman itong si Zara nang humagulgol ito sa bedroom! Inalalayan naman ang Poor Beauty Queen ng mga girl-friends niyang sina Jen, Gaby, Megan, at Riza.  Nami-miss na kasi ni Zara ang kanyang ex-boyfriend dahil apparently, nag-break sila dahil nga matagal na maglalagi sa bahay ni Kuya si Zara.  Sinabi niya na hindi niya magawang magka-crush man lang sa mga guy housemates dahil feeling niya, naiwan niya ang puso niya sa labas.  Advice naman ni Jen kay Zara, pasasaan ba at magkakasama din sila ng kanyang pinakamamahal.  Hay Zara, two weeks pa lang nagkakaganyan ka na, e paano pa kapag 70 days na?!


Blog EntryThat's the spirit Marylaine! Oct 26, '07 7:58 AM
for everyone

For a change, nagkaroon ng moment si Marylaine para patawanin ang mga housemates. Nag-joke ito tungkol sa pagbibigay ng wishes ni Big Brother. At ang kahalingan nila: "Gusto kong magkaroon ng malaking pakpak." Tinupad naman ito ni Kuya pero pagdating kay Will, nakakaloka ang nangyari sa kanya dahil slang ang pagkakasabi niya ng wish na ito. Bumenta naman ang joke ng Brainy Babe sa mga housemates!


Blog EntryKainggit noh! Oct 26, '07 7:33 AM
for everyone

Kahit ang mga housemates ay wala pang idea kung kailan gaganapin ang final presentation ng kanilang shadow play. Kaya for the meantime, nagrerelax at nagchi-chikahan nalang muna sila. Pansin ni Jen, ang swerte daw ni Ethel dahil lagi nalang daw itong nakakakuha ng rewards simula ng pagpasok nito kumpara sa kanya na hindi pa nagkakaroon ng prize dahil laging talunan. Kaya nga para kay Baron, malaki ang chance ng Ultimate Pasaway na makapasok sa Big Four. Kahit pa marami itong worries, mananaig daw ang pagiging palaban ni Ethel lalo na kapag malapit nang matapos ang season.   


Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help